HINDI ako ganoon kainteresado sa kaso ng Sumilao farmers nang una silang magsagawa ng mahabang paglalakad mula sa kanilang lugar sa Bukidnon patungong Malakanyang para iprotesta ang anila’y pagkamkam ng isang malaking kumpanya sa kanilang lupain. Para sa akin, noong una, ito’y isa lang political act. Pinondohan para lang minsan pa ay siraan ang Arroyo administration.
Matagal na naglakad ang mga magsasaka. Kaya nagulat na lang ako nang isang umaga na papunta akong Tandang Sora, Quezon City, ay naroroon na sila sa may sakayan ng jeep sa tapat ng Department of Agrarian Reform. Nakabarikada, namimigay ng mga polyeto na nagpapaliwanag ng kanilang layunin.
Hindi pa rin pumapasok sa sistema ko ang insidenteng ito, kahit isang dalagitang magsasaka ang pilit na nag-aabot sa akin ng polyeto at nakikiusap na basahin ko. Nasa mga mata niya ang paghingi ng simpatya. Pero dahil ako’y dalang-dala na sa mga protesta na pampasikip lang ng trapiko, hindi ko iyon pinansin. Inisip ko pang sa tagal at haba ng kanilang ginawang paglalakad, kung nagtanim sila sa natitira nilang lupa, sana ay may inaani na silang gulay ngayon.
Hindi ako ganoon kalalim sa isyu ng ugat ng kanilang problema sa lupa laban sa anila’y pagkamkam ng San Miguel Corporation sa kanilang ari-arian na minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Ang pagkaalam ko lang ay nasa korte na ang usapin, at ang paglalakad nila patungo sa Palasyo ay para personal nang humingi ng tulong sa Pangulo.
Matapos ang pagpunta nila sa DAR ay sa Malakanyang na sila nagtuloy. Hinarap naman sila ng mga opisyal ng pamahalaan, at sa balita sa telebisyon ay nakita kong pinakain sila habang nasa picket line—combo meals mula sa isang food chain.
Halata ang pagod at gutom ng Sumilao farmers. At habang kinakain nila ang combo meals, mga pagkaing banyaga sa kanilang sikmura, saka ako nakaramdam ng awa. Sa paghahangad nila ng katarungan sa kanilang ipinaglalaban, hindi sapat ang pritong paa ng manok bilang pampalubag-loob.
Sa aking palagay ay ginawa ng Malakanyang ang pinakadisenteng bagay para sa mga magsasaka—binigyan sila ng bihisan at pinapasok sa Palasyo para makaharap ang Pangulo. Wala mang kahinatnan ang kanilang ginawang paglalakbay, moral victory para sa kanila ang makaharap ang Presidente sapagkat tanging siya lang ang makalulutas sa suliranin ng mga magsasaka. And for once, sa kabila ng mga pagbatikos ko kay PGMA, nagpasalamat ako na hinarap niya ang mga magsasaka.
Regular akong pinadadalhan ng Office of the President ng kanilang press release, kaya matapos ang pagdalaw ng mga magsasaka roon ay hinanap ko ang mga larawang kuha sa kanila. Iisa ang aking natanggap, ang pagyakap ng Pangulo sa isang matandang babaeng magsasaka. Wala ang ibang larawan. Hindi natin masisisi ang mga publicists ng Malakanyang kung hindi sila nagpalabas ng iba pang larawan na magpapatibay sa abang kalagayan ng mga magsasaka.
Matagal na naglakad ang mga magsasaka. Kaya nagulat na lang ako nang isang umaga na papunta akong Tandang Sora, Quezon City, ay naroroon na sila sa may sakayan ng jeep sa tapat ng Department of Agrarian Reform. Nakabarikada, namimigay ng mga polyeto na nagpapaliwanag ng kanilang layunin.
Hindi pa rin pumapasok sa sistema ko ang insidenteng ito, kahit isang dalagitang magsasaka ang pilit na nag-aabot sa akin ng polyeto at nakikiusap na basahin ko. Nasa mga mata niya ang paghingi ng simpatya. Pero dahil ako’y dalang-dala na sa mga protesta na pampasikip lang ng trapiko, hindi ko iyon pinansin. Inisip ko pang sa tagal at haba ng kanilang ginawang paglalakad, kung nagtanim sila sa natitira nilang lupa, sana ay may inaani na silang gulay ngayon.
Hindi ako ganoon kalalim sa isyu ng ugat ng kanilang problema sa lupa laban sa anila’y pagkamkam ng San Miguel Corporation sa kanilang ari-arian na minana pa nila sa kanilang mga ninuno. Ang pagkaalam ko lang ay nasa korte na ang usapin, at ang paglalakad nila patungo sa Palasyo ay para personal nang humingi ng tulong sa Pangulo.
Matapos ang pagpunta nila sa DAR ay sa Malakanyang na sila nagtuloy. Hinarap naman sila ng mga opisyal ng pamahalaan, at sa balita sa telebisyon ay nakita kong pinakain sila habang nasa picket line—combo meals mula sa isang food chain.
Halata ang pagod at gutom ng Sumilao farmers. At habang kinakain nila ang combo meals, mga pagkaing banyaga sa kanilang sikmura, saka ako nakaramdam ng awa. Sa paghahangad nila ng katarungan sa kanilang ipinaglalaban, hindi sapat ang pritong paa ng manok bilang pampalubag-loob.
Sa aking palagay ay ginawa ng Malakanyang ang pinakadisenteng bagay para sa mga magsasaka—binigyan sila ng bihisan at pinapasok sa Palasyo para makaharap ang Pangulo. Wala mang kahinatnan ang kanilang ginawang paglalakbay, moral victory para sa kanila ang makaharap ang Presidente sapagkat tanging siya lang ang makalulutas sa suliranin ng mga magsasaka. And for once, sa kabila ng mga pagbatikos ko kay PGMA, nagpasalamat ako na hinarap niya ang mga magsasaka.
