Tuesday, March 17, 2009
piggy bank, yellow pad and netbook
KAPAG may mahigpit tayong pangangailangan saka natin naiisip kung bakit may mga pagkakataon na nagiging bulagsak tayo sa pera. Sabagay ay hindi naiiwasan ang ganoong attitude na kapag may hawak tayong pera ay nawawala tayo sa sarili kung ano ba ang dapat gawin dito o ano ang mas priority na bilhin. Usually kapag nakahawak tayo ng pera na medyo malaki, ang una nating naiisip na paglaanan ay ang mga bagay na ibinabandera ng mga commercials. Guilty ako sa ganitong aspeto at biktima ng mapanghalinang mga patalastas.
Kagaya noong December na on impulse ay bumili ako ng set ng RJ guitar and amplifier samantalang marami naman akong gitara sa bahay and I’m not a good guitar player. Bihira rin naman akong tumugtog. Natuwa lang ako sa porma at sa size. Matapos kong mabili, nakatambak lang sa bahay at ni hindi ko pa naise-setup man lang. Na-realize ko lang ang pagkakamali ko nang magdatingan ang bills at muntik na akong kinapos dahil sa hindi naman importanteng bagay na aking nabili.
Last week ay nagsabi sa akin si Inez na medyo kailangan na niya ng laptop dahil dumarami na ang kanilang research works at magsisimula na rin siya ng thesis at practicum. Unlike me ay hindi siya impulsive buyer. Nang magsimula siyang mag-college ay nalaman niyang kailangan niyang magtipid sa maraming bagay, hindi nga lang sa pagkain dahil importanteng malusog ang katawan. Ang gamit niyang cellphone ay noong nasa high school pa siya.
Sabi ko sa kanya ay puwede naman niyang gamitin ang laptop ko na halos hindi ko nabubuksan. Nagdadalawang-isip siguro siya dahil medyo malapad at may kabigatan kumpara sa naglalabasang netbooks ngayon. Nagkibit-balikat lang siya, based on her reaction, parang sinasabi niyang, “Sige, kung wala puwede na ‘yan.”
She’s doing well in school at matagal ko na ring plano na bigyan siya ng reward. Nagkataon naman na kung kailan siya nagsabi ay malakas ang aming gastos at malapit na uli ang kanilang enrolment. Hindi ko pa nakukumpleto ang pambayad niya para sa susunod na semester.
Saka ko naman naalala ang aking ‘piggy bank.’
Hindi naman talagang piggy bank. Para itong transparent na water jug na regalo sa akin ng aking mother-in-law three years ago. Nakatuwaan ko itong lagyan ng mga barya (P20, P50, P100) kapag may natitira sa bulsa ko, at P200 kapag payday mula nang matanggap ko. Kahit may mga pagkakataon na gipit kami ay pinaglalabanan ko ang tukso na buksan ito. Matapos naming mag-usap ni Inez ay sinilip ko ang ‘piggy bank’. Mukhang marami na talagang laman. Good thing na hindi ko naisipang magbukas ng account sa alinmang bangko ni Celso Delos Angeles at nagkasya na lang ako sa good old fashioned way of saving money, kung nagkataon nakasama pa ako sa nagoyo ng criminal genius. Binilang ko ang laman at mukhang mapapasaya ko ang aking dalagita.
Nag-Google ako ng mga available netbooks sa mga computer store. May ilang modelo na below P10,000 ang presyo at kung basic computing and Internet lang naman ay puwede na. Maliliit nga lang ang screen na 7 inches. Nang ipakita ko kay Inez ang mga unit ay mukhang hindi siya kumbinsido dahil maliit ang screen at hindi ganoon kalaki ang storage. Nang mag-search pa kami, ang Lenovo Ideapad ang nag-swak sa kanyang panlasa lalo pa at medyo maganda na ang size ng screen nito na 10.2 inches. Kung sakali, gusto raw niya ang kulay red.
Ang plano ko sana talaga ay mabilhan siya ng MacBook pero malabong makaipon agad ako sa panahong ito. Ang secondhand naman ay mataas din ang presyo, at dahil wala nang warranty, napakadelikado kapag nagkatrobol lalo pa at mahal ang spare parts ng Mac gaya ng naging karanasan ni Reno Maniquis.
Last Sunday ay nakuha ni Inez ang kanyang netbook. Nang magbayad ako ay dala-dala ko ang aking mga naipon at nagulat ang cashier sa sobrang daming barya na dala ko. Tumama ‘kako ako sa huweteng. At dahil cash ang payment, sangkatutak din ang nakulimbat kong freebies.
