Wednesday, May 20, 2009

Maraming salamat, Gerry... Timawa

Photobucket

SA June 2009 issue ng The Buzz Magasin (out na ngayong May 09) na matutunghayan ang huling labas ng Timawa, created by Gerry Alanguilan. Nalungkot ako nang matanggap ko ang e-mail ng butihing komikero taglay ang files ng huling installment. For almost two years ay naging bahagi ng aking deadline chores sa TBM ang pag-aabang sa bawat isyu ng nasabing comics serial. At ang isipin na magwawakas na pala ito ay gaya rin ng ibang ending ang pakiramdam—emotional.
Iniisip ko noon na siguro aabutin ng at least 30 issues ang Timawa bago magwakas. Pero sa ginawang reformat ng grupo ay nakasama ito sa mga casualty. To be honest, I don’t think it was a good decision, pero hindi ako ang EIC kaya wala akong nagawa.
Maraming salamat kay Ka Gerry sa kanyang naging suporta sa TBM. Nakasama namin siya sa panahon na lumalakad ang magasin sa maraming pagsubok, na nalampasan naman namin with flying colors. Itinuring namin itong lucky charm dahil naging mabenta kami sa advertisers mula nang dumating si Timawa.
Natuwa rin ang aming managing editor sa napaka-cool niyang reply at pagtanggap sa desisyon ng pamamaalam ng Timawa. Sabi ko nga, ang naging interaction ng mga taga-TBM sa sikat na komikero ay nagturo sa amin kung paano maging professional sa pakikipag-ugnayan sa co-worker, at kung paano maging dedicated sa craft.
Kay Timawa, sana makita ko siya sa ibang porma gaya ng graphic novel o kaya’y pelikula—at doon ay makita nang buo kung sino siya, ano siya—at sa malapit na hinaharap ay maging pop icon… gaya ng kanyang creator.

4 comments:

Gerry Alanguilan said...

Maraming salamat din sa inyo, KC, at sa lahat dyan sa The Buzz! Susulat ako ng article sa blog ko tungkol dito. Hinihintay ko lang sya lumabas. :D

TheCoolCanadian said...

Naku, huwag na huwqg mong mabanggot-banggit ang POP ICON at yung dalawang KUNSUMIDO sa blog ni Randy ay tiyak na manggagalaiti. Lol!

kc cordero said...

JM,
haha! allergic nga pala siya sa mga taga-komiks na nagiging pop icon.

Anito said...

Ang pamamaalam ay tunay nga talagang nakalulungkot. Natatandaan ko tuloy yung last installment ng harry potter. hay.

PS Comment ka naman sa blog ko. :)