Regular akong pinadadalhan ng Office of the President ng kanilang press release, kaya matapos ang pagdalaw ng mga magsasaka roon ay hinanap ko ang mga larawang kuha sa kanila. Iisa ang aking natanggap, ang pagyakap ng Pangulo sa isang matandang babaeng magsasaka. Wala ang ibang larawan. Hindi natin masisisi ang mga publicists ng Malakanyang kung hindi sila nagpalabas ng iba pang larawan na magpapatibay sa abang kalagayan ng mga magsasaka.
Sa kasalukuyan ay nakabalik na ang mga magsasaka sa Sumilao. Sa kabila ng pangako ng Malakanyang na isasailalim sa agrarian reform ang lupang kinakamkam diumano ng SMC, patuloy ang higanteng food company sa pagtatayo ng babuyan sa nasabing lugar—isang pagpapatunay na sa bansang ito, kung may impluwensya ka at kapangyarihan ay kaya mong paglaruan ang batas.
Umaasa ako na mareresolba ang problema ng Sumilao farmers. Naghahanap ng pamanang iiwan ang Arroyo administration, at para sa akin, isa ito sa legacy na dapat maging marka ni PGMA para naman may maalalang maganda sa kanya ang henerasyon ngayon.
***
HINDI lang mga magsasakang inagawan ng karapatan sa kanilang lupang sinasaka ng mga panginoong maylupa (landlord) ang may ganitong problema. Maging ang mga magkakamag-anak o magkakapatid ay nagpapatayan pagdating sa usapin ng lupa.
Maging ako ay may ganitong problema. Naiwan sa akin ang pagdedesisyon sa maliit na lupain ng aking ama na kinamkam ng kanyang mga kamag-anak. Hindi pa ako nag-aaral ay problema na namin ito—kaya nga noong bata pa ako ay nangangarap akong maging sundalo at sabi ko sa sarili ko ay paaagusin ko ang dugo ng mga kumakamkam ng maliit naming ari-arian sa lupa ng aking ama. Nakikita ko noon kung paano malungkot ang aking ama dahil sa kinahinatnan ng kanyang lupa, at hanggang sa lumaki ako ay dala-dala ko ang agam-agam na isang araw ay magigising na lang kami na wala na ang kaisa-isang kabuhayan.
Hindi ako naging sundalo. Ngunit natuklasan kong ang panulat ay higit na mabangis upang patayin ko ang apoy sa nagbabagang lupa. Natagpuan ko ang sarili kong nagsusulat—makalipas ang ilang taon ay naging patnugot ng pinakamatandang pahayagan sa aming lalawigan, nagkaroon ng impluwensya sa lokal na pulitika, at nagkalakas ng loob na magsampa ng kaso para muling mabawi ang pamana ng aking ama.
Ang pagkakaroon ng lamat sa samahan naming magkakamag-anak dahil sa away sa lupa ay isang mapait na pildoras na kailangan kong lunukin—dahil malinaw ang kasabihan: Kapag may katwiran… ipaglaban.
Ang karanasan kong ito ay salamin kung bakit kahit paano ay napektuhan ako ng ipinaglalaban ng mga taga-Sumilao—at kung bakit sa pagsisimula kong magsulat noon sa Atlas ay mga ganitong tema ang aking tinatalakay. Matagal na panahon na iyon, ngunit kapag sumasagi sa aking isipan ang lungkot na dinanas ng aking ama dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang tanging yaman ay nagbabalik ang naknak ng nakaraan—na parang nagpipiga ng kalamansi sa sugat.
HINDI lang mga magsasakang inagawan ng karapatan sa kanilang lupang sinasaka ng mga panginoong maylupa (landlord) ang may ganitong problema. Maging ang mga magkakamag-anak o magkakapatid ay nagpapatayan pagdating sa usapin ng lupa.
Maging ako ay may ganitong problema. Naiwan sa akin ang pagdedesisyon sa maliit na lupain ng aking ama na kinamkam ng kanyang mga kamag-anak. Hindi pa ako nag-aaral ay problema na namin ito—kaya nga noong bata pa ako ay nangangarap akong maging sundalo at sabi ko sa sarili ko ay paaagusin ko ang dugo ng mga kumakamkam ng maliit naming ari-arian sa lupa ng aking ama. Nakikita ko noon kung paano malungkot ang aking ama dahil sa kinahinatnan ng kanyang lupa, at hanggang sa lumaki ako ay dala-dala ko ang agam-agam na isang araw ay magigising na lang kami na wala na ang kaisa-isang kabuhayan.
Hindi ako naging sundalo. Ngunit natuklasan kong ang panulat ay higit na mabangis upang patayin ko ang apoy sa nagbabagang lupa. Natagpuan ko ang sarili kong nagsusulat—makalipas ang ilang taon ay naging patnugot ng pinakamatandang pahayagan sa aming lalawigan, nagkaroon ng impluwensya sa lokal na pulitika, at nagkalakas ng loob na magsampa ng kaso para muling mabawi ang pamana ng aking ama.
Ang pagkakaroon ng lamat sa samahan naming magkakamag-anak dahil sa away sa lupa ay isang mapait na pildoras na kailangan kong lunukin—dahil malinaw ang kasabihan: Kapag may katwiran… ipaglaban.
Ang karanasan kong ito ay salamin kung bakit kahit paano ay napektuhan ako ng ipinaglalaban ng mga taga-Sumilao—at kung bakit sa pagsisimula kong magsulat noon sa Atlas ay mga ganitong tema ang aking tinatalakay. Matagal na panahon na iyon, ngunit kapag sumasagi sa aking isipan ang lungkot na dinanas ng aking ama dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang tanging yaman ay nagbabalik ang naknak ng nakaraan—na parang nagpipiga ng kalamansi sa sugat.
