Wednesday, November 7, 2007
'deus ex machina'
HINDI ko alam ang tamang bigkas sa pariralang ito, na ayon sa aking pananaliksik ay ito naman ang kahulugan:
“The phrase ‘deus ex machina’ (literally ‘god out of a machine’) describes an unexpected, artificial, or improbable character, device, or event introduced suddenly in a work of fiction or drama to resolve a situation or untangle a plot (e.g. an angel suddenly appearing to solve problems).
The phrase has been extended to refer to any resolution to a story that does not pay due regard to the story's internal logic and is so unlikely that it challenges suspension of disbelief, allowing the author to conclude the story with an unlikely, though more palatable, ending.
In modern terms the deus ex machina has also come to describe a being, object or event that suddenly appears and solves a seemingly insoluble difficulty, where the author has "painted the characters into a corner" that they can't easily be extricated from (e.g. the cavalry unexpectedly coming to the rescue, or James Bond using a gadget that just so happens to be perfectly suited to the needs of the situation).
Other examples are seen in Dante Alighieri's Inferno when a mysterious personage (variously identified) "sent from Heaven" clears the path of fallen angels and opens the gates of Dis for Dante and Virgil to pass; in H.G. Wells' War of the Worlds where the Martians suddenly succumb to common viruses; and in Saving Private Ryan, when Tom Hanks' character, firing a pistol hopelessly at a slowly advancing Panzer, is saved by the sudden appearance of an allied tank buster aircraft. The device is a type of twist ending.
The notion of deus ex machina can also be applied to a revelation within a story that causes seemingly unrelated sequences of events to be joined together. Thus the unexpected and timely intervention is aimed at the meaning of the story rather than a physical event in the plot. This may more accurately be described as a plot twist.”
Naalala ko lang ang phrase na ito nang nagsisimula pa lang akong magsulat sa Atlas. Sabi sa akin ng isang editor doon ay iwasan ko ang ganitong ‘tool’ sa pagsusulat para laging may challenge sa akin ang anumang plot na maiisip ko. Halimbawa aniya, ang isang mahirap na manliligaw ay hindi kailangang tumama sa lotto para lang mapansin ng dalagang nililiyag.
Nitong mga nakalipas na araw ay ibinalita ni Mario Macalindong (popularly known as Marboy), isa sa mga regular na contributor sa Sterling, na may panawagan ang publikasyon na gumawa ang mga contributor nito ng mga horror stories. Maging si Alex Areta na regular writer (semi-exclusive) ng Risingstar Printing Enterprise ay nakatanggap ng text message mula kay Carlo Caparas na sumususog sa ibinalita ni Marboy. At para makiliti ang interes ng marami ay naglagay pa ng thread si Marboy sa PKMB ni Gerry Alanguilan kung paano magsulat ng kakaibang horror stories—na malugod na nilagyan ng inputs ng mga bihasa sa genre na ito, partikular si Jose Mari Lee na nakapag-produce ng horror movies sa abroad.
Ang mga kuwentong horror, dahil sa pananaw natin sa ‘reality check’ nito, ay kadalasang ginagamitan ng deus ex machina ang resolusyon.
Nang banggitin naman ni Gerry sa kanyang online journal ang pag-e-email sa kanya ni Charlie Baldorado at pagtatanong kung paano makapupunta sa Sterling ay sabay niyang inilagay ang isang drawing ng beteranong artist. Naalala ko na ako nga pala ang nobelista nito—ang ‘Silhouette’ at masakit mang sabihin ay isa ito sa mga nobela ko na labis na kinondena ng readers sa kabila ng sa palagay ko ay pag-iwas ko sa deus ex machina tool.
Ang ‘Silhouette’ ay isang tugon sa challenge sa akin noon ni Mr. Tony Tenorio, EIC ng Atlas, na gumawa ng ghost story na walang multo! Dahil challenge nga, bahala na raw ako.
Noong nasa Atlas pa ako ay ako ang ‘mop man’ ni Mr. Tenorio. Sa akin niya ibinibigay ang mga komiks na nasa ICU na, ‘ika nga. May mga illustrator na late na kung maghatid ng kanilang drawing sa nobela at hindi na nagagamit dahil naipa-troubleshoot na sa iba—gagawan ko ‘yun ng short story. Noong wala na ang mahuhusay na editors na sina Opi Concepcion at Pablo Baltazar, ako na rin ang madalas tawagin ni Mang Tony para sa mga bagong projects. Kaya naman nasorpresa ako nang malaman kong sinibak na pala ako matapos mabili ng National Bookstore ang Atlas.
Anyway, balik tayo sa Silhouette.
