Sunday, July 29, 2007

time to move on, back to my semi-charmed life

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa wakas ay tapos na ang mga paghihirap para makapagbasa muli ang masa ng murang komiks. Ngayon ay dapat namang pagtuunan ng pansin ang sariling buhay.

Dumating kasi sa point na sa sobrang pag-aaral ko ng mga konsepto ng komiks ay halos nag-amoy-Fullybooked at Power Books ang bahay namin sa dami ng komiks na binibili ko—bago o back issues gaya ng nasa itaas.

At plano kong i-dispose na ang mga iyon. Sabi ng misis ko, “Just save the WITCH graphic novels. ‘Yung iba ipamigay mo na sa mga kaibigan mo.”

Well...

Marami rin akong paperback novels na nakaligtaan ko nang basahin. Balik na rin ako sa palagiang pagbili ng dyaryo araw-araw. May bagong newspaper publisher na gusto akong kunin early next year kung walang magiging hassle. Nami-miss ko na rin nga ang trabaho sa dyaryo. At dahil magastos na ang buhay, kailangan mas maraming trabaho.

May time na ulit para sa weekend malling naming mag-anak. Noon kasi ay palaging Sabado or Sunday ang miting ng mga beterano. At dahil madalas na naman ako sa bahay kapag tapos na ang obligasyon sa ABS-CBN (The Buzz Magasin), sabi nga ng anak ko ay balik na naman ako sa pagbibigay sa kanya ng corny jokes.

Hindi na rin ako mami-miss ng mga kapitbahay kong tomador (hik!).

Siyempre, laging bagong laba at plantsa na ang mga damit naming mag-anak, yeheeey!

Mapapanooran ko na rin ang bago kong home theater! Yeheeey ulit!

And on a serious note, mabibigyang-pansin ko na ang aking cartooning career na hindi naman umuusad, hahaha!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

randy, mario at nude painting

Habang tinatanggal na ng mga organizer ng naganap na launching ng komiks ni Carlo ang mga kung anu-anong nakakabit na posters, mga audio equipment, mesa, silya, etc. ay naghuhuntahan pa kami nina Randy at Mario sa isang sulok. Nakikita ko sa mga mata ng dalawa na na-relieve na sila sa sitwasyon.

Kaming tatlo ay kasama sa mga unang pagpupulong kung paano sisigla ang komiks industry bago pa man magkaroon ng comics caravan, at bago ang mango-sterling-carlo tug of war. Magkakasama kami kung saan-saan may miting at pansamantalang iniiwan ang pinagkakaabalahan. Napabayaan ni Mario ang panliligaw, si Randy ay nakakagalitan na ng nobya, at ako naman ay tumatambak ang labahin at plantsahin sa bahay.

Nang magtagal ay sina Randy at Mario na lang halos ang nakapagpatuloy sa ibang gawain at ako’y pasulput-sulpot na lang. Natutuwa ako nang mag-guest ang dalawa sa PTV-4 nang malusog na ang mga paghahanda para sa comics caravan. Guwapo pala ang dalawa on screen.

Alam na ninyo ang mga sumunod na nangyari, at balik tayo sa eksena sa itaas kung saan tapos na ang launching ni Carlo. Sabi ni Randy ay, “Umuwi na tayo, tayo na lang yata ang hinihintay at nahihiya lang kunin ang ating inuupuan.” Lumarga na kami palabas ng NCCA.

Habang naghuhuntahan kami patungo sa sakayan ay nakita ko ang relief sa mukha ng dalawa. Hindi na sila worried o ngarag lalo na kapag may biglaang pamiting si Joelad. Ang dalawa kasi ang madalas na nag-aasikaso ng mga paperwork at pag-iiskedyul kung saan may miting. Masasaya na rin sila at masisigla.

Hindi rin nag-uungkat ang dalawa kung may mapupurbetso ba sila kay Carlo pagkatapos ng lahat ng ito. Unang-una ay hindi naman nila kailangan dahil parehong magaganda ang kanilang trabaho. Si Randy ay may tinatapos na million-dollar graphic novel bukod pa sa raket niyang animation movie. Hindi ako aware sa mga project ni Mario, pero nag-e-mail siya ng drowing niya sa akin at napakalayo na kumpara sa dating drowing niya noon. Mahusay na! At ang alam kong pinakamalaking ‘gain’ ni Mario sa mga kaganapang ito ay nagkaroon siya ng love interest. That’s cute.

