Thursday, November 28, 2013

Online Job

NOON ay nag-apply rin ako sa mga online jobs, kalimitan ay bilang translator. May artikulo o kuwento na nakasulat sa English at isasalin sa Tagalog. Natatanggap naman ako, pero pag pinapipirma na ako ng kontrata ay nagba-back out ako. Marahil ay hindi ako sanay sa trabahong nasa bahay lang, solo ang oras at walang kasalamuhang kaopisina.
Kung tutuusin ay maganda ang online job. Hindi ka matatrapik sa pagpasok sa opisina. Hindi ka magkukumahog sa pag-aalmusal at pagbibihis. At dahil nasa bahay ka lang, anytime ay puwede kang kumain o magmeryenda pag nagutom.
Ang problema lang sa online job ay depende ito sa iyong makukuhang kliyente—na either good or bad. Puwedeng matagal ang magiging kontrata, puwede rin namang maikli lang at hanap ka uli ng iba. Sa internet ay laging nagkalat ang online jobs, hahanap ka lang talaga ng eksakto sa iyong area of expertise.
Sa mga napagtatanungan ko na online ang trabaho ay wala raw naman silang nagiging problema sa pagsuweldo. On time dumarating ang pera sa kanilang account. Kung pakyaw naman ang trabaho gaya ng mga kaibigan kong illustrators, basta naipadala nila ang materials, agad ding nagbabayad ang client.
Nakakatipid din naman ang “employer” sa ganitong scheme. Unang-una ay hindi kailangan ang opisina dahil “virtual office” ang nagiging sistema. Dahil kada piraso o service ang trabaho, hindi kailangang magbayad ng benepisyo at bonus ng mga employees. Kung sumablay rin ang retainer, pwedeng hindi magbayad. Ito rin ang dahilan kung bakit ang isang retainer ay kailangang makatupad sa napag-usapang oras ng paghahatid ng serbisyo o material dahil hindi ito mababayaran kapag pumalpak.
Isang kasamahan ko dati sa trabaho ang sumubok sa ganitong sistema. Single mom kasi siya at sabi niya sa akin, kung online job ang papasukan niya ay mas matututukan niya ang kanyang anak dahil sa bahay na lang siya. Natanggap siyang English tutor para sa mga batang Korean.
Dahil nga hindi na siya nakatali sa otso oras na trabaho, bukod pa sa nasusubaybayan niya ang anak ay nagawa pa niyang mag-enroll para mag-masteral. Kung may master’s degree raw kasi siya, o kahit units lang, pag nag-update siya ng curriculum vitae sa online school kung saan siya retainer ay tataas din ang kanyang rate. Sa dati naming trabaho na laging may overtime, wala siyang panahon para mag-aral muli.
Two years ago ay bumalik na silang mag-ina sa Leyte kung saan naroon ang kanyang mga magulang at kapatid. Kahit nagbalik-probinsya siya, tuloy ang kanyang pagiging online tutor. Kung hindi ganito ang sistema ng kanyang trabaho at kaopisina ko pa rin siya, ang senaryo ay ganito: magre-resign siya sa aming opisina, pagdating sa Leyte ay saka pa lang uli maghahanap ng trabaho—na suwerte kung may makita agad.
Kasama nga pala ang kanyang pamilya sa mga sinalanta ni Yolanda. Noong kasagsagan ng bagyo ay nag-text at nag-email ako sa kanya pero hindi siya nagre-reply. Last week ay nagparamdam na siya na she’s okay, and the rest of her family. Nawasak nga lang daw ang kanilang bahay, pero unti-unti na silang nakaka-move on.
Ito ang interesting. Buti na lang daw at tuloy pa rin ang online job niya at sa suweldo niya umaasa sa ngayon ang buong pamilya dahil siya lang ang may trabaho. Ang iba niya kasing kapatid ay hindi pa maka-report sa physical job dahil wasak ang building ng mga pinapasukang opisina.
Kuwento pa niya sa akin, pagkahupang-pagkahupa ng bagyo ay binuksan agad niya ang kanyang fully-charged laptop na una niyang na-save dahil nga iyon ang kabuhayan niya. Ini-on ang kanyang pocket wifi, nag-log in sa kanilang site, at nag-lecture sa kanyang Korean student. Habang nagkakagulo sa paligid, nagtuturo siya sa isang batang dayuhan ng “A is for apple, B is for banana” na hindi nito alam ay nasa gilid na halos ng impiyerno si Ma’am.
But that’s life, at sadyang magiting ang dati kong kaopisinang ito.
Ang sitwasyon na nabanggit ko sa itaas ay isa rin sa mga plus point ng online job. Sa gitna ng kalamidad, basta may power source ang iyong computer na ginagamit at may internet connection, it’s just another day in the office.