Ang plot ng Silhouette ay ibinatay ko sa teorya ni Albert Einstein ng relativity constant: e=mc2, o sa mas malawak na paliwanag:
“In physics, mass–energy equivalence is the concept that any mass has an associated energy and vice versa. In special relativity this relationship is expressed using the mass–energy equivalence formula where
E = the energy equivalent to the mass (in joules)
m = mass (in kilograms)
c = the speed of light in a vacuum (celeritas) (in meters per second).
Several definitions of mass in special relativity may be validly used with this formula, but if the mass in the formula is the rest mass, the energy in the formula is called the rest energy.
The formula is due to Albert Einstein, who arrived at it in 1905 in what is known as his Annus Mirabilis ("Wonderful Year") Papers. While Einstein was not the first to propose a mass–energy relationship, and various similar formulas appeared before Einstein's theory, Einstein was the first to propose that the equivalence of mass and energy is a general principle, which is a consequence of the symmetries of space and time.
In the formula, c² is the conversion factor required to convert from units of mass to units of energy, i.e., the energy density. In unit-specific terms, E (joules or kg·m²/s²) = m (kilograms) multiplied by (299,792,458 m/s)².”
Sa kuwento ng Silhouette, ang chemist na si Luis ay kinomisyon ng isang mob boss para lumikha ng formula na magbibigay sa kanya ng kakaibang lakas. Batay sa teorya ni Einstein, naniniwala ang mob boss na makukuha ni Luis ang formula para sa serum na ituturok sa boss para lalo itong lumakas. Halimbawa, kung bubuhat ng isang silya ang boss, ang bigat (weight) ng silya ay maa-absorb ng kanyang katawan at mako-convert into energy kaya madadagdagan ang kanyang lakas. Mas mabigat ang kanyang bubuhatin, mas lalakas siya at magiging makapangyarihan.
Sinimulan ni Luis ang experiment. Ang formula na nalilikha niya ay itinuturok niya sa isang chimpanzee. Makalipas ang maraming trial and error ay naobserbahan niyang lumalakas na ang tsonggo at nakakabuhat na ng mga bagay na dati ay hindi nito maiangat. Ngunit isang bagay ang natuklasan niya—lumiliit ang chimpanzee.
Doon napaglimi ni Luis na bagaman at nagtagumpay ang experiment na ma-absorb ng katawan at maging enerhiya ang bigat o timbang ng bagay na binubuhat, nababawasan naman ang amount of mass sa katawan ng bumubuhat. Ang ‘reverse/inverse proportionality/effect’ na ito ang nagbigay sa kanya ng realisasyon na umpisa pa lang ay hindi niya dapat isinagawa ang experiment at hindi siya dapat nagpadaig sa takot sa mob boss na nagkomisyon sa kanya. Nagdesisyon siyang ituring na failure ang experiment.
Ngunit hindi pumayag ang mob boss. Mas naging interesado ito na ituloy ni Luis ang experiment sapagkat magiging ‘invisible man’ siya o ‘ghost-like’ sa pagkaubos ng kanyang ‘mass’ at higit umano ang tataglayin niyang kapangyarihan kung hindi na siya nakikita. Kaya ang isa pa umanong proyekto ni Luis ay tuklasin naman kung paano maibabalik ang mass properties sakaling gustuhin ng ‘invisible being’ o ‘ghost-like’ entity na maging visible siya to the naked eyes.
Bumigat ang burden ni Luis—lalo pa at ginawang hostage ng mob ang kanyang pamilya to force him to finish the experiment.
Sa kagustuhang iligtas ang pamilya agad-agad, ginamit ni Luis sa sarili ang formula kahit hindi pa niya natutuklasan ang solusyon na magpapabalik sa mass amount of body. At tulad nang inaasahan, matapos niyang ma-absorb ang energy requirement ay naglaho na ang kanyang katawan at naging ghost-like, at nararamdaman lang siya ng mga nasa paligid kapag nasa ilalim ng kurtina na tila isang silhouette.
Hindi ko na ma-discuss nang buo ang kuwento dahil masyadong mahaba. Ngunit ang nobelang ito ay umani ng napakaraming batikos sa readers sapagkat hindi raw nila maunawaan ang mga mathematical computations na kaagapay nito. May ilang physicists din na sumulat sa akin at sinabing isang mapanlinlang na teorya sa agham ang nobela, ano ang karapatan kong sumulat ng ganitong nobela kung hindi naman talaga ako siyentipiko? Gayundin, may mga religious groups na tinawag akong anti-Kristo.
Sa ilang pagkakataon ay iniisip kong baka makaapekto ito sa career ni Mang Charlie na noon ay kababalik lang sa Atlas mula sa kanyang gig sa abroad. Pero wala naman akong naririnig na reklamo sa kanya, at sa halip, bawat chapter ay naipapakita niya ang hinihinging art requirement ng kuwento.
