PINAHINTO ako ng guard ng ABS-CBN Publishing habang papasok ako sa opisina. Naisip ko: “What the—?” Bawal na kasi ang naka-shorts at tsinelas… at notorious ako sa ganitong attire. Pero nag-comply na ako sa rules, and I’m at my best corporate look. May iba ba akong violations?
“Ang ganda ng komiks, sir!” bulalas ng guard. “Kaya lang ay bitin!”
Komiks? Bitin?
At ibilabas niya ang binabasang kopya ng The Buzz Magasin. Na-realize kong ang sinasabi niyang komiks ay ang Timawa—at dito siya nabitin.
Nang araw na iyon, kahit saan ako magpunta sa bawat sulok ng ABS-CBN ay iyon ang reaksyon ng mga kakilala ko:
Bitin.
Bitin…
Bitin!
Ang general manager mismo ng publishing ang nagbigay ng ganitong obserbasyon kay Benjie Felipe (editor-in-chief) nang makita ang unang isyu ng Timawa na kulang ang two pages para sa nasabing novel. Anang manager, “Kung ganyan kaganda ang artworks, magagalit sa inyo ang readers kung two pages lang. Gawin ninyong four pages.”
Hindi lang ang pagiging bitin ang nagiging topic namin ng ibang kaibigan ko sa opisina. Ang sirkulo ng mga art directors doon, na ang demographics ay 23-45 years old, ay namamangha sa artworks, and for one reason or another ay kilala si Gerry Alanguilan (OK, sa pangalan). They either have Gerry’s comics during his collaboration with Whilce, his stints with US publications, Wasted, and Elmer. Honestly, I never thought he’s this popular. At nagkakaisa sila sa pagsasabing dito sa Timawa, maraming pinalalaglag na panga (jaw) si Gerry. Buti raw at pumayag na gumawa sa The Buzz Magasin ang pride ng San Pablo City. Pride ng Pilipinas, maagap kong hirit.
Nag-commit naman siya na gagawing four pages ang Timawa on its third installment, kaya lang ay nagkasakit siya nang isinasara namin ang January issue (released last December) kaya for once ay nambitin na naman siya at two pages lang ang naipadala. Pero sa February issue (January release), nangako na siyang hindi na ibibitin ang mga pages at itotodo na niya ang lakas para makarating ang mga readers sa climax!
So, here’s the customary patikim na panel.
And, uh, please take note of the byline…
Intriguing!
5 comments:
Naku, ha... Spoof ito noong nabasa ko sa komiks, na ang syntactic construction ng pinatabi-tabing NOUN (Author) at TRANSITIVE VERB (Directed) ay pinagsama, thus resulting into a totally illogical construction. Aray ko. Baka sabihin ng makakabasa dito sa north America ay ganito ang kalakaran diyan sa RP :)
He-he. Lolo KC, masahol pa ito sa Saturday Night Live sa pag spoof. May kulang lang, dapat pasuutin mo ng local sombrero si Manong Gerry at pabilhin mo ng knock off na madilim na salamin para makumpleto ang scenario. Tapos, sabitan ng placard saying: MAAWA NA PO KAYO SA BULAG.
Woo-hooo. Kabaliw ito :)
KC,
Marami na palang fans si Gerry diyan sa editorial office ninyo. Ano kaya, i-broach mo ang ideya sa kanila na maglabas din ng high-end comics, kasing presyo din ng the Buzz, at high quality paper din ? Syempre, ikaw ang editor at art director, sila lang ang magmanage ng marketing, advertising and distribution. Yung mga nag-aadvertise sa Buzz, pwedeng hataking mag advertise din sa bagong comics venture mo . Ano sa tingin mo ?
Auggie
JM,
sinadya ni gerry 'yan, satire sa isang wiki entry :)
auggie,
mga brand manager kasi ang nagdedesisyon sa mga titles na ilalabas, pero tingin ko pinag-aaralan nila 'yan. :)
parang si gerry ata yan a?
Ner, ako lahat ng drawing ko. HA! HA!
Post a Comment