Wednesday, January 30, 2008
'training day'
KAMAKAILAN, habang nagmemeryenda kami ni Ner Pedrina sa canteen ng ABS-CBN ay nabanggit ko sa kanya na interesado akong mag-attend sa cartooning workshop na idaraos ni Ariel Atienza sa loob ng apat na Sabado ng Pebrero sa Lopez Museum. Sabi niya sa akin ay bakit pa ako mag-a-attend ay mukhang hindi ko na kailangan ang training o workshop sa cartooning dahil medyo okey na naman ang mga gawa ko. Sagot ko ay kailangan ko ng certificate na nag-attend ako ng anumang art workshop dahil may paggagamitan ako, at itong kay Ariel bukod sa practical na ang workshop fee (p2,500) ay medyo maikli pa ang duration. Saka medyo matagal na rin akong hindi nakapag-eensayo at kailangan ko ng catalyst para mabuhay kong muli ang interes ko sa cartooning.
Kaya lang ay nagkaroon ng biglaang pagbabago sa schedule ko dahil sa isang urgent na bagay na ginagawa ko. Nanghihinayang ako sa oportunidad na maka-attend sa naturang workshop.
Bata pa ako ay nasa sistema ko na ang pagsali sa anumang training o workshop. Hindi ako mahilig sumali sa mga organisasyon, pero basta workshop lalo at may kinalaman sa art ay tiyak na nasa unahan ako ng pila. Maging ang welding at paggawa ng pattern para sa sheet metal works ay pinatulan ko dati noong hindi ko pa natutuklasan kung saan ako nararapat na field, at nangangarap na makapagtrabaho sa Saudi. Kung hindi ako nagkasakit noong 2000 ay nakapagsanay sana ako bilang barista sa Starbucks dahil inendorso ako ng isang kaibigan na mataas ang posisyon ng mister sa nasabing coffee giant. May time kasi na nangarap ako na magtayo ng kahit maliit na coffee shop.
Noong nasa komiks na ako ay nag-a-attend pa rin ako ng mga writing workshops kahit pa medyo may kamahalaan ang bayad. Isa sa pinaka-major na natapos kong writing workshop (screenplay writing) ay sa Film Development Foundation of the Philippines (FDFP) na inabot ng anim na buwan. Ayon sa aming trainor na si Nestor Torre, ang program na ginamit niya ay katumbas ng masteral na ginamit niya sa isang top university. Nagkaroon kami ng formal graduation na ginanap sa isang restaurant at dinaluhan ng mga local movie producers. Kaklase ko sa workshop na ito si Maryann Bautista, ang writer ng ‘Kasal, Kasali, Kasalo.’ Requirement sa graduation ang makapagsulat ng screenplay na pasado sa panlasa ni G. Torre.
Nakasama rin ako sa naimbitahan para sa writing workshop ni Ricky Lee para sa bubuuing bagong project development group ng Star Cinema pagkatapos ng aming graduation sa FDFP. Sa Tagaytay City iyon ginanap, at napakasarap dahil sinagot ng Star Cinema ang lahat ng gastos. Halos 30 kaming naimbitahan bilang workshoppers, at matapos ang isang linggo ay nagkaroon ng evaluation at sampu ang na-hire ng Star Cinema. Dalawa kami ni Maryann na nakasama, at bukod-tangi na hindi produkto ng anumang workshop ni Ricky Lee bago ang Tagaytay sojourn.
Noong nasa Batangas pa ako ay nagplano rin akong mag-enroll sa Dynacoil ni Mang Nestor Malgapo at VK Comics Studio ni Vincent Kua. Pero palibhasa’y noong araw ay parang ulan sa tag-araw kung dalawin ng pera ang aking bulsa ay hanggang pag-i-inquire lang ako thru mail at hindi na nakakapag-enroll.
