Thursday, October 9, 2008
'tubos sa hinanakit'
BIHIRA akong magkimkim ng hinanakit. Lumaki akong api-apihan bilang anak-mahirap ngunit dahil mulat ako sa pangaral na hindi dapat magkaroon ng hinanakit sa kapwa o sa kalagayan sa buhay ay naging passive ako kahit sa mga taong umaagrabyado sa akin.
May mga pagkakataon nga lang na siguro ay tao lang ako at hindi maiwasan ang pagkakaroon ng hinanakit—isa na ang kuwentong ito.
Nang mamatay ay aking ama, unang pagkakataon na may nabawas sa aming pamilya, ay nawalan ako ng motibasyon at sabi ko sa sarili ko ay palilipasin ko ang isang taon hanggang makapagbabang luksa sa kanya bago ko muling ayusin ang aking buhay. Malungkot ako noon at walang araw na hindi ko naiisip ang mga panahon na kasama ko ang aking ama.
Sinisi ko rin ang sarili ko na bakit sa Maynila pa ako nagtrabaho. Kung nasa Batangas ako, siguro ay nasubaybayan ko ang kanyang kalusugan. Hindi rin siguro siya tumigil sa mga gawaing bukid dahil may makakatulong pa. Kadalasan ay isinisisi ang panghihina ng mga matatanda sa bukid sa kanilang biglaang paghinto sa mga gawain, paupu-upo na lang sa bahay at nanonood ng TV.
Lagi rin akong dumadalaw sa sementeryo noon—halos linggu-linggo kasama ang aking ina na labis ding nalungkot sa pagpanaw niya. Laman ako ng simbahan sa Batangas para ipagdasal ang kanyang kaluluwa.
Isang araw matapos kong magsimba ay naisipan kong tumambay muna sa parke na katabi lang ng simbahan sa Batangas. May isang grupo ng mga matatanda sa di- kalayuan at may mga nagpapakain sa kanila. Isang pamilyar na pigura ang nakita ko.
Ang panganay kong kapatid.
Kumunot ang aking noo sa eksena. Pinakakain niya ang mga matatandang naroroon. Ang panganay kong kapatid ay maayos ang buhay, pensyunada at asawa ng isang dating major sa Philippine Air Force. Tumayo ako at bahagyang lumapit sa puwesto nila. Noong panahong iyon ay nasa edad 60 na siguro siya.
Naramdaman siguro niyang may nakatingin sa kanya kaya saglit lang at napasulyap siya sa may gawi ko. Nakita ko ang saya sa kanyang mukha pagkakita sa akin at pagkislap ng mga mata, at agad lumapit.
Itinanong niya kung anong ginagawa ko roon. Hindi ako sumagot. Punung-puno siya ng sigla. Itinuro ang mga matatanda. Pinakakain daw niya. Bahagi ng kanyang obligasyon sa organisasyon ng mga senior citizen na kinabibilangan niya. Nalilibang daw siya tutal ay wala na naman siyang ginagawa.
Diretso ang kuwento niya at halatang masaya nga siya sa.
Samantalang ako ay punung-puno ng hinanakit sa kanya.
Sa mga panahon na nakaratay ang aming ama ay ni hindi ko siya nakitang dumalaw—at nagpahigop man lang sa matandang maysakit ng mainit na sabaw. Nasaan siya noon? Tapos ay heto siya ngayon at nagpapakain ng isang ni hindi niya kilala…
Hindi ko nasabi sa kanya ang bagay na iyon at kinimkim ko na lang sa aking dibdib.
Maging sa mga kapatid kong lalaki ay malaki ang aking hinanakit. Hindi nila inasikaso ang pag-aaral at kung anu-anong ginawa sa buhay. Nang wala na ako sa Batangas ay nagbalik sila roon at humingi ng bahagi ng kanilang lupa—na parang ang aral sa Bibliya ukol sa alibughang anak. At mabait ang aking ama, ipinagpaalam lang niya sa akin at sitwasyon, at ako naman ang anak na ang sinabi ng magulang ay laging iginagalang.
