Wednesday, August 27, 2008
mang kepweng
NOONG kalakasan ng komiks, bukod kay Bert Sarile na creator ng Barok at iba pang sikat na Pinoy cartoon character, ay isa pang household name si Mang Kepweng. Ang karakter na ito ay kakaiba dahil mas sikat siya kaysa sa kanyang creator na si Al Magat.
Albularyo si Mang Kepweng. Bahagi ng ating kultura ang pagkakaroon ng kapitbahay na albularyo o kaya ay hilot kaya madali nating makilala ang mga ganitong karakter—matandang lalaki, may tali sa ulo, nakatabako. Siyempre pa, ang pinaka-joke sa nasabing cartoon strip ay kung palpak ang kanyang panggagamot—na labis na ikinatutuwa ng readers.
Naisalin sa pelikula ang Mang Kepweng na ginampanan ni Chiquito, at para sa mga kabataang kartunista ngayon, isa itong achievement ng isang kakaibang old school cartoonist na mahirap mapantayan. Sa katunayan, marami ang naghahanap kay Al Magat para mabili ang rights ng kanyang karakter.
Sino nga ba si Al Magat?
Kuwento na lang tungkol sa kartunistang ito ang inabutan ko noong 1989 nang mapasok akong editor sa Atlas Publishing. Ayon sa “nag-alaga” sa kanya na si Danny Villanueva (lettering artist at kapatid ng illustrator na si Rudamin ‘Rudy’ Villanueva) ay may sariling mundo si Al Magat—at hindi ko na kailangang ipaliwanag kung ano ang kahulugan niyon. Pero paborito si Al ng isang apo ni Don Ramon Roces kaya kahit cartoon strips lang ang ginagawa niya ay ipinagbabayad din ng mga benepisyo ng isang empleyado bukod pa sa regular na suweldo. Si Danny ang nagpapaligo kay Al, nagbibihis at nagpapakain kapag wala ang eccentric cartoonist sa mood na asikasuhin ang sarili.
Marami pang anekdota tungkol sa kanya ang ilang taga-komiks noon na nakaka-shock para sa isang fan na tulad ko na para bang ang hirap paniwalaan. Sa kabila niyon, hindi nawala ang paghanga ko kay Al. Si Mang Kepweng ay naging bahagi ng kulturang Pinoy, at kung saan man niya napulot ang ideyang ito o kung paano niya naisip gawin ay maituturing na isang stroke of genius.
Bukod sa Mang Kepweng ay gumagawa rin si Al ng ordinary strips na tungkol sa isang lalaking nasa maliit na pulo, may isang puno ng niyog, at sa ganito kaliit na “geography” ay nagagawan niya ng misadventures ang kanyang karakter.
Hindi malinaw sa akin kung bakit umalis siya sa Atlas. Ayon sa kuwento, na-insecure kay Al ang isang matabang mamang panot dahil mas paborito pa ito Roces scion kaysa sa nasabing matanda. Ang nagagawa nga naman ng insekuridad.
Nakita ko siya isang beses noong 1990. Bigla na lang siyang sumulpot sa Atlas, diretso sa mesa ni Danny, kumamay lang pero umalis din agad. Para siyang napapaso sa editorial lalo pa at puro estranghero na sa kanya ang mga tao roon. Ayaw rin siguro niyang makita ang matanda na naging dahilan ng pagkatanggal ng comics strips niya sa mga pahina ng komiks.
May isang batang kartunista na kumopya sa style ni Al noon, si Randy Montecillo. Art wise, masasabing mas maganda ang trabaho ni Randy at bukod sa cartoons ay nakagagawa siya ng cute na serious illustrations na bagay sa mga teenage romance stories. Later on ay naging editorial cartoonist si Randy sa isang broadsheet pero hindi siya nakagawa ng impact sa local cartooning scene o nakalikha ng cult character kagaya ng Mang Kepweng ni Al. Nothing beats the original.
Nasaan na kaya si Al Magat ngayon? Kung susundan ang psyche ng kanyang cartoon strips, puwedeng nasa isang maliit na pulo siya ngayon at naghihintay na may dumating na malaking barko na hindi disgrasya ang dala sa kanya. Ang nakaka-miss ay ang pagiging inactive sa panggagamot ni Mang Kepweng—kailangan pa naman ng maysakit na lipunang Pinoy ang kanyang sense of humor.
