Wednesday, March 17, 2010

ang kasalanan ni juan...

Photobucket
MAIKUWENTO ko lang, minsan ay may kapitbahay ako na tumawag sa akin sa telepono. Akala ko’y kung bakit. Noon ay wala pang cellphone. Akala ko ay may kung anong emergency sa mga kamag-anak ko sa Batangas. Iba ang pakay ng aking kapitbahay—sinisingil ako—sa utang ng aking kapatid.
Nagulat siyempre ako. Babae ang kapitbahay kong ito at kabarkada ng isa kong kapatid na babae.
Nagkuwento siya ng pangyayari. Magkabarkada sila ng isa kong kapatid at umutang pala sa bumbay, itong kapitbahay ko ang guarantor. Sa madaling sabi ay hindi nakabayad ang kapatid ko na wala namang trabaho, at lumaki na nang lumaki ang interes. Dahil hindi makabayad, ang kapitbahay ko bilang guarantor ang siya na ngayong sinisingil ng bumbay. Ganoon yata ang kalakaran sa five-six, at sa sistema ng mga bumbay sa pagpapautang. Pag sumablay ang nangutang, ang guarantor ang dapat magbayad.
Sabi ko sa kapitbahay ko ay bakit ako ang kanyang sinisingil? Ang sagot sa akin—ako raw kasi ang may pera.
Sa mga nakakakilala sa akin ay alam nilang ako nama’y hindi makunat. Gayunpaman, wala akong nabasa sa Bibliya, at wala rin naman akong nalalaman na batas na kapag may utang ang isang tao ay maaaring singilin sa kanyang kapatid. At ayoko rin naman na bayaran ang utang ng kapatid ko, at baka kapag naisalba ko siya sa indulto ay umulit pa, ang lagay ay lagi akong magbabayad sa utang na hindi naman akin.
Sabi ko sa kapitbahay ko ay hindi ako magbabayad dahil wala akong pera. At kahit ‘kako may pera ako, hindi pa rin ako magbabayad dahil hindi ko naman utang iyon. Sila-sila ang nagkakaintindihan sa utang na iyon, bakit ngayong hindi mabayaran ay bigla siyang nag-long distance sa akin at ako’y sisingilin?
Biglang nagtaas ng boses ang kapitbahay ko at ako’y pinagmumura. Pati mga namayapa kong magulang ay napasama sa pagmumura niya. At nagbanta pa na sasaktan ang kapatid ko at ang mga anak nito. Ang kapatid ko ay biyuda na may tatlong anak.
Gentleman ako pero nawala ang aking pagkamaginoo sa oras na iyon. Kakakain ko lang ng hapunan, manonood sana ako ng balita, nakatanggap ako ng tawag sa isang kapitbahay na sinisingil ako sa utang ng kapatid ko, at nang sabihin kong hindi ako magbabayad dahil wala naman akong kinalaman doon ay pinagsabihan ako ng masasama, idinamay ang mga magulang kong namayapa, at ngayon ay nagbabanta. Aba, hindi ba’t ibang usapan na ito?
Napamura na rin ako. Sabi ko sa kapitbahay ko, kung katabi ko lang siya ay baka binasag ko na ang bungo niya—at kung magkukrus ang aming landas, kahit hindi siya kagandahan ay gagahasain ko siya.
That was so mean of me at masyadong foul, na-realize ko na lang nang makalma na ako. Pero aaminin kong sumulak talaga ang dugo ko, at kung malapit lang ako sa bahay niya nang oras na iyon, siguradong headline ako sa mga tabloid kinabukasan. Idamay pa ba naman ang mga magulang kong namayapa na?
Ang pangit na insidenteng iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong umuwi sa aming baryo. At sasabihin ko sa inyo, napakaraming naningil sa akin na kapitbahay namin dahil sa utang ng mga kapatid ko. Hindi ko talaga maisip kung saan nanggaling ang ideyang dahil ikaw ang may pambayad, sisingilin ka sa utang ng iyong kapatid.
Ang nangyari sa akin ay nangyayari rin ngayon kay Sen. Noy Aquino bagaman at magkaiba lang ng sitwasyon. Sa ilang insidente na nagkaroon ng issue si Kris; una ay sa babaeng umiiyak nang tumawag kay James sa phone, at ikalawa ay sa naging pagwo-walkout ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz ay ang kanyang kuya ang naging target. Huwag daw iboto si Sen. Noy bilang pangulo.
Masyadong isip-bata ang ganitong pananaw. Ang ibig bagang sabihin, sa anumang sala ng isang tao ay dapat parusahan ang kanyang kapatid? Sa kaso ni Kris, ang layo naman ng mga issues na kinasangkutan niya para ang maging bawi ng mga nakaatraso niya kung totoo man ay ang banatan ang pagkandidato ng kanyang kuya.
Ang nangyari sa akin, na posibleng nangyari na rin sa ibang tao gayundin ang sitwasyon ni Kris ay pagpapatunay lang na marami nang Filipino values ang hindi na pinahahalagahan ng marami sa atin. Napakasimple ng kasabihang tutugon dito na elementarya pa lang tayo ay itinuturo na ng ating mga guro, o mismong ng ating mga magulang: “Ang kasalanan ni Pedro ay hindi kasalanan ni Juan.”
At maikuwento ko na rin… madalas mabanggit na hindi dapat iboto si Sen. Noy dahil kay Kris. Ang dali naman nating makalimot…
Napakalaki nang nagawa ni Kris nang manalanta ang Ondoy sa atin last year. Napuwersa niya ang mga malalaking kumpanya na magbigay ng tulong. Sabi nga ay napakinabangan ang pagiging taklesa niya para dumukot sa bulsa ang mga higanteng korporasyon. Sa palagay ko, walang ibang individual na kayang gawin ang nagawa niya noon.
Samantala, ‘yung ibang lingkod bayan kuno na sanay maligo sa dagat ng basura at natutulog sa gitna ng kalsada, mga nagsasabing magpaparating ng bagong umaga, mga para sa mahirap, ay nangawala noong panahon ng Ondoy—natakot matangay ng baha. Well, Gibo was there because it’s his duty as DND chief and head of National Disaster Coordinating Council.
Panghuling kuwento, nagkaayos din naman kami ng kapitbahay ko na nakaaway ko nang minsang magkrus kami ng landas. Nope, hindi ko siya ginahasa… I don’t want her to enjoy!