Estranghero ako sa aking mga kapatid at marahil ay ganoon din sila sa akin. Nang ipanganak ako ay malalaki na sila, ang iba ay may mga pamilya na. Wala akong rekoleksyon na nakasama ko sila noong bata pa ako. Sa mga pagkakataon nagkakasama-sama kami pag pista o may ikinasala na kaanak, namatay o anumang okasyon, masasaya silang nagkukuwentuhan at ako nasa isang tabi lang. Kapag umuuwi ako sa aming ancestral house at nadaratnan ko sila roon, saglit lang at isa-isa na silang mag-aalisan at maiiwan akong mag-isa na walang kahuntahan.
Gayunpaman ay mahal sila ng aking ama’t ina. Noong bata pa ako, sa hapag-kainan ay nagkukuwento sila ng mga anekdota tungkol sa aking mga kapatid. Hanggang sa huling sandali ng buhay ng aking ama’t ina ay ang mga kapatid ko pa rin ang kanilang inaalala—na huwag ko raw pababayaan.
Matagal na kaming walang komunikasyong pero kamakailan ay nagkita-kita muli kaming magkakapatid sa libing ng bunsong kapatid ng aking ama—na malapit na sanang mag-100 taon. Matatanda na rin ang aking mga kapatid, at sa tingin ko ay maliliit na sila. Ang panganay pala namin ay halos 80 anyos na (lahi kami ng mahahaba ang buhay). Naroroon pa rin ang pagkaestranghero namin sa isa’t isa; nagtanguan lang kami at nagngitian.
Nang maghihiwa-hiwalay na kami ay isa-isang yumakap sa akin ang mga kapatid kong babae. Naroon ang pagkasabik. Pinilit kong huwag mapaiyak ngunit aaminin kong sa unang pagkakataon ay naramdaman kong mahal pala nila ako. Ang mga pisil nila sa aking kamay ay sapat para mawala ang mga hinanakit na kinimkim ko para sa kanila.
Nagpasama naman ako sa mga kapatid kong lalaki dahil gusto kong silipin ang lumang palengke na madalas kong tambayan noon. Tatlo ang kapatid kong lalaki. Nang nasa palengke na kami ay itinuro sa akin ng pinakamatanda kong kuya ang laruang kotse—noong first birthday ko raw ay ganoon iniregalo niya sa akin. Nang mapadaan naman kami sa isang bakery, sabi ng isa kong kuya, noong bata pa ako ay madalas niya akong subuan ng tinapay dahil hindi raw ako kumakain ng kanin. Ibinili naman ako ng isang kuya ko ng inihaw na saging dahil alam daw niyang paborito ko iyon.
Nagulat ako na may rekoleksyon naman pala sila tungkol sa akin.
Nang ihatid nila ako sa sakayan ng bus at isa-isa silang nagsabi ng, “Mag-iingat ka, Utoy…” (Utoy ang tawag nila sa akin) ay hindi na nagpapigil ang luha sa aking mga mata at kusa na iyong nag-umalpas. Nasa tinig kasi nila ang lantay na pag-aalala para sa kanilang kapatid.
At sapat iyon para matubos ang kung anumang hinanakit mayroon akong nakatago para sa kanila.
Mananatili siguro kaming estranghero sa isa’t isa ngunit hindi mababago ang katotohanang iisang dugo ang nananalaytay sa aming mga ugat—at taglay niyon ang nakatagong pagmamahalan na hindi namin naipadama sa isa’t isa dahil sa age gap at maagang paghihiwa-hiwalay.
(Note: flickr photo by justphotography)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
wow.napaluha ako ng kaunti sa kwento nyu Sir, kasi promdi rin ako na narito ngayun sa maynila.
Walang halong biro: napaluha ako sa pagtunghay dito sa last post mo. Tumagos sa puso ko hindi dahil may kimkim din akong hinanakit sa aking mga kapatid kundi dahil nalalapit ang reunion naming magkakapatid, nitong December.
Walo kaming lahat, ako ang panganay, Ate ng lahat na maagang nagkapamilya, tumutok sa trabaho, at hindi nagkapanahon sa sisterly / brotherly bonding.