Sa ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang sarili ko na papasok sa online job sa kabila ng maraming plus points nito. Kung bakit, I still enjoy bullying my officemates. 

Monday, November 25, 2013

Niyog

ISA sa malaking perhuwisyong nagawa ni Yolanda ay ang pagkawasak ng coconut industry sa Leyte. One third ng ating supply ng niyog ay nagmumula sa probinsyang ito ayon sa Philippine Coconut Authority.
Last year ay naging masigla ang “buko industry”. Sa mga mall at kanto ay nagsulputan ang mga tindahan ng bottled buko. Masarap naman kasi lalo na pag nahaluan ng ilang ingredients gaya ng gatas, asukal at arnibal.
May mga pag-aaral din na nagsasabing may healing power ang buko bagaman at wala pang medical journal tungkol dito. Sa mga probinsya ay pinaniniwalaang gamot ang sabaw ng buko sa mga problema sa pag-ihi. Kung balisawsawin ka, buko ang inumin. Kung may hangover, uminom ng malamig na buko at tanggal ang migraine.
Maraming putaheng Pinoy naman ang nangangailangan ng gata ng niyog. Basta’t sinabing “ginatan”, ang isa sa pangunahing sangkap nito ay gata. Maging sa mga kakanin gaya ng puto, bibingka at suman ay kailangan ang niyog, gayundin sa mga panghimagas gaya ng ginatang saging, kamote o pinindot (bilog-bilog).
Sa tala ng PCA, nasa 208, 000 ektaryang niyugan ang nasalanta ng bagyo na may mahigit 22 milyong puno ng niyog na namumunga. Nasa 120,000 pamilya naman o halos 600,000 ang umaasa ng kanilang ikabubuhay sa industriyang ito. Ngayong wala na ang mga niyog, para silang nakaharap sa blangkong pader kung kailan muling makakabangon.
Wala namang problema sa pagtatanim at tiyak namang tutulong ang pamahalaan para muling makabawi ang mga magniniyog sa Leyte. Ang problema, aabutin ng lima hanggang sampung taon bago muling mamunga ang itatanim na niyog. At depende pa iyon sa variety.
Isa sa mga hiling ng mga magniniyog sa pamahalaan ay ang malinis kaagad ang mga nakatimbuwang na puno ng niyog para makapagsimula na silang magtanim. Ang iba naman ay nagpaplanong taniman muna ng mga halaman o gulay na madaling mamunga ang kanilang niyugan para kahit paano ay may kitain.
May mangilan-ngilan daw na puno ng niyog na nakatayo pa rin, ngunit sa tingin nila ay hindi na rin mamumunga kaya kailangan na ring putulin. Sa tantiya ng mga magniniyog sa Leyte ay aabutin din ng ilang buwan bago matanggal ang mga naghambalang na puno sa mga plantasyon. Plano nilang gawing tabla ang mga nabuwal na puno para magamit sa pagtatayo nila ng pansamantalang tirahan.
Pero hindi lamang ang mga magniniyog ang nasa industriyang ito ang apektado kundi maging ang mga magkokopra. Ang kopra ay pinatuyong laman ng niyog at ang katas nito ay ginagamit bilang sangkap ng sabon at shampoo. Ang pinakasapal (pinagkatasan) naman ay pinoproseso bilang pagkain ng mga hayop.
Dahil sa pangyayaring ito, hindi lang ang buko at niyog ang posibleng tumaas ang presyo kundi maging ang sabon, shampoo at animal feeds. Kaya ngayon pa lang, habang hindi pa ramdam ang epekto nito, i-enjoy na ninyo ang paborito ninyong buko juice.

Kidding aside, marami tayong kababayan na umaasa sa niyog bilang kanilang pangunahing pinagkakakitaan. At ngayong mismong ang PCA ang nagsasabing maraming taon ang bibilangin bago muling maitayo ang industriyang ito—linisin na kaagad ang mga taniman at nang makapagsimula nang muli ang mga taga-Leyte sa pagtatanim ng sinasabing “the tree of life”.

