Wednesday, August 6, 2008
'best pinoy indie comics for me'
HINDI ako sure kung makakasali ako sa mga darating na Komikon 2008 dahil may tinatapos akong book version ng isang TV show at aabutin iyon ng hanggang December. Pero sana, with a little help from my friends. Ang sigurado ay pupunta ako sa nasabing events at bibili ng LAHAT ng indie comics.
Trip lang.
Pipili ako ng ISA sa mga indie comics na bibilhin at babasahin ko. Kung aling indie comics ang makapagbibigay sa akin ng kakaibang reading pleasure will receive some goodies, courtesy of yours truly.
For a start, ang siguradong giveaway na ibibigay ko sa mapipili kong indie creator na magpapabilib sa akin ay isang 1-gig SAMSUNG yepp mp3. Napakaganda ng mp3 player na ito, with AM-FM, shown in the above photo, complete set with box (unit, CD installer, headset, USB, manual). Hindi pa ito nagagamit.
Ibabato ko na rin ang ilan sa manga art books na nasa akin, ilang hardbound comics (What, I’m giving away Frank Miller’s ‘300’?), some art supplies, and ABS-CBN goodies.
I’ll add some CASH. I’m thinking of soliciting from some of my well-off comrades like Alex Areta, Wordsmith77, and well… Cool Mom among others.
Big names in the indie comics industry are not included in this konting kasayahan, gayundin ang mga kaibigan ko na sasali sa Komikon this year.
Ilalagay ko rito sa aking blog kung sino ang aking napili. Kung taga-malayo, I’ll send the goodies and cash thru LBC. Kung taga-Metro Manila, I’ll see him/her at ABS-CBN, and will feature him/her in The Buzz Magasin.
Sana maka-inspire ito sa mga indie comics creator.
***
By the way, bili kayo ng The Buzz Magasin September 2008 issue na lalabas ngayong mid-August. Anniversary ng "Timawa" at ng prose novel na "Meant For Each Other". Timawa is created by the real talented Gerry Alanguilan of San Pablo, Philippines, while Gener 'Ner' Pedrina of ABS-CBN Interactive do the spot drawings for MFEO.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
39 comments:
KC, para mo na ring sinabing kay Gerry Alanguilan mo na ibibigay lahat ang mga iyan. Di ba siya naman ang favorite artist mo?
Kung magkaroon kaya kayo ng 5 writers dito na mahuhusay at kayong anim ang pipili di ba mas maganda sana ito? Huwag mo na lang isama itong si Cool mom dahil palaban at masamang tao ito.
anonymous,
i said: "Big names in the indie comics industry are not included in this konting kasayahan, gayundin ang mga kaibigan ko na sasali sa Komikon this year."
wow! kung ganon puede pa pala ako? he he he
ner,
di kasali ang malaki ang suweldo at may archos 605 :)
Wow, Nakaka enganyo nga po ito.
Sana mapili nyo po ang indie comics ko. :D
gio,
teka... big name ka na, ah! :)
Hindi pa naman po.
I am still struggling pa rin.
And to be featured in the Buzz magazine would help me a lot. :-)
Musta Boss KC,
Paano kung nakasama sa komikon last year at nakihati lang ng tabe sa isang big name artist..hnd na sya qualified? huhuhuhu....
Pwde ako makasali?
Sayang ang freebeessss!
@kc
ner,
di kasali ang malaki ang suweldo at may archos 605 :)
sana nga lumaki sahod ko he he he, archos 500 meron!:-)
KC! Ayos itong contest mo na ito. Plug ko sa blog ko shortly. :D
myke, gerry,
salamat sa pag-a-announce sa blog n'yo!
Pwede ba dyang makasali? XD
Great idea! Good luck! :)
Saludo ako sa ginagawa mong motivation sa mga Indie creators KC. Para tuloy gusto ko ng sumali at gumawa na rin ng sarili kong Indie comics. Baka naman disqualified na rin ako diyan he-he!
arman,
punta ka sa komikon, masaya. nakakabata ang mga bata :)
Hindi mukhang tao yung lalaking pinatungang ng babae. Parang manika. Saka yung braso sa kanan,pansinin nyo at baligtad ang paglagpas ng line. Meron pa, nawawala yung isang paa ng girl,kung susundin ang pesrpective dapat sanay visible ito.Putol ba ito?
Honestly,hindi pa ganito ang talagang drawing.Siguro totoy pa ang artist.Practice lang yan brother.
Ngek,baka sermonan ako nitong gumawa, sorry po tao lang.
-Adrian
Hi Kc,
Count me as one of your sponsors. I will give you my contribution (maybe comic books) before the Komikon day.
Dennis
sir,
kailangan bang may slot/table sa indie tiangge or pwedeng iabot nalang sa inyo yung comic? (in case na di kami makakuha ng slot/table) thanks.
~jay
dennis,
maraming salamat, sir! :)
jay,
'yung mga official participants lang sa komikon.
Very worthwhile project ito, KC. Congrats. Keep it up.
kuya kc pwede ba ako magtinda ng tinapa sa komikon? komiks naman ang ipinangbalot ko dito:D
"well-off comrades like..."
ha ha ha ha ha!
hahehihohu!
ano ga namang well-off comrades na sinasabi mo, alam mo namang nangungumpay nga laang.
pero sige... alang-alang sa industriyang kapwa natin mahal.