Habang tinu-tune up ni Inez ang netbook sa bahay ay ikinuwento ko sa kanya kung gaano kahirap ang buhay-estudyante noong araw. Maghihintay ka sa library kung kailan mo mahihiram ang libro na hindi puwedeng iuwi sa bahay. Kung walang pampa-xerox, madalian mong babasahin at isusulat sa yellow pad ang mahahalagang detalye at saka mo na lang ire-rewrite nang maayos pag-uwi sa bahay at pagsasamahin kung ano ang natanim sa isip habang nagbabasa at ang naitala sa yellow pad. Kapag naiwala mo pa ang pinagsulatang yellow pad, katumbas iyon ng file ngayon na aksidenteng na-trash, na-corrupt o kaya’y na-virus.
Ngayon, sa pamamagitan ng Internet ay walang limit ang pagkukunan ng impormasyon. Basta may WiFi, anytime ay puwedeng magbukas ng laptop at mahahanap ang mga kailangang tapusing assignment.
But that’s life. Kanya-kanyang panahon, kanya-kanyang sistema at sitwasyon.
Enjoy naman siya sa kanyang netbook at mukhang lalong na-inspire sa pag-aaral. Ako naman ay balik sa pag-iipon ng barya sa aking piggy bank na muntik nang mag-close account. Siguro ay mas lalakihan ko na ang ihuhulog dito ngayon dahil napatunayan kong malaki pala ang maitutulong lalo na sa mga pagkakataong kailangang-kailangan ang cash.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
ayos ah... siguro sa susunod kotse na ang mabibili ng piggy bank mo! masubukan nga
Wow! swak yan topic mo dun sa nangyari sa ming mag-ama last week. Nag open kami ng anak ko ng kiddie account gamit yung laman ng latang alkansya. Tulad mo everytime na uuwi ako bagsak sa lata yung mga barya ko. Pero unlike you walang papel. Well, medyo me halaga pa ang coins dito sa Singapore. Kung maraming barya yung dala mo, kami puro coins lang ang dala sa bangko. Ang bigat talag. Buti na lang at walang charge ang coins counting kasi kiddie account. After that bumili ulit ako ng lata for a new beginning. Kaya lang everytime uuwi ako ngayon parang me donation can na nakaharap sa kin. Ino-obliga akong maglagay ng anak ko. Bata pa marunong ng mangotong. Hehehe
---Wartifact
hazel,
bibili ako ng printing machine i'll print callwork comics for free :)
warti,
ayos, maagang matututo ang anak mo na mag-save.
bayaw,
a downside of not being a techie is the risk of writing such a long comment and not seeing it posted afterwards. i actually did a piece about your "piggy bank" yesterday but i have no idea what happened. anyway i hope that your new piggy gets fatter and fatter each day.
well, saving is always a good idea. having some money tucked away someplace will help tide you over come crunch time..which comes anyway whether we like it or not. and boy does it come when we least expect it. there's a line in the proverbs which says that a person with savings "can laugh at the days to come."
you can always laugh at the days ahead, can't you, bayaw?
of course things happen, and people do change. you were quite a miser when we were in atlas. if miser is offensive i beg your pardon, but i am sure you had such a spartan lifestyle then. now you can afford some things we hardly imagined or talked about before. sure you deserve them; we all do. after years of scrimping and working hard, a little splurging and indulgence here and there won't hurt, will it?
in the end though, i reckon that we just want things we don't have yet. once we get them, the excitement fades and we start scouting for some other things. but then, again, i say, we deserve a little treat every now and then.
maybe i'm just getting a little philosophical, but i've been trying to shift paradigms. i'm trying to be more content and more appreciative of the little things i have around. so, instead of raving and ranting about the situation here (the working conditions, discrimination, homesickness, et al) i always try my darn best to look at the bright side. and it does help. of course technology helps a lot in getting by, but it can only do so much. at the end of the day, it is still the litle things, things we hardly think about because they are abstracts like love and peace, that pave the way for our epiphanies.
as to having a piggy bank especially when you have kids of school age, splendid idea. it isn't just the money you keep that matters; it is the value and virtue of simple home economics that we can pass on to our children.
shalom!
bayaw,
the comment(s) will appear only once i allowed them to be posted here. i have to moderate the comments because some funny, anonymous guys are making remarks offensive to my subject matters and other visitors of comicspotting.
i'm still a miser up to now :)
Tama 'yang mag-savings. Kaya lang mas maraming Pinoy (gaya mo, KC:-) na nagsa-save para lang gastusin din. Sana matutunan natin iyong savings followed by investment. At iyong kinita from investment ang siya na lang nating gastusin sa "splurging and indulgence (lalim n'un, ah!)" na sinasabi naman nitong si pareng benjie. Maraming klase ng investment vehicle na puwedeng pamilian.
--Manny
Post a Comment