Tuesday, November 27, 2007

'under siege'

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Matapos ang mahaba-haba na rin namang panahon ng pagsusulat ng kanyang mga pananaw, obserbasyon at mga karanasan ukol sa industriya ng komiks sa Pilipinas, nasa isang unfamiliar terrain ngayon ang aking kaibigang si Randy “Mr. Sold Out” Valiente matapos niyang ilabas ang kanyang aklat na ‘Komiks sa Paningin ng mga Taga-Komiks’ (in the book, it’s an unhyphenated ‘TagaKomiks’, I just follow the copy reading style that I’m using, force of habit), na may kaakibat na tulong mula kay G. Fermin Salvador, at sa ilang mga taga-komiks na nag-ambag ng kani-kanilang artikulo. Siyempre pa ay binubuklat na ito ngayon ng balana at binibigyan ng karampatang papuri at puna. Kung sa mga nakalipas na panahon ay si Randy ang ‘hunter’ ng mga naglalabasang babasahing may kaugnayan sa komiks, ngayon na siya ang naglimbag, siya naman ang hunted—thus goes the cliché, ‘the hunter becomes the hunted.’ At sa dami ng kritisismo na natatanggap niya ngayon sa PKMB, na posibleng dumami pa sa malapit na hinaharap, ‘kumbaga sa pelikula ni Steven Seagal ay para siyang under siege.
Welcome to the club, Randy.
Naranasan iyan ni Gerry Alanguilan nang ilathala niya ang Wasted at Elmer, ni Gilbert Monsanto sa kanyang Tropa at Rambol, nang ilabas ko ang Filipino Komiks, ng mga taga-Culture Crash at iba pang manga artists na naglabas na ng kanilang akda, at ng Sterling—sa panahon na pinipilit nating pasiglahin ang ating hanay.
Wala pa akong kopya ng ‘Komiks…’ dahil naramdaman kong mauubos sa Komikon ang dalang kopya ni Randy nang i-launch niya ito ay hindi ko muna kinuha ang aking complimentary copy (may 2 akong artikulo). Sinilip ko lang ang loob, ang pisikal na anyo at ang font na ginamit. I’m more conscious with the technical aspects ng mga inilalathalang babasahin sa ngayon dahil nga patuloy akong nagde-develop ng mga reading materials for CDE market.
Ang talakayan sa ‘Komiks…’ ay naumpisahan sa PKMB nang i-announce ni Randy sa ‘Palengke! Section’ kung saan-saan mabibili ang nasabing aklat. Dito na naglabasan ng kani-kanilang saloobin ang mga nakabasa na ng libro at ng mga hindi pa, partikular sa isyu ng paggamit ng isang contributing writer ng pen name sa halip na ang kanyang tunay na identity.
Ano nga ba ang problema sa paggamit ng pen name?
Mahabang talakayan ito at open ako sa maraming punto de vista sa bagay na ito. Sa kaso ko, ang KC Cordero ay pen name ko lang ngunit dito na ako kilala ng mga nakakabasa ng mga sinulat ko at maging ng mga taong personal kong kakilala (in fact, alien na sa akin ang tunay kong pangalan). Ito ay pen name na legal sapagkat lumabas at ginamit ko sa mga opisyal na publikasyon hanggang ngayon.
Uulitin kong hindi ko pa nababasa ang libro ni Randy. Sa usapin ukol sa isang contributor writer doon na gumamit ng pen name, masasabi kong iyon ay in bad taste kung ang artikulo niya ay tumuligsa, bumatikos sa iba pang contributing writer na kasama sa hanay ng mga nagsulat.
Nauunawaan ko rin ang damdamin ng ibang nagsulat na inilagay ang kanilang tunay na identity samantalang ‘yung isa ay hindi. Kahit noong bata pa tayo at puno pa ng kapilyuhan sa isip, pag tayong magkakabarkada halimbawa ay nagkasundo na sabay-sabay umihi sa pader, naaasar tayo kapag may isang hindi naglawit ng kanyang batotoy at sa halip ay tumakbo pauwi.
Naghain si Randy ng kanyang mga rason kung bakit hinayaan niyang may isang gumamit ng pen name. It’s his book; he calls the shot, ‘ika nga. At sa opinion ko, may natutunan tayo sa bagay na ito. Unti-unti, sa mga bagay na ginagawa nating mga komikero ay marami tayong natututunan.
Ako sa partikular ay namulat sa pangyayaring ito. Kung sa hinaharap ay makakuha rin ako ng sponsor para makapaglabas ng aklat at kukuha ako ng mga contributors, sasabihin ko na agad na, ito at si ganito ang mga kasama sa kalipunan ng mga writers, at si ganire ay gagamit ng pen name at ayaw magpakilala. Para malaman ko kung okey lang sa ibang writers ang ganitong sistema.
At kung sakali naman na sa atin ay may magpagawa uli ng artikulo, maganda siguro na linawin din natin kung sinu-sino baga ang ating makakasama. Puwede bang makahingi ng draft o overview ng sinulat ng iba. Baka kasama nga tayo sa nagsulat, isa rin pala tayo sa tinuligsa. Para naman tayong ginisa sa sariling mantika.
Ang mga ito ay mga bagong proseso na natutunan ko sa aklat ni Randy.
Sa mga susunod na araw ay umaasa akong ang mapagtatalakayan na ay ang tungkol na sa mga nilalaman ng ‘Komiks…’ sapagkat sayang naman kung mapag-uusapan ito dahil lang sa isang isyu na sa tingin ko ay na-overlook lang ng ating kaibigan. Magandang malaman natin ang sensibilidad ng mga writers sa kani-kanilang artikulo. Sa bagay na ito, sana ay makilahok ang gumamit ng pen name.
Kay Randy, mahirap bigkasin kung paano ko siya hinahangaan sa dedikasyon niya sa industriya at sa paglalabas ng aklat na ito. Gusto kong isipin na na-overwhelm siya realization ng kanyang project kaya naka-commit ng konting ‘reckless imprudence’. I am more than convinced that after this experience, he became a much, much better person. Ang pinakamatigas na bakal ay sadyang dumadaan sa pinakamainit na apoy.
To end this blog, I am leaving you a quote from Jean-Paul Sartre which I think best describes the above issue: “Men of letter must face the greatest dangers and render the most distinguished service to mankind.”

