Monday, December 29, 2008
no skipping christmas this time
KUNG last year ay nagtago kaming mag-anak, this time ay hindi kami nag-skip ng Christmas. Masaya naming sinalubong ang Pasko, at dahil medyo kapos sa budget ay nag-isip kami ng mga paraan kung paano haharapin ang okasyon nang hindi kakaba-kaba kapag may sumigaw sa aming gate ng, “Meri Krismas po!”
Mahilig kaming mag-asawa na bumili ng wristwatch na hindi naman namin ginagamit at nakatago lang kaya nagdesisyon kaming ang mga iyon na lang ang iregalo sa aming mga inaanak dahil baka mawala na rin sa uso. Pumayag na rin si Inez na iregalo sa kanyang mga batang pinsan ang kanyang mga stuff toys na hindi niya napaglaruan at naka-box/plastic pa. Hindi na rin siya nag-request ng gift mula sa amin maliban sa kanyang damit at slippers na isinuot sa pagsimba. Ang gift ko naman kay Misis ay groceries at dalawang ham—courtesy of ABS-CBN Publishing—para sa aming Noche Buena at magiging bisita sa mismong araw ng Pasko.
Para sa mga batang mamamasko, marami kaming sabon, shampoo, Belo products, instant coffee, mga panimpla sa pagluluto, etc. etc. na regular kong nakukuha, again, from ABS-CBN Publishing mula naman sa mga advertisers ng The Buzz Magasin. Naisip ni Misis na sa halip na mag-abot ng piso-piso ay ibabalot niya ang mga iyon at siyang ipamimigay sa mga bata. Tamang-tama ‘kako para matuto ang mga bata na maligo at maging malinis sa sarili.
May mga natira pang Belo products—kung gusto n’yong maging flawless, magmano lang kayo sa akin.
Happy New Year sa inyong lahat!
Walang fancy gifts ngayong taon, pagmamahalan lang sa loob ng tahanan. That's my wife at the left, my daughter at the right.
Inez with 'Olof' (the other reindeer). Nakuha n'yo ang joke?
Inez with her cousins.
Hindi po sandwiches 'yan, mga sabon, shampoo, etc, na ipinamigay namin sa mga batang namamasko.
Ang mga alaga naming mongrels na nagbatian din ng 'Meri Krismas!'
The greatest gift of all—kiss mula sa isang future Santa Claus. Look, lumalaki na ang tiyan!
Sunday, December 21, 2008
christmas party '08!
NAIRAOS din sa wakas ang Christmas Party na regular na ginagawa ng mga taga-old industry at mga bagong sibol na komikeros. Usually ay ginaganap ito sa bahay nina Mang Tony Mongcal sa may Roosevelt Avenue pero hindi available ang place. This year ay ginanap ito sa amin kahapon lang, December 20, Saturday, sa Pandacan, Manila. Medyo late na at busy na ang maraming komikeros at ang iba ay may mga dinaluhan ding pagtitipon kasabay ng okasyon kahapon kaya hindi nakarating.
Sa kabuuan ay masaya ang pagdiriwang at nakapagkuwentuhan ang mga dating magkakasama at bagong magkakakilala habang kumakain at nag-iinuman. Ang pinakatampok na topic siyempre pa ay tungkol sa komiks, at ang matagumpay na Komikon 2008.
Merry Christmas sa inyong lahat na bumibisita sa blog na ito. Salamat muli sa mga nag-ambag para sa naganap na kasayahan; Pareng Fermin Salvador, Rocky Villena, Terry Bagalso at sa mag-inang Imee Estrella at Ryan Quijano. Magsama-sama at magkita-kita muli tayo next year sa maraming comics activities.
Salamat din sa pamunuan ng aming barangay lalo na kay Chairman Gaddy Boongaling na nagbigay ng permit na maipasara at magamit ang aming kalye para sa okasyon, at mga pasilidad ng barangay.
Merry Christmas!
Early birds sina Randy, Armand Loquias, Ner Pedrina, Rocky Villena, Bladimir Usi at isang kaibigan ni Armand.
Mga kabataang artists from Antipolo na kasama ni Mang Orvy Jundis.
Randy kasama ang Antipolo artists.
Nakatayo si Mang Orvy kasama sina Blad Usi at Armida Francisco.
Kainan time.
Far right ang co-editor ko dati sa Atlas na si Alex Cruz, naka-blue (Thriller and Darna) at naka-orange polo shirt ang writer na si Joe Dalde na ngayon ay editor ng tabloid.
Kakang Marboy, Randy, Benjie Felipe and Paulo Santos.
Jonas Diego and my new kumpare, John Becaro.
Lovers in Pandacan, Mang Orvy and wife.