Nang nasa Manila Times na ako ay saka lang ako nagkaroon ng formal training sa pagsusulat sa dyaryo na idinaraos ng kumpanya from time to time. At dahil mayroong The Manila Times School of Journalism, kapag may special session ang mga estudyante at may imbitadong mga bigating media practitioner para mag-lecture ay nakiki-sit in ako.
Mahalaga ang training o workshop lalo na sa mga mahihilig sa art o sa kung anumang discipline. Kung talagang may talent, lalong mahahasa. Kung wala naman, basta’t may interes ay siguradong may maa-unlock na potential. Nagbibigay rin ito ng panibagong enthusiasm sa iyong mga ginagawa dahil may mga technique kang natututuhan na iyong maia-apply.
At isa sa pinakamahalagang bagay na natuklasan ko sa pag-attend sa mga workshop ay maraming nakikilalang indibidwal, nagiging kaibigan at malaki ang naitutulong sa professional growth balang araw.
Monday, January 21, 2008
'nagbabagang lupa'
HINDI ako ganoon kainteresado sa kaso ng Sumilao farmers nang una silang magsagawa ng mahabang paglalakad mula sa kanilang lugar sa Bukidnon patungong Malakanyang para iprotesta ang anila’y pagkamkam ng isang malaking kumpanya sa kanilang lupain. Para sa akin, noong una, ito’y isa lang political act. Pinondohan para lang minsan pa ay siraan ang Arroyo administration.
Matagal na naglakad ang mga magsasaka. Kaya nagulat na lang ako nang isang umaga na papunta akong Tandang Sora, Quezon City, ay naroroon na sila sa may sakayan ng jeep sa tapat ng Department of Agrarian Reform. Nakabarikada, namimigay ng mga polyeto na nagpapaliwanag ng kanilang layunin.
Hindi pa rin pumapasok sa sistema ko ang insidenteng ito, kahit isang dalagitang magsasaka ang pilit na nag-aabot sa akin ng polyeto at nakikiusap na basahin ko. Nasa mga mata niya ang paghingi ng simpatya. Pero dahil ako’y dalang-dala na sa mga protesta na pampasikip lang ng trapiko, hindi ko iyon pinansin. Inisip ko pang sa tagal at haba ng kanilang ginawang paglalakad, kung nagtanim sila sa natitira nilang lupa, sana ay may inaani na silang gulay ngayon.
Hindi ako ganoon kalalim sa isyu ng ugat ng kanilang problema sa lupa laban sa anila’y pagkamkam ng San Miguel Corporation sa kanilang ari-arian na minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Ang pagkaalam ko lang ay nasa korte na ang usapin, at ang paglalakad nila patungo sa Palasyo ay para personal nang humingi ng tulong sa Pangulo.
Matapos ang pagpunta nila sa DAR ay sa Malakanyang na sila nagtuloy. Hinarap naman sila ng mga opisyal ng pamahalaan, at sa balita sa telebisyon ay nakita kong pinakain sila habang nasa picket line—combo meals mula sa isang food chain.
Halata ang pagod at gutom ng Sumilao farmers. At habang kinakain nila ang combo meals, mga pagkaing banyaga sa kanilang sikmura, saka ako nakaramdam ng awa. Sa paghahangad nila ng katarungan sa kanilang ipinaglalaban, hindi sapat ang pritong paa ng manok bilang pampalubag-loob.
Sa aking palagay ay ginawa ng Malakanyang ang pinakadisenteng bagay para sa mga magsasaka—binigyan sila ng bihisan at pinapasok sa Palasyo para makaharap ang Pangulo. Wala mang kahinatnan ang kanilang ginawang paglalakbay, moral victory para sa kanila ang makaharap ang Presidente sapagkat tanging siya lang ang makalulutas sa suliranin ng mga magsasaka. And for once, sa kabila ng mga pagbatikos ko kay PGMA, nagpasalamat ako na hinarap niya ang mga magsasaka.