"well-off comrades like..."
Mahinhing smile, di tulad ng matunog at masiglang tawa ni Alex, ang aking sagot.
Pero this is a worthwhile undertaking, itong naisipan mo. Bukod sa magandang incentive sa mga indies na magpa-participate sa Komikon, pampadagdag-saya at katuwaan sa lahat (puwera mga uncool [grin]).
When nga ba ang Komikon...?
RE: "pwede ba ako magtinda ng tinapa sa komikon? komiks naman ang ipinangbalot ko dito:D "
Kilala ko ang anonymous na ito. MALAKI na talaga ang SAYAD nito. Pogi, tigilan mo na ang kaaadik at tanggapin mo ng wala kang talent na gaya ng iba, lumuwag na tuloy ang turnilyo mo sa ulo. Frustration lang iyan sa komiks gaya ng mga post mong comment sa blog ni Randy Valiente, at saka inggit sa mahuhusay. Magpatingin ka na sa psychiatrist bago tuluyang lumala ang SIRA NG ULO mo.
From:
Tunay na Pinoy
oonga,masyado magulo mga pinoy. trabaho lang ng trabaho di ba tunay na pinoy?
nagaak-saya lang ng oras.magcreate na lang tayo ng komiks habang malayo pa ang komikon kahit 2 pages a week lang hanggang sa maka buo.8 pages a month na yan:D
iwasan na magco comment ng masasakit at encourage na lang sila na gumawa.di ba mga brother?
we've announced your contest in the KOMIKON DA and eventually in the site. It's linked here too. Thank you so much for the support. ^_^
syeri,
salamat. i hope to upgrade the prizes para mas bongga :)
bakit ga naman kayo e puro nagkakanlong sa likod ng 'anonymous' na 'yan? ikinakahiya ga ninyo ang inyong sinasabi?
gumamit na lang tayo ng sariling pangalan para alam kung sino ang ano.
peace po lahat.
ang hangad ko laang ay pagkakasundo.
kakaasar naman talaga ang mga anonymous na yan.
kc pwede mo naman huwag approved ang mga anonymous posters na iyan para hindi na ito mabasa dahil pangpasira lang sila dito.
Hi po! Sana po bili din kayo ng indie namin sa Point Zero booth (wala po kami sa indie tiangge)! XD
Medyo marami po yung bibilhin niyo, dati po bumili kami ng around 40 titles, at inabot ako ng 3 days para matapos lahat (usually several titles pero group).
May the best indie win!
"pwede mo naman huwag approved ang mga anonymous posters na iyan para hindi na ito mabasa dahil pangpasira lang sila dito."
eh, anonymous ka rin naman, hehe :)
indie hunter,
sure, will buy your stuff.
"pwede mo naman huwag approved ang mga anonymous posters na iyan para hindi na ito mabasa dahil pangpasira lang sila dito."
eh, anonymous ka rin naman, hehe :)
HAHAHAHA....natawa ako a :D
ako malamang ang manalo nito!ha ha ha !kumpare ko yan e!ha ha ha !mabuhay ka dre!!!!
Wow, mabuhay ka Ka KC !
Pupuwede ba akong sumali rito sa Indie Comics Spotting mo ? Nasa kabundukan ako ngayon. Paano ba mapabilang sa official participant ? Tanong ng isang inosenteng dating manunulat. Pupuwede ba akong sumali pati sa Comic Book Creation Contest? New yong artist. Pa new rin naman ako as writer.
rosahlee (bautista)?
ikaw ba 'yan?
sure, why not?
ano namang ginagawa mo d'yan sa kabundukan... baka kabundukan ng pera 'yan isama mo kami :)
Ako nga ito. Ang taong mukhang cartoons. Garfield in the flesh. Seryoso ako....may nakilala akong amateur artist mula sa malayong baryo ng aming bayan (Pozorrubio,Pangasinan). May nakapagkuwento lang sa akin na may mahilig raw magdrowing sa lugar na 'yon. As in, kailangang dayuhin talaga ang kanilang lugar. Malayo sa dinadaanan ng sasakyan. kailangang lakarin, papasok kasi. Nainspired akong magsulat at ipadrowing sa kanya. Pangarap ng kanyang ama noong araw na maging dibuhista. Ngayon...nahilig rin sa pagdodrowing ang anak. Hindi nito alam kung paano matutupad ang pangarap nito na maging artist. Salat kasi sa buhay. So, naisip ko, join kami sa Comic Book Creation dito sa Komikon. Para ma-expose siya. Exposure para sa kanya. Indie Comics para sa akin.
Rosahlee,
OK 'yan. Sige magkita-kita tayo sa komikon.
magkano po ba ang reg sa komikon?
kung sakali, pwede bang sa venue na rin magpalipas ng gabi?
medyo wala akong matulugan dyan, kung sakali man na magdesisyon ako sumali wehehe
-ding
iloilo
ay, one day nga lang pala to noh? wehehehe. tungeks. sowee. :)
Post a Comment