Wednesday, January 30, 2008
'training day'
KAMAKAILAN, habang nagmemeryenda kami ni Ner Pedrina sa canteen ng ABS-CBN ay nabanggit ko sa kanya na interesado akong mag-attend sa cartooning workshop na idaraos ni Ariel Atienza sa loob ng apat na Sabado ng Pebrero sa Lopez Museum. Sabi niya sa akin ay bakit pa ako mag-a-attend ay mukhang hindi ko na kailangan ang training o workshop sa cartooning dahil medyo okey na naman ang mga gawa ko. Sagot ko ay kailangan ko ng certificate na nag-attend ako ng anumang art workshop dahil may paggagamitan ako, at itong kay Ariel bukod sa practical na ang workshop fee (p2,500) ay medyo maikli pa ang duration. Saka medyo matagal na rin akong hindi nakapag-eensayo at kailangan ko ng catalyst para mabuhay kong muli ang interes ko sa cartooning.
Kaya lang ay nagkaroon ng biglaang pagbabago sa schedule ko dahil sa isang urgent na bagay na ginagawa ko. Nanghihinayang ako sa oportunidad na maka-attend sa naturang workshop.
Bata pa ako ay nasa sistema ko na ang pagsali sa anumang training o workshop. Hindi ako mahilig sumali sa mga organisasyon, pero basta workshop lalo at may kinalaman sa art ay tiyak na nasa unahan ako ng pila. Maging ang welding at paggawa ng pattern para sa sheet metal works ay pinatulan ko dati noong hindi ko pa natutuklasan kung saan ako nararapat na field, at nangangarap na makapagtrabaho sa Saudi. Kung hindi ako nagkasakit noong 2000 ay nakapagsanay sana ako bilang barista sa Starbucks dahil inendorso ako ng isang kaibigan na mataas ang posisyon ng mister sa nasabing coffee giant. May time kasi na nangarap ako na magtayo ng kahit maliit na coffee shop.
Noong nasa komiks na ako ay nag-a-attend pa rin ako ng mga writing workshops kahit pa medyo may kamahalaan ang bayad. Isa sa pinaka-major na natapos kong writing workshop (screenplay writing) ay sa Film Development Foundation of the Philippines (FDFP) na inabot ng anim na buwan. Ayon sa aming trainor na si Nestor Torre, ang program na ginamit niya ay katumbas ng masteral na ginamit niya sa isang top university. Nagkaroon kami ng formal graduation na ginanap sa isang restaurant at dinaluhan ng mga local movie producers. Kaklase ko sa workshop na ito si Maryann Bautista, ang writer ng ‘Kasal, Kasali, Kasalo.’ Requirement sa graduation ang makapagsulat ng screenplay na pasado sa panlasa ni G. Torre.
Nakasama rin ako sa naimbitahan para sa writing workshop ni Ricky Lee para sa bubuuing bagong project development group ng Star Cinema pagkatapos ng aming graduation sa FDFP. Sa Tagaytay City iyon ginanap, at napakasarap dahil sinagot ng Star Cinema ang lahat ng gastos. Halos 30 kaming naimbitahan bilang workshoppers, at matapos ang isang linggo ay nagkaroon ng evaluation at sampu ang na-hire ng Star Cinema. Dalawa kami ni Maryann na nakasama, at bukod-tangi na hindi produkto ng anumang workshop ni Ricky Lee bago ang Tagaytay sojourn.
Noong nasa Batangas pa ako ay nagplano rin akong mag-enroll sa Dynacoil ni Mang Nestor Malgapo at VK Comics Studio ni Vincent Kua. Pero palibhasa’y noong araw ay parang ulan sa tag-araw kung dalawin ng pera ang aking bulsa ay hanggang pag-i-inquire lang ako thru mail at hindi na nakakapag-enroll.
Nang nasa Manila Times na ako ay saka lang ako nagkaroon ng formal training sa pagsusulat sa dyaryo na idinaraos ng kumpanya from time to time. At dahil mayroong The Manila Times School of Journalism, kapag may special session ang mga estudyante at may imbitadong mga bigating media practitioner para mag-lecture ay nakiki-sit in ako.
Mahalaga ang training o workshop lalo na sa mga mahihilig sa art o sa kung anumang discipline. Kung talagang may talent, lalong mahahasa. Kung wala naman, basta’t may interes ay siguradong may maa-unlock na potential. Nagbibigay rin ito ng panibagong enthusiasm sa iyong mga ginagawa dahil may mga technique kang natututuhan na iyong maia-apply.
At isa sa pinakamahalagang bagay na natuklasan ko sa pag-attend sa mga workshop ay maraming nakikilalang indibidwal, nagiging kaibigan at malaki ang naitutulong sa professional growth balang araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Interesado rin ako diyan sa Welding ng sheet metal, kasi mi kinalaman din ito sa art.Parang mga metal sculpture ba ni Solomon Saprid, yung Tikbalang series. Gusto ko rin sanang gumawa ng parang ganoon. Ganoon din sa pagiging barista, kasi kung mi capital, gusto ko rin magkaroon ng maliit na coffee shop, para mi tambayan ang mga kaibigan. Gusto k rin magtraining ng basic automotive at trouble shooting para mi background naman ako sa mga sasakyan. saan ba ang mga libreng training nito KC ? please advice.
Auggie
Auggie,
Sa Meralco Foundation maraming short courses (hindi nga lang libre). You can find their website at www.mfi.org.ph. Maraming auto maintenance and repair-related courses doon.
auggie,
dati kasi ay may MANPOWER TRAINING CENTER sa bawat munisipalidad, at libre lang ang training dito. accredited ng POEA. hindi ko lang alam kung existing pa ito. ang MTC din ang nagka-classify sa kakayahan ng apprentice o trainee. in my case, naging certified Class B electric arc welder ako. dati ang MTC certification ay requirement sa pag-a-abroad.
'yung coffeshop naman ay medyo wala na sa plano ko. ang hinahanap ko ngayon ay kahit maliit na puwesto para sa mga secondhand books... pero hindi naman urgent dahil busy pa ako.
hintay-hintayin mo lang 'yung promise ko sa 'yo at ako'y medyo naging abala nitong mga huling araw—pero nakahanda na.
Kumusta kaibigan. I think you're doin' great as usual. Napakainformative ng site mo.Sana makapagcommunicate tayo pag may free time ka. GODSPEED
Here's my email add--rockyvillena@yahoo.com. Hope you still remember an old friend. GODSPEED.
KC,Here's my email add--rockyvillena@yahoo.com. Hope you still remember an old friend. GODSPEED.
Post a Comment