Regular akong pinadadalhan ng Office of the President ng kanilang press release, kaya matapos ang pagdalaw ng mga magsasaka roon ay hinanap ko ang mga larawang kuha sa kanila. Iisa ang aking natanggap, ang pagyakap ng Pangulo sa isang matandang babaeng magsasaka. Wala ang ibang larawan. Hindi natin masisisi ang mga publicists ng Malakanyang kung hindi sila nagpalabas ng iba pang larawan na magpapatibay sa abang kalagayan ng mga magsasaka.

Sa kasalukuyan ay nakabalik na ang mga magsasaka sa Sumilao. Sa kabila ng pangako ng Malakanyang na isasailalim sa agrarian reform ang lupang kinakamkam diumano ng SMC, patuloy ang higanteng food company sa pagtatayo ng babuyan sa nasabing lugar—isang pagpapatunay na sa bansang ito, kung may impluwensya ka at kapangyarihan ay kaya mong paglaruan ang batas.
Umaasa ako na mareresolba ang problema ng Sumilao farmers. Naghahanap ng pamanang iiwan ang Arroyo administration, at para sa akin, isa ito sa legacy na dapat maging marka ni PGMA para naman may maalalang maganda sa kanya ang henerasyon ngayon.
***
HINDI lang mga magsasakang inagawan ng karapatan sa kanilang lupang sinasaka ng mga panginoong maylupa (landlord) ang may ganitong problema. Maging ang mga magkakamag-anak o magkakapatid ay nagpapatayan pagdating sa usapin ng lupa.
Maging ako ay may ganitong problema. Naiwan sa akin ang pagdedesisyon sa maliit na lupain ng aking ama na kinamkam ng kanyang mga kamag-anak. Hindi pa ako nag-aaral ay problema na namin ito—kaya nga noong bata pa ako ay nangangarap akong maging sundalo at sabi ko sa sarili ko ay paaagusin ko ang dugo ng mga kumakamkam ng maliit naming ari-arian sa lupa ng aking ama. Nakikita ko noon kung paano malungkot ang aking ama dahil sa kinahinatnan ng kanyang lupa, at hanggang sa lumaki ako ay dala-dala ko ang agam-agam na isang araw ay magigising na lang kami na wala na ang kaisa-isang kabuhayan.
Hindi ako naging sundalo. Ngunit natuklasan kong ang panulat ay higit na mabangis upang patayin ko ang apoy sa nagbabagang lupa. Natagpuan ko ang sarili kong nagsusulat—makalipas ang ilang taon ay naging patnugot ng pinakamatandang pahayagan sa aming lalawigan, nagkaroon ng impluwensya sa lokal na pulitika, at nagkalakas ng loob na magsampa ng kaso para muling mabawi ang pamana ng aking ama.
Ang pagkakaroon ng lamat sa samahan naming magkakamag-anak dahil sa away sa lupa ay isang mapait na pildoras na kailangan kong lunukin—dahil malinaw ang kasabihan: Kapag may katwiran… ipaglaban.
Ang karanasan kong ito ay salamin kung bakit kahit paano ay napektuhan ako ng ipinaglalaban ng mga taga-Sumilao—at kung bakit sa pagsisimula kong magsulat noon sa Atlas ay mga ganitong tema ang aking tinatalakay. Matagal na panahon na iyon, ngunit kapag sumasagi sa aking isipan ang lungkot na dinanas ng aking ama dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang tanging yaman ay nagbabalik ang naknak ng nakaraan—na parang nagpipiga ng kalamansi sa sugat.

NOTE: Iginuhit ito ni Ferdee Bambico na noon ay unti-unti nang kumakawala sa anino ng kanyang mentor na si Mar T. Santana. Ang orihinal na title nito ay 'Nagbabagang Lupa' ngunit binago ni Mr. Tony Tenorio dahil masyado raw left-leaning. Maging ang huling panel ay binago niya—dapat ay mga armadong rebelde ang kasama ni Crispin sa libing at isang kadre ang kausap niya, pero ginawang pari at mga karaniwang tao ang nakipaglibing.
