Sunday, December 27, 2009

christmas 2009

MERRY Christmas sa inyong lahat, at Happy New Year na rin!
Masaya at simple kung i-describe ko ang aming Pasko ngayon. Bago ang December 24 ay nag-attend ako sa napakaraming Christmas party at kung anu-anong activities kaya halos walang pahinga. December 23 ay birthday ng misis ko at nagkaroon pa sila ng reunion ng kanyang high school classmates na sa aming bahay ginawa, kaya ang Noche Buena namin ay simple na lang dahil medyo umay pa.
Maging ang gifts ay simple. Nakatanggap ako ng joke book mula sa aking mag-ina. Ang gift ko kay Misis ay mouse para sa kanyang computer. Kay Inez ay USB drive dahil kada semester ay naiwawala niya ang kanyang flash drive. Binigyan ko rin siya ng paborito niyang G-tech pen.
Maaga kaming nagsimba dahil inakala namin na marami kaming magiging bisita, pero maliban sa ilang kamag-anak ay walang masyadong dumating. Kokonti rin ang nagbahay-bahay na mga bata, sa tantiya ko ay limang grupo lang ang dumaan—kaya hindi masyadong nadisgrasya ang inihanda kong mga crisp P20 bills. Maging sa mga inaanak namin ay walang dumating. Marami ang nagsasabing kokonti talaga ang namasko ngayon dahil alam daw na medyo mahirap ang buhay dahil sa mga nagdaang kalamidad.
Well, ilang araw na lang at tapos na ang 2009. Sa pagpasok ng Bagong Taon, dumating din sana sa atin ang maraming positibong pagbabago, at mabawasan na ang maraming pangit at karumal-dumal na pangyayari sa ating bayan. At siyempre, ang pinaka-wish ko bukod sa mga pansarili kong hangarin, sana ay mas maging masigla ang ating comics industry.

Photobucket
Ito ang signature Christmas decor namin simula nang itayo ang bahay namin. Ang tawag namin sa reindeer ay si Olof (the other reindeer).

Photobucket
Simpleng Noche Buena.

Photobucket
Cheesy...

Photobucket
Hawig, di ba?

Photobucket
O, mas hawig?

3 comments:

Anonymous said...

HAPPY NEW YEAR Greetings sa iyo at pamilya mo KC!

More Power to you and sana mas productive pa ang taong '10 sa iyo....


Auggie

kc cordero said...

Maraming salamat, auggie, at sapitin ka rin sana ng maraming biyaya sa susunod na taon. :)

Wordsmith said...

Mukhang magkapatid lang ang mag-ina, honest. Ikaw rin, mukhang kuya ka lang ng inyong very precious daughter :-)

Here's to a more blessed New Year to you and all your loved ones.

Sana rin, mabawasan ang mga corrupt na public servants sa pamamagitan ng responsible voting ng mga botante.

Happy 2010 sa lahat ng tagakomiks na sumusubaybay sa blog mo, KC.

:-)