NOTE: Iginuhit ito ni Ferdee Bambico na noon ay unti-unti nang kumakawala sa anino ng kanyang mentor na si Mar T. Santana. Ang orihinal na title nito ay 'Nagbabagang Lupa' ngunit binago ni Mr. Tony Tenorio dahil masyado raw left-leaning. Maging ang huling panel ay binago niya—dapat ay mga armadong rebelde ang kasama ni Crispin sa libing at isang kadre ang kausap niya, pero ginawang pari at mga karaniwang tao ang nakipaglibing.
26 comments:
Hi KC. Bilib ako sa love mo for komiks. Hinahangaan ko ang tila walang katapusan mong pagtatangka at pag-iisip ng mga ideya na maaaring bumuhay muli sa komiks. Ang totoo niyan, maraming magagandang project na puwedeng ilabas kung pag-iisipan talaga at pagbubuhusan ng panahon. Lalo na kung gagastusan. the sad thing is, mas maraming magagaling na illustator kesa sa writers. In fact marami sa mga dibuhista na kilala ko ay umasenso at wala na ngayon dito sa ‘pinas.
pagdating sa manunulat. i strongly believe na may scarcity tayo sa field na ito. ito ang dahilan kaya nang magtangka ang sterling na buhayin ang komiks ay sila-sila pa rin ang namayani. mga old veteran writers na sa palagay ko, excuse me for the word ay nilipasan na ng panahon. kasi come to think of it, kung talagang mahuhusay sila, dapat ay hindi bumagsak ang komiks di ba? kaya hindi ko maintindihan kung bakit at kung paanong itong sterling ay nakumbinsi na yung mga dati pa ring nobelista ang kuhanin. siyempre, again, excuse me for the word, matatanda na 'yan kaya ang mga ideas, tumanda na rin.
ang kailangan natin ngayon ay young blood. ang problema naman sa bagong henerasyon, hindi nila gugustuhing maging writers sa pinas. mas gusto nilang maging nurse o iba pang propesyon na magdadala sa kanila sa abroad at magbibigay ng maginwahang buhay. at kung may talent man sila sa writing, well, iraraos na lang nila ito sa blogging.
marami na akong nabasang blogs ng mga pinoy at ang daming magagaling magsulat pero karamihan sa kanila ay nasa propesyong nakapagpaunlad sa kanila na alam na alam nating hindi maibibigay ng pagsusulat.
mahirap gumawa ng j.k. rowling sa pinas. pasalamat siya at sa amerika (correct me if im wrong) siya pinanganak dahil kung dito, i doubt kung sisikat siya. well, puwedeng sumikat but definitely, hindi siya magkakamal ng napakaraming salapi gaya ng tinatamasa niya ngayon. i hope you get what i mean.
sana wala akong na-offend sa pagbibigay ko ng opinyon 'coz that's the last thing na gugustuhin kong mangyari dahil gaya n'yo, minsan ko ring minahal ang komiks. in fact, there was a point in my life na inisip kong i will be doing komiks for the rest of my life. pero praktikal ako. i've learned to face and accept reality even before that komiks is a dying industry. at naniniwala ako na it will take magic or a miracle perhaps para muling buhayin ang industriyang ito. 'yun lang.
Anonymous,
Tama ang obserbasyon mo, mas marami nga yatang nikti na artists kesa sa komiks writers dito sa atin. Hindi ba pwedeng i-develop ang artist para siya na rin ang kwentista ? yung mga writers naman nating magagaling, mas gusto nila sa prose magsulat o kaya poetry, essay, o wblogging kaya, wala iyung scriptwriting sa komiks. Ang problema natin sa mga gurang ng writers eh hindi na sila makasunod sa panahon, paulit-ulit na lang siguro tungkol sa experiences nila. Pag dating sa new technology at ang implications nito sa mankind ay parang wala silang ideya. I could be wrong, pero iyan ang suspetsa ko. Hindi rin si AU COURANT, ika nga sa Pranses, na ang ibig sabihin eh sabay sa panahon, alam ang lahat ng bagay-bagay na nangyayari sa paligid-paligid.
BTW, si Rowlings eh hindi Kana, British siya na nagkamal ng limpak-limpak na salapi dahil sa imahinasyon niya, ganoon din si Stephen King na isang Kano....
Ang iyong abang lingkod,
Frank N. Stein
Oo nga pala, Ginoong Stein, British si Rowling. I stand corrected. Nabanggit mo 'yung mga Pinoy na writers sa prose, merong magagaling pero hindi na rin sila aktibo gaya nina Edgar Reyes at iba pang Palanca awardees. Karamihan sa writers natin sa pocket books nowadays ay nanggaling din sa komiks.
Isa pa sigurong problema kung sakaling papalarin tayo na makalikha ng super-gandang komiks ay ang market na tatangkilik nito. Siyempre, kung maganda ang produkto at ginastusan naturalmente na mahal 'yan. Ang tanong, may bibili ba? Willing ba ang masang Pinoy na gastusan 'yan? Maraming can afford pero alipin sila ng colonial mentality. Walang bilib sa kapwa Pinoy. Sabihin mo lang na gawa sa Pinas, maasim ang dating sa kanila. They'd rather buy 'yung gawa sa ibang bansa. 'Yung anak ko lang from exclusive school, high school lang 'yun ha, nag-iipon yon from her allowance at nagko-collect ng manga books. fascinated siya sa mga japanese authors and artists. at almost P600 per pocket book! di ko maawat. tingin ko tawasin mo man ito di ito bibili ng komiks natin. same with her classmates.
'yun namang masa na puwede nating mabola na i-try o bigyan ng chance ang komiks, ang problema baka walang pera. ibili na lang niya ng bigas o masarap-sarap na ulam kesa ibili ng komiks. anyway, may TV naman. marami pang ibang ways para ma-entertain niya ang sarili.
haaay, so sad. seems like kailangan na talaga nating mag-babu sa komiks...
Anonymous,
Hmmm, mi anak ka na palang tin-edyer. Tanungin mo siya kung halimbawa, mi lalabas na lokal komiks nakasing-ganda ng binibili niya, kung tatakankilikin din niya at a fraction of the cost of the Manga. Makinig kang mabuti sa mga rason niya at i-input mo rito sa blog ni KC, kasi straight from the horse mouth iyan, very valuable information sa magiging potential market.
