Thursday, October 16, 2008
'filipino independent komiks'
NABANGGIT ko sa isa kong blog entry kamakailan na sa darating na Komikon 2008 ay maglalabas ako ng ‘Kriminal Komiks’. May konting pagbabago. Nagdesisyon akong buhayin ang ‘Filipino Komiks’ pero magiging ‘Filipino Independent Komiks’ na ito.
Dalawang magkaibang issue ang sabay na ilalabas ko. Ang una ay old school type na may konting impluwensya ng foreign underground comics, at ang ikalawa ay cartoon ang illustration pero seryoso ang story. Ako lahat ang sumulat ng kuwento. Uunahan ko na ang mga spoilers; old school ang approach ko kaya don’t bother to lecture me about modern and the ‘in’ comics. I’m so stubborn and a gambler—and definitely never mind losing money, time and effort basta trip ko ang ginagawa ko. I am making those very clear, my beloved anonymous readers and critics, though I’ll still entertain your ‘scholarly’ views and comments. Anyway, President Roosevelt once said, “Every schoolboy thought they’re smarter than the [US] president.”
Bagaman at kaya kong ‘mambraso’ sa mga maliliit na printing press na kaibigan ko o kakilala na itakbo naman nila ang komiks ko, okey na siguro na pansamantala ay photocopy na lang muna. I’m still in the process of testing the waters in the indie market.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng Atlas Publishing dito. Hindi ko rin alam kung magre-react ang mga may-ari ng Risingstar na medyo kahidwaan ko ngayon. Ang dalawang kumpanyang nabanggit, two years ago, ay nagkaroon ng tug-of-war kung sino ba ang mas may karapatan sa titulo; Pilipino of Filipino? Ngayong ‘independent’ na ako ay mas malaya akong makapag-iisip kung ano ang mga posibilidad para maituloy ko ang konsepto na aking binuo. There may be legal problems ahead, pero saka ko na iyon iintindihin.
Nang hindi na nasundan ang Filipino Komiks noong 2006 ay nanghinayang ako sa maraming ‘What Ifs’ kung nagpatuloy ito. Naisip ko lang lately na baka destined ang titulong ito na maging sariling pag-aari ko.
Ang sumusunod ay ilan sana sa mga laman ng Issue No. 2 kasama ang art gallery rin sana ng mga baguhang hindi pa nakapag-publish ng kanilang trabaho at isang mahabang interview kay G. Jess Jodloman tungkol sa plano sana ng kanilang pamilya na ilabas nang buong isyu ang Ramir.
Cover concept by DELL BARRAS
From the origonal title 'Hiblang Abo' illustrated by NER PEDRINA
GRIPO by RANDY VALIENTE
REBELDE by REY VILLEGAS
BILANGGO by GERRY ALANGUILAN
***
Ang mga sketches sa itaas ay mga character study ni NOVO MALGAPO para sa mini-novel na pinagtambalan namin para sa unang issue ng Filipino Independent Komiks. Si Novo, ayon kay JM Lee, ang klase ng illustrator na malayo ang mararating.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Ang galing nito...Great idea for putting "independent" sa title, palagay ko ay magtutuloy-tuloy naito...sige bibili ako agad para suportahan ka kapag pag nailabas mo na sa Komikon...Talagang isa ka sa maasahan sa pagbuhay muli ng komiks sa ating bansa.
(Kita na rin tayo sa Komikon para sa contribution ko sa iyong indie contest)
Magaganda pala ang lalamanin sana ng #2 Filipino Komiks, sayang at hindi na natuloy, anyway pabor din ako sa titulong naisip mo. Siguro naman ay hindi ka na gagambalain ng kung sino man diyan na mukhang sadyang "nanggugulo" lang.
pare, ipagtabi mo ko. gudluck!
Kuya KC,
Isa rin ako sa susuporta sa ilalabas mong komiks sa darating na KOMIKON. Sayang, hindi na ako aabot sa event na ito.
Mikail
Guys,
Thanks! nai-inspire sa inyo ang mga kapartner kong dibuhista.
Mikail,
No problemo, sadik. i'll see you when i see you. inshallah Allah :)
Bossing KC, mayslot ka pa ba dyan? pagawa naman. kahit libre lang at compli lang ng komiks. pede ba horror o aksiyon. pantasya kaya?
Maraming Salamat! :)
omeng the great,
cover? :}
Cge sir, aprub!
mag-email na lang
ako amo.
salamat. :)
Post a Comment