1994 ang huli naming reunion na magkakapatid na sama-sama ang lahat. Mula noon hanggang ngayon, hindi pa uli kami nagkakasamang lahat. Laging may kulang, alam mo na, permanente nang nakatira sa ibang bansa ang iba.
With my deep faith and spirituality (not religiosity), I have purged the word regret from my vocabulary. Lahat ng ating karanasan -- mabuti at di mabuti, malungkot at masaya -- ay hindi dapat pagsisihan o panghinayangan. Kahit mga sitwasyon na tulad nang inilahad mo. Those are the things that have shaped our character and have made us stronger.
Pero pagkabasa ko sa post mo, parang ibig kong angkining muli ang salitang 'regret' kahit sandali lang. If I could turn back time, siguro, papanahunan kong makipag-bonding sa mga kapatid ko noong mga bata pa kami.
Ang lamang ko lang siguro sa iyo ay hindi kami totally strangers sa isa't isa ng aking mga kapatid.
Pero para sa akin, blessing na maituturing iyong dumating ang tsansa na mapawi ang kimkim mong hinanakit sa mga kapatid mo.
May kinalaman kaya ang ating kultura na hindi gaanong mapagdispley ng affection?
Ingkong KC:
Napaka-seryoso ng iyong inilahad. You broke my heart, my friend. I really feel for you, because I, too, am a son who loved his parents.
Natural lang ang nadarama mo. There's nothing wrong with it. Alam ko rin na ang hinanakit mo ay hindi dahil sa hindi ka nila tinulungan, kundi, dahil parang hindi sila naging concern na ipadama sa inyong ama ang pagmamahal at pagkalinga. Alam kong iyon ang gusto mong sana’y ginawa nila, ang maipamalas sa inyong ama kung gaano nila na-aapreciate ang mga ginawa niyang pagpapakasakit para sa inyo. At ngayon nga, dahil siya naman ang nangangailangan ng pagkalinga, ay dapat lang sanang ialay naman nila ito sa kanya.
Hindi mo naitatanong, ako rin ang nag-alaga sa mother namin. Hindi mo rin naitatanong, ang mother ko ang aking best friend. Naintindihan niya ako sa lahat ng bagay, at naintindiha ko rin siya sa lahat ng bagay. Apat na babae ang mga kapatid ko (isa ang madre sa Montreal), at apat kaming mga lalaki.
Napakapapalad naming magkakapatid sa pagkakaroon ng isang ulirang ina. Napakabait niya. Mapagkalinga. Malawak ang sense of humor. Hindi nagsasalita ng mataas. Very positive. Hindi marunong makipag-away. Kahi’t kaylan ay wala siyang naging kaaway. Paano’y sige lang siya. Maski sinaktan na, wala pa ring sasabihing kahi’t ano. Dahil sa mga katangiang ito ng aking ina, naghanap ako ng isang tulad niya. Alam kong may mga babaing kasing-buti niya at iyon ang aking hinanap. At natangpuan ko naman. Pero, sa kamalasan, nawala rin agad siya sa akin.
Kaya nga nang yumao ang aking asawa sa isang aksidente, ay hindi na ako naghanap ng kapalit niya. Instead, ginawa kong misyon sa buhay na alagaan ang aking inang may-sakit. Ako ang umako. At kahi’t pa siguro may nakipag-agawan sa akin na alagaan ang aming ina, makikipag-agawan talaga ako dahil gusto kong ako ang mag-alaga sa kanya. At ito ang natupad. Ang bigyan siya ng kalinga sa mga huling taon ng kanyang buhay.
Kaya lang, alam kong mas naging mahirap para sa iyo dahil nga sa nag-iisa ka. Ako naman ay nag-hire ng tatlong caregivers (8-hours each sa loob ng isang araw) at private nurse na dumadalaw three times a week. Maski may mga katulong ako, ako pa rin ang humiling sa kanila na magbuhat sa aking ina kung paliliguan. Bed-ridden siya for three years kaya kailangan talagang bantayan kaya hindi ko siya inilagay sa home dahil ayokong mapabayaan siya.
