Sa nakaraang launching pa rin ng Carlo Komiks, maraming kasamahan natin sa industriya ang nagtataka kung bakit wala yata ang karamihan sa mga kilalang personalidad sa lumang komiks. Ang mga ito ay aktibo na sa paghahanap ng solusyon para sumigla ang ating komiks bago pa man mabuo ang komiks karaban.
Marami ang nagtatanong sa akin habang kami ni Joelad Santos ay naghuhuntahan sa isang sulok kung bakit wala si ganito o si ganire. At dahil hindi naman bingi at manhid ang ating komisyuner, nang mawala na ang mga nagtatanong ay sinabi niyang, “KC, sabi mo nga ay ikaw naman ay nag-oobserba lang sa mga nangyayari, nakakalungkot naman na may mga kasamahan tayong hindi na natin nakakasama ngayon.”
Alam ko ang nasa isip ni Joelad. Naipit din siya sa isyu ng Carlo vs. Mango. At alam kong nagtitipid siya sa paliwanag dahil ayaw niyang palakihin pa ang isyu. Kung may sugat na, hindi na dapat pigaan pa iyon ng kalamansi.
Ang totoo, ang mga taga-komiks na wala sa okasyong iyon, ay mas malalapit sa akin, ganoon din siguro kay Joelad. Nalulungkot din naman ako. Mas maganda
Kahit naman
Sa ngayon, hindi pa mababago ang ganitong pagkakahati-hati ng mga tao sa industriya ng komiks, pero hindi lang naman ito nagaganap sa mundo ng mga komikero—kahit saan ay may pagkakawatak-watak.
2 comments:
Sad but true. Kumusta na KC? :)
gilbert,
okey pa naman, hahaha. kaya nga mabuti pa tayong mga independent comics creators, nagkakaisa kahit papaano.
sana maganda na ang tinatakbo ng iyong sacred mountain. sabagay, basta seryoso sa ginagawa ay nagtatagumpay.
more power!
Post a Comment