Monday, December 6, 2010
GUTOM Komiks ni Norby Ela
WALANG page number ang “Gutom” Komiks ni Norby Ela kaya binilang ko pa, 16 pages cover to cover. P40 ang bili ko rito, walang senior citizen discount. Kababasa ko lang, and I can’t help but react.
Nagsimula ang kuwento kay Bitoy na nasa ibabaw ng bubong at tinawag ng kapatid para kumain na. Masarap ang pagkain sa mesa, may litson, at nagsimula na rin ang daloy ng mga alaala sa magkapatid. Hindi binanggit ng sumulat kung ano ang pangalan ng kapatid—na para sa akin ay importante. Kung binigyan mo ng pangalan ang isang karakter, dapat lahat nang karakter ay may pangalan… tutal ay dalawa lang naman sila sa istorya. OK, tanggapin na lang natin na ang isang karakter ay si Kuya.
Nagkaroon ng flashback o FB. Nabigo ang creator na ipakita sa readers na FB na ang ilang eksena sa istorya. Paalala sa mga nagkokomiks, may mga tools para malaman na FB na pala ang nangyayari gaya ng broken lines sa frame o kaya ay medyo loose ang kahon. Sa ibang pagkakataon, light ang drawing o kaya ay silhouette.
Nakuha ko naman ang kuwento. Naaksidente ang buong pamilya at ang magkapatid na lang ang naiwan dahil nasawi ang kanilang mga magulang. Ang takot na mapag-isa sa mundo at maging ulila ay inherent sa mga bata, lalo pa at ang isa ay nabulag.
Kung likot din lang naman sa mga anggulo ay meron naman si Norby, medyo kailangan pa lang talaga ng praktis sa drawing. Since Tagalog ang medium, maraming mali para sa isang old schooler na gaya ko na sanay sa mga kuwentong Tagalog. Ang sa akin lang naman, masarap ding sangkap sa istorya kung ito’y maayos ang lengguwahe.
Sa pagtatapos ng kuwento at ipinakita ang isang pahina ng sa aking palagay ay isang community paper, nakita ko ang maraming butas sa kuwento, at siguro ay isang bagay na rin na dapat tandaan—ang maging maingat sa mga tools na gagamitin. Sa balita ay may SUV ang pamilya, pero ang ginamit na geography nga sa kuwento ay pangmahirap.
Ang pinakamalaking loophole ay nasa pahina ng community paper. Kung ito ang totoong pahina, malalagay sa alanganin ang kredibilidad ng “reporter” na si “Myrna R. Tamayo” at ng buong staff ng kanilang pahayagan.
Pangit (dispensa sa ginamit kong salita) ang paraan ng pagkakasulat ng balita at kailangang paulit-ulit na basahin para lang makuha ang thought. Kung ang kuwento ni Norby ay mababasa ng mga estudyante sa journalism, makikita nila ang napakalaking mali sa pagbabalita sa last page at tiyak na sila’y matatawa mula sa head hanggang sa kabuuan ng news. Maging ang layout na nasa hulihan ang image ay isang malaking violation sa newspaper design.
Kaya ko nasabing mag-ingat sa mga tools na gagamitin, bukod sa pangit na pagkakasulat ng balita ay mali rin ang mga nilalaman nito. Hindi ang LTFRB ang nananagot sa mga sasakyang pribado kapag naaksidente o tumutulong sa mga naaksidenteng sakay ng private vehicles. Ang LTFRB ay ahensya na nagbibigay lang ng prangkisa sa mga public transportation gaya ng taxi, PUJ at bus at hindi tulong pinansyal. Kung pribadong sasakyan ang naaksidente, ang insurance company ang mananagot doon. “Ilalapit” din daw ang magkatid ng LTFRB sa DSWD. Sa totoong buhay, hindi nangyayari ang pagtutulungang inter-agency sa Pilipinas, alam dapat iyon ng reporter at hindi na niya sana inilagay sa balita niya.
At kung pagbabatayan ang balita na sakay ng SUV ang pamilya, wala ba silang kamag-anak para tumingin sa magkapatid gayung kung tutuusin ay hindi naman sila mahirap? Ito ang sinasabi ko na naligaw ako sa kuwento dahil ang geography ay pangmahirap pero pagdating sa dulo, sa bahagi ng balita, sakay naman sila ng kanilang “Toyota Pajero” na SUV.
May potensyal ang kuwento, nag-self destruct nga lang pagdating sa last page—na dapat ay pambomba ng writer sa readers, but went pffft. I hope na ang mga nakita kong carelessness sa part ng creator ay ma-realize niya sa paggawa niya ng panibagong komiks.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
Nice insights. Dito napatutunayan na may malaking role ang isang editor sa komiks.
Dikong KC:
Base sa iyong critique, mukha ngang naging hodpodge itong Gutom ni Norby. Dahil sa maraming maling facts, obvious na hindi nag-research ang awtor. Ito nga lang ang medyo alanganin sa mga nauusong indie komiks. Walang sumusubaybay sa mga batang creators, kaya masasabi nating they're up the creek without a paddle.