Palagay ko, hindi naman siguro CATCH 22 situation. Naniniwala akong pag mi produkto kang de kalidad, at labor of love nga eh ipa-patronize ng buyers. Iyun ngang CJC komiks binibili di ba ? how much more kung itong project pa ni KC, at back -up pa siya ng mga bigatin sa comicdom, marami siyang maalam na advisers, win-win situation di ba ?
Frank N. Stein
Sa totoo lang, Ginoong Stein, bago mo pa naisip na tanungin ko ang anak ko ay ginawa ko na 'yan. Kasi curious din ako kung ano ang nakikita nila ng mga classmates niya sa manga. Sad to say, sarado ang utak nila at hindi sila naniniwala na makakagawa ang Pinoy ng papantay sa manga. Kung makagawa man tayo ng maganda, baka nga naman magmukhang copycat na lang. Alam mo naman ang Pinoy, may image na walang originality. Kahit sa mga programa sa TV, puro anime ang pinapanood nila. Ultimo 'yung bunso na 7 years old, kapag nasa bahay hindi ka makakasingit kasi thr whole day sa anime nakatutok ang channel. minsan tinry kong makinood, 'yung Dr. Black Jack saka Hell Girl ba 'yun saka 'yung Death Note at Liar's Game sa DVD. Marami pa. In fairness, mukhang fresh ang dating ng istorya. Kakaiba ang approach nila. Unlike sa Pinoy pag sinabing horror, siguradong may bampira o manananggal o di kaya mangkukulam. Pag sinabi namang action, siguradong gagahasain ang kapatid o asawa ng bida o di kaya ay papaslangin ang pamilya para may dahilang magalit at maghiganti ang bida sa ending. 'Pag drama naman, tiyak na may iyakan. Very predictable. kaya nu'ng i-introduce ng hapon si sadako, kita mo naman, pati mga kano, bumilib. di ba nagkaroon pa nga ng english version ang the grudge at the ring?
now, tell me, pano ko makukumbinsi ang anak ko kung nakikita niya pa rin sa tv ay yung patayin sa sindak si barbara?
bumebenta kamo ang cjc komiks? duda ako diyan. kasi yung ale dito sa wet market sa amin na dating nagbebenta ng cjc komiks sa maliit na bilao ay pasumpong-sumpong lang ang benta. kasi pasumpong-sumpong lang daw ang deliver. come to think of it, kung talagang selling like hotcakes yan gaya ng press release nila, hindi ganoon ang magiging attitude ng publisher. na-witness ko ang glory days ng komiks at kahit saan ka bumaling ay mayroong tindang komiks.
again, the sad thing is, whether we like it or not, hindi na maibabalik ang glory days ng komiks. hindi sa nagpapaka-nega ako. i'm just being realistic.
Anonymous,
Maaring hindi na nga bumalik ang Glory Days ng Komiks, pero hindi nangangahulugang wala ng kinabukasan ito. Sa tingin ko meron pa rin kahit papaano, kahit na yung tawag na NICHE-MARKET. Ang target na ito ay very specific, ang ibig sabihin very clear sa iyo kung sino talaga ang mga bibili nito. Example yung anak mong tin-edyer at kabarkada nito, na may wherewithal ( resources) para may ipantustos sa kanyang gustong bilhin. Hindi na kapareho ito ng SHOTGUN APPROACH (de sabog) ng pangmasa komiks, na kahit sino pwede basta may sampung piso, o pambili ng load ng cell phone. Ang implication nito, eh dapat maganda talaga ang produkto mo, competitive, ika nga, dahil kung gasgas na at paulit-ulit lang gaya ng ginagawa ng mga gurang nating na scriptwriters, eh para ka ring nagtampo sa bigas.
Masakit tanggapin, bagamat, totoo yung mga sinabi mo na hanggang sa pagiging copycat na lang ang Pinoy sa mga Manga at Anime at superheroes, at hindi na natin kaya talagang gumawa pa ng mga output na kasing galing din nila. Masyado ng stereotype, o typecasted tayo kung baga sa pelikula, kaya nga malaking hamon ito sa new generation of Komikeros, na paano natin malalampasan ang ating kinasasadlakang QUAGMIRE OF MEDIOCRITY ? sino ang bagong messiah, na magsasabing HOY ! TAMA NA YANG MANGA_MANGA, ANIME, SUPERHEROES NA IYAN ! mas magaling pa ang magagawa natin kesa diyan !
Pero Paano ? palagay ko ang sagot eh, BACK TO BASICS, magbasa ulit tayo ng mga classic literature, nandoon ang kasagutan, at pakatapos i-de-deconstruct natin, parang TEACHING OLD DOGS NEW TRICKS, ika nga, bibigayan mo ng new twists, o tweakings, sa pagbabago ng setting, characters, etc. Kasi kung tutuusin , wala naman talagang bago na sa mundo, lahat na cover na, di ba ? ang challenge eh papaano mo ire-repackage yung luma at magmumukhang bago at kawili-wili sa mga potential na mambabasa, Translation : KAAATZINNNG !(SFX) tunog ng cash register !
Teka sandali, nakakahalata yata ako ah, tayong dalawa lang ang nag-uusap. Bakit ayaw sumali ng iba ?
Frank N. Stein
Frank N. Stein,
OK lang 'yan kahit kayong dalawa lang ang nagpapalitan ng kuru-kuro, i'm sure binabasa naman ng iba ang mga opinyon ninyo at nililimi.
Anonymous,
nagsulat ka ba dati sa atlas? would ya mind telling who ya are? ty.
Ginoong Stein,
Oo nga, tayong dalawa lang ang nag-uusap dito. Baka nag-iisip pa sila ng sasabihin. Joke!
