IPINAKITA sa akin ni Mang Nestor Malgapo ang illustrations ni Dante Barreno ng isang kuwentong sinulat ko para sa Philippine Adventures and Romance Comics at nagulat ako sa naging execution. Ang nasabi ko na lang, "Mukhang nasabik si Dante na magdrowing uli."
Isa si Dante sa mga illustrator noon na gamay na gamay kung paano bibigyang-buhay ang aking mga kuwento. Nagkaroon kami ng nobela, ang "Sa Ngalan Ng Anak" at hindi mabilang na short stories. Sa mga nagdaan kay Mang Nestor ay marami ang nagsasabing si Dante ang pinakamalapit ang mga pigura--although sa ngayon ay kitang-kita na ang talagang nakakuha sa hagod ng maestro ay ang kanyang anak na si Novo.
Anyway, dahil sa nakita kong illustrations ni Dante (na hindi ko puwedeng ilagay sa blog na ito dahil hindi pa napa-publish) ay nagplano ako na sa kanya ibigay ang isang script na inihanda ko sa Komikon 2010 para sa second issue ng Comicspotting.
Sana ay maging maganda ang budget ko next year para bukod kay Dante ay may iba pang illustrator mula sa old industry akong makatambal sa mga darating pang Komikon.
Ang image sa ibaba ay isang pahina ng naging tandem namin noon ni Dante.
2 comments:
Nice, galing na team-up nyo ni Dante!
Merry Christmas to you and your dear family!
1989 iniipon ko ang mga gawa nya sa atlas. isa siya sa napakaraming artist na inspirasyon ko dati sa komiks. :)
Post a Comment