Wednesday, November 18, 2009

early christmas gift from inez

Photobucket

Sweet!

15 comments:

meng said...

Magandang pamasko.
Congrats kuya KC.

Unknown said...

Wow! Galing!

Wordsmith said...

Beyond impressive, beyond awesome -- mana kasi sa ama't ina!

Anonymous said...

KC,

Unica Hija ba iyan?
malaki ang sense of accomplishment mo sa pag-patapos ng kurso sa isang anak. Congrats!



Auggie

kc cordero said...

auggie,
oo, nag-iisa 'yan. nagpraktis ako ng responsible parenthood. nang magpakasal kasi ako ay eksaktong marami akong ginagawang komiks ng national population and development commission, naimpluwensyahan ako ng kanilang mga materials. at okey naman, kasi kung nag-2 o 3, sa panahon ngayon baka hirap na hirap ako sa pagpapaaral.
thank you.
siyanga pala, graduating na siya (college) at 16 years old pa lang.

Anonymous said...

KC,

Ikaw pala ang dapat gawing poster boy for Responsible Parenthood.But kidding aside, paki explain nga kung bakit hindi maintindihan ng MASA ang kuneksyion ng paghihirap o grinding poverty sa dami ng anak? o kung bakit kinokontra ng simbahan at mga fundamentalists o right wingers ang population issue. Ang 100 million daw na Pilpino eh kulang pa daw iyan. Marami pa daw tayong mga lupain at malawak pa ang karagatan. Iyan ang sagot ng isang bagitong presidentiable kagabi sa TV show ni Mike Enriquez. Maayos ang mga sagot ni Bayani Fernando, at si Gibo. The rest parang malabo.

Auggie

erwinc said...

Congrats Ka KC, likas na matalino talaga ang iyong supling. Biruin mo, 16 lang at college graduate na. Nakailang 'acceleration' kaya iyan? :-)

kc cordero said...

auggie,

ang unang UGAT ng pagdami ng tao sa pilipinas ay dahil sa sinaunang pananaw na ang mga babae ay HULMAHAN lang ng bata para dumami ang lahi.
'yung mga komiks na ginawa ko para sa popcom (o popdev) ay tinatawag na mga gender sensitive issue reading materials. ang asawang babae ang may karapatan sa kanyang katawan, at bagaman at kasal sila ng mister ay dapat niyang panindigan kung ayaw niyang magbuntis ng marami.
tinatalakay rin dito ang isyu ng pre-marital sex, dahil ang mga kabataang likas na maiinit ang dugo ay masyadong mapusok sa pagtatabi sa kama, pero pag nakabuo ay di malaman kung ano ang gagawin. kaya itinuturo rito ang responsible parenthood at safe sex. medyo sensitibo ang usapin sa sa safe sex at baka naman ipraktis nga ng mga bata, pero ang mga kuwento ay dapat tumatalakay sa mas maganda ang bukas kung nakatapos ng pag-aaral at may magandang trabaho bago magpamilya. usually kasi, pag mga batang nagsama o nagpakasal ay dire-diretso ang yarian kaya walang plano sa buhay at ang mga anak ay parang baitang ng hagdan sa dami.
may kinalaman din ang local politics sa pagdami ng tao. hinahayaan nila ang pagtatayo ng mga squatter's area na nagiging pabrika rin ng mga bata. kinukunsinti nila ang mga ito at inaalagaan para pag may halalan, kopo nila ang boto.

kc cordero said...

ka erwin,
naka-3 yata mula nang mag-aral. maige naman kasi baka sa mga susunod na taon ay mahal na ang tuition fee, hehe. graduating pa lang siya, ka erwin, may natitira pang isang sem.

Anonymous said...

KC,

Yung mga pulitikng gaya ni Erap, na maka-Masa kuno, pero ang totoo ay dahil lang sa boto, ay hindi dapat ihalal. Parang inu-ulol nila ang sambayanan di ba?

Auggie

kc cordero said...

Tumpak, auggie. pero minsan din, 'yung mga kababayan natin sasabihin ayaw na kay ganito o ganyang pulitiko, pero pag nakita nang personal e nai-starstruck kaya ibinoboto pa rin. tingnan mo ang komposisyon ng pamahalaan ngayon, walang nakaupo na talagang maaasahan ng mga mamamayan.

Ner P said...

wow! congrats!

responsible parenthood talaga.:-)

kc cordero said...

ner,
mana lang sa mga kabarkada, hehe.

Hazel Manzano said...

Ang galing talaga.. mana sa ama!

kc cordero said...

hazel,
mukhang sa nanay, e, haha! ty!