Hindi ko ito ginamitan ng deus es machina tool ngunit hindi tinanggap ng readers. 1991 noon, at hindi pa siguro sila handa sa ganitong plot.
Nang matapos ang Silhouette ay sinundan ko ito ng ‘Phantasmagoria’. Kuwento ng isang yuppie na nag-take home ng hooker na na-in love sa kanya. Ang hooker ay galing sa isang Philippine province at may lahing mangkukulam. Sa pamamagitan ng ‘dawdaw’ o ‘barang’ ay kung anu-anong katatakutan ang nakikita ng yuppie sa panaginip—na sa palagay ko ay gustung-gusto naman ng readers dahil sa napakarami nitong cliché, predictable sequences, kultura na alam na alam ng mga Pinoy, at siyempre pa, ang napakaraming deus ex machina tools na ginamit ko just to redeem myself from the Silhouette debacle.
Sa pansarili kong opinyon, batay sa naging tagumpay ng Philippine True Ghost Stories ng Psicom Publishing, Nginiiig! Real Horror Stories ng ABS-CBN Publishing at True Pinoy Ghost Stories ng Risingstar Printing, basic pa rin ang mga plot na gusto ng readers pagdating sa horror genre. Puwede sigurong magpaka-daring gaya nang ginawa ko sa Silhouette pero dapat ay sa mga short stories pa lamang. Ang elemento ng pananakot ay nakasaklay pa rin sa larong bata o pananakot na ginagawa sa atin noon na hindi natin ma-outgrow: “Hayan, may multo!”
Salamat kay Gerry sa pagpoposte ng house ad ng Silhouette na lumabas sa True Ghost Stories ng Atlas noong early 90s at dahil nga detached naman ako sa aking mga sinulat ay wala man lang akong naitabing kopya. Labis naman akong natuwa nang mabalitaan ko na nagbabalik sa Pinoy comics scene si Mang Charlie Baldorado. Marami kaming pinagtambalan noon, at masasabi kong isa siya sa napakalaki ng naitulong sa akin. It pays being paired to an amazing artist.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
27 comments:
Sa totoo lang, mahirap ma i-pull off ang tunay na horror sa komiks. Yun bang tipong matatakot ka talaga pag binabasa mo. Ewan ko pero parang ang hirap nito gawin sa komiks, pero mas madali sa aklat, pelikula, radyo, etc. Pero mahirap sa komiks. Hindi ko alam kung bakit.
Wala pa akong nababasang komiks sa buong buhay ko na kinilabutan ako tulad ng pakiramdam ko pag nanood ako ng Exorcist o di kaya ng The Changeling sa pelikula.
Ang pinakamalapit na ay yung early issues ng Swamp Thing ni Alan Moore, pero hindi pa rin e.
Gerry,
Hindi talaga pwede dahil sa limitations and nature mismo ng medium. Two dimensional lang kasi ang Komiks at isang sense lang ang gumagana, sense of sight, hindi kapareho ng sine o TV mi sense of hearing pa, kung minsan pa siguro mi sense of smell. The more senses ang gumagana the more din ang effect na gusto mong palabasin.
KC,
Pwede mong i-recycle tong obra matra mo. This is the kind of stuff we need, mi angle pa ng science ...
baka pwedeng i -serialized sa THE BUZZ, lagyan mo lang ng caveat, previously printed sa------
Auggie
gerry,
ang horror na kinatakutan ko ay 'yung tv series na 'kutob' noong bata pa ako. ang mga kasabayin ko (sa edad) ay hindi pa rin pala nalilimutan ang series na ito.
auggie,
may memory gap na ako at dahil wala akong kopya ng nobela pati ng script ay baka hindi ko na ma-justify ang mathematical computation. and besides, napakaganda ng response ng readers sa 'timawa', mahirap nang mapantayan kaya baka hangga't may the buzz magasin ay naroroon si timawa.
Ingkong KC:
Wala tayong ibang dapat sisihin sa DEUS EX MACHINA kundi ang mga GREEK. Sa Greek Tragedy kasi ito nagsimula. Literally, ito ang PAKIKIALAM NG DIYOS SA AFFAIRS NG MGA MORTAL.
Ang drama kasi ay nagsimula sa RELIGION. From the rituals of religion, they eventually became drama as we know now. During the days of the Greek Tragedy, a pulley is lowered (hence the name MACHINE) on stage to help save a character in distress. That machine represents God, hence the phrase DEUS EX MACHINA.
