Tuesday, August 19, 2008
'joey celerio's favorite minor character'
BATA pa ako ay nakikita ko na sa komiks ang karakter ni Mr. Flo (Baggie Florencio) sa mga illustrations ni Joey Celerio. Hindi ko akalain na darating pala ang panahon na makakatrabaho ko pa siya... at magiging kaibigan. Noong editor pa ako sa komiks, I used to write his scripts sa daily tabloids at hindi ko na sinisingil sa kanya. Huli kaming nagkita, after almost 10 years, sa Kongreso ng Komiks. Ganoon pa rin ang fondness niya sa akin; gustung-gusto niya na pinipisil ang pisngi ng mga kaibigan.
Nagbalik na sa sinapupunan ng Maykapal si Mr. Flo, pero sa mga readers na sumubaybay noon sa komiks at sa mga naging bahagi ng old Philippine komiks industry, hindi minor character lang ang taong ito na maraming nagmahal, isa na ako.
Salamat kina Erwin Cruz at Steve Gan sa pahina/larawan sa itaas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
sobrang nakktakot po ito. siguro po pati mga daga hihimatayin hi hi hi.
Yup pamilyar yan dahil lagi sya sa drawing ni mang joey.
Dibat kapatid ni mang hal santiago si mang baggie? ay, tama ba ako o mali lang ang pakakaintindi ko? :)
rommel,
yup, kuya siya ni mang hal.
Sa mga may apelyidong Santiago, halos kay Mang Hal sila kumukuha ng impluwensiya o estilo pero si Baggie Florencio ang Santiago na tila sa mga Celerio gumaya ng kanyang style. Naitanong mo ba ito kay Mang Baggie KC? Curious lang kasi ako.
arman,
hindi ko naitanong kay mang flo kung bakit pero obvious ang closeness nila ng mga celerio. lalo na kay joey. noong 2006 na may ipinagawa ako kay louie dumalaw pa sa opisina si mang flo just to see him.
huwag mong itatanong kay mang hal kung may iba pang santiago na nagdodrowing magugulat ka sa sagot, hehe. pero narinig ko lang naman sa huntahan ng mga beterano. si mang hal nakita ko lang sa kongreso ng komiks, kung kailan sarado na ang mga publishings.
kanina lang napagkwentuhan namin ang karakter ni Mr. Flo. Salamat sa pag-alala sa kanya.acentati
Post a Comment