Habang tinatanggal na ng mga organizer ng naganap na launching ng komiks ni Carlo ang mga kung anu-anong nakakabit na posters, mga audio equipment, mesa, silya, etc. ay naghuhuntahan pa kami nina Randy at Mario sa isang sulok. Nakikita ko sa mga mata ng dalawa na na-relieve na sila sa sitwasyon.
Kaming tatlo ay kasama sa mga unang pagpupulong kung paano sisigla ang komiks industry bago pa man magkaroon ng comics caravan, at bago ang mango-sterling-carlo tug of war. Magkakasama kami kung saan-saan may miting at pansamantalang iniiwan ang pinagkakaabalahan. Napabayaan ni Mario ang panliligaw, si Randy ay nakakagalitan na ng nobya, at ako naman ay tumatambak ang labahin at plantsahin sa bahay.
Nang magtagal ay sina Randy at Mario na lang halos ang nakapagpatuloy sa ibang gawain at ako’y pasulput-sulpot na lang. Natutuwa ako nang mag-guest ang dalawa sa PTV-4 nang malusog na ang mga paghahanda para sa comics caravan. Guwapo pala ang dalawa on screen.
Alam na ninyo ang mga sumunod na nangyari, at balik tayo sa eksena sa itaas kung saan tapos na ang launching ni Carlo. Sabi ni Randy ay, “Umuwi na tayo, tayo na lang yata ang hinihintay at nahihiya lang kunin ang ating inuupuan.” Lumarga na kami palabas ng NCCA.
Habang naghuhuntahan kami patungo sa sakayan ay nakita ko ang relief sa mukha ng dalawa. Hindi na sila worried o ngarag lalo na kapag may biglaang pamiting si Joelad. Ang dalawa kasi ang madalas na nag-aasikaso ng mga paperwork at pag-iiskedyul kung saan may miting. Masasaya na rin sila at masisigla.
Hindi rin nag-uungkat ang dalawa kung may mapupurbetso ba sila kay Carlo pagkatapos ng lahat ng ito. Unang-una ay hindi naman nila kailangan dahil parehong magaganda ang kanilang trabaho. Si Randy ay may tinatapos na million-dollar graphic novel bukod pa sa raket niyang animation movie. Hindi ako aware sa mga project ni Mario, pero nag-e-mail siya ng drowing niya sa akin at napakalayo na kumpara sa dating drowing niya noon. Mahusay na! At ang alam kong pinakamalaking ‘gain’ ni Mario sa mga kaganapang ito ay nagkaroon siya ng love interest. That’s cute.
Bayani ang tingin ko sa dalawang ito. Masasaya sila dahil alam nila na nakatulong sila sa pagtatayo ng pundasyon para sumigla muli ang komiks. At ginawa nila iyon nang walang kasamang personal na interes.
At ngayong tapos na ang lahat at posibleng sa September 4 ay lumarga na ang komiks ni Carlo at ng Sterling, may bago kaming pagkakaabalahang tatlo. Niyayaya ko sila sa nude painting session—at lalo iyung nagpakislap sa kanilang mga mata.
And it will be a different approach to nude painting—ang mga artists na lalahok sa session ang nakahubad, ang modelo ang nakadamit!
3 comments:
Tama, mag nude painting na lang tayo hahaha. O sino ang gustong sumama? Open sa lahat....ang problema...wala pa ring makitang model.
hehe baka mag asawa na si mario nyan pag nude painting ang gagawin hehehehhe!!
hahahaha!!!! ang model ang luluwa ang mata sa kamachuhan nina mario at randy...
obviously ngayon ko lang nakilala ang blogger .com na ito..kaya ngayon lang din kita nakilala sir kc cordero...ngayon ko lang nabisita ang blog mo at malamang matatagalan bago ako makarating sa mga recent posts mo.,..
kaya skip na ko malamang sa kutakot takot na istorya sa blog mo..babalikan ko unti unti pag medyo hindi na busy....
Post a Comment