Seriously, gusto ko ang mga opinyon mo. May pagka-optimistic ka rin. Kaya lang sorry, at this point in time ay hindi pa rin ako kumbinsido na may lugar pa ang komiks sa market o sa puso ng mga Pinoy.
Ang mas masakit, minsan naiisip ko, baka tayu-tayo na lang na naging bahagi ng komiks dati ang talagang nagmamahal sa komiks. Pero 'yung iba, 'yung majority ng mga Pinoy, they don't even care at all.
Parang patintero lang siguro 'yan, parang tumbang preso, o luksong tinik. may nakikita ka pa ba na naglalaro niyan ngayon? Pag bilog ang buwan sa gabi at maganda ang panahon, may nakikita ka pa bang mga bata na naglalaro sa kalye? may nakikita ka pa ba na nanghuhuli ng mga tutubi o paru-paro? I grew up in Manila but when I was a kid isa ang panghuhuli ng tutubi sa mga gustung-gusto kong gawin lalo na pag tumila ang ulan kasi doon sila naglalabasan. wala nang mga tutubi, wala nang patintero, wala nang tumbang preso... i don't think puwedeng ibalik o i-repackage ang mga larong ito. Kasi sa tingin ko lang, mas gusto ng mga bata na bumabad sa internet cafe. Hindi na makakaranas maglaro ng patintero ang mga anak ko. May PS 1 sila, may PS 2. Ngayon nagpapabili pa ng PS 3. Sa dami ng kinamulatan nilang modern technology, you think mako-convince ko sila na bumaling sa local komiks? i don't think so.
Malayo na ang pinagdalhan sa kanila ng addiction nila sa anime. Hindi na nga sila kuntento na nagbabasa lang o nanonood ng DVD, dumadayo pa sila sa mga convention na ginaganap sa World Trade o sa Mall of Asia or UP kung saan nagbabayad sila ng entrance fee, huh! Everytime may event, sunduan 'yan sa kanya-kanyang bahay. Minsan may nagpapagawa pa ng costume. 'Yung iba kasama pa ang parents. They even dress like real anime. Hindi ka maniniwala but they even went as far as studying Japanese language. May pupunta na rin sa Japan. This early, itong anak ko, nakikipag-neogitate nang sa Japan siya magwo-work pag graduate niya sa nursing. Gusto kasi namin ay sa US siya dahil nandon ang Tita niya pero preferred niya ang Japan. At lahat ng ito ay resulta ng pagkahiig nila sa anime. Isa lang ang anak ko sa kanila. But I believe she's representing thousands of Pinoy teenagers out there. Now tell me, Mr. Stein, do you honestly believe na mahihimok pa natin ang mga kabataang ito na magbasa ng komiks natin?
Pasensya na, ha, Mr. Stein, inuulit ko na hindi ako nega at lalong hindi ako pessimistic. Masakit din sa akin ang mga sinasabi ko but again, I'm just facing reality.
KC,
Actually, ikaw ang unang ini-expect ko na magbibigay ng kuru-kuro sa comment na ipinadala ko. I can feel na naglalagablab pa rin ang pagnanasa mo na buhayin ang komiks that's why I'm very eager to hear from you based from my opinions.
Pero natutuwa naman ako sa naging reaksyon ni Ginoong Stein. Gaya mo ay kahanga-hanga rin ang kanyang pananaw at pagiging positibo.
Du'n sa tanong mo, nah, I didn't write for Atlas. Pero oo, matagal din akong nagsulat sa komiks. May mga lumabas din ako sa pocketbooks. In fact, 'yung mga isinulat ko ay naka-book bound at nakatago. Sayang dahil hindi ko naitabi lahat.
By the way, naging editor din ako for a very long time. Pero mas matanda ka yata sa akin. He He!
Actually, magandang balita yang sinasabi ni anonymous about kids liking manga... at least kahit papaano nagbabasa pa rin ng comics ang kabataan, diba? Ang kalaban ng komiks dito ay cable TV at cell phone, hindi manga. Manga is what keeps the interest alive among the youth. Kung wala pa ito, walang-wala na siguro ang comics sa entertainment options ng kabataan ngayon.
Dito sa paligid ng tirahan ko active pa rin ang kabataan sa larong kalye. Kaya nga hindi ako makatulog dito pag hapon dahil sa ingay ng mga maraming batang naglalaro sa kalye. Ang mga computer games, Internet, etc ay nasa mundo lang ng mga class A, B, and maybe upper C -- which is probably only around 10-15% of the population.
OTOH, pati ako ay naniniwala na walang laban ang comics sa electronic entertainment. Kahit sa Japan ito na ang trend. Sa mga tren mas dumadami na daw ang makikita mong nag-i-Internet sa cell phone nila kaysa sa nagbabasa ng manga.
Anonymous,
Oo nga,parang mga retrospective na lang ang mga larong iyon, ibang iba na ngayon, datapwat, subalit,naniniwala pa rin akong mi puwang sa atin, ang isang magandang komiks na talagang labor of love, kahit man lang sa mga henerasyon na lang natin. At huwag mong i-underestimate ang BABY-BOOMER generation, sila actually ang mi wherewithal ngayon, sila ang may datung, at kaya nilang bumili ng komiks for the sake of nostalgia. Kaya nga mi Classic rock eh at kung bakit patok na patok si RJ (Ramon Jacinto) sa mga shows niya, dahil nga sa nostalgia effect. Gustong i-relive ang the good old days. Pwede rin gamitin iyan sa marketing ng Labor of Love Komiks. di ba ?
Frank N. Stein
Makikisabat lang po. Sa mga katulad ko pong beginner, ang mga ganitong balita ay nakakahabag. Pero ang totoo habang tumatagal ang panahon para ngang ganito ang kahahantungan ng mga bagay na ito. Sana lang ay hindi.
Ako po ay minabuti na magsikap na lamang para sa sarili ko dahil nararamdaman ko na wala naman mabuting maidudulot sa akin dahil hanggang doon na lang talaga ako.
