Natabunan ako ng trabaho sa Risingstar dahil halos dalawang buwan akong nagbakasyon sa trabaho roon. Masyadong malayo ang Tandang Sora sa amin sa Pandacan, at medyo nakatamaran kong mag-report. Sabagay, marami naman akong advance na deadline pero nang magbalik ako, hanggang leeg na ang dapat gawin.
Hindi ko alam pero pagdating ng September ay mababa na ang energy level ko. Ang gusto ko na lang ay magpasarap hanggang New Year; mag-mall, magbasa, manood ng TV, matulog, etc. Pero pag dumarating na ang monthly bills, kailangang bumangon nang maaga at harapin ang mga obligasyon.
Sa mga ginagawa ko ay sobra sa 100% effort ang ibinibigay ko sa The Buzz Magasin. Bago para sa akin ang entertainment writing nang simulan ang hot showbiz magazine na ito noong 2003, and so far ay hindi pa ako nababagot.
As associate editor ng The Buzz, ang function ko ay ayusin ang mga articles na naka-submit pagkatapos basahin ng editor-in-chief ang mga details. Ako na ang bahala kung paano ang final editing, paglalagay ng heads, at kung may kulang na articles at deadliest deadline na, ako na ang susulat. Kaya bago ang deadline proper, nagbabasa na ako ng entertainment pages ng mga tabloids, broadsheets, at nanonood ng mga local showbiz-oriented shows.
Sa magasin na ito, mostly ay sa desk ang trabaho ko. Hindi ako nag-a-attend ng presscon, walang artistang nakakakilala sa akin o iba pang personalidad sa showbiz. Wala rin akong natatanggap na payola, regalo pag may okasyon. Wala ring artistang nag-iimbita sa akin. At sa palagay ko ay iyon ang strength ng The Buzz Magasin dahil hindi ako nagiging partial sa aming mga nagiging subject matter.
Ang obserbasyon ng mga readers namin, masculine ang dating ng The Buzz Magasin, at may pagkasalbahe.
Here’s our new issue at lalabas ito before the 20th of October. Lots of showbiz buzz…
Marami kaming plano noon sa magasin na ito para maging compulsive read. Nang magsimula ito ay may horror stories, crossword puzzles, etc. para maiba sa ibang showbiz magazine. Lately ay naging halos lifestyle mag na porma nito at nawawala ang masculine touch.
Dahil gusto na namang pasukan ng mga pagbabago at para maka-attract ng young readers, dumating sa mga pahina ng The Buzz Magasin ang superhero na ito... si Timawa ni Gerry Alanguilan (http://www.gerryalanguilan.com/).
At kung young male readers ang target ng Timawa, may pampakilig din para sa mga young female readers, ang nobelang prosang Meant For Each Other, na ang gumagawa ng spot drawings ay ang comics creator din na si Ner Pedrina (Sanduguan).
Kung may chance na mapapadaan kayo sa ABS-CBN para manood ng Wowowee o anumang shows at trip ninyo na hanapin ako, nasa fourth floor ako ng ELJ Building. Tiyempuhan lang ninyo na araw ng suweldo para mailibre ko kayo ng kape sa Starbucks.
By the way, may mga kaibigan ako na nag-text nang matapos ang laban nina Pacman at Barrera. Tuwang-tuwa raw sila dahil bukod sa nanalo ang kanilang Pinoy ring idol, feeling daw nila ay AKO ang sinasapak ni Pacman! May nagpadala pa sa akin ng MMS to prove their claim. Ang babait n'yo, gugulpihin pala ang karakas ko! :)
6 comments:
WOW! naka post yung drawing ko, ha ha ha.
ang galing ng timawa ni gerry! kick ass!
At kelan ang araw ng sweldo mo? Pupuntahan kita. Miss ko na Starbaks e. :)
Salamat Ner!
ner,
ambangis, 'no? ganda ng tindig. parang pag nabigwasan tayo tanggal lahat ngipin natin, hehe.
ger,
anytime pwede!
oo nga, pero maglilibre ka nga ba sabi ni gerry? he he he
hahaha, ang guwapo! pangboksingero ang papa KC ko.
nyaahhh!!
sa ELJ ka lang pala. hahahaha
madalas ako sa ELJ eh..
sige sa next daan ko.itetext kita ahhhahaha
Post a Comment