Wednesday, December 5, 2007

'read or die another day'

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

MUKHANG na-snub ako ng Read or Die Convention sa gaganaping Pasko ng Komiks 2007 sa UP Diliman sa
December 11, 2007. Nag-confirm ako ng attendance para maging panelist at medyo lately ay naghahanda sana sa mga tanong na posibleng ibato sa akin kaya kailangan ay may handang sagot. Uh, hindi ko na magagamit ang ginawa kong munting research na pinamagatan kong “Read or Die Another Day—A Filipino comics publisher’s tale.”

Hindi ko alam kung bakit ako naitsa-puwera kasi hindi na rin naman nila ako na-inform. Ipinagbibigay-alam ko lang ito sa ilang kaibigan at kakilala na nagbabasa ng aking sad, little blog at napangakuan ko na i-meet doon sa UP na some other time na lang po tayo magkita-kita... pero magpunta rin kayo kasi magandang event ito.

16 comments:

Robby Villabona said...

Si Aklas Isip panelist at ikaw hindi? Tsk... tsk... It's their loss, twice over.

Anonymous said...

Kuya Kc,

typo lang na hindi nasama pangalan mo sa post ni Randy. kung tignan nyo sa http://read-or-die.org/komiks andun kayo sa 3-5pm slot. pasensya na po.

sigurado ako na they're looking forward to hearing your presentation. :D

Anonymous said...

Uh, sir, teka lang. Iscrescreenshot ko ang pinadala kong email kagabi containing the final details of the event na naka-loop sa lahat ng invitees, therefore, isa kayo dun. Baka pwedeng paki-check po ang gmail niyo. Kung wala man po ang pangalan niyo sa email--kasalanan ko yun, pero honest oversight, hindi po 'pang-iisnub'. Nung tinext ako ng isang member na nag-proofread kaninang umaga, pinabago ko agad. Wala po kaming intensyon na iitsa-pwera kayo (???). Bakit namin gagawin yun? Ever since nasa website kayo at sa lahat ng communication with UP, pati yung program guide na naka-print na.

So sorry talaga, pero kung wala po sa email ang pangalan niyo, katangahan ko yun, walang malisya.

Clarification lang kung may mag-jump sa conclusion gawa sa post na ito: Wala kaming pinapaboran sa kung anumang isyu na meron ngayon sa komiks community. Ang purpose namin buuin ang symposium, para sa mga komiks artists and writers.

Anonymous said...

Sir KC see you there. I'll try to go there early para makita ko rin yung mga early panelists. I'm sure marami silang maibibigay na insight sa katulad ko. Like Sir Gerry.

It was so nice meeting you last monday. You're a nice person at nakikita ko malaki magiging contribution mo sa muling pagpapalakas ng industriya.

I haven't met up with Gio nga pala pero sigurado one of these days.

- Jerwin

Randy P. Valiente said...

Wala nga dun sa blog ko, kuya kc. Hehehe, na-copy ko lang kasi yan sa press release. i-edit ko na :)

Anonymous said...

KC,

Huwag kang mag-aabsent doon at nandoon pala si Aklas-Isip. Kausapin mong maiigi at alamin mo kong ano ang hidden agenda niya at nagsusulat siya ng mga posts sa blogs na ikinayayamot ng maraming nagbabasa.

Tingnan mo din kung may basis yung fear ni 'Preng Fermin na mi halong condescencion ang pagtingin ng mga literati sa mga Komikeros, baka naman perception lang ni preng Fermin yun...

Marami kang mga insights na makukuha sa pag -attend doon....


Auggie

Azrael Coladilla said...

o ayan ok na pala

punta ka!~!!
pupunta din ako dun!
kita kits!!

Anonymous said...

Hindi kaya makalusot ang mga grupo ng magdalo roon? Dapat lang na mahigpit ang guard.

Anonymous said...

Clarification lang kung may mag-jump sa conclusion gawa sa post na ito: Wala kaming pinapaboran sa kung anumang isyu na meron ngayon sa komiks community. Ang purpose namin buuin ang symposium, para sa mga komiks artists and writers.

Tanong lang,

kung ganun, bakit wala ang grupong naimbita sa mga gumagawa komiks ng sterling lalo na sina nar castro, joelad, jose mongcal nerissa cabral, elena patron at iba pang matatanda sa komiks?

salamat po!

joey

Anonymous said...

