Monday, October 20, 2008
manyak!
NOONG isang araw ay umuwing umiiyak ang isang dalagang estudyante na kapitbahay namin. Nakiusyoso ako dahil nagkakagulo, at napagpag-alaman ko na ilang araw na pala siyang sinusundan ng isang mama kapag papasok sa school, gayundin pag papauwi na.
Maraming beses na raw ang insidenteng ito at kailan lang nalaman ng kanyang ina. Seaman ang tatay ng bata at nagkataong nasa barko pa. May pagkamataray ang ina ng dalaga kaya agad sumugod kung saan man nakatira ang mama na laging susunud-sunod sa anak niya.
Nalaman namin na taga-dulong kanto lang ng kalyeng kahugpong ng kalye namin ang tirahan ng mama. At nakausap niya ang mga magulang nito.
At lalo lang uminit ang ulo ng ina ng dalaga sa naging komprontasyon.
Bakit?
May sayad o baliw pala ang mamang naisip ko na may pagkamanyak kaya mahilig susunud-sunod sa magandang esyudyante. Aba, eh, kahit daw naman sakay na ‘yung dalaga sa dyip ay sinusundan pa. Kaya para makaiwas masundan kung minsan ay nagtataksi pa ‘yung dalaga. Tingnan n’yo nga namang dagdag na gastos pa iyon dahil lang sa pag-iwas sa balasubas na lagi raw nag-aantabay sa kanyang pagdaan.
At nang isumbong na nga raw ina ng dalaga sa mga magulang ang baliw, ang sabi raw ay madalas namang pinagsasabihan ito. Talaga lang daw matigas ang ulo, at palibhasa nga ay baliw kaya hindi makaintindi.
Tanong ng ina ng dalaga, paano ngayon ang gagawin? Nagkaka-phobia ang anak niyang dalaga at ayaw nang pumasok dahil sa takot.
Ang sagot daw ng mga magulang ng baliw, “Bahala na ho kayo. Kung gusto n’yo ay patayin na ninyo hindi kami magdedemanda. Ayos lang. Tutal problema din naman namin ang sira-ulong ‘yan!”
Muntik na raw siyang nakapanampal ng tao dahil sa kitid ng katwiran ng mga kausap. Sa isip-isip niya, hindi rin normal ang takbo ng utak ng mga kaharap niya. Kung naririto lang daw ang mister niya, baka ibang usapan na ang nangyari.
Hindi ko napigilang kabahan sa sitwasyon. May anak din akong dalaga na roon nagdaraan sa lugar ng baliw. Paano kung ang anak ko ang sundan ng baliw na iyon at malaman ko?
Nagpapakabait na ako at ayoko nang napapaaway, pero parang pag sa anak ko nangyari iyon ay baka umuwi ako ng Batangas, kunin ang pamanang samurai ng tatay ko at pagbalik ko ay tatagpasin ko na parang puno ng saging ang leeg ng baliw. Susmaryosep!
Naiisip ko lang naman ang karahasang ito pero hindi ko naman po kayang gawin. Walang pinakamainam kundi ang buhay na walang kaaway.
Pinayuhan ko ang mag-ina na magsumbong sa aming barangay captain dahil usapin iyon na dapat ay sa tanggapan ng aming puno idulog. Sumunod naman siya. Nang ang chairman na ang nakipag-usap sa mga magulang ng baliw, nagkasundo na hindi muna palalabasin ang mamang manyak sa oras na may mga papasok at pauwi na estudyante. Gumaan ang kalooban ng ina ng dalaga at maayos na muli ang pagpasok ng kanyang anak.
Maging ako ay napayapa. Gayunpaman ay pinayuhan ko ang anak ko na sa mga pagkakataong ganoon ay maging handa ang isip niya. Huwag padadaig sa takot. Tumakbo agad o sumigaw para makatawag ng atensyon ng iba. Panatilihin niyang kalmado ang isip. Araw-araw ko siyang ino-orient sa ganitong paghahanda sa panganib.
Maging babala sana ito sa inyo na sa ating paligid ay nagkalat ang mga walanghiya na ang takbo ng isip ay may kubabaw ng diyablo. Mag-ingat tayo at payuhan din ang inyong mga anak na maging alerto sa panganib. O, kung may banta sa kanilang kaligtasan, sabihin agad sa inyo bago mahuli ang lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
aha ha ha! KC pinaringgan mo lang naman dito ang mga baliw na anonymous. maghunos dili ka!
di ako naniniwalang mga baliw ang mga anonymous posters dito. mga creative lang ang mga iyan at nangggaya ng mga style sa panulat ng iba para di mahalata na sila nga iyon.wise wise baga:D
Andrade
Palagay koy malapit sa katotohanan iyan at ngayon naisip ko rin na madali namamtalaga manggaya ng kahit sino dito sa paraan ng pagpost. Malay ko baka kayokayo ring mga taga komiks itong makukulet dito. Anong sey nyo mga kapatid?
Syei-
Thanks for dropping by...Yup, I'm here in the UK so I was able to make that comment. I felt bad too but what can a foreigner do if something bad is written about her country? In fairness though, us over here are regarded as the best migrants among others mainly bec. we are hardworking and speak english fluently...:)
chezza,
cheers!
bakit daw karamihan manyak ay lalaki? Syempre MAN yak nakakapagtaka ba un?
lolo kc, kung malayo ang nilalakad ng anak mo from the sakayan to yoiur home, i advise its better na ihatid sa sakayan kapag papasok na at sunduin naman kapag pauwi na. that's what i did to may dotter since mag-start na siyang mag-commute mag-isa and up to now na nago-office na siya lalo na kapag gabi na.
mabuti na ang mag-ingat. ang ganda pa naman ng dalaga mo. and some of the crime involving brutal killings and rape were abducted near their homes on their way pauwi.
lola anonymous,
thanks. inihahatid na siya ng lolo't lola niya sa sakayan bago sila magbukas ng kanilang store. ty!
Walang sinabi ang mga komiks dito sa Thailand kumpara sa mga komiks natin, pre!
Post a Comment