Alex, Joe, umiinom si Mang Karl Comendador, naka-side view si Danny Marquez, ang huling editor ng Pilipino Komiks. Editor siya ngayon ng People's Balita.
Nasa kaliwa ang letratistang si Tony Mongcal (kapatid ni Jomari Mongcal), Mang Nestor Malgapo and Noly Zamora.
Armand preparing some pulutan. Dati siya sa accounting department ng GASI at naging circulation manager ng Manila Times. Involve siya ngayon sa trading.
MORE PHOTOS...

Monday, December 15, 2008
yearly christmas party ng mga nagkokomiks '08!
ANG taunang Christmas Party ng mga nagkokomiks; beterano, baguhan, writer, illustrator, publisher, indies, letterer, colorist, etc. etc. ay gaganapin sa December 20, 2008 (araw ng Sabado) sa Gen. Osmalic Street, Pandacan, Manila sa ganap na alas dose ng tanghali. Ang venue ay tapat ng bahay namin; lumang barangay hall na bakante na may kainaman ang laki na bakuran. Kung makakarating kayo nang maaga ay okey lang.
Sa mga hindi nakaaalam ng lugar, kung magtataksi kayo ay sabihin lang sa driver na ibaba kayo sa Liwasang Balagtas. Pag naroon na kayo ay mag-text kayo sa akin at susunduin ko kayo.
Mula sa A. H. Lacson Street, (near UST) diretso lang kayong Nagtahan Bridge at pagdating sa unang stop light ay kakaliwa kayo at madaraanan ninyo ang Caritas at simbahan ng Sto. NiƱo Parish; diretso lang nang konti pa at makikita n’yo na ang Liwasang Balagtas.
Kung galing naman sa Taft Avenue, sa bandang Pedro Gil Street, may sakayan ng dyip sa Escoda Street (malapit sa Jollibee at La Independencia Church). Ipagtanong lang sa mga vendor doon ang pilahan ng jeep papuntang Pandacan. Ang sakyan ninyo ay ang rutang Bayan, Beata. Pakisabi rin sa drayber na ibaba kayo sa Liwasang Balagtas.
Ang sponsor natin sa kasayahang ito ay si Pareng Fermin Salvador. Salamat, Pareng Fermin! Nagbigay rin ng konting tulong si Ma’am Terry Bagalso.
ITO ANG LIWASANG BALAGTAS
ANG KATAPAT NG LIWASANG BALAGTAS. TANDAAN LANG ANG BURGER MACHINE STALL
ITO NAMAN ANG KATABING BUILDING NG LIWASANG BALAGTAS, PINAKAPROMINENTE RITO ANG 'INDEX SALON' SA GROUND FLOOR.
Mag-text lang kayo sa akin pag nasa Liwasang Balagtas na kayo at susunduin ko kayo. Heto ang mga numbers: SMART - 09184576391, GLOBE - 09154654946

Sunday, December 14, 2008
object of our affection
UNA kong napanood si Jennifer Aniston sa pelikulang ‘Picture Perfect’ at simula noon ay naging big fan na niya. Maging ang mga potboiler movies niya kapag ipinalalabas sa cable ay pinapanood ko, or kung nakakakita ako ng copy at naka-sale ay binibili ko. Oddly enough, hindi pa ako nakapanood ni isang episode ng ‘Friends.’ At dahil showbiz magazine editor ako, interesado rin ako sa mga glossy mags na cover siya.
Gaya ng isang ito…
May dahilan para hindi muna bumili ng komiks at ilaan ang budget para sa ating object of affection.
This image provided by GQ magazine shows actress Jennifer Aniston on the cover of the magazine's January 2009 issue. Aniston wears a tie—and nothing else—on the January cover of GQ magazine. The 39-year-old actress strips down and shows off her toned and tanned body next to the headline "Is it just us or is Jennifer Aniston getting hotter?" (AP Photo/GQ)

Thursday, December 11, 2008
the buzz this december!
MATINDI ang January 2009 issue ng The Buzz Magasin na lalabas ngayong December 2008. For the first time ay nagbigay ng kanyang exclusive interview ang Nostradamus of Asia and the Pacific na si Jojo Acuin para sa kanyang predictions sa ating local celebrities sa darating na taon. May predictions din siya ukol sa ating ekonomiya, pulitika at mga trahedya.
Samantala, patuloy na umiinit ang nobela ni Gerry Alanguilan. Natuklasan na ba ng mga kaaway ni Timawa kung paano lalabanan ang taglay na kapangyarihan ng ating local super hero? Subaybayan!
Tuesday, December 9, 2008
kumusta ang iyong pasko?
DALAWA sa mga dati kong kasamahan sa komiks ang ngayon ay nasa abroad na at nagtuturo bilang English teachers—sina Benjie Valerio at Manny Camara.
