Sunday, November 1, 2009

cmma best komiks story - 1990

MARAMING salamat kay Erwin Cruz sa pagbibigay sa akin ng images ng kuwentong ito na sinulat ng dati kong kasamahan sa Atlas Publishing na si Benjie P. Valerio (nagtuturo ngayon sa KSA). Ang kuwentong ito ay nagtamo ng Unang Gantimpala sa Catholic Mass Media Awards bilang Best Komiks Story.
Na-publish ito noong December 1990 sa Pilipino Komiks, edited by Tita Opi (Ofelia Concepcion) and illustrated by Jess Olivarez. Sa okasyong ito ay pinarangalan na rin ng CMMA ang mga illustrator. Kung ano ang award na makuha ng writer ay iyon din ang igagawad sa illustrator. Isa ang CMMA sa unang kumilala sa husay ng mga taga-komiks, writer man o dibuhista.
Noong huling yugto ng dekada 80 at hanggang sa mag-resign siya noong mid-90s ay kinikilala si Ka Benjie bilang pinakamahusay na writer sa komiks, at hanggang ngayon, lalo na 'yung mga nakaabot pa ng kanyang kuwento ay natatandaan pa ang kanyang estilo. Mahusay siya sa mga neo-realism, at ang kanyang mga akda ay laging suportado ng mga datos na maingat niyang sinasaliksik.
Mapapansin din sa kuwentong ito ang pagiging relevant kahit halos dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang malathala ito--pagpapatunay lang na karapat-dapat sa parangal na ibinigay ng CMMA.
At bilang patunay sa husay ni Ka Benjie, ang alam ko, bukod sa kuwentong ito ay dalawang kuwento pa niya ang naging finalist sa CMMA sa kasabay na taon.
Naririto ang buong kuwento:

Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

4 comments:

KOMIXPAGE said...

Isa na ako sa humanga, kumilala at bumilib sa kahusayang sumulat ni Benjie Valerio noon sa komiks. Katunayan, ang kanyang mga obra ang naging inspirasyon ko para makasulat din ako ng mga makabuluhang kuwento sa panahon ng aking pagiging komiks scriptwriter noon. Ang respetong ito ay nananatili hanggang ngayon kahit hindi na siya aktibo sa pagsusulat.

Anonymous said...

ang tanging masasabi ko... da best ang benjie valerio!

alex areta

dino saurus avenue said...

Sir, now lang ako nakagawa ng account sa blogspot.di ko pa gaano kabisado...kung may time ka paki-visit naman itong link...thank you sir..

http://dinosaurosavenue.blogspot.com/2009_11_04_archive.html

Have a nice day..

Anonymous said...

Sa 18 frames ay napalabas niya nang malinaw iyong conflict at theme, ano? Ganda kasi ng interplay ng caption at dialogue. Di lang siya mahusay na manunulat. Nakaka-inspire rin siya sa ibang nagsusulat. I'm speaking for myself.

Manny Camara