Thursday, November 28, 2013

Online Job

NOON ay nag-apply rin ako sa mga online jobs, kalimitan ay bilang translator. May artikulo o kuwento na nakasulat sa English at isasalin sa Tagalog. Natatanggap naman ako, pero pag pinapipirma na ako ng kontrata ay nagba-back out ako. Marahil ay hindi ako sanay sa trabahong nasa bahay lang, solo ang oras at walang kasalamuhang kaopisina.
Kung tutuusin ay maganda ang online job. Hindi ka matatrapik sa pagpasok sa opisina. Hindi ka magkukumahog sa pag-aalmusal at pagbibihis. At dahil nasa bahay ka lang, anytime ay puwede kang kumain o magmeryenda pag nagutom.
Ang problema lang sa online job ay depende ito sa iyong makukuhang kliyente—na either good or bad. Puwedeng matagal ang magiging kontrata, puwede rin namang maikli lang at hanap ka uli ng iba. Sa internet ay laging nagkalat ang online jobs, hahanap ka lang talaga ng eksakto sa iyong area of expertise.
Sa mga napagtatanungan ko na online ang trabaho ay wala raw naman silang nagiging problema sa pagsuweldo. On time dumarating ang pera sa kanilang account. Kung pakyaw naman ang trabaho gaya ng mga kaibigan kong illustrators, basta naipadala nila ang materials, agad ding nagbabayad ang client.
Nakakatipid din naman ang “employer” sa ganitong scheme. Unang-una ay hindi kailangan ang opisina dahil “virtual office” ang nagiging sistema. Dahil kada piraso o service ang trabaho, hindi kailangang magbayad ng benepisyo at bonus ng mga employees. Kung sumablay rin ang retainer, pwedeng hindi magbayad. Ito rin ang dahilan kung bakit ang isang retainer ay kailangang makatupad sa napag-usapang oras ng paghahatid ng serbisyo o material dahil hindi ito mababayaran kapag pumalpak.
Isang kasamahan ko dati sa trabaho ang sumubok sa ganitong sistema. Single mom kasi siya at sabi niya sa akin, kung online job ang papasukan niya ay mas matututukan niya ang kanyang anak dahil sa bahay na lang siya. Natanggap siyang English tutor para sa mga batang Korean.
Dahil nga hindi na siya nakatali sa otso oras na trabaho, bukod pa sa nasusubaybayan niya ang anak ay nagawa pa niyang mag-enroll para mag-masteral. Kung may master’s degree raw kasi siya, o kahit units lang, pag nag-update siya ng curriculum vitae sa online school kung saan siya retainer ay tataas din ang kanyang rate. Sa dati naming trabaho na laging may overtime, wala siyang panahon para mag-aral muli.
Two years ago ay bumalik na silang mag-ina sa Leyte kung saan naroon ang kanyang mga magulang at kapatid. Kahit nagbalik-probinsya siya, tuloy ang kanyang pagiging online tutor. Kung hindi ganito ang sistema ng kanyang trabaho at kaopisina ko pa rin siya, ang senaryo ay ganito: magre-resign siya sa aming opisina, pagdating sa Leyte ay saka pa lang uli maghahanap ng trabaho—na suwerte kung may makita agad.
Kasama nga pala ang kanyang pamilya sa mga sinalanta ni Yolanda. Noong kasagsagan ng bagyo ay nag-text at nag-email ako sa kanya pero hindi siya nagre-reply. Last week ay nagparamdam na siya na she’s okay, and the rest of her family. Nawasak nga lang daw ang kanilang bahay, pero unti-unti na silang nakaka-move on.
Ito ang interesting. Buti na lang daw at tuloy pa rin ang online job niya at sa suweldo niya umaasa sa ngayon ang buong pamilya dahil siya lang ang may trabaho. Ang iba niya kasing kapatid ay hindi pa maka-report sa physical job dahil wasak ang building ng mga pinapasukang opisina.
Kuwento pa niya sa akin, pagkahupang-pagkahupa ng bagyo ay binuksan agad niya ang kanyang fully-charged laptop na una niyang na-save dahil nga iyon ang kabuhayan niya. Ini-on ang kanyang pocket wifi, nag-log in sa kanilang site, at nag-lecture sa kanyang Korean student. Habang nagkakagulo sa paligid, nagtuturo siya sa isang batang dayuhan ng “A is for apple, B is for banana” na hindi nito alam ay nasa gilid na halos ng impiyerno si Ma’am.
But that’s life, at sadyang magiting ang dati kong kaopisinang ito.
Ang sitwasyon na nabanggit ko sa itaas ay isa rin sa mga plus point ng online job. Sa gitna ng kalamidad, basta may power source ang iyong computer na ginagamit at may internet connection, it’s just another day in the office.