Sa horror, tama iyang observation mo. Diyan sa atin, kapag may horror, palaging nariyan ang DEUS EX MACHINA. Napulot lang siguro ng ating mga ninuno kay BRAM STOKER dahil ang original DRACULA ay nagagapi sa pamamagitan ng Krus (Di ba't pakikialam ito ng power ng Diyos para gapiin si Dracula?) Plus, since horror genre is akin to a MORALITY PLAY (fight between good and evil), eh, naririyan lamang sa tabi ang Diyos para gapiin ang kasamaan. HOW CONVENIENT! Sabi nga ni Dana Carvey as the CHURCH LADY in Saturday Night Live :)
But the horror genre need not do this. In fact, in the case of Allan Poe's MASK OF THE RED DEATH, despite the obvious war between good and evil, Poe distanced himself from his material and let the characters do whatever they want to do without any aid from God.
How interesting that Señor Alanguilan mentioned the Canadian film THE CHANGELING with GEORGE C. SCOTT. That was filmed in my old neighborhood along OAK Street in Vancouver. That mansion got burned FOR REAL during the filming! Natupok talaga ito to the ground. But aside from this aside :) this film became very successful as a horror feature because IT WAS REALLY SCARY. The reason why it is so scary is because WE CAN'T SEE the actual ghost.
And that is what can really scare a person: LOSING ONE'S CONTROL OVER ANY SITUATION. Kung hindi mo nakikita ang kalaban mo, dehado ka, dahil hindi mo alam kung paano mo lalabanan. Sa Exorcist, yung DEMONYO mismo ang contravida kaya ika nga'y may TULOG ka rin doon (expression pa yata ito nina Rogelio de la Rosa :).
Sa komiks, ang kadalasan ay ginagamitan ng mga obvious elements para manakot ng audience, as in pangit na mukha, duguang mukha, etc., pero kung hindi naman EERIE, useless ang pananakot. It is the eeriness that makes the cut. Remember THE OTHERS with Nicole Kidman? That film is one heck of an eerie feature. No gimmicks, no splatter, no bloodshed, no gore. It's just simple old-fashioned, straight forward story-telling with honesty and clarity (like THE CHANGELING), and therefore, we feel scared and relieved afterwards when the denoument comes.
Kaya doon sa mga gustong makapanakot ng audience, ALISIN ang gimmickry. Be as simple as possible, but of course, MANIPULATE the material to suppress info and give them little by little as the need arises.
And that Silhouette of yours, it sounds really promising. It had to be revived as our pop culture guru AUGGIE had suggested.
Do we smell perhaps, a GRAPHIC NOVEL somewhere?
Kaya lang, sa ATLAS mo pala ginawa ito. Did you know they have the right to sue you if you use it again, because in those days, whatever you create for them became their property? You may have to see a literary lawyer about this.
JM,
napakalawak nitong paliwanag mo at para akong nasa isang anag-ag na silid na biglang nagkaroon ng ilaw.
challenging ang horror story writing dahil nga kung tutuusin ay napakaraming materyales na makukuha kung ang isang writer ay lalabas sa mga nakaugaliang nakakahon na plot.
btw, may napuntahan akong isang site na mayroon kang inquiry tungkol sa kababalaghan na nangyari sa inyong pamilya noong nasa bicol ka pa. nakakatakot ang mga eksenang binanggit mo roon.
Mga sir, ano ba matatawag dun sa story type ng Dragon Ball Z? Yung pag magagapi na si Goku bigla na lang syang lumalakas. Sa pagkakaalam ko umabot yung level nya sa super saiyan 4. Under ba sya ng deus ex machina? Para kasing wala namang intervention dun?
Pero actually sir ayoko ng mga horror. Matatakutin kasi ako hehe.
Jerwin
Jerwin:
Ang binabanggit mong iyan ay hindi Deus ex Machina. Iyan ay isa sa mga bahagi na nakaakibat sa tinatawag na PURPOSE ACCOMPLISHMENT STORIES.
Among them are as follows:
1. Purpose Accomplishment by means of courage
2. Purpose accomplishment by means of ingenuity
3. Purpose Accomplishment by means of SPECIAL CAPACITY
Dito sa special capacity naka-lugar yung tanong mo.
6.Purpose accomplishm,ent by means of Special Weapon.
O... na-get mo na ang katugunan sa tanong mo, Jerwin?
Kung LALONG LUMABO dahil sa paliwanang ko, e-mail mo na ako sa
tauruswarrior@shaw.ca
Nang maipaliwanang ko sa iyo ng lubusan.
KC:
Aling site ba ito para mabasa ko naman? Nagunita ko may iniwan akong mensahe sa isang site about my family's personal dilemna with the supernatural. Pero nawala ang link at ni hindi ko nalaman kung ano ang naging usapan doon. Paki -give lang ng link nang ma-visit ko uli.
jm,
search mo ito:
guestbooks.pathfinder.gr/read/sq/baguio
nasa page 22 'yung entry mo
Sir Taurus, malinaw na.
