Monday, December 29, 2008
no skipping christmas this time
KUNG last year ay nagtago kaming mag-anak, this time ay hindi kami nag-skip ng Christmas. Masaya naming sinalubong ang Pasko, at dahil medyo kapos sa budget ay nag-isip kami ng mga paraan kung paano haharapin ang okasyon nang hindi kakaba-kaba kapag may sumigaw sa aming gate ng, “Meri Krismas po!”
Mahilig kaming mag-asawa na bumili ng wristwatch na hindi naman namin ginagamit at nakatago lang kaya nagdesisyon kaming ang mga iyon na lang ang iregalo sa aming mga inaanak dahil baka mawala na rin sa uso. Pumayag na rin si Inez na iregalo sa kanyang mga batang pinsan ang kanyang mga stuff toys na hindi niya napaglaruan at naka-box/plastic pa. Hindi na rin siya nag-request ng gift mula sa amin maliban sa kanyang damit at slippers na isinuot sa pagsimba. Ang gift ko naman kay Misis ay groceries at dalawang ham—courtesy of ABS-CBN Publishing—para sa aming Noche Buena at magiging bisita sa mismong araw ng Pasko.
Para sa mga batang mamamasko, marami kaming sabon, shampoo, Belo products, instant coffee, mga panimpla sa pagluluto, etc. etc. na regular kong nakukuha, again, from ABS-CBN Publishing mula naman sa mga advertisers ng The Buzz Magasin. Naisip ni Misis na sa halip na mag-abot ng piso-piso ay ibabalot niya ang mga iyon at siyang ipamimigay sa mga bata. Tamang-tama ‘kako para matuto ang mga bata na maligo at maging malinis sa sarili.
May mga natira pang Belo products—kung gusto n’yong maging flawless, magmano lang kayo sa akin.
Happy New Year sa inyong lahat!
Walang fancy gifts ngayong taon, pagmamahalan lang sa loob ng tahanan. That's my wife at the left, my daughter at the right.
Inez with 'Olof' (the other reindeer). Nakuha n'yo ang joke?
Inez with her cousins.
Hindi po sandwiches 'yan, mga sabon, shampoo, etc, na ipinamigay namin sa mga batang namamasko.
Ang mga alaga naming mongrels na nagbatian din ng 'Meri Krismas!'
The greatest gift of all—kiss mula sa isang future Santa Claus. Look, lumalaki na ang tiyan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Ginoong Cordero:
Napaka-beauty pala ng iyong maybahay. Tunay na kayumangging kaligatan (o dahil lang sa kulay ng retrato).
Maganda ang ginawa ninyong celebration sa Pasko. Ako naman, mula nang maiwan akong mag-isa sa mundong ito'y hindi ko na ipinagdiriwang ang mga okasyon sa aking buhay, mula sa New Year, kaarawaan at saka in-between hanggang sa Pasko.
Ang feeling ko, hindi maglalaon ay iiwanan ko na rin ang mundong ito at sa aking palagay ay isang bagong daigdig ang aking tutunguhin upang mamalagi doon sa pook na punung-puno ng kapayapaan at lipos ng kaluwalhatiang walang hanggan.
I'll say hello when I see you there someday :)
jose mari,
happy new year sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay. salamat sa muling pagbisita. nagpupunta rin ako sa blog mo pero madalang kang mag-update ng entries.
kayumanggi nga ang misis ko, at deadringer siya ni salma hayek noong kanyang kabataan.
bata ka pa para mag-isip ng pagtungo sa lugar na puno ng kapayapaan, at baka may mahahalaga ka pang bagay na dapat gawin para magabayan kaming mga nagsusulat na mapaganda ang aming craft. share with us your knowledge before going to the strawberry fields forever.
in five years time ay baka makarating ako ng canada. sana ay diyan muna tayo magkita, para magkasalubong man tayo sa langit ay nagkakilala na tayo rito sa lupa, haha.
cheer up, my friend. i know that times of the year like this bring loneliness in your heart, pero isipin mo na hindi ka pa nag-iisa sa mundong ito—marami kang fans/kaibigan na gaya ko na bagaman at di mo nakikita ay nagmamalasakit sa 'yo at naghahangad na sa pagsapit ng bagong taon ay sumaiyo ang mga biyaya ng maykapal—lalo na sa espiritwal na aspeto ng buhay.
Kakang KC, Happy New Year.
pert,
same to you at sa mga kakomiks natin d'yan sa US, lalo na kina mang dell at super kap. :)
Nakakatuwa naman. Pati mga mga nangangaroling ay naisipan nnyong magbigay ng regalo. Palagay ko ay mas tama nga ang ganyan kaysa pera upang mas maunawaan ng mga bata na ang Pasko ay pagbibigayan ng pagmamahal at hindi pera. Salamat sa ginawa mong ito, sana ay tularan ka ng maraming tao. Sigurado ako ay tutulad sa iyo, kaysa pera ay bagay na kapaki-pakinabang ang aking ipamimigay sa susunod. Salamat.
I always enjoy reading your posts.I just hope I could write the same way as you.
Hapy New Year to you and your loved ones, KC!
P.S. You have a lovely wife and daughter, KC.
Ang sweeeet naman niyo ni ate weng!:) Dalaga na talaga si Inez!
Mas makahulugan ang Pasko at Bagong Taon kapag nasa sitwasyon tayong medyo salat sa mga materyal na bagay. Kami man sa mag-anak ay walang regalo sa isa't isa nitong Pasko kundi malulutong na tawanan, mahihigpit na yakapan at matatamis na halik sa isa't-isa. Dito natin napapatunayang hindi naman tayo salat sa kaligayahan basta't magkakasama at nagmamahalan ang pamilya at ang magkakaibigan. Alam nating matibay tayo sa pagsalubong sa mga darating pang panahon! =>
- Maia
Post a Comment