MATAGAL nawala sa eksena si Sen. Miriam
Defensor-Santiago lalo na noong panahon ni dating pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo. Ang dating palabang senadora ay nanahimik. May mga
nagsasabing hindi ito masyadong naging palapuna kay PGMA dahil may mga utang na
loob ito sa dating pangulo. Napapuwesto sa gobyerno ang kanyang mister, at ang
kanyang utol ay isa sa mga naging AFP Chief of Staff ng dating pangulo.
Kontra rin siya sa pagtatanggal kay
dating chief justice Renato Corona sa panahong mataas ang clamor ng publiko na
sibakin ito.
Madalas din siyang absent sa Senado
dahil sa dinaramdam niyang “chronic fatigue syndrome”. Nagiging visible lang
siya kapag naiimbitahan sa mga piling pagtitipon, at nagpapakawala ng kanyang
mga patok na “pickup lines”.
Pero nang sumambulat ang eskandalo sa
pork barrel kung saan sangkot ang ilang indibidwal at mga mambabatas ay tila
bateryang na-recharge si Miriam—at muling lumabas ang pagiging palaban. Utos
niya sa mga mambabatas na dawit sa pork: “Magpakamatay na kayo!”
Nakakahiya aniya na mga mambabatas pa
ang sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Sa kauna-unahang pagharap ng
tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles sa Senate Blue Ribbon
Committee ay muling nakita ng publiko ang dating Miriam. Bago ang nasabing
hearing ay nag-tweet pa siya ng: "I will leave my sickbed to confront
Janet Napoles tomorrow to show that she cannot take advantage of the right
against self-incrimination. Naging sikat din ang unang linya niya kay Napoles
na: "Oh there you are. Let me take a good look at you. I will not bully
you. I hope you show me the same courtesy by telling me the truth and nothing
but the truth.”
At mula nga noon, nakuha muli ni Miriam
ang atensyon ng publiko.
Noong November 14 ay napaulat na
pinagkaguluhan siya ng mga shoppers sa isang supermarket. Nagulat na lang umano
ang senadora nang biglang dumagsa ang mga tao at nagpakuha kasama siya ng
“selfie” para raw mai-post sa social media.
Ayon kay Miriam, “I only wanted to buy
a desktop lamp for my home office. I was leaning on my foster daughter, and in
just a few seconds, a horde materialized near the entrance to the supermart.”
Sinabi rin niya na nakiusap ang kanyang
mga fans na patuloy siyang magbulgar ng mga kabulukan ng mga kapwa senador at
iba pang public officials na sangkot sa pork barrel scam.
Paulit-ulit din umanong binabanggit sa
kanya ng mga ito ang mga pangalan nina Janet Napoles at ng tatlong senador na
binansagang “Tanda, Sexy at Pogi.”
“They were very kind to me, but acted
with intense contempt at senators now charged with corruption. Those public
officials involved in the pork barrel scam underestimate public anger at the
extent of the plunder. If those crooks hope that this melee will die down, it
is not going to happen,” sambit pa niya.
Kuwento pa ni Miriam ay kinailangang
manghingi ng reinforcement ang kanyang security team dahil kinabahan ang mga
ito na baka masaktan siya sa dami ng mga taong nagkakagulo sa kanya. Nakiusap
din umano siya sa kanyang mga fans na pakawalan muna siya dahil isa’t isa ay
gusto siyang mayakap matapos ang halos isang oras na pagdumog ng mga ito sa kanya
dahil halos mapahiga na siya sa sahig. Naks, parang Kathryn Bernardo lang ang
peg!
Dahil sa kanyang latest exploits ay
binansagan ngayon ang senadora na “heroine of social media”.
Sa panahon ngayon na nawalan na ng
tiwala ang mga mamamayan sa ating mga mambabatas ay muling bumabalik ang
kanilang atensyon sa isang tinaguriang palaban, very popular, and once upon a
time ay malakas na presidentiable. Matapos matalo sa pagkapangulo (na ayon sa
kanya ay dinaya siya) ay sinabi ni Miriam na kinalimutan na niya ang kanyang
pangarap na maging pangulo. Ngayong siya ang “heroine of social media”, hindi
kaya magbago ang kanyang disposisyon?
Malaki ang maitutulong sa kanya ng
social media sakaling pangarapin muli niyang maupo sa MalacaƱang.
Ngayong mukhang wala namang mapipili na
mainam-inam sa mga pumupustura para sa 2016, marami ang naniniwala na baka ito
na ang tamang panahon para kay Miriam.
And who knows, baka siya ang
kauna-unahang magiging pangulo ng Pilipinas na produkto ng social media.
No comments:
Post a Comment