Friday, October 16, 2009

Habol sa Komikon 2009!

Photobucket

LAST minute habol ito para sa Komikon 2009 this coming Sunday, October 18 sa Megamall. Napakarami nating mga kasamahan na taga-komiks na gustong tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy, at nakaka-guilty naman kung hindi ako makikiisa sa kanila.
Walang masyadong bagong materials pero mukhang kokonti pa naman ang nakakabasa ng mga kuwentong kasama sa issue na ito; 32 pages, 3 illustrated stories and 1 prose story.
Ang mapagbebentahan ay idodonasyon ko na rin sa kung anumang charity works ang gagawin ng mga organizers ng Komikon. Kung magkano ang benta, diretso na sa donation box iyon. Hindi ko na rin kukunin kung magkano ang nagastos ko sa materials and printing. So, I hope you guys will buy. Enjoy na sa komiks, nakatulong pa kayo sa ating mga kababayan.
Maraming salamat sa mga tumulong sa akin sa pagbubuo ng isyung ito: Novo Malgapo, Philip Cruz, Con Reyes, Aaron JP Almadro, Omeng Estanislao, Gener Pedrina, and to my The Buzz editor Tintin Fregillana and dear friend Jing Palatao (mga backup ko sa pagpapa-print). Special thanks goes to Mang Nestor Malgapo for allowing me to use one of his topnotch artworks for the back cover.
By the way, magkakasama muli kami sa table nina Ner Pedrina at Rommel ‘Omeng’ Estanislao.
Suportahan po natin ang Komikon at lahat ng mga comics creators.

6 comments:

Gerry Alanguilan said...

Mabuhay ka, KC!

Randy P. Valiente said...

Uy Kuya KC, pa-reserve heheheeh. Malapit lang ako sa table ni Gener kaya aabangan ko na yan bago pa magbukas ang Megamall hehehe

TheCoolCanadian said...

Ingkong KC:

Maganda iyang ginawa mo para sa mga biktima ng baha.

Ngayon ako bumilib sa mga Pinoys. Talagang nagkaisa na magtulungan. I have been involved in several fundraising campaigns here and so far, we've sent 200 boxes of goods and more or less $10,000. A group of guys from different Filipino associations went home to take charge of the distribution.

I am quite busy these days for non-stop fund raising and I am really enjoying it. I used the newspaper I am editing to collect more funds and everyone that we approached all said yes. I am looking forward to collecting more goods and money for our unfortunate kababayans. Heart-rending talaga ang mga photos. Hats off ako sa mga kababayan natin dito sa north America. For once, mukhang nawala ang pagka-kanya-kanya. Pati mga kabataan dito ay isinali ko at lahat sila'y hindi tumanggi. With everybody's help, our unfortunate kababayans will be helped and be emancipated from misery.

kc cordero said...

randy,
sure. :)

JM,
salamat. naiisip ko nga, siguro ang mga kalamidad na gaya nitong nakaraan ay paraan din ng 'nasa itaas' para ibalik sa ating mga puso ang magagandang kaugalian. marami talagang handang tumulong ngayon kaya nakahahawa ang ganitong pagdadamayan sa ating mga pinoy. salamat...

Hazel Manzano said...

shucks! di ko nakita na may nirelease kang libro... kukuha ako sa yo sa next con ha... salamat sa pagsuporta mo sakin kelangan ko na tuloy pagbutihan ngayon. thanks again!!!

KS_Knight said...

WE WANT MORE COMICSPOTTING DAMMIT.