Monday, March 17, 2008
'this one's for you'
MARAMING-MARAMING salamat sa mga naging bahagi at sumuporta sa project na ito. Habang nasa sasakyan ay marami akong inisip na gawing tema ng blog entry na ito, ngunit bandang huli ay nagdesisyon akong magpakasimple.
Ito na po ang final cover ng SINDAK! Horror-Thriller Magazine, at posibleng sa last week ng March 2008 ay nasa market na ito. Matapos ang masusing pag-aaral ng aming brand manager ay napagkasunduan na P60 ang maging cover price—na sa tingin ko ay praktikal.
Sa mga nais mag-contribute, may e-mail address na nakalagay sa first issue at doon po kayo mag-pitch ng inyong materials.
Dahil may mga graphic stories at matagal magdrowing at magkulay, for the meantime ay every other month lang muna ang frequency nito. Nationwide ang distribution.
Salamat muli sa mga komikero na hindi nagpatumpik-tumpik na mag-share ng kanilang mga talento. This one's for you, guys.
Btw, here's a sneak peak of Novo Malgapo's artworks included in this issue—one of the reasons why it is still worth trying making Pinoy comics.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
21 comments:
Alright!
Great news!!!
Ang ganda! Wow! :D
Great! Ganda ng cover. sana mas marami pahina ng comics kesa mga article!!!:D
kaabang-abang!:D
Ingkong KC:
World class talaga ang mag-amang MALGAPO, ano.
Ang ganda ng pagkakakulay. Si Novo rin ba ang nagkulay nito?
Let's hope that this project of yours becomes another big success. Makakarating ba ito dito tulad ng the Buzz?
Astig, sir KC! Sana tuloy-tuloy at magtagal, sana magsilbi itong mitsa para sa iba pang komiks-related projects! Good luck!
Sana bigyan ako ng maraming compli ni kuya. ahehe...pero bibili rin ako syempre.
Sir may mga nagpapatanong, aabot daw ba sa germany and distribution neto?
another collectors item in the making
Keep up the good work KC. Were behind you and this project of yours. Thanks.
wow! wow! all the best!
salamat po sa mga suportang moral. sana nga po ay magtuluy-tuloy. alam naman ninyo ang sitwasyon ngayon sa mga publishing, in a matter of seconds ay may nababago. at sana nga kung lumabas ito ay may iba pang magkainteres na gumawa, 'ika nga ni elbert or (tama ba ako) eh, the more the manyer. :)
budjette, salamat sa inyo ni ka-jo.
jonas, para sa isang malalim na artist na gaya mo na nagustuhan 'yung cover, salamat din.
JM, palagay ko ay makararating din d'yan ang kopya sa canada. wala akong masabi sa mag-amang malgapo, napakahuhusay.
arman and jeffrey, ang alam ko di pa tayo nagme-meet, magkita-kita tayo minsan.
rommel, salamat sa cover. ako na bahal sa compli mo pag na-print, hehe. di ko alam kung may distribution sa germany. may syota ka roon, ano?
espresso, ty!
Aabangan ko dito sa Iloilo City iyan. Sana tuloy-tuloy na....Magiisip ako ng mai-icontribute...
Auggie
Naku, Ingkong KC:
Hindi mo pa siguro na-proof-read yung cover.
May isang typo akong nakita.
SHARON LOVE GABBY
it should be:
Sharon LOVES Gabby.
Agapan mo't baka ma-print itong error.
JM-
Actually walang kasalanan si Kuya KC dyan. Yan talaga ang title niyan hehehe. Tingin ko e mababaliw ang magbabasa ng kuwento ko dyan...medyo surreal at baka nga hindi pa masyadong matanggap dito sa Pinas.
Yung whole story...iisa lang ang dialogue ng lahat ng karakter... "SHARON LOVE GABBY"...nakuha ko yang idea na yan sa mga nakasulat sa puno at sa mga pader wehehehe
Talagang tinamaan mo, muntik na akong ma-confine sa psychopathic. Whe-he.
Parang request pala ito, as in: SHARON, (Please) LOVE GABBY...
Kaya hindi ko nakuha agad, kasi walang comma after the suject (Sharon) to tell us that it is indeed a request - as in...
Sharon, mahalin mo si Gabby...
at hindi:
Si Sharon ay Mahal si Gabby...
Kung puwedeng ihabol yung comma mas mabuti. Kasi pag dating dito niyan, magngangangawa na naman ang mga Pinoy sa north America. Puro pa naman KRITIKO kuno ang mga pinoys dito.
Azrael:
Magpapagawa ako ng toy images nina Sharon at Gabby. Type mong Umorder? He-he.
At mali! Meron pa palang isang dialogue dyan:
"JANICE LOVE GABBY"
Mababaliw na akong tuluyan sa iyo, Valiente. He-he.
Hayaan mo't babasahin ko na lang at nang maunawaan ko ang misteryo ng Sharon and Janice Love Gaby.
:)
Tito JM,
krusyal sa story 'yung maling english. you'll know why pag nabasa mo na. :)
Sir KC,
Nag-meet na po tayo once, nu'ng editor ka pa ng mga ABS-CBN romance novels, kasama ko noong pumunta sa office n'yo sina Ron Mendoza, magta-try sana akong magpasa sa'yo no'n ng synopsis, hindi lang natuloy kasi pumasok na ako sa animation.
Kausapin ko po sina Arman saka iba pa naming tropa, pasyal kami sa office mo. Hihintayin ko munang lumabas 'yang SINDAK then try ko magpasa ng kahit ano na pupwede sa concept ng mag.
More power!
eyeluvit kuya!!!!
Thanks for letting me be a part of it. Can't wait to see it in the newsstands. Mwah!
:)
Lalabas na ba ito this week?
maybe on the 1st week of april, naipit kasi ng holy week.
Post a Comment