Tuesday, March 31, 2009
ABS-CBN + Precious Heart Romances
NATUTUWA ako para sa mga Tagalog romance pocketbook writers dahil maging ang kanilang mga obra ay magkakaroon na rin ng chance na mapanood sa TV. Maraming mahuhusay na Tagalog romance pocketbook writers ang nanatili na lang sa kanilang forte at hindi na sumubok sa ibang field gaya ng TV at film. Sa pamamagitan ng ugnayan sa pagitan ng ABS-CBN at ng higanteng romance pocketbook publication na Precious Heart Romances ay mapapanood na rin sa malapit na hinaharap ang kanilang mga piling obra.
Marami na rin akong nabasang pocketbooks ng PHR at talagang mahuhusay ang kanilang mga writers. Sa kabila ng pagtamlay ng maraming publications ay nanatiling matatag ang PHR at patuloy na humahakot ng mga fans.
Napakabait din ng publisher nito na si G. Jun Matias at napakadaling lapitan. Noong year 2001 ay tumawag lang ako sa kanilang publication at humingi ng mga kopya ng kanilang mga pocketbooks na ginamit kong sample dahil nag-conduct ako ng writing workshop. Kahit hindi niya ako kilala ay nagbigay siya ng mga kopya. No wonder na hanggang ngayon ay patuloy ang kanyang tagumpay.
Ang sumusunod ay ang lumabas na write-up ukol sa bagong proyekto ng ABS-CBN at ng PHR:
“ABS-CBN PARTNERS WITH PRECIOUS HEART ROMANCES”
by Napoleon Quinros
In its tradition of bringing the best drama series on television, ABS-CBN has partnered with Precious Heart Romances in coming up with teleserye based on well-loved romance novels. The Kapamilya network and one of the leading publishers of romance pocket books have signed the deal last February 12. Present in the contract signing were ABS-CBN Head for TV Production Cory V. Vidanes, Direk Lauren Dyogi, Precious Heart Romances Publisher Jun Matias, and Precious Heart Editor-in-Chief Edith Garcia.
Direk Lauren will be spearheading this project and he talked about what viewers can expect from these stories.
“First time ito for ABS-CBN that we acquired lots of titles para gawing teleserye. Gagawin natin ang ‘Bud Brothers’ na isinulat ni Rose Tan at ‘Kristine’ na isinulat ni Martha Cecilia. Usung-uso naman ngayon ‘yung libro na ginagawang TV series o pelikula tulad ng Harry Potter at Twilight. Maraming elemento sa libro ang sigurado akong magugustuhan ng mga tao kapag napanood nila sa TV. ‘Yung mga libro nina Rose Tan, Martha Cecilia, at iba pang writers, binabasa mo pa lang nakikita mo na kung paano lalabas sa telebisyon. Ang lakas ng kilig, ng romance element kaya maraming makaka-relate.”
Publisher Jun Matias said that he is honored with the trust that ABS-CBN gave to their books.
“Masaya kami. Noong una pa lang, sa 18 years ng Precious Heart, nakikita ko nang may potential ang mga books namin na magawa into TV or movie. I think now it’s about time kasi malaki talaga ang market ng romance pocketbooks. Hindi ako naniniwalang hindi nagbabasa ang Pinoy kasi ang sales namin sa Precious Heart, kahit wala kaming promo, bumebenta kami. Also most of Hollywood films ngayon based na rin sa mga books. Ngayon may market na ang mga books namin, confident kami at ang ABS-CBN na may makukuhang market sa TV.”
Matias added that he is very confident ABS-CBN will do justice in translating their pocketbook stories into teleserye.
“We trust ABS-CBN. Malaki na ang napatunayan nila. Thankful din naman kami that ABS-CBN trusted us. Of course may mga technicalities na dapat i-adjust pero open naman kami doon. Basta naroon pa rin ‘yung essence ng story, which I’m sure ay hindi pababayaan ng ABS-CBN.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
I'm happy to learn that Pinoy pocketbooks are alive and kicking. Akala ko ay mga reprint na lang ang lumalabas. Naalala ko ang sabi ko noon na dalawang klaseng tao lang ang alam kong magaling sumulat ng love story: babae at bading. Pero defense mechanism ko lang iyon kasi hindi ako makagawa ng disenteng love story:-) And I really admire the people who can do so.
two thumbs up ako diyan!.. lalo na kay Rose Tan, na isang kababayan! Sa pagkakaalam ko'y taga-Mataas Na Kahoy siya.
unang basa ko pa lang ng pocketbook ni rose tan, nagalingan ako.
alex areta
i am a fan of elizabeth mcbride,, i hope makita q cia in person
Post a Comment