ANG taunang Christmas Party ng mga nagkokomiks; beterano, baguhan, writer, illustrator, publisher, indies, letterer, colorist, etc. etc. ay gaganapin sa December 20, 2008 (araw ng Sabado) sa Gen. Osmalic Street, Pandacan, Manila sa ganap na alas dose ng tanghali. Ang venue ay tapat ng bahay namin; lumang barangay hall na bakante na may kainaman ang laki na bakuran. Kung makakarating kayo nang maaga ay okey lang.
Sa mga hindi nakaaalam ng lugar, kung magtataksi kayo ay sabihin lang sa driver na ibaba kayo sa Liwasang Balagtas. Pag naroon na kayo ay mag-text kayo sa akin at susunduin ko kayo.
Mula sa A. H. Lacson Street, (near UST) diretso lang kayong Nagtahan Bridge at pagdating sa unang stop light ay kakaliwa kayo at madaraanan ninyo ang Caritas at simbahan ng Sto. NiƱo Parish; diretso lang nang konti pa at makikita n’yo na ang Liwasang Balagtas.
Kung galing naman sa Taft Avenue, sa bandang Pedro Gil Street, may sakayan ng dyip sa Escoda Street (malapit sa Jollibee at La Independencia Church). Ipagtanong lang sa mga vendor doon ang pilahan ng jeep papuntang Pandacan. Ang sakyan ninyo ay ang rutang Bayan, Beata. Pakisabi rin sa drayber na ibaba kayo sa Liwasang Balagtas.
Ang sponsor natin sa kasayahang ito ay si Pareng Fermin Salvador. Salamat, Pareng Fermin! Nagbigay rin ng konting tulong si Ma’am Terry Bagalso.
ITO ANG LIWASANG BALAGTAS
ANG KATAPAT NG LIWASANG BALAGTAS. TANDAAN LANG ANG BURGER MACHINE STALL
ITO NAMAN ANG KATABING BUILDING NG LIWASANG BALAGTAS, PINAKAPROMINENTE RITO ANG 'INDEX SALON' SA GROUND FLOOR.
Mag-text lang kayo sa akin pag nasa Liwasang Balagtas na kayo at susunduin ko kayo. Heto ang mga numbers: SMART - 09184576391, GLOBE - 09154654946
3 comments:
kuya kc, tanghali ako pupunta sa inyo. dun na ko mag lunch hahaha. may lakad pa din kasi ako ng hapon. kainis, sabay sabay lakad ko sa sabado
Hello KC,
Musta na? Taga Pandacan ka pala. I used to go there to repair the bust o Balagtas ;) heheh
Merry Christmas to you and your loved ones!
Dennis
Happy New year!!!
Post a Comment