At masasabi ko sa iyo ay dapat kang magpasalamat at ikaw ang nakapag-alaga sa iyong magulang. Para sa akin ay tunay kang mapalad dahil naipakita mo ang iyong pagmamahal at pagkalinga bago man lang siya umalis sa mundong ito.
Sa aking lagay, napakalaki rin ng aking satisfaction sa pag-alaga sa aking ina. Marami akong nadama na sana’y hindi ko nadama kung hindi ko siya inalagaan.
Hindi ako isang ama, pero nadama ko kung paano ang damdamin ng isang ama. Noon kasing maysakit na siya, parang siya ang anak ko at ako ang kanyang ama. Nag-aalala ako kung siya’y may lagnat. Hindi ako makatulog kung siya’y may dinaramdam. When she was restless from confusion, I would stroke her hair gently until she fell asleep. I spent many, many sleepless nights, worrying about her. Many times I’ve been driven to tears by just thinking about her condition. Then the most painful - I just couldn’t stop myself from reminisceing the happy days I spent with her when she was still hale and hearty.
She has been dead for almost five years now. But, I still visit her grave (and my wife beside her), everyday. My day would not be complete if I don’t go to the cemetery to visit their graves. Many people I know raised their eyebrows for this. Some even told me blatantly that it is not NORMAL for a person to mourn for so long the way I am doing for my loved ones.
My only constant answer is: For you, maybe, but not for me. I will mourn as long as I feel the pain, the loneliness and the emptiness deep in the caverns of my heart. Their parting left an injury deep within me. It’s like an internal injury that seems not to heal deep inside of me. And until this affliction is with me, I will never get tired visiting their resting place. The only thing I ask of you is… please respect my way of dealing with my sorrow. Please leave me alone.
That’s why I understand you, my friend. Visiting a loved one’s grave is so consoling. As if I feel their hands touching me, making me feel so warm and peaceful inside. Kung dumating ang sandali na may magsuplado sa iyo na tulad ng nangyari sa akin dahil sa pagdalaw sa libingan ng iyong magulang, sabihan mo sila na iwan ka nila sa iyong pamimighati. Wala silang karapatang agawin sa iyong puso ang tunay na nadama nito. In time, I know you’ll be healed, tulad din ng paniniwala ko na isang araw ay makakaahon rin ako sa kalungkutan. But, it will be at my own pace and my own time. Hindi nila tayo puwedeng madaliin. We’ll take our own time, and it doesn’t matter how long it would take. It is our own private sorrow, they have no business to tell us we’re abnormal or weird just because we don’t heal as fast as they do.
Tama si Wordsmith. Huwag nating sayangin ang ating buhay sa regrets. Isang napakagandang bagay na natutuhan mong iwaksi ang hinanakit sa iyong mga kapatid.
Ika nga’y: It isn’t the burdens of today that drive men mad. It is the regrets over yesterday and the fear of tomorrow. Regret and fear are twin thieves who rob us of today.
Take care and good luck.
Maraming salamat sa inyo.
Noong una ay iniiwasan ko sanang isulat ito dahil ayokong maging masyadong personal at sa katunayan ay may mga sensitibong pangyayari pa akong hindi binanggit. Ang mahalaga ay naiwaksi ko na ito sa aking mga balikat at ngayon ay magaan na ang aking pakiramdam.
Maraming salamat sa inyo... Salamat dahil nakakatagpo ako sa mga tulad ninyo ng tila mga kapatid na nakakaunawa sa aking nadarama... na hindi ko natagpuan sa aking mga tunay na kapatid.
Pagpalain tayong lahat ng Maykapal.
JM,
Ang mga ganitong experiences ang nagpapa-igting lalo sa sharpness & sensitivity ng isang artist. Para itong hasaan para lalong patalimin ang iyung sensitivity at madagdagan ang richness ng iyung craft. Ang mga taong kulang sa mga ganitong experiences, sa tingin ko ay hindi masyadong magaling na artist, in a word, mediocre...