Sa ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang sarili ko na papasok sa online job sa kabila ng maraming plus points nito. Kung bakit, I still enjoy bullying my officemates. 

3 comments:

stampychan said...

Not to mention sir yung maiinit na tsismis na di mo maririnig sa online job. :P

Nami-miss ko na kayo Sir KC...musta na po kayo dyan sa office nyo? Di ko na rin kayo nakikita sa Komikon. :(

kc cordero said...

stamp,
naroon ako sa last komikon kasama nina omeng estanislao at ner pedrina. ok naman ako, salamat. :)

Unknown said...

Noong naging employee ako ng Verizon, allowed kaming magtrabaho sa bahay. Ina-upload lang namin ang trabaho sa internet. Sinubukan kong gawin ito at okay naman.Mas productive. Kaya lang, sa isang tulad ko, kapag naumpisahan ko nang gawin ang trabaho, tuluy-tuloy na iyan at kung minsan ay nalilimutan ko pa ang mag'unch. LOL. Kata mas disadvantage sa akin ang sa bahay lang. Pero tama ka. Maski naka-brief ka lang puwede kang magtrabaho, at gano'n ang ginagawa ko minsan. Samantalang kung papasok ka sa office, magbibihis ka pa nang maayos. Yung office namain noo ay flex rin kung piliin mong mag-office. Puwede kang pumasok any time. Walang yung kailangan naron ka at 8 or 9 or whatever. Ang ibang mga ka-office mates ko, dahil sa bahay lang nagtatrabaho, gumagawa pa sila ng ibang jobs sa labas ng aming company. May salary ka na, vacation pay, allowances, at higit sa lahat, masyadong galante sa bonuses ang kumpanyang ito. Everybody happy kami doon. B)

Meron pa kaming every three months, may form kaming may mga tanong na sasagutin mo ng yes or no. Halimbawa: Naghagdan ka ba sa halip na nag-elevator para mas may exercise sa katawan? May nginitian ka bang taong nakalubong mo sa daan instead na iningusan mo? Ganitong mga tanong. Siyempre lahat sasagutin mo ng yes. Kokolektahin ang mga forms na iyon, at pagbalik sa iyo ay extra check na nagkakahalaga ng $500 na pakunsuwelo. Ang gustung-gusto ko sa lahat ay yung bonus. Khi't kelan ay hindi bumaba sa $30,000 ang bonus na natatanggap ko sa kumpanyang iyon. Ang pinakamataas na kankuha ko sa bonus ay $60,000. Nang umalis sa Canada ang Verizon, binili ito ng Canadian na Yellow Pages. Grabe ang asset nitong Yellow Pages, mahigit $80 Billion. Patuloy pa rin ang ganong klaseng management. Pero Nainip na ako dahil gusto ko, paiba-iba ang ginagawa ko. Kaya iniwan ko ang company at naging supplier ako ng TV shows na ako ang nagsusulat at nagdidirihe. Masaya, pero maraming sakit ng ulo. Nakakainis ang mga artistang malalaki ang ulo. Kung kulang ka sa pagtitimpi, lagi kang mapapaaway. Nakakapanghal ang mga prima donna. Kapag napuno ako, magreretire na lang ako at age 53. At mamumundok na lang ako ;)