Si Benjie ay naging editor sa Atlas Publishing at humawak ng Hiwaga, TSS, True Experience at Drakula. Nasa Jubail, KSA siya ngayon. Bago siya nagtungo sa abroad ay nagtayo siya ng video shop, naging disc jockey bago naging English professor sa isang unibersidad habang tinatapos ang kanyang masteral. Sa aking pananaw ay siya ang pinakamahusay na naging editor sa Atlas—tatlong beses nagwagi sa Catholic Mass Media Awards sa kategoryang Best Comics Story.
Si Manny naman ay graduate ng psychology at matagal na naging trainor sa isang recruitment agency. Sideline lang niya ang pagsusulat noon; forte niya ang magsulat sa Ninja Komiks at ng mga horror stories dahil sa husay niyang mag-research. Nasa Thailand siya ngayon as an English teacher; pero bago iyon ay opisyal siya ng kanilang kooperatiba sa Quezon, naging principal sa high school at kalaunan ay naging English professor sa Quezonian Institute. Kolumnista rin siya sa The Batangas Post.
Nagpapalitan kaming tatlo ng e-mail. Ang mababasa ninyo ay ang e-mail ni Benjie kay Manny na ipinadala rin niya sa akin—para maramdaman natin kung ano ba ang nasa damdamin ng isang OFW na malayo sa pamilya at sariling bayan—lalo na sa panahon ng Kapaskuhan:
***
Magandang araw sa iyo, Pareng Manny. Kumusta ka na riyan sa Thailand? Sana'y nasa maayos kang kalagayan sa tuwina.
Ilang araw na lang at Pasko na naman. Unang pasko mong malayo sa pamilya; ako'y pang-apat na. May nararamdaman ka bang diwa ng Kapaskuhan diyan sa lugar mo? Dito sa Jubail ay wala. Walang-wala. Ang ramdam na ramdam dito ay ang lamig dahil sa pagpasok ng winter. Pero ‘yung mga kinasanayan nating Christmas carols sa radyo, ang nakakakulili pero nakakatuwang "Sa maybahay ang aming bati..." ng mga bata, Ang Christmas display sa COD (meron pa ba hanggang ngayon?), ang kutitap ng mga parol at Christmas lights, ang simbang-gabi, ang Kris Kringle sa mga opisina at eskuwelahan, ang bibingka at puto-bumbong... haay, pare, bakit nga ba kailangan pa nating lumayo sa mga mahal natin para lang kumita nang maganda?
Pero iyon na mismo ang sagot sa tanong, di ba, pare? Nasa mga lugar natin ngayon ang oportunidad na kumita nang maganda. Sabi nga ng mga Arabo: Alhamdulillah (Salamat sa Diyos!). ‘Yung isang taon kong suweldo noon sa pinagturuan kong State U diyan ay isang buwan lang dito. Napakalaking bagay, lalo na sa ekonomiya nating papabaon sa implasyon. Kita mo, pare, noong mga aktibo pa tayo sa cause-oriented groups ay implasyon na ang isa sa tema natin. 20 taon na ang nakalipas, ang implasyon na parang aso lang noon ay dinosaur na ngayon.
Suweldo namin noong isang araw. Siyempre, paglabas sa trabaho ay diretso na ako sa remittance center. Pare, maluluma ang pila sa Titanic noong araw. Inabot ako nang dalawang oras bago nakarating sa counter. Ganoon karami ang nagpapadala. Mga Pinoy lang iyon. Sa kabilang pila, mga Pakistani, Indian, Bangladeshi, Nepali... basta, puro Asyano. Wala kang makikitang puti. Pero pinakamarami at pinakamahaba ang pila ng mga Pinoy. "Masaya na naman bukas sa Pinas!" sabi ng isa. Na totoo naman, pare. Ayon sa stats, nasa 1.1 million na ngayon ang OFW dito sa KSA. Sa palitan ngayon na SR1-Php13, kung bawat OFW rito ay magpapadala ng at least ay 100 riyals, magkano iyon sa pera natin. Sa KSA pa lang iyon. Kung isasama mo pa ang galing sa ibang destinasyon (Rome, USA, Japan, UAE, atbp), malulula ka. Tama ang sabi nilang ang OFW ang nagpapasigla sa foreign reserve ng bansa. Modern day heroes nga raw, di ba?