Bakit nga pala hindi ka magtatag ng isang grupo ng mga huklubang writers na medyo padadalhan ng mga baguhang writers ng kanilang mga obra para i-critique through email? Isa na ako sa mga huklubang ito na magbo-volunteer sa grupong itatatag mo. Nariyan si Alex Areta, iposas mo na ang huklubang iyan para hindi na makatanggi. Siyempre, ito'y para doon sa mga aspirants na gustong ma-critique ang gawa nila. Para doon naman sa mga ayaw mapintasan o maituwid ang kanilang mga obra maestra, baka walang patunguhan ang kanilang pangarap na maging isang magaling na manunulat. Unahin mo nang i-mentor iyang si Norby. Tiyak na matutuwa iyan na mayroong nagmamalasakit sa kanyang obra.
maraming salamat, sir KC sa iyong words. i agree, kasalanan ko talaga about grammatical/mis-choice of words. i'll try and improve, promise. maraming salamat. sana d'di masyado sumakit ang ulo nyo po sa pagbabasa ng aking komik. hehehe
-norby
Cool C,
Sabi ko nga, kung ayaw ipabasa muna sa mga gaya nating hukluban na (he-he) ay puwede naman sa mga kaibigan. Ang mga readers kung minsan ay mas malupit pa kaysa sa editor kung makakita ng butas sa kuwento. Sana mag-update ka sa blog mo, nakaka-miss ang mga balitaktakan. :)
Norby,
Nababalitaan ko na malaki raw ang potensyal mo kaya nagbasa ako ng komiks mo. Meron nga kasi naroon ang emotion, pero sana maging maingat. Marami ka naman yatang kaibigang writer, importante ang brainstorming.
Doon sa kuwento mo, since 'Gutom' ang title, mas na-hook pa siguro ako kung ang geography mo ay bahay na maganda tapos nasa bubong si Bitoy. Kung parang lugar ng mahihirap, parang may given na agad.
don't worry po. masgagalingan ko pa po. and ipapaproofread ko po muna bago ko ipa-final print po. :-). Maraming Salamat!
KC,
Toyota na Pajero? ang pagkakaalam ko MITSUBISHI ang mi gawa ng Pajero, saka yung MONTERO. Ang sa Toyota eh yung FORTUNER...
Ito yung inadequacies ng kulang sa editing. Obvious na kulang ang research sa Motoring...
HAPPY HOLIDAYS sa inyong lahat!
Auggie
"Bakit nga pala hindi ka magtatag ng isang grupo ng mga huklubang writers na medyo padadalhan ng mga baguhang writers ng kanilang mga obra para i-critique through email?" -TheCoolCanadian
Great idea, JM! Kaya lang, napahalakhak muna ako nang husto dahil sa salitang 'hukluban.' Ang totoo, medyo kinabahan ako (he he) pero mabuti na lamang at si Alex ang binanggit mo.
*Another break for a hearty laughter!*
Seriously, KC, maganda ngang ideya na ang mga indies ay magpagabay sa tulad ninyo nina JM at Alex para sa mas ikagaganda ng trabaho. Pero baka maging isyu ang kahandaan ng nakararaming budding comics writers/artists na tumanggap ng advice sa mga eksperto / beterano (I vehemently refuse to use the adjective 'hukluban :-D).
Anu't anuman, sana'y bukas ang isip ng lahat ng indies sa nabanggit na ideya. And they should know how fortunate they will be if the likes of KC Cordero, JM, and especially Ms Ofelia Concepcion, agree to spare some time to critique (not criticize) their work.
OR --
baka higit na maganda talaga na sama-samang "ikulong" nang isang buong mahabang weekend ang mga indies na handang matuto mula sa kanilang elders. This is your idea, di ba, KC?
Madam Wordsmith,
ang plano sana kung papalarin next year ay makahanap ako ng sponsors at venue para sa brainstorming. tipong informal na huntahan lang para magkabatuhan lang ng pananaw pagdating sa writing. mahuhusay naman ang mga indie creators, konting gabay lang ang kailangan nila.
Mga Sir count me in!!!Ako gusto kong sumali sa mga ganyang workshops,sana nga lang may mag-sponsor. Yung huli ko pang writing workshop kay Ricky Lee na ginanap sa paaralan namin, di ko pa na-appreciate masyado dahil sa aking sakit na ang galing-galing ng timing.>,<
Sana ang i-emphasize sa future workshop ang tamang pagle-lay out ng panels, at comics writing. Kasi di ba malaki ang pinagka-iba ng movie scriptwriting sa comic scriptwriting? Pati na rin ang pinagkaiba ng American scriptwriting at ng sa Pinas?
Hay...andami ko na namang mga tanong...^^;
Pero sana talaga matuloy ang project na 'yan.
At...at the age of 45 ba hukluban na talaga kayo non????O__O
Hi, ako po ang kaibigang writer ni Norby. ^.^ Absentee colaborator kasi ako nung binubuo ang gutom parts. *tamad po kasi ako*
I think mas naging maingat na po siya for that. Limited din kasi ang skills ko sa Filipino *English teacher po ako so that is my forte talaga* pero we'll work together para he can improve on the storytelling part.
At least someone voiced out ung tanong ko na jeepney vs SUV. ^.^ Small details are important kahit sa ibang medium of telling a story.
Sana nga mag improve sha ng mag improve. Kasi alam ko pangarap talaga ni Norby ang gumaling pa. I guess I just need to help him out with it a bit more.
Pinay,
masipag naman si norby at dedicated. sapat iyon para lalo siyang humusay. maganda ang working attitude niya kaya nga nagbigay ako ng obserbasyon sa kuwento niya para lalo siyang magsikhay.
salamat sa pagbisita. at congrats sa iyong pagwawagi sa writing contests. :)
Post a Comment