Actually nagsubmit ako ng entry sa Komikon. Parang yung ginawa ko dun sa story kagaya ng sinabi ni Sir KC na walang Deus ex Machina. Pero di ko pa rin sigurado kasi di ko pa naipapakita. Post ko sa deviant pagkatapos ng KK.
Tingnan ko kung may chance na matatak man lang sa boy bawang yung gawa ko haha.
Jerwin
Aku, nung bata pa medyo takot sa mga horror stories na dala ng Kilabot , Shocker Komiks , Nightmare at iba pa.Nagkaroon nga ako ng di malimutang bangungot dahil sa sobrang pag babasa ko ng horror komks nung bata pako..saka ako nag stop magbasa horror nun.hehehehe Saka yung TV series na "Pinoy Thriller" dati, talagang takot na takot ako.
Ang DEUS EX MACHINA ay madalas kong makita sa mga pinoy movies at pinoy komiks dati.Naiinis ako minsan, kasi pag merun nito, ganito lagi sabi ko, "Huh?! saan nagmula yun?Ang corny!". Kung maiiwasan na sana ito, dahil nag eevolve na rin yung storytelling natin, ay maganda. Kasi nawawalan ng "Logical substance" ang story pag nagkaroon nito.
Thanks sa topic Sir. I find it really interesting and relevant for now.pwede ko ba ito malink sa Deviantart page ko Sir?
"Tingnan ko kung may chance na matatak man lang sa boy bawang yung gawa ko haha."
jerwin,
ouch! but aim for something higher, say, pringles. :)
John Becaro:
Your smiling eyes are saying the right thing. He-he.
In any story, SOLUTION TO THE PROBLEM OF THE LEADING CHARACTER should NEVER... NEVER... NEVER...
come from:
1. COINCIDENCE. Never let a coincidence rersolve the conflict of your story, or save your leading character because that is purely SCHLOCK WRITING. The decision must come from the character himself.
2. DEUS EX MACHINA (PRONOUNCED: DEYUS EX MAKINA, as in makina ng kotse :)
Kasi, sabi nga sa lumang kasabihan, nasa DIYOS ANG AWA AT NASA TAO ANG GAWA. Puwes, maski sa story writing ay NASA TAO PA RIN ang GAWA at nasa Diyos pa rin ang awa :) Kaya dapat lang na pagawain ng solusyon sa problema ang bida, dahil kung hindi, iiwanan ito ng audience.
3. THE SOLUTION SHOULD BE SUBSTANTIAL!
Hindi dapat ma-realiza ng bida ang isang latotohanan na nagpabago sa kanyang kaisipan dahil nakabasa siya ng sulat, o nakabasa siya ng tabloid. O kaya ay nakita niya ang poster ng KOMIKS CONGRESS and/or ng ala-CHE GUEVARRAng pose ng da king. He-he. Nagbago siya ng pananaw dahil sa bigat ng nakita niya, nadama niya, at hindi dahil sa PIPITSUGING DAHILAN.
Pero, sad to say, marami nga sa komiks at pelikulang tagalog ang mahilig sa ganitong dayaan at short-cut. Wa epek ito sa audience.
Kumusta na ang mga engkanto sa iyong kaharian, John? :)
JM
"ouch! but aim for something higher, say, pringles. :)"
ehehe. sir naalala ko lang yung isang post mo na nagmention ng boy bawang.
mahilig din ako sa horror komiks non. di ko na maalala pero parang nung nag 1982 nawala na interes ko sa komiks kasi nawala na yung mga nagpapahire ng komiks sa amin. bata pa ko non kaya mahirap maghanap ng resources. di ako pwedeng tumawid ng kamino ng magisa.
Jerwin
Please spot the 'deus ex machina' here:
HIBLANG ABO
1. CAPTION: Iniisip kong sa buong buhay ko ay ngayon lang ako makagaganti sa kagandahang loob ni Lola Marta…
LOLA MARTA: (weak balloon) Mark…
MARK: Andito po ako, Lola…
GUIDE: Square room. maysakit na si Lola marta, around 80s. gray haired. payat. itinaas niya ang kamay to ask help from Mark. Mark is a typical teener, medyo payat. hiphop. nakaupo siya malapit kay lola na parang nagbabantay. malungkot siya, show grief in his face.
2. LM: (weak balloon) pahingi namang mainit na sabaw…
GUIDE: shot kay lola as if she’s dying. itinataas ang kamay.