12 comments:

Anonymous said...

Sir, napanood mo ba yung show ni howie severino? tungkol kay andres bonifacio. tragic pala yung story ni andres kaya di tinuturo masyado nung elementary kami. alam ko lang "andres bonifacio atapang atao". man of letter din ba sya?

by the way sir, igagawa ko ng design ang character mo nung tungkol dun sa invisible man mo. ok lang ba sir? tapos lagyan natin ng kc cordero's ________. marami ka naman yata contact sir, ilabas mo na ulit yan.

- jerwin

kc cordero said...

jerwin,
i'm starting to admire your guts, boy, and i think i should try your real worth. i'll be at abs-cbn 6pm tomorrow. see you there.

Anonymous said...

At alam mo ba, KC? The bravest man on this earth is the one who rise in his fall. Bago pa man ako tumapang ay natuto na akong matakot.

TheCoolCanadian said...

Ingkong KC:

Sa tuwing ako'y magbabakasyon, may mga happenings na nangyayari sa mga blogs ng komikeros. He-he.

Personally, I don't really blame Randy for publishing Aklas Isip. I don't agree with Aklas for taking cover behind his nom de plume, but heck, many people will not take him seriously no matter what topic he writes about because he just lacks credibility by not showing his YAGBOLS. He wants to make himself the oddball, goofball, nincompoop of blogs worldwide, that's fine with me.