'Heroine of Social Media'

MATAGAL nawala sa eksena si Sen. Miriam Defensor-Santiago lalo na noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang dating palabang senadora ay nanahimik. May mga nagsasabing hindi ito masyadong naging palapuna kay PGMA dahil may mga utang na loob ito sa dating pangulo. Napapuwesto sa gobyerno ang kanyang mister, at ang kanyang utol ay isa sa mga naging AFP Chief of Staff ng dating pangulo.
Kontra rin siya sa pagtatanggal kay dating chief justice Renato Corona sa panahong mataas ang clamor ng publiko na sibakin ito.
Madalas din siyang absent sa Senado dahil sa dinaramdam niyang “chronic fatigue syndrome”. Nagiging visible lang siya kapag naiimbitahan sa mga piling pagtitipon, at nagpapakawala ng kanyang mga patok na “pickup lines”.
Pero nang sumambulat ang eskandalo sa pork barrel kung saan sangkot ang ilang indibidwal at mga mambabatas ay tila bateryang na-recharge si Miriam—at muling lumabas ang pagiging palaban. Utos niya sa mga mambabatas na dawit sa pork: “Magpakamatay na kayo!”
Nakakahiya aniya na mga mambabatas pa ang sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Sa kauna-unahang pagharap ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee ay muling nakita ng publiko ang dating Miriam. Bago ang nasabing hearing ay nag-tweet pa siya ng: "I will leave my sickbed to confront Janet Napoles tomorrow to show that she cannot take advantage of the right against self-incrimination. Naging sikat din ang unang linya niya kay Napoles na: "Oh there you are. Let me take a good look at you. I will not bully you. I hope you show me the same courtesy by telling me the truth and nothing but the truth.”
At mula nga noon, nakuha muli ni Miriam ang atensyon ng publiko.
Noong November 14 ay napaulat na pinagkaguluhan siya ng mga shoppers sa isang supermarket. Nagulat na lang umano ang senadora nang biglang dumagsa ang mga tao at nagpakuha kasama siya ng “selfie” para raw mai-post sa social media.
Ayon kay Miriam, “I only wanted to buy a desktop lamp for my home office. I was leaning on my foster daughter, and in just a few seconds, a horde materialized near the entrance to the supermart.”
Sinabi rin niya na nakiusap ang kanyang mga fans na patuloy siyang magbulgar ng mga kabulukan ng mga kapwa senador at iba pang public officials na sangkot sa pork barrel scam.
Paulit-ulit din umanong binabanggit sa kanya ng mga ito ang mga pangalan nina Janet Napoles at ng tatlong senador na binansagang “Tanda, Sexy at Pogi.”
“They were very kind to me, but acted with intense contempt at senators now charged with corruption. Those public officials involved in the pork barrel scam underestimate public anger at the extent of the plunder. If those crooks hope that this melee will die down, it is not going to happen,” sambit pa niya.
Kuwento pa ni Miriam ay kinailangang manghingi ng reinforcement ang kanyang security team dahil kinabahan ang mga ito na baka masaktan siya sa dami ng mga taong nagkakagulo sa kanya. Nakiusap din umano siya sa kanyang mga fans na pakawalan muna siya dahil isa’t isa ay gusto siyang mayakap matapos ang halos isang oras na pagdumog ng mga ito sa kanya dahil halos mapahiga na siya sa sahig. Naks, parang Kathryn Bernardo lang ang peg!
Dahil sa kanyang latest exploits ay binansagan ngayon ang senadora na “heroine of social media”.
Sa panahon ngayon na nawalan na ng tiwala ang mga mamamayan sa ating mga mambabatas ay muling bumabalik ang kanilang atensyon sa isang tinaguriang palaban, very popular, and once upon a time ay malakas na presidentiable. Matapos matalo sa pagkapangulo (na ayon sa kanya ay dinaya siya) ay sinabi ni Miriam na kinalimutan na niya ang kanyang pangarap na maging pangulo. Ngayong siya ang “heroine of social media”, hindi kaya magbago ang kanyang disposisyon?
Malaki ang maitutulong sa kanya ng social media sakaling pangarapin muli niyang maupo sa MalacaƱang.
Ngayong mukhang wala namang mapipili na mainam-inam sa mga pumupustura para sa 2016, marami ang naniniwala na baka ito na ang tamang panahon para kay Miriam.

And who knows, baka siya ang kauna-unahang magiging pangulo ng Pilipinas na produkto ng social media.