(Images courtesy of Steve Gan and Erwin Cruz)
'kriminal komiks' sa 2008 komikon
OFFICIALLY ay may entry ako sa darating na UP Komikon 2008—ang 'Krminal Komiks'. Koleksyon ito ng aking mga bagong kuwento at ang mga pangalan ng mga gagamitin kong karakter ay sa mga kaibigan kong komikero. Sa partikular na kuwentong ito, ang komikerong si Ever Samson ng Nueva Ecija ang ginawa kong bida. Huwag kayong mag-alala, ipadadala ko muna sa inyo ang script kung plano kong gamitin ang inyong pangalan for approval.
Si Novo Malgapo, ang uber-talented na anak ni Mang Nestor Malgapo ang gagawa ng lahat ng artworks. Salamat, Novo!
Tuesday, August 19, 2008
'joey celerio's favorite minor character'
BATA pa ako ay nakikita ko na sa komiks ang karakter ni Mr. Flo (Baggie Florencio) sa mga illustrations ni Joey Celerio. Hindi ko akalain na darating pala ang panahon na makakatrabaho ko pa siya... at magiging kaibigan. Noong editor pa ako sa komiks, I used to write his scripts sa daily tabloids at hindi ko na sinisingil sa kanya. Huli kaming nagkita, after almost 10 years, sa Kongreso ng Komiks. Ganoon pa rin ang fondness niya sa akin; gustung-gusto niya na pinipisil ang pisngi ng mga kaibigan.
Nagbalik na sa sinapupunan ng Maykapal si Mr. Flo, pero sa mga readers na sumubaybay noon sa komiks at sa mga naging bahagi ng old Philippine komiks industry, hindi minor character lang ang taong ito na maraming nagmahal, isa na ako.
Salamat kina Erwin Cruz at Steve Gan sa pahina/larawan sa itaas.
'gerald cura's art'
ISA ang batang ito sa unang nagpadala sa akin ng kanyang sample artworks nang mag-announce ako na magkakaroon ng gallery para sa Sindak! Hindi ko lang agad siya nabigyan ng assignment dahil hindi ako sure kung magtutuluy-tuloy ang magasin. Nagtatrabaho si Gerald sa may bandang Muños, Quezon City bilang designer ng 3D model ng mga rack modules, kiosks, booth designs, fixtures, etc... mga lalagyan ng mga products sa supermarkets & malls.
Keep on practicing, Gerald. Malayo rin ang mararating mo, at sana mag-attend ka ng Komikon sa UP sa November 22.
Keep on practicing, Gerald. Malayo rin ang mararating mo, at sana mag-attend ka ng Komikon sa UP sa November 22.
Wednesday, August 13, 2008
'bagyo ang talent ng taga-baguio city!'
Ang maganda kapag may inisyatiba kagaya ng Komikon 2008 at ng kontes na ini-announce ko kamakailan lang ay may mga lumulutang na talent na naghihintay lang ng tamang venue. Matapos mabasa ang nakaraan kong blog entry ay agad nag-e-mail sa akin si Ron Ruiz ng Baguio City para sa mga detalye at kung pwede raw siyang sumali. Nang malaman niya na open lang para sa mga officially ay kalahok sa Komikon 2008 ang munting kasayahan, pero may pinaplano ako next year para sa mas malaking comicsa contest, paghahandaan na lang daw niya ang para sa susunod na taon.
Napakalaki ng potential ni Ron. At malaking factor talaga ang Komikon para magkaroon ng venue ang mga ganito ka-talented na Pinoy artist.
Hiniling ko sa kanya na i-feature ko muna ang ipinadala niyang sample comics sa akin entitled “IRKED” at pumayag naman siya. Heto ang kanyang e-mail sa akin:
Hello.
My name is Ron Ruiz from Baguio City. I came across Mr. Gerry Alanguilan's blog on his Multiply site about your enthusiasm for local indie comics and your generous support for local comics talent.
I visited your site via the link that Mr. Alanguilan posted on his site and I thought I'd give it a shot.