Bayani ang tingin ko sa dalawang ito. Masasaya sila dahil alam nila na nakatulong sila sa pagtatayo ng pundasyon para sumigla muli ang komiks. At ginawa nila iyon nang walang kasamang personal na interes.

At ngayong tapos na ang lahat at posibleng sa September 4 ay lumarga na ang komiks ni Carlo at ng Sterling, may bago kaming pagkakaabalahang tatlo. Niyayaya ko sila sa nude painting session—at lalo iyung nagpakislap sa kanilang mga mata.

And it will be a different approach to nude painting—ang mga artists na lalahok sa session ang nakahubad, ang modelo ang nakadamit!

a house divided

Sa nakaraang launching pa rin ng Carlo Komiks, maraming kasamahan natin sa industriya ang nagtataka kung bakit wala yata ang karamihan sa mga kilalang personalidad sa lumang komiks. Ang mga ito ay aktibo na sa paghahanap ng solusyon para sumigla ang ating komiks bago pa man mabuo ang komiks karaban.

Marami ang nagtatanong sa akin habang kami ni Joelad Santos ay naghuhuntahan sa isang sulok kung bakit wala si ganito o si ganire. At dahil hindi naman bingi at manhid ang ating komisyuner, nang mawala na ang mga nagtatanong ay sinabi niyang, “KC, sabi mo nga ay ikaw naman ay nag-oobserba lang sa mga nangyayari, nakakalungkot naman na may mga kasamahan tayong hindi na natin nakakasama ngayon.”

Alam ko ang nasa isip ni Joelad. Naipit din siya sa isyu ng Carlo vs. Mango. At alam kong nagtitipid siya sa paliwanag dahil ayaw niyang palakihin pa ang isyu. Kung may sugat na, hindi na dapat pigaan pa iyon ng kalamansi.

Ang totoo, ang mga taga-komiks na wala sa okasyong iyon, ay mas malalapit sa akin, ganoon din siguro kay Joelad. Nalulungkot din naman ako. Mas maganda sana kung sama-sama lahat, pero sa usaping komiks, at sa mga naganap bago ang launching ng Carlo Komiks, malabo ito.

Kahit naman noon, mag pagkakahati-hati sa ating komiks industry. Hindi solid ang mga illustrators—kanya-kanya sila ng asosasyon, at ang mga writers, lalo na ang mga sikat ay hindi halos nagbabatian—their egos overshadowed their talents and values. Ang editorial department ng Atlas sa halos walong taon ko sa kumpanya ay itinuring kong isang snake pit. My former officemates and the contributors were calling me ‘asshole’ then.

Sa ngayon, hindi pa mababago ang ganitong pagkakahati-hati ng mga tao sa industriya ng komiks, pero hindi lang naman ito nagaganap sa mundo ng mga komikero—kahit saan ay may pagkakawatak-watak.

Friday, July 27, 2007

it's a tug of war

NITONG nakalipas na araw ay madalas akong dumalo sa mga miting ng dalawang grupong nagtatayo ng komiks—ang Mango Comics at ang isa pa ay ang tropa ni Carlo J. Caparas. Hindi ko maiwasang magtaka nang maglaon: bakit parang iisa ang binabanggit ng dalawang grupo na business partner—ang Sterling?

I shared this observation with Randy Valiente (usapangkomiks.blogspot.com). Ang tanong ko sa kanya: Ano kaya iyon, parehong kukuning partner ng Sterling ang dalawang grupo para makopo nang todo ang market? Baka, sabi ni Randy.

Sa isang ipinatawag na miting ng mga Yonzon sa Perla Mansion sa Makati City ay naka-attend pa ako. Ang pahayag nila ay middle of July ay baka lumabas na ang Love Notes at Bituin, dalawa sa mga komiks na kanilang binubuo. Upbeat sila noon at makikita ang excitement sa ginagawang proyekto. Kinabukasan ay nag-e-mail ako kay Ms. Guia Yonzon na maluwag na ang schedule ko, puwede na akong magsulat. Nang una kasi siyang maghanap ng writer at pinadalhan ako ng assignment ay hindi ko nagawa dahil loaded pa ako.