Inobserbahan ko nga po ang ating sinasabing mga beginner na katulad ko. Ayoko man pong maging nega pero parang kahit kaming mga baguhan ay naglalakad patungo sa isang blank wall. Hindi ko po alam at natatakot ako para sa ating nagmamahal sa industriyang ito.
Pero sa kabila po nito, ihinihiwalay ko ang damdaming ito sa tuntuning sinusunod ko. Hindi man maging kaganapan ang ating minimithi, mabuti pa ring maisip na masarap mabuhay ng payapa.
- Jerwin
Roby,
Aware naman ako na may mga lugar pa rin na naglalaro ang bata sa kalye. O mas tama sigurong sabihin na nagkalat sila sa kalsada. Pero kung papansinin mo, iba na rin ang trip nila. HIndi na patintero na kailangan pang guhitan ng chalk ang kalye ang nilalaro nila. Hindi na rin tumbang preso na gagamitan pa ng lata. Hindi na rin siguro uso ang taguan. Lalo naman ang bahay-bahayan o lutu-lutuan. Mas malamang tong-its na ang nilalaro ng mga batang kalye o 'di kaya ay baraha. Kunsabagay, mas mabuti-buti na 'yan kesa naman lumanghap sila ng rugby 'di ba?
Okey. You may be right diyan sa sinabi mo na mas marami nang kabataan sa Japan ang nag-i-internet ngayon kesa nagbabasa ng comics. Pero hanggang ngayon alam mo ba na milyun-milyon pa rin ang sirkulasyon ng mga comics nila? Nabawasan siguro, baka dati bilyon pero at least milyon pa rin ngayon.
Kailan lang, nu'ng mag-meeting kami ng boss ko, sinabi niya na mayroong comic book sa Japan that has more than 5 million readers on a weekly basis, huh! Yes, 5 million! Halos maglaway ang boss ko sa inggit. Ang maganda pa sa kanila, you can often see Japanese businessmen reading comics on the commuting train, ordinaryong eksena na lang sa kanila 'yon, and with no sense of embarrassment, huh! Dito, nakakita ka na ba kahit noon ng negosyante o professional man lang na nagbabasa ng komiks in public? Kung meron man, mas malamang itatago niya iyon at doon siya magbabasa sa lugar na walang makakakita sa kanya. So you see, iba talaga ang mentality ng Pinoy.
Cable TV ang pumatay sa komiks. 'Yan ang madalas i-report ng circulation manager namin noong papabagsak na ang sirkulasyon ng mga komiks na inilalabas namin several years ago. Ngayong may cellphone na at internet, gameboy, Playstation tapos ang hirap pa ng buhay, mas lalong dumilim ang kung anumang natitirang bukas na naghihintay sa komiks. 'Yun namang may kakayahang bumili gaya nga ng nasabi ko na, kung sakaling makapaglalabas tayo ng super-duper ganda na komiks, mas pipiliing bumili ng manga. Dito na kasi papasok 'yung sense of embarrassment na wala sa mga Hapon. Kasi nga, sa kabuuan ay nakalikha ang Komiks ng image na baduy. Kaya naman namayagpag 'yan noong araw ay dahil sa masa. 'Di ba, mas malalaki ng di hamak ang sirkulasyon sa prubinsya kesa sa maynila? Eh ang mga nasa prubinsiya dati nag-a-abroad na ngayon kaya baka mabaduyan na rin sila sa komiks.
Ito at iba pa ang mga lohika kaya 'yung mga beteranong publisher na umiba na ng raket ay hindi man lang naalarma nang tangkain ng CJC na buhayin ang komiks. To quote a former editor in chief, "kahit anong magic ang gawin ni caparas, hindi na niya mabubuhay ang komiks'" Well, he should know. Kasi, sa komiks na pumuti ang buhok niya. Kalungkot 'noh?
Jerwin,
Beginnner ka 'kamo? Illustrator ka ba o writer? Sa palagay ko ay tama ang ginagawa mo na nagsisikap mabuti para sa sarili mo dahil kahit ano pa ang sabihin ay ikaw lang naman talaga ang tutulong sa sarili mo. Ano ang ibig mong sabihin sa hanggang doon ka na lang? Nagse-self pity ka ba? Iniisip mo na walang mangyayari sa kung anuman ang ina-aspire mo (whether maging matagumpay na manunulat o dibuhista)?
Anyway, here's an unsolicited advice. Talasan mong mabuti ang pakiramdam mo kung hanggang saan ka dadalhin ng pinapangarap mong maging. 'Pag nasagot mo ang tanong na iyan sa iyong sarili ay saka ka magdesisyon kung itutuloy mo ang pag-abot sa iyong pangarap.
'Yan ang ginawa ko nang naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng komiks at ng mismong publikasyon na pinapasukan ko. Mahal ko ang komiks. Ito ang itinuturing kong first love. Sinabi ko rin minsan sa aking sarili na ito ang gusto kong gawin habang buhay.
Pero hindi umayon sa kagustuhan ko ang mga pangyayari. Kaya naghanda ako. Kailangan dahil may mga kaluluwa na umaasa sa akin. Paano sila kung mangungunyapit ako sa pangarap na hindi tiyak kung saan ako dadalhin?
Ngayon, may mga dati akong kasamahan na panaka-naka ko pa ring nakikita. Nakakalungkot na marami sa kanila ang hindi naka-move on. Patuloy na nagbabakasali at nakikipagsiksikan sa mangilan-ngilang publikasyon na puwedeng tumanggap sa trabaho nila. Marami sa kanila ang kung sinu-sino ang sinisisi kaya namatay ang komiks at nawalan sila ng hanapbuhay. Ewan kung kahit saglit ay sumagi man lang sa isip nila na baka may partisipasyon din sila kaya namatay ang industriya.
Ang sa akin lang, sana ay naisip din nila na there's life after komiks.
anonymous the first,
"Actually, ikaw ang unang ini-expect ko na magbibigay ng kuru-kuro sa comment na ipinadala ko..."