Pagbaba ng araw sa likod ng mga bundok at karagatan, sino ang nangungulila... ako ba? Kami ba na mga nag-contribute ng articles sa libro ni Randy na gumamit ng tunay nilang mga pangalan?... o si AKLAS ISIP na LULUGU-LUGONG nag-iisip sa sariling kahunghangan kung bakit hindi maharap ang mapait na katotohanang... NAPAKA-IKLI ng buhay sa mundong ito, at kung hindi ka rin lang kasing-TAPANG, kasing-GITING, kasing-TATAG ng kahanga-hangang, ORIG... the one one and only... DAMIAN SOTO... ay tsupi ka na lang.

Kaya mga katotong komikeros, huwag talupan ng buhay ang isang kaibigan nating komikero na isa sa mga kapuri-puring nilalang sa maliit na daigdig ng Philippine komiks, ang isang orig na may prinsipyong hawig kay Damian Soto, si Ginoong Randy Valiente.

Kaya nga ba ang artikulong isinulat ko ay ginawa kong kasiggaan ng papel de Hapon, para naman magkaroon ng kahi't bahagyang relaxation ang mga magbabasa. Kasi, kung puro na lang angst ni AKLAS ISIP ang mabubuglawan natin ay sukat na. Sinubukan kong mag-iwan ng message sa blog ni Aklas, pero sa akal ba ninyo ay pinahintulutan ito ng taong ito na mabasa iyon? NOSIREEE! Paano, pinuna ko yung idea niya tungkol sa mga komiks daw na ibinebenta sa sidewalk sa north America.

Mukhang he's getting too ancient. 1950's pa itong binabanggit niya. Nagsi-alisan sa bangketa itong mga babasahing ito in the early 60s, at naglipatan sa 7-11 stores, Safeway, Superstore, Frabchise bookstores, and mostr especially.... specialty comics shops. Si no ba ang inuulol niya? I've been living here in north America for almost 30 years, and I still have to see those bangketa komiks hge is talking about.

Kaya nga... mga kaibigang komikeros... hayaan iyang si Aklas Isip ay magngangawa na prang ASONG ULOL at pagbaba ng araw sa mlikod ng mga bundok at karagatan... pagsapit ng takip-silim at paglaganap ng karimlan sa kanyang daigdig ay matatapugan niyang muli ang kanyang sarili na nag-iisa... punung-puno ng kalungkutan, ng paghihinagpis, dahil sa halip na makatulong sa pag-usad ng komiks ay sinisira niya ang inspirasyon ng mga artists at mga manunulat na itinalga ang kanilang mga buhay at kinabukasan dahil lamang sa pagmamahal sa komiks.

Ngayon, dahil may record itong si Aklas na mag-hit below the belt sa kayang sarcasm, at kung hahagupitin niya ako ng personal dahil sa sinulat kong ito...
daanin na lang natin sa HUBARAN. May the guy with the best looking physique and the nicest looking dick... wins!

O, ano... laban ka diyan?

JM po lamang, blabbering from Lake Louise, Alta.

CC: Randy's Blog.

Anonymous said...

talaga sir? thanks! please don't forget the comics. :)

- jerwin

kc cordero said...

nom de plume,
i took note of that, sir (or ma'am?), and i think marami naman sa atin ay talagang dumaan muna sa maraming takot bago tumapang. that's why for me, what's wrong with revealing the true identity sa ating mga ginagawa o sinusulat?
anyway, ang isyu sa paggamit ng pen name ay alam kong naka-offend din noon sa mga kaibigan kong romance writers dahil kinukwestyun ko sila kung bakit kapag sa bangketa ibebenta ang libro ay ayaw ipagamit ang: quote unquote—sikat nilang byline dahil baka maging cheap daw ang dating. so why write for a 'cheap medium' and then hide in anonimity?
it so happen that my orientation is, ke pangit-ke maganda ang ginawa ko, i'll tell the world na ako ang gumawa niyon. i live and die in anything, everything that i do.
thanks for dropping by, sir (or ma'am). :)


JM,
yahoo!

Anonymous said...