Tuesday, January 15, 2008
'heavy metal lokal!'
Tuesday, January 8, 2008
'mr. mambibitin!'
PINAHINTO ako ng guard ng ABS-CBN Publishing habang papasok ako sa opisina. Naisip ko: “What the—?” Bawal na kasi ang naka-shorts at tsinelas… at notorious ako sa ganitong attire. Pero nag-comply na ako sa rules, and I’m at my best corporate look. May iba ba akong violations?
“Ang ganda ng komiks, sir!” bulalas ng guard. “Kaya lang ay bitin!”
Komiks? Bitin?
At ibilabas niya ang binabasang kopya ng The Buzz Magasin. Na-realize kong ang sinasabi niyang komiks ay ang Timawa—at dito siya nabitin.
Nang araw na iyon, kahit saan ako magpunta sa bawat sulok ng ABS-CBN ay iyon ang reaksyon ng mga kakilala ko:
Bitin.
Bitin…
Bitin!
Ang general manager mismo ng publishing ang nagbigay ng ganitong obserbasyon kay Benjie Felipe (editor-in-chief) nang makita ang unang isyu ng Timawa na kulang ang two pages para sa nasabing novel. Anang manager, “Kung ganyan kaganda ang artworks, magagalit sa inyo ang readers kung two pages lang. Gawin ninyong four pages.”
Hindi lang ang pagiging bitin ang nagiging topic namin ng ibang kaibigan ko sa opisina. Ang sirkulo ng mga art directors doon, na ang demographics ay 23-45 years old, ay namamangha sa artworks, and for one reason or another ay kilala si Gerry Alanguilan (OK, sa pangalan). They either have Gerry’s comics during his collaboration with Whilce, his stints with US publications, Wasted, and Elmer. Honestly, I never thought he’s this popular. At nagkakaisa sila sa pagsasabing dito sa Timawa, maraming pinalalaglag na panga (jaw) si Gerry. Buti raw at pumayag na gumawa sa The Buzz Magasin ang pride ng San Pablo City. Pride ng Pilipinas, maagap kong hirit.
Nag-commit naman siya na gagawing four pages ang Timawa on its third installment, kaya lang ay nagkasakit siya nang isinasara namin ang January issue (released last December) kaya for once ay nambitin na naman siya at two pages lang ang naipadala. Pero sa February issue (January release), nangako na siyang hindi na ibibitin ang mga pages at itotodo na niya ang lakas para makarating ang mga readers sa climax!
So, here’s the customary patikim na panel.
And, uh, please take note of the byline…
Intriguing!

Friday, January 4, 2008
'gearing up'
MUKHANG maganda ang start ng aking 2008. Dahil mahilig akong sumunod sa mga lumang tradisyon sa pagsalubong sa Bagong Taon, patuloy ko pa ring ginagawa ang mga iyon sa ngayon.
Buong araw ng January 1 ay hindi ako nagbukas ng cellphone at hindi rin ako sumasagot sa mga tawag sa telepono. May mga mensahe kasi kung minsan na negatibo at ayokong unang araw ng taon ay hindi agad magandang balita ang masugagaan ko. January 2 na ako nagbukas ng cellphone, at ang nakuha kong message ay mula sa isang kumpare ko na inaalok ako ng project katulong siya. I said yes para ‘ika nga ng mga matatanda ay may ‘pasalta’ o panimulang buwenas sa 2008.
Speaking of pasalta, may ilan-ilan akong allowance mula sa mga company na involved ako na hindi ko na kinuha bago magtapos ang 2007 para ‘kako sa umpisa pa lang ng 2008 ay may pondo na ako. Nag-save talaga ako ng pera last 3 months ng 2007 para handa ako sa pagsalubong sa New Year na kahit paano ay may pera sa wallet. Hindi problema ang pagkain dahil sa nakuha kong grocery items sa ABS-CBN Publishing, at dahil tatlo lang kami sa bahay at hindi malalakas kumain, ay baka umabot pa hanggang February.