5 comments:

Hazel Manzano said...

A very good point! uu nga naman, wag idamay ang kapatid sa sala ng isa dahil may kanya kanya itong utak at hindi ito magkaka ugali.

TheCoolCanadian said...

"Nope, hindi ko siya ginahasa… I don’t want her to enjoy!"

Ha-ha-ha!
Surprise ending, and how!
You made my day, mate!

:)

Pero tama lahat ang sinabi mo.
At yes, katangahan ang sinabi ni Anabel Rama! Sana, mag-isip muna siya bago magtalak.

Amen.

Anonymous said...

kagaya ni JM, nagulat ako sa ending.
"Nope, hindi ko siya ginahasa. I don't want her to enjoy!"

alex areta

kc cordero said...

JM & pareng alex,
isa sa mga tsambang pagkakataon na nakakakuha ng magandang ending.

btw, hindi ako rapist. maraming nag-text sa akin at nagalit dahil sa blog entry na ito. while the story is very true, ginamit ko lang ang 'gahasa' as a tool para lang tumaas ang conflict.

Anonymous said...

KC,

Wala talaga sa lugar, yung kapit-bahay mo kahit sa anong anggulo tingnan.

Tungkol naman ki Noynoy Aquino, mi mas mabibigat na issues laban sa clan niya ( COJUANGCO-AQUINO) at sabit ang kandidatura niya, gaya ng KAMAG-ANAK INC, at ang Agrarian problem ng HACIENDA LUISITA, na ayaw daw i-give up ng mga Cojuangco, ayon sa recent article ng NEW YORK TIMES.

Auggie