3. CAPTION: nalulungkot kasi ako sa biglang paghina ng kanyang katawan. siya pa naman ang nag-iisang nagmamahal sa akin…
GUIDE: sinusubuan ni mark gamit ang kutsarita.
4. LM: kawawa ka naman, mark? paano ka na pag namatay na ako? sino pa ang titingin sa ‘yo?
GUIDE: hinawakan siya ni lola sa braso. thoughtful si lola.
5. CAPTION: at sa mga salitang ito ni lola ay malalaglag ang aking luha. siya itong nasa banig ng karamdaman pero akong malakas pa sa kalabaw ang iniintindi niya.
GUIDE: mark, nalaglag ang luha.
5. CAPTION: ah, kung nakikita lang ninyo kung paano siya maghirap…
LM: (wb) ubooo! ubooo!
GUIDE: dinalahit ng ubo.
6. LM: diyos ko po… hirap na hirap na ako… kunin n’yo na ako!!!
GUIDE: lola grimacing in pain.
7. CAPTION: hindi ko kaya ang nakikita ko kay lola marta. sa mga sandaling natatakot ako na makita siya sa kawawang kalagayan, iisa ang aking takbuhan…
GUIDE: sa isang sulok si mark. nagdodroga.
8. PRINT: THUD!
MARK: (weak balloon) ARGH!
GUIDE: may tumadyak sa kanya sa likod.
9. ROBERT: hindi ka talaga mapagsabihan sa kagaguhan mong ulol ka! kailan ka titigil sa bisyo mo? ha? kailan?
GUIDE: Pinitserahan siya ni Robert. mas matanda kay mark, mukhang matapang. show fear in mark’s face.
10. CAPTION: Si kuya Robert, nauna siya sa akin sa buhay ni lola marta. pareho kaming ampon sa bahay na ito.
ROBERT: kumusta ang matandang hukluban? hindi pa ba namamatay?
MARK: h-hindi pa, kuya…
GUIDE: sumilip si Robert kay lola marta.
11. ROBERT: bakit kasi ayaw mo pang patayin para pare-pareho na tayong walang problema!
GUIDE: galit na sininghalan si mark.
12. CAPTION: nagulat ba kayo? may mas matindi pang eksena kaysa riyan kung tutuusin. ito naman si manong rolly, TUNAY na anak ni lola marta.
ROLLY: nagpagawa na ako ng kasulatan, mama. heto, pirmahan mo na lang para siguradong sa akin na mapunta itong bahay mo at hindi sa kung sinu-sino lang na gago!
GUIDE: mayaman si rolly, in his late 50s. may dalang papel, nakaupo sa tabi ni lola marta. nakayuko si mark after hearing rolly’s words.
13. CAPTION: at ito naman si MANANG DINA. bunsong kapatid ni kuya rolly at TUNAY na anak din ni lola marta…
DINA: at anong kalokohan ‘yan, kuya? hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na ang abogado ko ang dapat mong kausapin at hindi si mama?
GUIDE: nasa pinto si dina, mid-40s, sosyal. nagalit kay rolly.
14. ROLLY: ayokong kaharap ang abogado mo, ganid ding tulad mo!
DINA: mas ganid ka! pinapipirma mo si mama kahit wala na sa katinuan!
GUIDE: nag-away ang dalawa, halos magkasakitan.
15. CAPTION: natatandaan ko na kaya nag-ampon si lola marta ng tulad ko ay dahil hindi na niya nakikita ang mga anak. nalulungkot daw siya. pero ngayon, nakikita nga niya ang mga ito pero hindi pa rin siya masaya…
GUIDE: naiiyak si lola marta sa mga naririnig sa mga anak.
16. LOLA MARTA: (weak balloon) buhay pa ako, bakit nag-aaway na agad kayo sa maiiwan ko? dadalawa lang kayo na maghahati hindi pa kayo magkasundo?
GUIDE: malungkot na nagsalita.
17. ROBERT: (whisper) narinig mo? hindi tayo kasama sa pamamanahan. kaya kanya-kanya na tayong diskarte, mark!
GUIDE: binulungan siya ni Robert.
18. CAPTION: hindi ko naman siguro kailangan ang mana. nang makita ako ni lola marta ay ganito kamiserable ang buhay ko…
GUIDE: FLASHBACK FRAME. nasa kariton si mark, bata pa siya noon, around 10 yrs old. sumisinghot ng RUGBY.
19. CAPTION: naawa siya sa akin. kahit pusang ligaw inaalagaan niya, ako pa raw kayang tao?
GUIDE: FLASHBACH. pinaliliguan ni lola marta si mark.
20. CAPTION: pero ang mga hayop pag marami sa kulungan, nag-aaway-away…
GUIDE: shot sa mga pusang nag-aaway.