Isa pa rin sa magandang pangyayari this New Year sa akin ay ang pagdating ng mga kamag-anak ng misis ko galing Canada. Na-impress sila sa anak ko na at the age of 14 ay first year college na kaya nagbigay ng konting tulong para sa kanyang tuition fee sa kanyang last sem (tri-sem sa DLSU) sa kanyang unang term. So, last January 3 ay nae-enroll na namin siya nang hindi kami masyadong namroblema. Last year ay nagbigay rin ng tulong sa tuition fee niya noong second sem ang kanyang ninong na si Fermin Salvador na ngayon ay US-based na.
May offer pa rin sa akin ang isang bagong bubuksang tabloid pero dahil hindi pa naman sure ay hindi ko pa masyadong pinag-iisipan. Last year ay nagpraktis ako ng cartooning at ngayon ay may offer sa akin ang isang malaking dyaryo na gumawa ng cartoon strip on a weekly basis. Pinag-iisipan ko pa ito kung kaya ko dahil hindi pa ako ganoon kahusay at kabilis magdrowing, bagaman at excited ako dahil childhood dream ko ang maging cartoonist.
Ang talagang pinaka-goal ko this year ay ang matapos na ang isa pang floor ng aking maliit na bahay na ilang taon nang hindi natatapos. Inabot kasi ito noon ng bagyong Milenyo nang kasalukuyang ginagawa at dahil nabasa ang kabuuan ay para akong nanghina at hindi ko na naipatapos. Ngayon na kailangan na ng aking anak ng medyo malaking space, kailangang i-resume ko ang pagpapagawa nito. Sabagay, mga takip na lang naman ng mga hanging cabinets, pintura, at kuryente na lang ang kulang para masabing kumpleto na ito.
Plano ko ring mag-enroll sa language training center para maisaayos ko ang aking ‘ispokening inglis.’ Noong araw ay maayos naman ito ngunit palibhasa ay napatutok akong masyado sa Tagalog na pagsusulat, medyo kinapos na sa ensayo, ‘ika nga. May mga offer din kasi sa akin na magsulat, in English, at gusto ko na rin namang subukan para mas lumawak ang aking naaabot na readers.
Maganda rin ang schedule ng anak ko ngayon. Pinahaba ang oras nila sa school (ang dating one-hour subject ay naging one and a half) kaya wala na silang pasok pag Friday and Saturday. Ibig sabihin, kung may baon siyang P100/day, nakatitipid ako ng P200/week. Ginawa yata ang ganitong scheme ng kanilang school sa halip na magtaas ng tuition fee.
Nangangahulugan din ito na maitutuloy na naming mag-asawa ang plano na mag-badminton every Saturday morning sa may CCP complex para naman maging physically fit kami, sabay simba pagkatapos sa pinakamalapit na chapel. More books and comics to read, more movies to watch.
Well, marami pa akong nasa wish list this year but I won’t be asking for too much. Sana ay walang magkasakit sa amin o maaksidente. Walang pinakamasarap kundi ang buhay na payapa kahit pa sapat lang ang kinikita.
I’m gearing up for more projects this year na hindi ko na muna babanggitin dahil baka mabantilawan. Gusto ko na ring matapos ‘yung graphic novel namin ni Novo Malgapo na hindi naka-takeoff last year, and I’m planning to team up with Rommel Fabian middle of this year para maisali sa Komikon.
Open pa rin ang kapihan sa ABS-CBN kung papasyalan ninyo ako roon… at kung may mga activity ang mga komikeros old and new at imbitado ako, join ako.
Year of the Rat ngayon, mga katoto... isang masuwerteng taon. Magsama-sama tayo sa magandang buhay!
Subscribe to:
Posts (Atom)