Hindi po talaga ako palakomento pag talakayan sa komiks kasi ang naging goal ko ay tumulong sa pagpapasigla ng industry kaya noong laging nagmimiting sina mang nestor at ibang komikero hanggang sa pumasok sina CJC sa eksena ay naroon ako, even using my own resources pag may mga pagpupulong. pero nang itayo na ang sterling ay distansya na ako dahil di naman ako pwedeng mag-contribute sa kanila---and i always thought i'm already a has-been pagdating sa pagsusulat. :(
"By the way, naging editor din ako for a very long time. Pero mas matanda ka yata sa akin. He He!"
So why not reveal who you are? ah, hindi naman issue sa akin ang age, i'm 50 years old, btw, kaya talagang matanda ako sa 'yo. :)
"kahit anong magic ang gawin ni caparas, hindi na niya mabubuhay ang komiks"
ok. my serious opinion is that... any comics creator now dosn't need a magic wand to revive the industry---but some stroke of genius.
Anonymous,
I'm happy to report to you that in Brgy. Bagong Ilog, Pasig may mga nagtutumbang preso, piko, habulan, at basketbol pa rin sa kalye. Marahil ito ay yung mga batang walang cable TV sa bahay. Pero siyempre, marurunong din ang mga ito mag Counterstrike at Worlds of Warcraft sa pinakamalapit na Internet cafe pag may datung.
Anyway, hindi ko naman gustong palabasin na naghihingalo ang manga -- pero may downward trend lang talaga sa Japan sa readership nito for the last decade. Ang lumalaking readership ay manga sa labas ng Japan. It's just to illustrate that even the largest markets are not impervious to the effects of electronic entertainment.
Ako mismo ay nag-aaral magbasa ng Hapon... dahil sa Japan na lang lumalabas ang magagandang komiks. I hope to be able to have a rich source of comics reading material accessible to me in the future. Yung mga naisasalin sa English kasi karamihan mga pambatang manga. Pag kumakain ako sa mga Japanese restaurants sa may Makati Cinema Square ay nalulungkot ako na hindi ko mabasa yung katakut-takot na manga na pinahihiram nila doon. Marami ay mga adult ang target audience, judging from the drawings and subject matter (hindi porn, at di lahat malaki mata na cute).
Kung isalin na lang kaya sa Tagalog itong mga sikat na manga at ibenta ng mura (with permission from the original publishers), may market kaya?
Anonymous #1, ikaw ba iyan, kaibigang OLLIE SAMANIEGO? Hula ko lang ito, pero alam ko kasi na nagtagal ka nga sa pagiging editor. Kung hindi naman ay sabihin mo na rinkung sino ka para makilala ka naman namin.
Sa aking pagmumuni-muni tungkol sa komiks na dugtungan, ang nabuo kong opinyon ay ito: Hindi na uli babalik ang appeal nito. Ang mga tao sa daigdig ngayon ay hindi na katulad noong 20-30years ago, when almost everyone was rather laid back. Ngayon, nagmamadali ang lahat. Kaya dapat ring bigyan sila ng isahang istorya at tapos agad. Kung graphic novel ang approach, mas appealing ito sa marami. O kaya ay anthology. Mga tatlo o apat na kasaysayang mahaba at tapos agad sa isang issue.
Sa Pilipinas, ang pinakamagandang OUTLET ngayon para sa mga scriptwriters ay TV na lang talaga. Ito na lang ang kinalolokohan ng masses. Ang mga manunulat ay magkakaroon ng puwang sa medium na ito, isang bagay na malaon ko nang nakita kaya nga hindi ako nag-full-time sa komiks, kundi sa TV, maging noong bata pa si Sabel.
Nakawiwindang ng puso na mapakinggan ang mga bagay na sinasabi ng mga dating taga-komiks na dati'y punung-puno ng buhay nguni't ngayo'y walang iniwan sa mga tuyong dahon na nalagas sa malakas na pag-hip ng hangin. Mayroong mangilan-ngilang mga dhon na hanggang ngayon ay nakakabit sa sanga na tulad sa maikling kuwento ni O.Henry, ang THE LAST LEAF, na ginawan naman ng awitin ng CASCADES with the same title.
Isang halimbawa ay ang kayayaong si Ginoong Virgilio Redondo. Siya'y nangunyapit sa mga sanga ng puno, nguni't sa bandang huli'y nalagas din. Walang pusong hindi madudurog kapag nalaman ang naging malungkot niyang mga huling sandali dito sa balat ng lupa.
mr. cool,
kung si ollie 'yan, ah, mas maedad sa akin, hehe. pero 'yung paraan ng pagsusulat ay parang sa babae.
btw, hindi ako aware sa nangyari kay vir pero masaklap nga kung dating nasa top of the world tapos ay biglang magiging the last leaf.
rob,
dito man sa kalye namin ay marami pa ring mga batang naglalaro. kung minsan nakakapasok pa rito sa bahay namin kapag nagtataguan-pung. nabawasan lang ang mga batang intruders nang magkaroon kami ng dalawang makukulit na mongrels. :)
anonymous,
Heto yung information on declining circulation of manga anthologies in Japan:
http://comipress.com/article/2007/12/26/3040
It mentions in the article that from 2004-2006, overall circulation had declined, however big the total still is.
Yung title na "BIG COMIC" ang madalas ko makita sa mga Japanese restaurant dito -- kasi ito yung targeted sa mga mas nakakatandang audience.
Sa tingin ko rin hindi na babalik ang appeal ng comics. There are too many entertainment options that are more compelling to the public. Dati mangiyak-iyak ako pag Holy Week, dahil walang mapanood sa TV. Ngayon, 24 hours a day, 365 days a year, may magandang palabas sa TV. That's not even counting the stuff you can watch on the Internet. Dati nagbabasa akong komiks bago matulog. Ngayon, nanonood akong downloaded movie/tv show bago matulog. Dati, hindi ko alam paano hatiin yung pera ko sa maraming komiks na gusto kong bilhin. Ngayon, desperado akong maghanap ng mabibiling komiks na magandang basahin.