KC,

Maaring nagkaroon lang ng error sa judgement call si Randy Boy, but by and large, okay naman ang libro, altho, kailangan lang ang masinsin na editing dahil sa typos ( naiintindihan natin ito dahil inihabol sa KOMIKON). Randy & Fermin deserves our kudos for putting out a book for researchers on pop culture.

Kaya lang naman mainit doon sa anonymous writers dahil extremely hostile sila at condescending pa sa mga ibang bloggers...


Auggie

Anonymous said...

Oi, achei seu blog pelo google está bem interessante gostei desse post. Gostaria de falar sobre o CresceNet. O CresceNet é um provedor de internet discada que remunera seus usuários pelo tempo conectado. Exatamente isso que você leu, estão pagando para você conectar. O provedor paga 20 centavos por hora de conexão discada com ligação local para mais de 2100 cidades do Brasil. O CresceNet tem um acelerador de conexão, que deixa sua conexão até 10 vezes mais rápida. Quem utiliza banda larga pode lucrar também, basta se cadastrar no CresceNet e quando for dormir conectar por discada, é possível pagar a ADSL só com o dinheiro da discada. Nos horários de minuto único o gasto com telefone é mínimo e a remuneração do CresceNet generosa. Se você quiser linkar o Cresce.Net(www.provedorcrescenet.com) no seu blog eu ficaria agradecido, até mais e sucesso. If is possible add the CresceNet(www.provedorcrescenet.com) in your blogroll, I thank. Good bye friend.

TheCoolCanadian said...

KC malabo yata ang sinasabi nitong hunghang na taga Brazil. Ito ang napulot ko sa sinabi niya:

Hi, I found this blog through google. It is quite interesting and I really liked this post (ano? Naintriga siya kay KULASPIRO-ISIP? EHESTE, AKLAS ISIP PALA). I like speaking over the CresceNet. The CresceNet is a dialed supplier of InterNet that remunerates its users for the hardwired time. They'll pay you to get connected ( 'no ba ini?). They paid supplier 20 cents for the moment of connection dialed with local plugging for more than 2100 cities in Brazil. The CresceNet has a connection accelerator that leaves its faster connection up to 10 times. Whoever is using broad band can also profit, enough to register in CresceNet and when it's not in use will be set to sleep (ah, patutulugin yata si Aklas Isip). To connect to it is possible to pay the ADSL alone with the money of the dialed one. In the schedules of only minutes the expense with telephone is minimum and the remuneration of the CresceNet is really generous.

If you I to want to link to Cresce.Net(www.provedorcrescenet.com) in its blog I'd be thankful. More success to you.

(spam pala ang lintsiyak!)

kc cordero said...

JM,
ahaha, nagulat nga ako dahil hindi ko maunawaan kung anong language 'yan. thanks for the info. i'll find time to see what Cresce.Net has to offer.

AUGGIE,
yeah, i've pointed that a bit. saka maganda nga 'yung libro at sayang kung maha-hype lang dahil sa anonymous writer at hindi sa content kasi magsa-suffer ang mga susunod na issues.
baka makakapunta ka sa UP sa dec 11para magkita-kita tayo nina randy.

Anonymous said...

Hindi mo ba ako iimbitahin sa UP sa Dec.11? C u there!

kc cordero said...

nom de plume,
yeah, i'll try to see you there and hope na magpakilala ka sa akin, i'm good in keeping secrets anyway.
i said yes to the rodcon invitation but to be honest i have sad memories of being part of the panelists in one or two student writers conventions there. the UP profs found my way of thinking rather 'too practical for comfort' and they look for 'lecturers' who will satiate their students need for, uh, intellectual information.
but i wanna see if UP's too academic environment will no longer become hostile to a common tao like me who sees things in a 'different' perspective (read: not-so-intelligent.)
on a hindsight, masarap namang makinig sa ibang invited lecturers na may mas malalim na kaalaman sa medium. and yes, masarap magpunta sa campus na maraming magagandang dalagita/dalaga. :)