Problem is, since I live and work in Baguio with my wife and 6-month old daughter, I won't be able to attend the comics’ convention. So, I decided to email my 6-page comics for your consideration.
A short background on the attached comics - It was all hand-drawn and hand-lettered. I wrote the story and script (which really isn't saying much since there is little or no plot). It was done in 1999. I have always been a comic book fan and dabbled in comic book writing and illustrating ever since I was a kid. In 2001, strapped for cash, I hawked it to Pulp Magazine. It was published in December of the same year. I have had two more short comics published in Pulp in early 2002.
Originally, it was a 12-page comics. I had to compress it in half as the editors at Pulp said they could only accommodate 6 pages. Hence, my comics seem cramped and confined which, in my opinion, hampers the storytelling. The page constraints also compelled me to use formal and conservative paneling.
Lastly, kindly excuse the following "typos" and flaws:
1. (1st page, 2nd panel) - ..."I used to rid this city of IT'S scum..."
2. (2nd page, 1st panel) - ..."This is for OLD TIME'S sake!"
3. (Last page, 3rd panel) - ..."Every vein, every muscle in my body TRUMMIN' in anticipation!" I invented the word because it sounds like one.
4. Inconsistencies in Irk's narration - I had wanted Irk to talk like Bogart and The Thing, using 'EM instead of THEM, omitting the last Gs in words like TRUMMING and FREAKING, etc. But on certain panels, Irk's narration is inconsistent with my intention. For example, on the 2nd panel of page 3, Irk states: "I hope Sal ain't too shirty to do some serious stitchinG."
5. There are probably a lot more flaws and oversights that I may have over overlooked. Suffice to say, I am now more cautious with my writing. Man, I seriously need an editor.
I think I have wasted your time enough.
I planned to edit these errors before sending it to you but I decide against it at the last minute. I would really appreciate it if you find the time to check it out and perhaps, if you're not too busy give your critique and how I can improve my craft.
***
AT heto naman ang malulupit niyang pages ng “IRKED” na lalong ikai-insecure ng mga insecure na ayaw magpakilala:

Wednesday, August 6, 2008
'best pinoy indie comics for me'
HINDI ako sure kung makakasali ako sa mga darating na Komikon 2008 dahil may tinatapos akong book version ng isang TV show at aabutin iyon ng hanggang December. Pero sana, with a little help from my friends. Ang sigurado ay pupunta ako sa nasabing events at bibili ng LAHAT ng indie comics.
Trip lang.
Pipili ako ng ISA sa mga indie comics na bibilhin at babasahin ko. Kung aling indie comics ang makapagbibigay sa akin ng kakaibang reading pleasure will receive some goodies, courtesy of yours truly.
For a start, ang siguradong giveaway na ibibigay ko sa mapipili kong indie creator na magpapabilib sa akin ay isang 1-gig SAMSUNG yepp mp3. Napakaganda ng mp3 player na ito, with AM-FM, shown in the above photo, complete set with box (unit, CD installer, headset, USB, manual). Hindi pa ito nagagamit.
Ibabato ko na rin ang ilan sa manga art books na nasa akin, ilang hardbound comics (What, I’m giving away Frank Miller’s ‘300’?), some art supplies, and ABS-CBN goodies.
I’ll add some CASH. I’m thinking of soliciting from some of my well-off comrades like Alex Areta, Wordsmith77, and well… Cool Mom among others.
Big names in the indie comics industry are not included in this konting kasayahan, gayundin ang mga kaibigan ko na sasali sa Komikon this year.
Ilalagay ko rito sa aking blog kung sino ang aking napili. Kung taga-malayo, I’ll send the goodies and cash thru LBC. Kung taga-Metro Manila, I’ll see him/her at ABS-CBN, and will feature him/her in The Buzz Magasin.
Sana maka-inspire ito sa mga indie comics creator.
***
By the way, bili kayo ng The Buzz Magasin September 2008 issue na lalabas ngayong mid-August. Anniversary ng "Timawa" at ng prose novel na "Meant For Each Other". Timawa is created by the real talented Gerry Alanguilan of San Pablo, Philippines, while Gener 'Ner' Pedrina of ABS-CBN Interactive do the spot drawings for MFEO.
Subscribe to:
Posts (Atom)