21. CAPTION: tao pa kaya?
ROLLY: basta dapat malinaw na hindi mo sila legally adopted, mama. ayokong may makahati pa sa pinagpaguran ninyo ni papa.
DINA: oo nga!
GUIDE: isang pagkakataon na magkakausap ang mag-iina. kumakain sila.
22. CAPTION: sa akin naman ay malinaw kung saan lang ako dapat nakalagay sa ‘kulungan’ na iyon…
GUIDE: nagwawalis si mark.
23. CAPTION: at dahil marami akong tanong sa buhay: sino ako, ang mga magulang ko nasaan… iisa ang nakikita kong kasagutan…
GUIDE: nagsa-shabu siya.
24. CAPTION: mahina ako. huwag ninyo akong tutularan. pero di tulad ng ibang hayop, nakita ko at ibinalik ang pagmamahal kay lola marta…
LM: mahirap pag matanda na, mark. wala nang nagmamahal. wala nang nakakaalala. lahat ay ang pera ko na lang ang hinahangad. pag masasakit na ang lahat sa ‘yo, maitatanong mo: bakit di pa ako mamatay?
GUIDE: other time, magkausap silang dalawa.
25. LM: bakit kung kailan hibla na ang mga buhok ko saka ako natatakot, mark? sana’y matulungan mo akong maging matapang… kahit sandali lang…
GUIDE: kumapit sa kanya si LM, umiiyak.
26. CAPTION: nagi-guilty ako. bakit ako pa ang hinihingan ng tulong ni lola? ako na ni hindi alam kung paano mabuhay?
GUIDE: umiiyak na lumabas ng silid si mark. isinara ang pinto.
27. MARK: k-kuya Robert?!
GUIDE: nagulat siya, nagnanakaw si Robert ng mga alahas.
28. ROBERT: kanya-kanya na tayo, mark. pinuwersa ko na ang pagbubukas ng vault. pag inabot ng kamatayan ang matanda at di ko ginawa ito, wala tayong makukuha ni singkong duling sa dalawang suwapang niyang anak!
GUIDE: galit na nagpaliwanag si Robert.
29. CAPTION: hindi ko magagawa ang gano’n kay lola marta…
LM: (weak balloon) m-mark… hindi ako makahinga… tulungan mo ako…
GUIDE: nagbalik siya sa silid. lola grimacing in pain.
30. CAPTION: ang totoo, kaya ko ngang ibigay sa kanya kahit ang sa palagay ko ay natatangi kong yaman…
GUIDE: inilabas ni mark ang shabu paraphernalia. shot sa kamay niya habang inaayos iyon.
31. CAPTION: mali ito. huwag ninyo akong tutularan. ngunit hindi ko na kaya ang hirap na pinagdadaanan ni lola marta… at sa ganitong paraan ko lang siya matutulungan.
MARK: sige pa po, lola… para huwag ninyong maramdaman ang sakit.
GUIDE: pinasinghot niya ng shabu. nakapikit si lola habang sumisinghot.
32. CAPTION: kayamanan sa akin na makitang payapa si lola marta. malayo sa totoong mundo, sa pagiging hiblang abo ng kanyang mga buhok, sa mga anak na di siya mapagbigyan, sa mga katatakutang laging dumadalaw sa kanya dulot ng katandaan…
GUIDE: shot ni lola marta, nakangiti, mukhang high.
33. CAPTION: ako? hindi ko na siguro aabutin ang edad ni lola marta. hindi na magiging abo ang hibla ng aking mga buhok. hindi na ako magkakaroon ng pamilya. hindi na makakaahon sa impiyernong buhay ko…
CAPTION 2: ngunit sa isang sulok ng diwa ko ay laging naroon ang alaala ni lola marta. isang nagkalinga. isang nagawan ko ng kasalanan sa dapithapon ng kanyang buhay.
CAPTION: mali ito. hindi tama. ngunit ito lang ang alam kong paraan ng pagtanaw ng loob sa kaisa-isang sa akin ay nagmahal…
MARK: meron ka pa ba? oo, iiskor uli ako. kailangan ko pa kasi, e…
GUIDE: tumatawag sa telepono si mark na parang umoorder ng shabu. nakaupo siya sa kama at nakahawak sa kanyang kamay si lola marta na masaya at parang walang sakit.
-wakas-
"Kumusta na ang mga engkanto sa iyong kaharian, John? :)
JM"
Sir JM,
HEHEHEHE..tinago ko muna ang mga Engkanto ko hangga't di ko napa follow ang copyright and IP nito. mahirap nowadays pag masyado ako maingay dun, tapos ala pa pala IP, tigok ako sa mga nangongopya, lalo na at pauso na ulit ang komiks.