Kasama ka na ngayon sa mga "bayani," pare. Kasama ka na sa napagkukunan ng pondo na sa malao't madali ay gagastusin o ibubulsa ng mga gahaman sa gobyerno. Pag-uwi mo nga pala, obligado kang pumunta sa POEA para magbayad ng PhilHealth at OWWA dues. Okey lang ‘yung PhilHealth at nagagamit ng pamilya ko, pero ‘yung sa OWWA at sa POEA na wala namang nagagawa sa welfare ko at ng mga kasama ko rito, ewan ko. Pero walang magagawa, tayong maliliit ay kailangang sumunod sa batas lalo pa't hindi naman Arroyo at Bolante ang mga apelyido natin.
Pero balik tayo sa Pasko, pare. Isinusulat ko ito'y nakikinig ako ng Christmas songs sa background. Doon man lang ay maramdaman natin ang diwa ng Pasko at lumabnaw nang konti ang ngitngit sa pamahalaan nating walang kuwenta. Tanong ko sa iyo, pare: Alam ba ni GMA ang damdamin ng isang ama na hindi nakakasalo sa pagkain at nakakatabi sa pagtulog ang kanyang mga anak? Palagay ko'y hindi. Hindi niya alam na walang kapalit na halaga ang bawat ngiti at tawa ng iyong anak na hindi mo naririnig. Hindi mababayaran ang maging saksi ka sa pagbibinata (binata na nga pala ang inaanak mo, pare!) o pagdadalaga ng iyong anak. Walang katapat ang kasiyahang makatulong ka sa paggawa ng assignment at project at minsan-minsan ay maka-attend sa PTA meeting. Lumalaki ang bank account natin, totoo iyan, pero lumalaki rin ang agwat ninyong mag-aama, at mahirap na iyong bawiin. Iyong mga hinaing noon ng MIGRANTE na nababasa lang natin sa peryodiko, damang-dama ko na ngayon.
Hanggang kailan, pare? Hanggang makatapos ang mga bata siguro, kung ganoon ay ilang taon pa mula ngayon. O hanggang gumanda ang ekonomiya? Ay, pare, napakatagal siguro noon, baka dito na ako magretiro. Huwag naman. Noong araw na OCW pa ang tawag sa atin, ito'y pansamantalang remedyo lang sa unemployment doon sa atin. Nang lumaon, naging phenomenon na. Ngayon, mukhang national policy na. Pati mga kurso sa kolehiyo ay ibinabagay na hindi sa pangangailangan ng labor market sa Pilipinas kundi sa kung ano ang in-demand sa ibang bansa. Natatandaan mo noong nag-boom ang PT sa atin, ang daming gustong maging therapist. Pagkatapos ay caregiving. Ngayon ay nursing naman ang "ginigiling" sa mga diploma mills. Ano naman ang susunod? Samantala, ang mga nasa pamunuan ay abala kung paanong papalitan ang Konstitusyon at nang mapalawig ang kanilang panunungkulan (at mapahaba ang pagsipsip sa yaman ng bayan, na karamihan ay galing sa atin).
Sayang, pare. Ang husay ng Pinoy. Dito sa aming eskuwelahan, kahit ang mga puti ay hanga sa ating abilidad (una na ang kakayahan nating magsalita ng ingles) at sigasig sa trabaho. Iyong komite na hawak ko sa school ay Puti ang kalahati ng miyembro, pero saludo sila sa atin. Ibig kong sabihin, iyong sikhay natin sa trabaho at husay sa paggampan ng gawain, dapat sana ay sa mga kolehiyo at opisina sa atin natin nagagamit. Hindi sa bayan ng may bayan. Isipin mo, pare, ang mga OFW na umaalis araw-araw sa Pilipinas ay ang bulto ng mga Pinoy na may kakayahan. Hindi ko sinasabing mga walang kakayahan ang mga naroroon; ibig ko lang sabihin, dapat sana'y sa ating bayan natin nagagamit at naiaalay ang mga kakayahan nating ito. Pero kailangan natin ng pera, e, di ba, pare?
Noong umuwi ako sa atin last August, sumalubong sa akin sa NAIA ang poster ni GMA: Ramdam ang kaunlaran. Kitang-kita ko sa ngiti niya na ramdam nga niya ang (pansariling) kaunlaran. Ikaw, pare, ramdam mo na ba ang kaunlaran? Well, sa ating mga OFW, dapat lang na maramdaman natin iyon... lalo na ng ating mga pamilya. We deserve it, after all. Ngunit sa kabila ng pag-unlad, nakapalaman doon ang mga hinagpis at himutok na ramdam na ramdam natin sa bawat araw na malayo tayo sa pamilya.
Marami pa akong gustong sabihin, pare, pero sa susunod na lang. Nalulungkot na kasi ako, at ang ginagamit kong panlaban sa lungkot ay tulog. Ito ang aking coping mechanism, 'ika nga. ikaw, pare, how do you cope?
Hanggang sa muli. Ingat ka riyan. Mabuhay tayong lahat!
Subscribe to:
Posts (Atom)