Sunday, November 24, 2013

Everybody loves a winner



MASAYA ang naging pagtanggap ng mga Pinoy sa panalo ni Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios noong Linggo. Marami na naman ang umiidolo at humahanga sa kanya. Sa mga social networking sites, nang sumilip ako ay napakarami ng hashtag na “#Proud to be Pinoy.”
Hindi nakapagtataka. Everybody loves a winner.
At isa ito sa mga mali sa ating kultura...
 Sa nakaraang dalawang talo ni Manny—kay Timothy Bradley at sa makabiyak-pangang knockout kay Juan Manuel Marquez (not related to our editor-in-chief Danny “Bambo” Marquez)—ay wala halos sumalubong sa kanya sa airport. Kumalat din sa internet ang mga larawan niyang walang malay at nakahalik sa canvass at ginawang katatawanan. Ang karamihan sa mga manipulated photos na ito ay mga Pinoy rin naman ang gumawa. Hindi gaya kapag nanalo siya tulad ngayon na para siyang Sto. NiƱong gala na isa’t isa ay gusto siyang mahipo at mahawahan ng grasya.
Ganoon tayo kadaling makalimot. Samantala, bago ang dalawang sunod na pagkatalo niyang iyon ay lagi nating inia-identify kay Manny ang ating pagiging Pilipino.
Hindi lang naman sa Pambansang Kamao nangyayari ang ganitong sitwasyon. Kahit sa atin, naranasan nating mahalin ng ating mga kamag-anak at kaibigan sa panahong may negosyo o magandang trabaho tayo. Pero once na mabangkarote o kaya’y matanggal sa trabaho, karamihan sa mga taong malalapit sa atin ay iniiwasan na tayo na parang isang ketongin.
Isang kaibigan ko ang nagkuwento sa akin na noong nagtatrabaho pa siya bilang OFW sa South Korea ay napakarami niyang kamag-anak at kaibigan. Marami rin sa mga ito ang nakautang sa kanya. Palibhasa’y binata pa siya noon, sige lang siya sa paglalabas ng pera. Mabangung-mabango raw ang pangalan niya sa kanilang lugar. Kung kakandidato nga raw siya ay tiyak na talo ang kanilang incumbent barangay chairman.
Nang matapos ang kanyang kontrata ay nanghinayang siya sa pambayad sa tiket pauwi rito sa atin. Nagkataon pang may dati siyang kasamahan doon na nag-alok sa kanya na magtrabaho sila nang walang kontrata (dahil expired na ang kanilang working visa) sa kilala nitong employer. Medyo mababa nga lang ang suweldo. Pumayag siya.
Iyon nga lang, after six months ay nahuli sila ng mga awtoridad at ipinatapon dito sa Pilipinas. At na-block list pa siya sa South Korea.
Sinubukan niyang mag-apply sa ibang bansa pero tila naubusan na siya ng suwerte. Hindi na siya nakaalis.
Ang siste, may mga kaibigan siyang nagkalat ng tsismis na nanggahasa raw siya ng batang babaing South Korean kaya napalayas sa nasabing bansa. May iba namang ang sinasabi ay nagtulak siya roon ng droga. Napabalita rin na nagnakaw siya. At karamihan sa mga nagkakalat na ito ng maling balita tungkol sa kanya ay napautang niya noon.
Nang magsimula siyang maningil ng pautang ay wala ni isang nagbayad. Meron pang nanisi sa kanya na dapat ay naging mabait siya sa South Korea para hindi siya nawalan ng trabaho. Isa naman ang nagsabing nagpapanggap lang siyang walang pera pero tiyak daw na marami siyang nakatago sa bangko na kinita niya sa drug deal.
Ang tindi, ano po?
Ang ginawa ng aking kaibigan, ibinili niya ng traysikel ang nalalabing pera at iyon ang ginamit para kumita. Sa isip-isip niya, once na ngitian siyang muli ng suwerte, never again na magiging mapagbigay siya.
Ang ganitong sitwasyon ay malinaw na naisalarawan sa 1996 movie ni Tom Cruise na “Jerry Maguire.” Kung may time kayong panoorin, maganda ang pelikulang ito at makaka-relate kayo sa mga karakter. Bagay na bagay rin ang tagline nito na “Everybody loves him... everybody disappeared.”
May pagkakaiba si Manny at ang aking kaibigan. Hindi siya nagtampo sa mga Pinoy kahit nag-disappear na tayo nang akala natin ay laos na siya. Inialay pa niya ang panalo sa mga kababayan nating nasalanta ni Yolanda. At dahil diyan, lalo natin siyang dapat hangaan—kahit hindi na mahalin—dahil hindi naman tayo marunong magmahal ng ating mga national pride through thick and thin.