Friday, July 27, 2007

it's a tug of war

NITONG nakalipas na araw ay madalas akong dumalo sa mga miting ng dalawang grupong nagtatayo ng komiks—ang Mango Comics at ang isa pa ay ang tropa ni Carlo J. Caparas. Hindi ko maiwasang magtaka nang maglaon: bakit parang iisa ang binabanggit ng dalawang grupo na business partner—ang Sterling?

I shared this observation with Randy Valiente (usapangkomiks.blogspot.com). Ang tanong ko sa kanya: Ano kaya iyon, parehong kukuning partner ng Sterling ang dalawang grupo para makopo nang todo ang market? Baka, sabi ni Randy.

Sa isang ipinatawag na miting ng mga Yonzon sa Perla Mansion sa Makati City ay naka-attend pa ako. Ang pahayag nila ay middle of July ay baka lumabas na ang Love Notes at Bituin, dalawa sa mga komiks na kanilang binubuo. Upbeat sila noon at makikita ang excitement sa ginagawang proyekto. Kinabukasan ay nag-e-mail ako kay Ms. Guia Yonzon na maluwag na ang schedule ko, puwede na akong magsulat. Nang una kasi siyang maghanap ng writer at pinadalhan ako ng assignment ay hindi ko nagawa dahil loaded pa ako.

Wala akong natanggap na reply. Lumipas ang mga araw at linggo, wala pa rin. Samantala, lagi kong tinitingnan ang newsstand; Bituin and Love Notes Komiks were nowhere in sight.

Thinking that Mango has enough writers in their pool, I sent feelers to Caparas’ camp that I’m willing to work part time as one of their editors. Wala ring reply. Baka hindi nila ako feel, and I thought that maybe I have offended them in one of the meetings they’ve conducted in which I attended when I questioned the low rates they are offering, while on the other hand, Mango offered a handsome package to writers and contributors, hindi ba ‘kako puwedeng pagpantayin? Or maybe the CJC camp is not yet in the process of acquiring staff, or puno na, at busy na sila para mag-reply. Whatever, okey lang naman.

Anyway, what I’ve got was a call from a group of yuppies willing to publish local comics, and they want me to be part of the group. I told them to hold on for a while and let’s see first how the big guys (Mango and Carlo) would fare.

July 20, Friday, a friend of mine buzzed me over the net: “Hoy, Lolo, alam mo na ba ang latest? Nagpadala ng e-mail sa akin si Guia Yonzon, stop na yata ang Bituin at Love Notes. Tingnan mo baka may e-mail ka rin.”

I did not receive any. My friend found out that I was not in Mango’s mailing list. The ‘Mango e-mail’ was forwarded to me. And yes, it did confirm that other editorial group will soon take over with their initiatives.

Halos masunog ang cellphone ko sa dami ng balitang dumating nang araw na iyon. Punumpuno rin ang e-mail inbox ko at iisa ang mensahe—kay Carlo J daw nakipagkasundo ang Sterling at hindi sa Mango—finally.

Maraming kuwento sa pangyayaring ito na hindi ko mai-share dahil baka may mga magdamdam. Baka mabigyan ng ibang kahulugan ang mga sasabihin ko na secondhand information na rin naman dahil hindi sa mismong bibig ng mga concerned ko narinig. I have to be careful. Hanggang sa kasalukuyan ay maraming tanong kung bakit hindi natuloy sa mga Yonzon ang deal sa Sterling, at bakit biglang-bigla ay napunta kay Carlo? Siguro sa mga darating na panahon ay malalaman natin ang kasagutan.

Yesterday, July 26, 2007, finally ay nagkaroon ng launching ang komiks nina Carlo at ng Sterling. Mas malaki pa ito kaysa launching ng mga pelikula ng Star Cinema at ng Regal Films, at nag-attend ang Pangulo ng Pilipinas. Full force ang movie press. Imbitado ang malalaking magazine dealers nationwide. Ginanap ito sa NCCA, at sa dami ng taong dumating, wala na akong inabutan na pagkain but a few strands of fettuccine noodles. But it was okay. Masaya ang atmosphere. Masisigla ang mga dating taga-komiks, magkakaroon na naman sila ng outlet. Ang event ay laman ng balita sa telebisyon kinahapunan, at nasa mga dyaryo kinabukasan.

September ang ibinigay na petsa nina Carlo at ng Sterling kung kailan lalabas ang komiks nila. P10 ang bawat kopya.

We still have a month to wait… at siguro kapag nasa bangketa na ang mga nabanggit na komiks, ang naging tug of war sa pagitan ng Mango at ni Carlo over Sterling ay naisapubliko na rin.

No comments: