Wednesday, August 27, 2008
mang kepweng
NOONG kalakasan ng komiks, bukod kay Bert Sarile na creator ng Barok at iba pang sikat na Pinoy cartoon character, ay isa pang household name si Mang Kepweng. Ang karakter na ito ay kakaiba dahil mas sikat siya kaysa sa kanyang creator na si Al Magat.
Albularyo si Mang Kepweng. Bahagi ng ating kultura ang pagkakaroon ng kapitbahay na albularyo o kaya ay hilot kaya madali nating makilala ang mga ganitong karakter—matandang lalaki, may tali sa ulo, nakatabako. Siyempre pa, ang pinaka-joke sa nasabing cartoon strip ay kung palpak ang kanyang panggagamot—na labis na ikinatutuwa ng readers.
Naisalin sa pelikula ang Mang Kepweng na ginampanan ni Chiquito, at para sa mga kabataang kartunista ngayon, isa itong achievement ng isang kakaibang old school cartoonist na mahirap mapantayan. Sa katunayan, marami ang naghahanap kay Al Magat para mabili ang rights ng kanyang karakter.
Sino nga ba si Al Magat?
Kuwento na lang tungkol sa kartunistang ito ang inabutan ko noong 1989 nang mapasok akong editor sa Atlas Publishing. Ayon sa “nag-alaga” sa kanya na si Danny Villanueva (lettering artist at kapatid ng illustrator na si Rudamin ‘Rudy’ Villanueva) ay may sariling mundo si Al Magat—at hindi ko na kailangang ipaliwanag kung ano ang kahulugan niyon. Pero paborito si Al ng isang apo ni Don Ramon Roces kaya kahit cartoon strips lang ang ginagawa niya ay ipinagbabayad din ng mga benepisyo ng isang empleyado bukod pa sa regular na suweldo. Si Danny ang nagpapaligo kay Al, nagbibihis at nagpapakain kapag wala ang eccentric cartoonist sa mood na asikasuhin ang sarili.
Marami pang anekdota tungkol sa kanya ang ilang taga-komiks noon na nakaka-shock para sa isang fan na tulad ko na para bang ang hirap paniwalaan. Sa kabila niyon, hindi nawala ang paghanga ko kay Al. Si Mang Kepweng ay naging bahagi ng kulturang Pinoy, at kung saan man niya napulot ang ideyang ito o kung paano niya naisip gawin ay maituturing na isang stroke of genius.
Bukod sa Mang Kepweng ay gumagawa rin si Al ng ordinary strips na tungkol sa isang lalaking nasa maliit na pulo, may isang puno ng niyog, at sa ganito kaliit na “geography” ay nagagawan niya ng misadventures ang kanyang karakter.
Hindi malinaw sa akin kung bakit umalis siya sa Atlas. Ayon sa kuwento, na-insecure kay Al ang isang matabang mamang panot dahil mas paborito pa ito Roces scion kaysa sa nasabing matanda. Ang nagagawa nga naman ng insekuridad.
Nakita ko siya isang beses noong 1990. Bigla na lang siyang sumulpot sa Atlas, diretso sa mesa ni Danny, kumamay lang pero umalis din agad. Para siyang napapaso sa editorial lalo pa at puro estranghero na sa kanya ang mga tao roon. Ayaw rin siguro niyang makita ang matanda na naging dahilan ng pagkatanggal ng comics strips niya sa mga pahina ng komiks.
May isang batang kartunista na kumopya sa style ni Al noon, si Randy Montecillo. Art wise, masasabing mas maganda ang trabaho ni Randy at bukod sa cartoons ay nakagagawa siya ng cute na serious illustrations na bagay sa mga teenage romance stories. Later on ay naging editorial cartoonist si Randy sa isang broadsheet pero hindi siya nakagawa ng impact sa local cartooning scene o nakalikha ng cult character kagaya ng Mang Kepweng ni Al. Nothing beats the original.
Nasaan na kaya si Al Magat ngayon? Kung susundan ang psyche ng kanyang cartoon strips, puwedeng nasa isang maliit na pulo siya ngayon at naghihintay na may dumating na malaking barko na hindi disgrasya ang dala sa kanya. Ang nakaka-miss ay ang pagiging inactive sa panggagamot ni Mang Kepweng—kailangan pa naman ng maysakit na lipunang Pinoy ang kanyang sense of humor.
(Images courtesy of Steve Gan and Erwin Cruz)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
Bukod kay Bert Sarile, itong si Al Magat ang isa sa pinaka paborito kong cartoonist. Sa panahon ng aking pagsusulat ay ni hindi ko pa siya na-meet. Thanks sa maikli at konting anekdota na nai-share mo tungkol sa kanya KC. I missed Al Magat's cartoons too at sana maisa-libro din ang kanyang mga likhang cartoons na gaya ng mga cartoons character ni Bert Sarile na available sa mga bookstore ngayon.
(palinga-linga ang isang mama, nagtataka, tila may hinahanap; naninibago siya)
(self) Malungkot... walang nag-aaway!
Ingkong KC:
Ito bang si Al ay yung ALASKADOR na cartoonist? Parang may nagugunita akong Al ang pangalan noon at kartunista.
Itanong mo kaya sa Kaparid ni Rudy Villanueva kung nasaan si Magat. Siguradong alam nito kung ano na ba ang nangyari sa taong iyon.
May nasagap akong balita noon na nabaliw daw itong si almagat at nagsuicide pa raw.
TCC,
hindi ako sure kung siya 'yung alaskador. taga-las pinas si al magat, 'yung kapatid ni rudamin ay taga-marikina kaya medyo malayo ang distansya. saka nakita ito ng isang editor sa atlas, nang tawagin ay tumakbo. ayaw na siguro talagang magpakita.
isa rin si al magat sa pinaka-paborito kong cartoonist. magaling ang drowing niya at sense of humor.
Boss KC,
Thank you sa pag-daan sa blog ko. Favorite ko itong character na ito at gustong gusto ko ang penikula ito (wla nga lang ako makuhang dvd copy nito). Sayang nman at ganon lang ang nangyari kay AlMagat. Sana bumalik na muli sya sa pag guguhit. Regarding sa pen na gamit ko Sir, Hindi nmn...kaso out of range sa budget ko ngayon ang mga nabangit mong tech pens. Noon gumagamit ako, kaso napagod ako sa kakalinis hehehe!
Pro After ko bumili ng scanner, yan tlga susunod ko. Maybe Christmas time na.
Boss KC, paki kamusta na din kay Erwin Cruz. Paramdam nmn sya kamo.
Thanks
Gustung-gusto ko itong drowing ni Al Magat, Pareng Kc. Puwede bang makahingi ng mga kopya nito?
Gustung-gusto ko ang istilo ng drowing ni Al Magat, Pareng Kc. Puwede bang makahingi ng kopya ng mga ito.
part na ng pinoy culture si mang kepweng (brand name na siya ng mga albularyo at manghihilot or "healer", hehe) kaya in my book, made na made si al magat!
mr kc cordero, request ko naman na i-feature nyo si rudamin villanueva. i don' think he has been appreciated enough for his artwork. super gee! roma amor! gemma, ang babaeng kidlat! these were just some of his work. i cited them becoz they have been turned into movies, obviously because rvvillanueva's exciting artwork captured the imagination of movie folks and the public at large. please? salamat, 'igan.
Post a Comment