Wala akong natanggap na reply. Lumipas ang mga araw at linggo, wala pa rin. Samantala, lagi kong tinitingnan ang newsstand; Bituin and Love Notes Komiks were nowhere in sight.

Thinking that Mango has enough writers in their pool, I sent feelers to Caparas’ camp that I’m willing to work part time as one of their editors. Wala ring reply. Baka hindi nila ako feel, and I thought that maybe I have offended them in one of the meetings they’ve conducted in which I attended when I questioned the low rates they are offering, while on the other hand, Mango offered a handsome package to writers and contributors, hindi ba ‘kako puwedeng pagpantayin? Or maybe the CJC camp is not yet in the process of acquiring staff, or puno na, at busy na sila para mag-reply. Whatever, okey lang naman.

Anyway, what I’ve got was a call from a group of yuppies willing to publish local comics, and they want me to be part of the group. I told them to hold on for a while and let’s see first how the big guys (Mango and Carlo) would fare.

July 20, Friday, a friend of mine buzzed me over the net: “Hoy, Lolo, alam mo na ba ang latest? Nagpadala ng e-mail sa akin si Guia Yonzon, stop na yata ang Bituin at Love Notes. Tingnan mo baka may e-mail ka rin.”

I did not receive any. My friend found out that I was not in Mango’s mailing list. The ‘Mango e-mail’ was forwarded to me. And yes, it did confirm that other editorial group will soon take over with their initiatives.

Halos masunog ang cellphone ko sa dami ng balitang dumating nang araw na iyon. Punumpuno rin ang e-mail inbox ko at iisa ang mensahe—kay Carlo J daw nakipagkasundo ang Sterling at hindi sa Mango—finally.

Maraming kuwento sa pangyayaring ito na hindi ko mai-share dahil baka may mga magdamdam. Baka mabigyan ng ibang kahulugan ang mga sasabihin ko na secondhand information na rin naman dahil hindi sa mismong bibig ng mga concerned ko narinig. I have to be careful. Hanggang sa kasalukuyan ay maraming tanong kung bakit hindi natuloy sa mga Yonzon ang deal sa Sterling, at bakit biglang-bigla ay napunta kay Carlo? Siguro sa mga darating na panahon ay malalaman natin ang kasagutan.

Yesterday, July 26, 2007, finally ay nagkaroon ng launching ang komiks nina Carlo at ng Sterling. Mas malaki pa ito kaysa launching ng mga pelikula ng Star Cinema at ng Regal Films, at nag-attend ang Pangulo ng Pilipinas. Full force ang movie press. Imbitado ang malalaking magazine dealers nationwide. Ginanap ito sa NCCA, at sa dami ng taong dumating, wala na akong inabutan na pagkain but a few strands of fettuccine noodles. But it was okay. Masaya ang atmosphere. Masisigla ang mga dating taga-komiks, magkakaroon na naman sila ng outlet. Ang event ay laman ng balita sa telebisyon kinahapunan, at nasa mga dyaryo kinabukasan.

September ang ibinigay na petsa nina Carlo at ng Sterling kung kailan lalabas ang komiks nila. P10 ang bawat kopya.

We still have a month to wait… at siguro kapag nasa bangketa na ang mga nabanggit na komiks, ang naging tug of war sa pagitan ng Mango at ni Carlo over Sterling ay naisapubliko na rin.

Thursday, July 19, 2007

bakit comicspotting?

bakit nga ba? wala namang masyadong significance, at kung meron man, masyado lang akong nagkainteres sa pelikulang 'trainspotting' ni danny boyle—thus, the blog title. and since wala namang magandang train to spot dito sa pilipinas, comics na lang. though siyempre ay marami ang magsasabing: bakit, may nai-spot ka pa bang komiks ngayon na published in the philippines?
wala nga...
pero may mga nagbabalak mag-publish, kaya inaabatan natin.
saka may ilan akong komiks materials na gustong i-post dito, mga non-comics pero may kinalaman din sa publishing.
first try ko rin sa blogging, kaya kung medyo abnormal ang dating, hingi na lang po ako ng dispensa.
para akong sasakyan na babagong ibe-break in.
sana ma-fulfill ko ang nasa wish list ko na kahit man lang weekly ay makapag-blog ako.
sana...