Friday, January 4, 2008

'gearing up'

Photobucket


MUKHANG maganda ang start ng aking 2008. Dahil mahilig akong sumunod sa mga lumang tradisyon sa pagsalubong sa Bagong Taon, patuloy ko pa ring ginagawa ang mga iyon sa ngayon.
Buong araw ng January 1 ay hindi ako nagbukas ng cellphone at hindi rin ako sumasagot sa mga tawag sa telepono. May mga mensahe kasi kung minsan na negatibo at ayokong unang araw ng taon ay hindi agad magandang balita ang masugagaan ko. January 2 na ako nagbukas ng cellphone, at ang nakuha kong message ay mula sa isang kumpare ko na inaalok ako ng project katulong siya. I said yes para ‘ika nga ng mga matatanda ay may ‘pasalta’ o panimulang buwenas sa 2008.
Speaking of pasalta, may ilan-ilan akong allowance mula sa mga company na involved ako na hindi ko na kinuha bago magtapos ang 2007 para ‘kako sa umpisa pa lang ng 2008 ay may pondo na ako. Nag-save talaga ako ng pera last 3 months ng 2007 para handa ako sa pagsalubong sa New Year na kahit paano ay may pera sa wallet. Hindi problema ang pagkain dahil sa nakuha kong grocery items sa ABS-CBN Publishing, at dahil tatlo lang kami sa bahay at hindi malalakas kumain, ay baka umabot pa hanggang February.
Isa pa rin sa magandang pangyayari this New Year sa akin ay ang pagdating ng mga kamag-anak ng misis ko galing Canada. Na-impress sila sa anak ko na at the age of 14 ay first year college na kaya nagbigay ng konting tulong para sa kanyang tuition fee sa kanyang last sem (tri-sem sa DLSU) sa kanyang unang term. So, last January 3 ay nae-enroll na namin siya nang hindi kami masyadong namroblema. Last year ay nagbigay rin ng tulong sa tuition fee niya noong second sem ang kanyang ninong na si Fermin Salvador na ngayon ay US-based na.
May offer pa rin sa akin ang isang bagong bubuksang tabloid pero dahil hindi pa naman sure ay hindi ko pa masyadong pinag-iisipan. Last year ay nagpraktis ako ng cartooning at ngayon ay may offer sa akin ang isang malaking dyaryo na gumawa ng cartoon strip on a weekly basis. Pinag-iisipan ko pa ito kung kaya ko dahil hindi pa ako ganoon kahusay at kabilis magdrowing, bagaman at excited ako dahil childhood dream ko ang maging cartoonist.
Ang talagang pinaka-goal ko this year ay ang matapos na ang isa pang floor ng aking maliit na bahay na ilang taon nang hindi natatapos. Inabot kasi ito noon ng bagyong Milenyo nang kasalukuyang ginagawa at dahil nabasa ang kabuuan ay para akong nanghina at hindi ko na naipatapos. Ngayon na kailangan na ng aking anak ng medyo malaking space, kailangang i-resume ko ang pagpapagawa nito. Sabagay, mga takip na lang naman ng mga hanging cabinets, pintura, at kuryente na lang ang kulang para masabing kumpleto na ito.
Plano ko ring mag-enroll sa language training center para maisaayos ko ang aking ‘ispokening inglis.’ Noong araw ay maayos naman ito ngunit palibhasa ay napatutok akong masyado sa Tagalog na pagsusulat, medyo kinapos na sa ensayo, ‘ika nga. May mga offer din kasi sa akin na magsulat, in English, at gusto ko na rin namang subukan para mas lumawak ang aking naaabot na readers.
Maganda rin ang schedule ng anak ko ngayon. Pinahaba ang oras nila sa school (ang dating one-hour subject ay naging one and a half) kaya wala na silang pasok pag Friday and Saturday. Ibig sabihin, kung may baon siyang P100/day, nakatitipid ako ng P200/week. Ginawa yata ang ganitong scheme ng kanilang school sa halip na magtaas ng tuition fee.
Nangangahulugan din ito na maitutuloy na naming mag-asawa ang plano na mag-badminton every Saturday morning sa may CCP complex para naman maging physically fit kami, sabay simba pagkatapos sa pinakamalapit na chapel. More books and comics to read, more movies to watch.
Well, marami pa akong nasa wish list this year but I won’t be asking for too much. Sana ay walang magkasakit sa amin o maaksidente. Walang pinakamasarap kundi ang buhay na payapa kahit pa sapat lang ang kinikita.
I’m gearing up for more projects this year na hindi ko na muna babanggitin dahil baka mabantilawan. Gusto ko na ring matapos ‘yung graphic novel namin ni Novo Malgapo na hindi naka-takeoff last year, and I’m planning to team up with Rommel Fabian middle of this year para maisali sa Komikon.
Open pa rin ang kapihan sa ABS-CBN kung papasyalan ninyo ako roon… at kung may mga activity ang mga komikeros old and new at imbitado ako, join ako.
Year of the Rat ngayon, mga katoto... isang masuwerteng taon. Magsama-sama tayo sa magandang buhay!

6 comments:

Anonymous said...

KC,

Sana nga bwenas itong Year of the Rat na ito. Yung Year of the Pig, medyo malas eh, year ko pa naman. Yung huling Year of the Pig noon 1995, bwenas, nakapag abroad ako at kumita ng konti.


Auggie

kc cordero said...

auggie,
marami rin akong sablay last year pero ipinagpag ko na ang mga iyon. pag dumating na ang pension mo, masarap na ang buhay; jogging sa umaga, almusal, ligo, pabasa-basa at pelikula na ang iikutan ng buhay mo... and of course, pkmb.

Anonymous said...

Waa..nasama ang pangalan ko. Bigla tuloy akong naatat Sir, kahit na middle this year pa po iyan...
Akina po bilisssss.=)

Yeah, pareho po tayo ng wishlist...
Isang buhay na payapa.=)

Knovs said...

KC,
Year of the Pig ako pero hindi masyadong ok ang 2007 sa akin... next year sigurado ok, may team up tayo e.

Knovs said...

sori mali... dapat "THIS year sigurado ok, may team up tayo e."

he he... pakiramdam ko di pa ako umaalis sa 2007...

kc cordero said...

knovs and rommel,
ty sa inyong dalawa. as of now naghahanap na ako ng sponsors. :)