OUT na sa market ang November 2009 issue ng The Buzz Magasin, and though alam ko na lagi naman kaming sold out, sana this time ay makabili rin kayo kasi nagdagdag kami ng print copies. Ang kikitain po ng isyung ito ay gagamitin bilang pantulong sa mga kababayan natin na napinsala ng mga nakaraang bagyo.
Isang special article din ang sinulat ko na kasama sa isyung ito na tungkol sa naging karanasan ng kaibigan natin at kapwa taga-komiks na si Bb. Glady Gimena na isa sa mga hinagupit ni Ondoy ang tahanan. Napakaespesyal ng karanasan ni Glady sapagkat nagpapatunay lang iyon sa kasabihang “Faith can move mountains.”
Bago kasi ang pagdating ni Ondoy ay nagkita-kita kami nina Glady kasama ang iba pang katropang romance writers sa Gateway, Cubao. Ang sasaya pa namin noon, but a week later ay ang hirap nang alalahanin ng mga masasayang kuwentuhan dahil sa mga naganap. Anyway, nakapaloob iyon sa article, at ang kuwento ni Glady might as well renew your relationship with the Creator.
MASAYA naman ang ginanap na Komikon last October 18 sa Megamall. Masaya dahil lahat nang nagbenta ng kanilang komiks ay hindi umuwing luhaan dahil maganda ang kita. Salamat sa mga kaibigan at hindi kakilala na bumili ng “Comicspotting” dahil nakabalikat ko kayo sa pagbibigay ng kaunting tulong sa mga na-Ondoy. At sana na-enjoy n’yo naman ang komiks para hindi lugi.
Dahil sa magandang simula, I might abandon the Filipino Komiks title (though nasa akin ang copyright) for the meantime and will concentrate on “Comicspotting”. Mas maganda ang vibes ko rito.
Congratulations kina Hazel Manzano at Gio Paredes na nanalo ng awards.
Saludo naman ako kay Gerry Alanguilan at sa mga bumubuo ng Komikon sa napakagandang event na ang layunin bukod sa pagpapasigla sa komiks industry ay makatulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.
(Magkakasama kami sa mesa nina Omeng Estanislao, ako, Ner Pedrina at Aries Mendoza. Salamat sa napakahusay na si Carlo Pagulayan para sa picture.)
(Nagsadya pa sa Komikon si Arman Francisco para makiisa at makipagkuwentuhan sa mga dating kasamahan sa komiks.)
6 comments:
Nice seeing you again at the Komikon, KC. I loved the Comicspotting komiks. My favorite of course is the Yoyo story but all the others are equally touching.
Yung palang story nung batang namatay dahil nabundol ay base ba sa tunay na pangyayari?
dennis,
it was nice seeing you again, saka si erwin at iba pa nating kaibigan. thank you.
fictional 'yung bata sa 'i have a dream' pero 'yung insidente ng operasyon ng MMDA ay nasaksihan ko mismo at sobra akong na-shock sa pagkabrutal ng mga tauhan ni BF. actually, ang eksena ay may matandang babaeng nakaupo at may tindang suman sa basket, 'yung tinda niya ay sinipa ng isang tauhan ni BF! napa-PI talaga ako kasi naalala ko 'yung nanay ko. sabi ko sa tauhan ni BF, "PI ka, wala ka bang nanay?" buti hindi pumalag, i was wearing a press ID then. pero grabe ang iniiyak ng matanda habang pinupulot ang mga suman sa kalsada. binibigyan ko ng pera ayaw namang tanggapin. nawasak ang puso ko noon...
i thought of writing the incident as my material pero sa halip na 'yung matandang babae, bata ang ginawa kong karakter para maisingit ang darna at komiks factors, at siyempre kalimitan mga bata ang nangangarap--at namamatay nang hindi iyon natutupad.
oh, sorry... i have a fetish for writing sad stories, hehe.
'yung "yoyo" naman ay nagiging all-time favorite. ginamit ko rin 'yan sa isang magasin, 'yung nag-proofread dalawang oras daw umiyak pagkabasa, pero naka-relate daw siya. :)
Ingkong KC:
Yung Yoyo (na kasama ang napakagandang hinog na papaya sa symbolism ng hope) ay nakakaantig talaga ng damdamin. Isa ito sa mga paborito kong neo-realist stories na isinulat mo. Napakaganda nitong gawing film. Nakahilera ito sa Vietnam/France production na SCENT OF GREEN PAPAYAS o kaya'y John Casavettes' A CHILD IS WAITING.
May nabanggit ka tungkol sa ating kaibigang si Glady Gimena. Ano ba ang nangyari? Ibinitin mo naman kami sa suspense. I hope she's okay?
JM,
isa si glady sa mga sobrang naapektuhan ng ondoy, lumubog ang buong bahay nila sa marikina. isinulat ko sa the buzz ang kanilang naging ordeal, at wala silang naging 'timbulan' kundi ang matibay na pananalig sa diyos. okey na siya at ang kanyang mga kapamilya bagaman at pagkahupa ng bahay ay naospital yata siya sa sobrang pagod.
sana makabili ka diyan sa canada ng isyung ito ng the buzz :)
di ako nakapunta sa komikon, sayang. medyo hilo pa rin sa tama ni Ondoy.
pero okey na rin naman kahit paano.
si rod santiago at perry cruz, na-ondoy din.
Hello boss KC,
Marami pong salamat at na bangit nyo po ako dito sa blog nyo.
There were so many things running in my head during the Komikon. Hindi tuloy ako nakadaan sa table ni Hazel to congratulate her. Hindi rin po ako na kabili ng comicspotting na benta nyo.
After reading all the comments here. Nag sisisi ako at hindi ako naka kuha ng copy. :-(
Romance writer po pala kayo. Pasensya na sa akin at ngayon ko lang nalaman. :-(
Sinisimulan ko na pong gawin ngayon ang Kalayaan #9. Medyo kakaiba po ito, dahil ito ay Love story/Drama/tragic story po ito ng alter ego ni Kalayaan, which is John dela Vega. Once matapos ko po ito, bibigyan ko po sana kayo ng complementarty copy. Sana po ay magustohan nyo.
Post a Comment