Thursday, May 14, 2009

rommel 'omeng' estanislao's LIPAD

Photobucket

MAGKAKASAMA kaming muli nina Rommel 'Omeng' Estanislao at Ner Pedrina sa darating na Komikon sa Sabado na gaganapin sa UP Bahay ng Alumni. Daan kayo sa table namin at bili kayo ng aming mga paninda.
Pamilyar na ang maraming comics enthusiast sa napakahusay na si Ner kaya medyo ipi-pitch ko muna si Omeng. Kaopisina rin namin siya sa ABS-CBN Publishing at art director sa special projects, creative department. Siya rin ang nagkulay ng ilang kuwento sa Sindak! Horror Magazine.
Ito ang ikatlo niyang taon sa Komikon. Naengganyo ko siyang sumali noong 2007 at sa indie section kami pumuwesto. Inilabas niya ang una niyang komiks, ang Kokoy Kolokoy.
Na-inspire siya sa naging experience sa una niyang pagsali kaya last year ay mas matitindi ang inilabas niyang projects; ang Anak ng Tupang Itim at Hero Ang Bagong Bayani. This year ay ang Lipad naman ang kanyang bagong handog.
Kung nagustuhan n'yo ang mga una niyang komiks, mas lalo ninyong mamahalin ang Lipad.
Bukod sa pagiging comics enthusiast ay marami pang ibang art talent si Omeng. Mahusay siya sa sculpture. Kaya bukod sa komiks ay may tinda rin siyang sariling merchandise ng Anak ng Tupang Itim key chains and pendants. Hahanga kayo kung paano niya nahulma ang napakaliliit na pigura na pang-collector's item talaga.
Kung gusto ninyong makita ang kanyang mga gawa komiks man, sculpture, photography, etc... narito ang kanyang sites:
http://www.kidmtbike.multiply.com
http://www.mengosidescrew.artician.com

10 comments:

Knovs said...

Sigurado sold out na naman yang 'Lipad" ni Omeng.

Di ko sure kung makakapunta ako... super busy lang. pero pag nakatyempo at nai-adjust ko ang sked ko, 'liLIPAD' ako dun.

kc cordero said...

knovs,
malapit ka lang naman, punta ka na!

Ner P said...

nakakataba naman ng puso ang sinabi mo sir!


maraming salamat!


:-)

kc cordero said...

ner,
alamat ka na sa indie komiks scene, hehe.

Jeeka said...

Hallooooooo si jeeka po ito :D next komikon po uli!

Anito said...

Pagtinitignan ko yung mga drowing ko nung bata pako naiisip ko siguro kung hindi lanmg ako pinalo napaghusay ko pa yun ng husto. Maganda talaga ang drawings ko noon compare sa drawing ng mga kaibigan ko ngayon.

Nakainggit ang trabaho nyo.

mgaputonimimi said...

ang ganda ng drawing!! naapreciate ko talaga un mga pencil works or basta black and white lang... ganda!

Omeng said...

sir Knovs, maraming salamat!
Hindi sold out iba yung last year hahaha salamat ng marami ulit! God bless.

Omeng said...

Mimi, maraming salamat! Lipad tayo :)

Omeng said...

Maraming salamat kay sir KC sya nagtulak sa akin mag comics at kay Ner P mabuhay kayo! God bless!