KC, patintero pala uso dito ngayon.
Front runner ka talaga pag komiks ang pag uusapan, KC. I like the story and I remember Mr. Bambico. His style does have a strong influence of the great Mar Santana.
oy, rey...
binisita ko 'yung blog mo ang gaganda ng kuha. is it the camera or the maniniyut (photographer)? :)
sana makapagbigay ka kahit one page artwork doon sa horror magazine na binubuo ko ngayon.
roby,
talaga? uso pa patintero at taguan sa inyo diyan? medyo nagulat ako. kasi high school pa ako nang huli akong makakita ng naglalaro ng mga larong iyan. doon sa dati naming bahay sa bago bantay. but since lumipat kami never na akong nakakita ng naglalaro niyan. especially nowadays na halos mapuno ng mga naka-park na sasakyan ang labas ng mga bahay dito sa lugar namin. marami ring bata dito pero siksikan sila sa internet cafe. o kaya naman nasa loob ng bahay at naglalaro ng play station or nagko-computer. well, it's good to know na buhay pa pala ang mga larong sinasabi ko sa ibang lugar.
salamat.
Amen ako pagdating sa sinabi ni mr. KC na..."ang naging goal ko ay tumulong sa pagpapasigla ng industry" Hehehe. Un lang po ang sarap ng pakinggan. wala nang iba. sabi nga ang isang pananampalatayang walang gawa...PATAY!
At ang isang adhikain na puro ngawa at dika naman tumutulong sa paglikha...dibat patay rin?! Kalungkot dba?! Hehehe.
"my serious opinion is that... any comics creator now dosn't need a magic wand to revive the industry---but some stroke of genius." Amen sir!!!
oy mga pipol, ung mga pamamgkin ko at mga bata dito, uso pa ang taguan pung at mataya-taya. =)
Sir kc maitanong ko lang po kung pwede na po bang mag-contribute sa inyo. hehehe. may nakaready na kasi akong isang story para sa heavy metal lokal. At sana malawak ang style ng ilalabas ninyo. Thanks!
lumabas-labas naman ng bahay ang hindi nakakakita ng batang naglalaro sa kalye! para naman kayong naka-confine sa hospital kung makapagsalita,hehe! joke.
hello, dami pa kayang naglalaro ng mga larong kalye. may pamangkin din akong high school at elementary, pero hindi naman haling sa manga komiks o anime ng Japan. nanonood, oo, pero hindi haling. at saka hindi lahat 'no? huwag naman sanang i-generalize ang isang pangyayari sa loob ng pamilya na pangyayari na sa lahat ng tao. OA naman yun.
about komiks? ang tinutukoy lang naman na hindi na maka-survive ay 'yung local komiks. pero maraming komiks na lumalabas sa pali-paligid. maaaring hindi na nga lang katulad noon. pero bakit, kailangan ba talagang lahat ng bagay ay katulad noon? e di lahat ng bagay eh paurong.
dumarating talaga ang panahon ng maraming pagbabago. hindi kalaban ang anumang pag-unlad ng teknolohiya. kailangan lang ay makasabay. tama si cool, magbasa kaya tayo ng kasaysayan ng mundo, at mapapatunayan natin na ang lahat ay dumadaan sa proseso ng ebolusyon, inobasyon at pagkakatuto.
bati tayo
Anonymous the last,
"lumabas-labas naman ng bahay ang hindi nakakakita ng batang naglalaro sa kalye! para naman kayong naka-confine sa hospital kung makapagsalita,hehe! joke."
palabiro ka pala anonymous.but it's true. walang bata na naglalaro sa kalye dito sa lugar namin. peks man. superman. batman. pakibasa mo na rin itong sinabi ni roby villabona: "Ang mga computer games, Internet, etc ay nasa mundo lang ng mga class A, B, and maybe upper C -- which is probably only around 10-15% of the population."
"may pamangkin din akong high school at elementary, pero hindi naman haling sa manga komiks o anime ng Japan. nanonood, oo, pero hindi haling. at saka hindi lahat 'no? huwag naman sanang i-generalize ang isang pangyayari sa loob ng pamilya na pangyayari na sa lahat ng tao. OA naman yun."
i don't recall na nag-generalize ako na lahat ng teenagers ay anime addict. unang-una anonymous the last, mahirap mahaling sa anime. kasi may kamahalan din ang bisyo or hobby na ito. yun lang isang kopya ng manga, you will have to spend at least P500. ang tinutukoy ko na anime addict ay mga estudyante from exclusive schools. saan ba nag-aaral ang mga pamangkin mo? no offense meant ha? oo naman bati tayo.
anonymous,
oo naman, la problema dun. nasa private school ang mga pamangkin ko. saka maski naman pati nasa public school ang isang bata, ay hindi naman kakulangan iyon para hindi sila maging aware sa ganyan.
guided kasi sila sa mga ganyang bagay, i mean hindi sila hinahayaan na "malulong" kasi nga malakas ang panghatak ng addiction ng mga ganyan. alam din nila at exposed sila kung ano ang manga at kung anu ano pa kasi ang daddy nila ay nasa animation at nasa komiks din. sa katunayan ay nakapanood sila recently lang ng disney on ice, what i mean to say is... hindi lahat ng bata maski na nasa AB crowd pa ay malululong sa mga ganyang bagay. nasa oryentasyon yan ng mga magulang at school na pinag-aaralan. oo nga, mahal nga ang bisyo na yan, pero sa totoo lang ay kayang kaya naman, nagkataon lang na hindi dapat eh.
basta hindi lahat ay magkakapareho ng pagtingin at prinsipyo pagdating sa bagay na yan, hindi rin lahat ay iisa ang karanasan tulad ng karanasan mo o ng iba. maski pa sabihing nagbabasa rin ako, o kami, o kung sinuman, hindi pa rin tayo magkakapareho ng karanasan o pagtingin sa mga bagay na ganyan.
bati tayo!
Post a Comment