Naku Sir KC, baka di ako makarating mamaya. Sana meron mag magandang loob na mag post ng event sa youtube. Dito na lang ako sa blog maghahain ng tanong kay Sir KC.

- Jerwin

Unknown said...

Tinuro ulit ako sa post na ito.

Kay joey --

Sorry pero paano mo naman nalaman kung sino ang mga inimbita at hindi inimbitahan? Yan ang sinasabi ko sa pagjujump sa conclusions. Natural ang nakalista sa guest list yung mga pumayag na dumalo. Kung ililista lahat ng inimbitahan, anong silbi nun?

Inimbitahan si Elena Patron, inimbitahan si Nerissa Cabral. Tumawag pa ako. Hindi makarating si Elena Patron dahil may appointment siya nang 7AM at hindi siya makakaabot sa UP by 1PM. Hindi talaga mahilig si Nerissa Cabral sa forum. Matalik nilang kaibigan si Sally Eugenio na nag-host ng symposium.

Ang focus ng symposium sa hapon ay mga gumagawa talaga ng komiks. Sa forum ng 3PM - 5PM, ang gustong marining ng UP ay ang mga bata-batang artists at writers. Isang araw lang ang symposium kaya dapat may structure ito, kaya may synthesis sa dulo. Kung kahit sino na may gustong sabihin ay pagsasalitain, o kaya kung paiikutin na naman ito sa Caparas vs. Anti-Caparas, o sa mga personal na isyu na wala kaming alam, hindi na dapat ginawa ang symposium sa UP Diliman. Sa boxing ring na lang siguro.

Sa susunod ay talagang planong mas inclusive ang planning nito. Kaya ito inorganize ay para unti-unti makilala namin ang komiks community at salamat sa symposium, marami kaming na-meet na artists at writers.

Anonymous said...

Sir Read, siguro dahil ito sa mga bad policies we practice. One bad policy after another. Wala nang may tiwala sa isa't isa. Or siguro we don't really practice one. Puro pulitika. Pag di pabor sa isa pasasamain yung isa.

Ako Sir against ako sa CJC project pero in lined sya sa sarili kong polisiya. In the end kasi pag sound ang policy ng isang tao hindi man sya totally agree sa isang policy, you know andun ang trust sa isa't isa. And maganda ang outcome for the industry whichever side you choose.

Politics kasi is more on personal gains. At napakarami ng nagpapractice nito yata.

Policy lay down concrete lines and limits kasi darating at darating ang time you will no longer be able to trust your own judgement.

Ususally those who practice too much politics are people who don't stand for anything kaya pag may sinabi sya it may look good outward pero yun pala for his ulterior motive at hindi mo maaasahan when it matters most.

This is a bad habit if we want to gain international ground .

Sensya na po naghihinga lang.

- Jerwin

gladi said...

kuya KC,

hinintay kita ah. pero paulit-ulit na tinawag ang pangalan mo as panelist umaga pa lang. anu ba un?


glady

Anonymous said...

Salamat naman at nalinawan ako.

Joey

Anonymous said...

HEHEHE. Isa lang ang masasabi ko.
hindi yan katangahan. "Pulitika!". Dapat nga nilagay nila dun ung mga may alam talaga sa industriyang ito hindi kung sino sino. Pinagsama ung matatanda at bata. para maganda. Ung tinubuan na ng ugat at namuti na at kumulot na ang buhok sa pagiging editor o pagsusulat sa pinoy komiks. O di kaya inimbitahan nila si
Carlo Caparas para matalupan nila kung anu ba ang rason at ayaw nitong maglabas ng iba pang komiks. Hmmmm. Kaasar ayaw nila ng pulitika pero, iyon din pala ang ganti nila. Puede pakitingin ang mga MUTA sa mata bago nyo tanggalin ang nasa iba?! Baka mas malaki ung nasa inyo?! hehe

Anonymous said...

HEHEHE! Baka naman sa sobrang proofread eh, denilete na lang ung pangalan na KC.
hekhek. Yeah! kc boy ganyan ang buhay, masanay at tutal nasa showbiz ka naman. un nga lang...ung industriyang minahal naten pinapasok na rin ng showbiz at mukhang sowbiz na rin ang ilan sa mga andito. malalaman natin yan sa mga ilalabas pa ng mga araw at panahon. At tin kung wala kayong pinapaboran bat di nyo nagawang imbitahan si Carlo Caparas huh?!kung wala nga kayong pinapaboran at big deal sa anumam uri ng tao. Bwahahaha!