Friday, December 4, 2009
kapamilya service award
ISA ako sa mga recipient ng ABS-CBN Kapamilya Awards noong November 26 na ginanap sa Studio 10 ng network. Nakalimang taon na pala ako sa pagiging associate editor ng The Buzz Magasin (na ganito na rin katagal sa circulation).
Matagal na akong nagtatrabaho pero ngayon lang ako tumanggap ng service award kaya medyo special ito sa akin. Nakadalawang taon ako sa Caltex Philippines as maintenance techinician, one year sa Sanitary Wares Manufacturing Corporation as a production worker, seven years sa Atlas Publishing as editor (na kailangan ay 10 years na sa serbisyo bago makatanggang ng award), one year sa Star Cinema as member of the project development group, 1 year sa ABS-CBN Publishing nang mag-publish ng pocketbooks, 1 year sa Corazon Puiblishing (na di na ako sumama nang lumipat sa Bulacan), 2 years sa Manila Times as opinion and literary editor ng Kabayan and Metro News, at 2 years sa Risingstar Publishing.
Ang pinakamahaba kong record ay sa Atlas Publishing, na kung saka-sakali at makatatawid pa ako ng panibagong 5 years sa ABS-CBN ay posible kong malampasan.
Eleven years ko nang hawak ang The Batangas Post pero hindi ko naman ikino-consider na regular employment, at ang mga kontribusyon ko sa dyaryong ito ay ipinadadala ko lang thru e-mail.
Nang magsara ang department namin noong year 2000 sa ABS-CBN ay nangarap akong makabalik muli rito. Marami kasi akong naging trainings/seminars mula sa kanila na parang di ko naman nagamit, at ibang publications pa ang nakinabang. Kaya nang tawagin uli ako nila noong 2003 ay hindi ako nag-atubiling bumalik para naman makapagbayad ng utang na loob.
Special din sa akin ang award na ito dahil sa naging relasyon ko sa The Buzz Magasin. Nang simulan ito, kokonti lang ang naniniwala na magiging successful. Maging ang editor-in-chief noon, akala raw niya ay dalawang isyu lang at mawawala na. Isa ako sa matibay ang paniniwala na magtatagumpay ito, at sa kasalukuyan, masasabi kong nasa Top 3 ito ng mga magasin sa Pilipinas in terms of circulation.
Sa mga original staff ng The Buzz Magasin ay ako na rin lang ang natitira. So far, sa nakalipas na limang taon ay naka-2 managing editors na kami, bakante pa ngayon ang EIC post, 6 na art directors, apat na editorial assistants. ‘Yung puwesto ko na lang ang di pa napapalitan—at huwag naman muna sana dahil nag-e-enjoy pa nga ako.
By the way, masaya ang naging selebrasyon hosted by Vice Ganda, Pinky Webb and Atom Araullo. Sayang at wala kaming masyadong photos dahil hindi nakarating ang aming photographer na nagkataong may assignment kaya nagkasya na lang kami sa cellphone cam. Personal kaming kinamayan on stage ng mga big boss headed by Gabby Lopez and Charo Santos-Concio.
Bukod sa mala-red carpet treatment ay nag-perform din ang ilang talent ng Kapamilya at pinaka-outstanding para sa akin ang number ng ASAP sessionistas at ni Arnel Pineda. Nakakasabay ko sa elevator si Arnel kung minsan and I’ll admit hindi niya ako masyadong fan. Pero nang marinig ko siyang mag-perform nang live, malupit, pang-world class nga.
Nagkaroon din ng saglit na katahimikan para sa mga biktima ng Maguindanao massacre.
Nagtapos ang okasyon sa napakasarap na kainan.
May nagtanong sa akin kung may kasama raw bang cash ‘yung plake. Opo, meron… pero sa akin na lang ‘yun!
(Sa loob ng Studio 10 kung saan ginanap ang awarding. Isa sa mga bihirang pagkakataon na ako, sabi nga ni Kenkoy, ay isputing.)
(Ang dalawa pa sa staff ng The Buzz Magasin na tumanggap din ng service award, managing editor Athena 'Tintin' Fregillana at ang aming art director na si Willy Dizon.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
Ayos congrats! Malapit na ang pasko hehehe
Congrats Bossing!
A big, big, BIG congratulations! Kahit kalabisang sabihin na you really deserve this recognition, sasabihin ko pa rin.
The occasion was also worthy of a new pair of shoes, if I may add. :)
Sana talaga ay malampasan ng The Buzz years mo ang lumipas mong Atlas years, not only for the number or years of service but in terms of success and great camaraderie with all the other staff.
salamat po sa inyong lahat :)
Wow! Congrats bai sa Award mo.
salamat sa pagdalaw.
http://buhatsatambay.com/global-warming
Congrats!
Dikong KC:
Nawa'y tanggapin mo ang ganito sa bawa't taon hanggang sa iyong retirement and by then baka isa ka na sa mga miyembro ng Board of Directors ng ABS-CBN.
Congratulations.
salamat po sa mga bumabati :)
congrats!
sayang nga yung cash, pang inom din yun, he he he
congrats Ka KC, you truly deserved that award. magkaroon ka sana ng TV show with Pinky Webb or Ginger Conajero :-)
ka erwin,
mahilig ka sa matatangkad, ha?
Congrats Pareng KC, well deserving! Palagay ko'y dadami pa ang award mo dahil mahusay kang editor at manunulat! Advance Merry Christ,as to you and your family.
Bayaw,
Isang mainit na pagbati sa rekognisyong ibinigay sa iyo ng ABS-CBN. Sa mga ganitong pagkakataon ay nakakaramdam ako ng inggit dahil ikaw ay nasa industriya pa rin at ako'y malaon nang wala. Sana nga'y magkaroon ka pa ng maraming taon ng masayang paglilingkod sa inyong magasin. Mabuhay ka.
Congratulations! You really deserve it. - Manny C
Post a Comment