With my tiyahins. Kahapon ito, December 10. Paminsan-minsan ay nagkikita-kita kami para maghuntahan. Pasensya na sa quality ng photo, gabi na at walang flash ang iPod Touch (paging Steve Jobs).
From left: Tita Josie Aventurado, Tita Opi Concepcion, Tita Glady Gimena and Tita Leslie Navarro. May iba't iba silang projects na ginagawa related to publishing na magki-kick off this coming January 2011.
6 comments:
KC,
Meri Krismas sa mga Tita!
Paluwas din ako sa late January.A-attend ako ng reunion sa 400 th year anniversary ng Pontifical University at sa college namin na Colegio de Bellas Artes. 1967 pa kami ng huling magkita-kita, marami rami na din ang nalagas. Baka pwede din tayong Mag kape?
Auggie
Oo naman, Auggie. Para makapaghuntahan din tayo. E-mail mo ako kung kailan ka luluwas. :)
Hi, Manong KC!
Salamat sa masarap na dinner.
Magiging kapana-panabik ang paghihintay ko ng Disyembre 2011 dahil magpapa-'kape' ka uli ng Max's Chicken. Hehe.
Isa kang alamat, Manong!
Auggie,
January 27 ang grand parade at grand program para sa 400th Anniversary ng UST.
Baka makasingit kang pumunta ng UP Diliman. Ito din ang launching date ng Pop Lit Book ni Glady na ginagawa namin ngayon. May week-long exhibit din ng mga komiks illustrations sa Faculty Center.
Sana, magkita tayong muli.
Btw, graduating sa UST ang isa kong anak, Actuarial Science. Magka-Growling Tigers pala kayo.
Opi
Ofie,
Feliz Navidad!
Salamat sa info! malamang andiyan na ako sa mga petsang iyan. Sana nga magpa kape si KC kahit doon sa Faculty Center sa UP para naman magka huntahan tayo. Kaibigan mo pala si Edith Galves? asawa siya ng schoolmate ko sa elementarya at high-school sa Bicol a looong time ago...
Auggie
Sure, Auggie!
Auggie,
Edith is a very prolific writer. And more! Mabait siya at mabuting tao.
I'm so lucky to have known her.
Opi
Post a Comment