Tuesday, October 16, 2007

...so you think teri hatcher is bad

...at ang lahat nang may kinalaman sa show na 'desperate housewives.' maliit na isyu pa lang 'yan, mga kababayan, sa pang-aabuso sa atin ng mga kano. sana ay pakabasahin ninyo ang comics story na ito kung may time kayo:

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

18 comments:

Joriben Zaballa said...

Can I repost this to my blog. Grabe to ha. May ganito pa lang comic.

kc cordero said...

jori,

sure, sir. no problem.

Anonymous said...

KC,

Kasama ba ito doon sa nabili mong bargain Graphic Novels ? swerte mo naman ! meron pa kaya ? sana dalawang kopya binili mo, reimburse na lang kita, including postage and shipping.
Marami akong libro nito ni STOUT, yung tunkol sa Dinosaurs, nabili ko rin sa bargain bins , matagal na , laste 80s pa yata. Maganda ang mga drowings....

Auggie

kc cordero said...

auggie,
marami akong nabibiling bargain comics, siguro nga suwerte lang. pero itong komiks na ito ay isang kopya lang. i'll find time to photocopy this at ipadadala ko sa 'yo.

Ner P said...

true story yan, based yan sa balangiga massacre.

Anonymous said...

KC,

Ganitong kwento ang mga gusto ko. Kung si Stout na isang Kano, kayang i-cover ang Balangiga Massacre, Kaya rin siguro ni CJC, ang kwento tungkol Ki Blackjack Pershing sa Mindanao, di ba ?

Auggie

kc cordero said...

auggie,
kahit siguro hindi si cjc, 'yung mga regular contributor sa sterling ang dapat na may initiative sa pagsulat ng mga ganitong story. tiyak matsa-challenge din ang mga artist.

TheCoolCanadian said...

Joey Gosiengfiao made a movie in the 70s about this massacre. It's called SUNUGIN ANG SAMAR. This film is still doing its rounds in Canada, USA & Europe, receiving critical acclaim.

Diyan sa atin, ININGUSAN lang ito ng mga so-called critics.

Robby Villabona said...

Ano kaya ang naging itsura ng mga komiks natin kung di tayo sinakop ng Amerikano? O nagkaroon kaya ng komiks noon?

Anonymous said...

Sir Karlo si Jerwin to. Forget about the coffee, I was just kidding.

About this post, let's not learn how to hate. Yung violent reaction ko hindi na lang haha.

TheCoolCanadian said...

RobbyV:

Hindi siguro malayo sa style ng WAYANGKURLIT or WAYANG PURWA ng Indonesia. Hawig naman ang pinagmulan ng RP sa kanila kaya baka ganito rin ang syle. Sa madaling salita, hawig sa style ng drawing nu'ng HIKA GIRL.

kc cordero said...

jerwin,
yeah, world peace. :)

JM,
kuya, 'yun bang mga nauna nating komiks creators lahat ay impluwensyado ng american comics like the great fv coching?

Robby Villabona said...

JM,

Meron ba tayong art history na ganong itsura? Siguro kung di tayo nasakop ng Kastila...

Palagay ko kundi tayo nasakop ng Amerikano wala tayong komiks industry na lumaki gaya ng sa kasaysayan natin.

Kung sa art influence naman nila Coching -- palagay ko sa mata ng karaniwang tao ay obvious ang impluwensiya ng American comics. Yung mga aral-na-aral lang sa komiks art ang nakakakita ng mga sobrang subtle na pagkakaiba. Dati pinost ko ang ilang mga 50's art nila Coching at Redondo sa digitalwebbing forum. Sabi ng mga Amerikano na nagbabasa doon, kundi daw Tagalog yung text ay iisipin nila gawa iyon sa Amerika.

Anonymous said...

Am returning your blog visit, KC, and so glad to have found your blog. kasama na ito sa listahan ng faves ko :D

Anonymous said...

Rob,

Malaki ang impluwensiya ng mga Onak ki FV Coching. Noong WW2 yata, parang nagtrabaho si Coching sa Depot ng mga Onak, kaya pamilyar siya sa lahat mga military supplies at PX sa loob ng military base. Pati mga characters na Onak pamilyar din siya, pati dialogue nila which was world war 2 vintage. Makikita mo ito sa nobela niyang PUSAKAL, na lumabas sa LIWAYWAY ( early 50s). Gulat ako sa mga drowing ni Coching doon sa mga 6x6 miltary trucks niya, authentic talaga, military jeeps tunay din, pati dialogue ng egoy na G.I. at puting G.I., mga machine guns, at iba pang military accesories.Ultimong STEEL MATTING, tama ang drowing niya. Itong steel matting ginawang bakod dito matapos ang giyera. Inabutan ko pa rito sa UP Iloilo City, ang steel matting na iyan.

Auggie

TheCoolCanadian said...

Robby:

Kaya nga nakapasok agad sa US ang mga pinoy illustrators dahil sa western look ng mga drawing nila. Di ba't ang mga characaters ng ating komiks since time immemorial, ay western ang look, dahil na rin siguro sa maagang pagkaka-expose natin sa Spain. However, yung Indonesia na matagal ring nasakop ng mga Dutch, hindi isla nag-succumb sa influence ng western culture. They kept their own, their shadow play characters wayang purwa and kulit, na ganon din sa komiks nila.

Auggie:

tama nga iyang observation mo. Isa si Coching sa mga artists natin na may extra touch sa authentic details ng mga bagay-bagay/ Yung mga steel matting na may mga butas na bilog, ang dami niyan sa KAMUNING area at kadalasan ay gawang bakod. Maski noong umalis ako sa Pilipinas noong 1980, marami pa nito sa area ng Kamuning.

Diko KC:

Karamihan ay American ang influence pero mayroon ding nag-stick sa pinoy look, na tulad nina Lombo, Collado, Roque at iba pa. Naturalmente, itong mga PINOY LOOK ang drawings, hindi na-hire para magtrabaho sa America.

Anonymous said...

JM,

Tungkol sa mga artists na PINOY LOOK, ang drawings, palagay ko si Elpidio Torres, ang pinaka prototype. Conservative din ang style niya dahil heavily-influenced siya ng professor niya sa UP- CFA na si Fernando Amorsolo. Si Jose Caluag,hindi rin Western ang look ng drowing niya, at least yun ang nakita ko sa LAGIM KOMIKS ,ng Miranda Publishing.

Ang isang may Pinoy Look sa tingin ko na nakalusot sa US ay si Eufronio Cruz, or E.R. Cruz, Pinoy ang mga characters niya eh, paano kaya niya nalusutan ang mga Onak na editors? lusot eh, at ang dami pa niyang ginawa sa US....

Auggie

Mangoes and Papayas said...

Great blog kuya. I'm impressed. SO informative pa. Salamat at tinutulungan mo ang pagsulong at pagpapalaks ng interes sa industriya ng komiks atbp.! I've forwarded your blog address to my other friends na. :)