Bed-ridden pala ang Mama for three years ? anong debilitating disease ba ang sakit? sana wala masyadong pain. Sabi ng Tiyahin kung na bed-ridden din, MORIR es Discansar, daw, kasi nabalian din siya ng buto due to some freak accident sa banyo.
KC,
Naiintindihan ko rin ang feelings of alienation mo sa iyung mga kapatid, dahil nadaanan ko rin iyan. Ngayong mga gurang na kami, we are trying to make up for lost time.Kaya lang ang ilang kapatid ko ay wala na, kaya regrets na lang...
Auggie
Auggie:
It was my mother's heart. She had hypertension for many, many years. She has been taking medication for it for many years. In the end, it was her heart that gave up, but it was her kidneys that had shut down eventually.
She had lived a very peaceful life, and she left this world in the same fashion: just lying in bed, her facial expression full of peace, and she even looked so beautiful, almost glowing. She was breathing quite evenly, not struggling, not in pain. She was awake and was just looking at me. When I moved, her eyes would follow me. Though the doctor told me that maybe it was just reflexes that made the movement. Eventually, she closed her eyes and her breathing became shallower and shallower until it gradually stopped.
Now, every time I would reminisce the last few moments, it gives me more consolation than sorrow. The only sad thing about it is: I would never have another mother like her for the rest of my life.
That's why when I hear people say that they hate their parents, I am shocked and I just couldn't understand what they feel. I never judge them, but I know I will never understand that kind of feeling, I mean, hating your own parents. It's just impossible for me.
KC,
Nakakabagbag puso ang sinulat mo KC, nakakatusok sa damdamin at paminsan-minsang nangilid ang luha ko. Isa kang mabuting anak at kapatid bagay na sa bandang huli ay nakamit mo ang kanilang paghanga sa iyo.
Haba ng comment ni Jm, nakakaiyak din
Dennis,
'Senti' mode lang kasi malapit na ang Christmas at nami-miss ko ang mga parents ko. Nakakainggit nga ang iba na kumpleto pa ang mga magulang, may kasalo pag noche buena.
tama ka randy, mas mahuhusay pa rin ang mga pinoy artist kumpara sa mga thailanders.mahina lang diskarte ng mga pinoys.
Anonymous:
Just FYI so you'll know.
People from Thailand are called THAIS.
THAILANDER is NOT a word. Maybe you just got confused because usually suffix DER is added to some nationalities, but not for THAIS.
Iyon lang. Bye. Read you after the new year.
nakakalungkot naman story niyo po.. pero bilib ako sa inyo na nagawa nio na isapubliko ito.. for sure nawala na lahat yang hinanakit na yan.. ako ni minsan ayokong magtanim ng galit sa kahit na sino.. kapamilya man o hindi.. ayoko kasing pagsisihan ito bandang huli at palipasin yung mga araw na sana e masaya kaming magkakasama.. hai.. sir kc aiba po ako.. kc madami na pong tv series ngayon na galing sa komiks.. wala po bang balak ang abs na kuuha naman ng mga bagong story/series ngayon... tulad ng mga gawa ni sir gerry alanguilan.. or baka pwede yung series sa culture crash.. pwede rin yung kilang sir gilbert monsanto.. suggest lang po.. parang malaki magiging epekto nito para madagdagan ang market ng mga bagong komiks creator ngayon.. yung iba kasi kala wala ng komiks ngayun at yung mga series sa tv e yung mga lumang komik series pa rin.. tingin niyo po.. salamat po..
anonymous,
mali yata ang post mo, dapat sa blog ka ni ka randy nag-reply ng tungkol sa thai komiks. overdose? ayaw ni rommel fabian ng ganyan :)
paulo,
sa publishing kasi ako, iho, kaya hindi ko alam ang sistema sa tv prod ng abs-cbn, pero ang alam ko ay open naman sila kung magpi-pitch kayo ng idea n'yo sa kanila.
kakaiyak nmn nc blog sir.. ngaun nsa maynila na kme dati pa lipat lipat kme ng bahay sa batangas like alitagtag, balayan, balete haggang mamatay father ko kya lumipat na kme sa maynila
Post a Comment