Saka tinutukan ko muna ang paghahanda sa paglabas ng baby ko nitong susunod na two weeks, doon ngayun central focus ng budget ko.
John
Napanood ninyo ba yung animated na pelikulang WIZARDS? It had one of the best endings I've ever seen in a fantasy movie. Di ko na lang sasabihin dito, para ma-enjoy ninyo (kung mahalungkat ninyo man itong pelikulang ito).
KC,
Wala naman akong nakikitang DEUS EX MACHINA diyan sa kwentong iyan.
Ang nakikita ko lang, parang inconsistency ng character. Madalas, yung mga adik ang mga taong nakakalimot sa iba at pinapahamak ang nasa paligid niya. Medyo wala pa akong na-encounter na adik with a heart of gold.
Rob,
Napanood ko yang WIZARDS na iyan ni Ralph Bakshi. Technology vs Magic ang theme, at ang principal antagonists eh yung kambal na parehong wizard, at syempre, good and bad. Nagulat ako sa ending, very unexpected ? mi DVD ka ba nito ? hinahanap ko yung ibang Bakshi: FRITZ THE CAT, COONSKIN, AMERICAN IDOL, FIRE & ICE....
Auggie
KC:
Maganda ang story mo.
Frame 31 - KUWELA si Lola! Ngayon lang ako nakakita ng gurang na sumisinghot ng methamphetamine! Whe-he-he!
Frame 26, mas dramatic siguro kung huwag mo munang isasara nang tuluyan ang pinto. Ilagay mo sa foreground ang mukha ni lola, sa BG, ajar pa ang pinto at nakalingon si Mark sa lola niya. Peaceful ang matanda, naroon naman kay Mar ang burden. Mas makikita natin ang contrast ng kanilang mga nararamdaman.
Wala namang Deus ex Machina dito. I didn't see any God's intervention. Everything is cool, because Mark decided and acted on his own. Ganito ang mga may yagbols na bida. Kumikilos, nagde-decision, kahi't ba hindi tamang decision, ang importante, consistent sa kanyang personality.
Rob reacted that addicts don't necessarily do this HEART OF GOLD thingy, but Mark is different. He is a special, sensitive, caring individual. Weak, yes, but even that is consistent with his background. It is just logical then for him to act the way he did.
FRAME 9 - I would rather hear Robert get mad not because he cared so much about Mark's welfare. His character is so selfish that the dialog can be revised to focus more on his own butt. Maybe, something like:
"Puro drugs na lang ang inaasikaso mo sa halip na gumawa ka ng paraan lung paano tayo makakapag-mana nang malaki sa huklubang iyan!"
The dialog right now seems to make Robert care about Mark when in fact, he doesn't give a hoot whether Mark lives or dies.
I think this one is a winner. The pacing is awesome, the presentation is gnarly, Very goot, very goot!
Grade: A+
:)
JM,
kailan ka kaya babalik sa pilipinas para mag-conduct ng writing workshop even for a week? napakarami naming matututunan sa 'yo!
rob,
hahalungkatin at panonoorin ko 'yan.
aw, kala ko sir yung pinasinghot yung si lola. wala pala.
napakalalim naman ng theme nyan sir kc. pero yung theme ng silhoutte mo ayos sir. kaya lang feeling ko nabibigatan pa rin ako sa theme. very intellectual grabe. magaling talaga yung artist mo dyan.
pang hayop na pabula pa lang siguro ako hehe. two thumbs up.
Jerwin
JM,
Siguro kaya ganon ang tingin ko kay Mark, kasi sa karanasan ko, ang mga 'adik' na hindi perwisyo sa iba, ay yun lang mga may sariling trabaho at hindi umaasa sa iba para sa bisyo nila. Kaya lang si Mark, bukod sa hip-hop teen-ager, mukhang walang hanap-buhay. Kaya siguro ganon ang reaction ko.
Auggie,
Mahirap hanapin ang DVD ng WIZARDS, pero mukhang ma-da-download...
Rob,
Parang mi nakita ako a couple of months ago, yun bang 12 in 1 na DVD...kasama yata puro mga animation at cartoons din....
Tungkol sa adik na walang wherewithal sa kaniyang bisyo, eh talagang clear & present danger iyan sa society. Yan yang mga gumagawa ng mga karumdumal na krimen, na nababasa natin sa mga screaming headlines ng mga tabloids. Kaya kung minsan, mi punto rin itong mga gumagalang mga death squad na Vigilante. Teka , magandang script iyan ki KC. Gawa siya ng ala DEATHWISH na script, sa Metro Manila ang setting....
Auggie
Re: Addict
Ayan, KC, may discusion na sa character ng story mo.
Mark maybe an addict but he is not the type that wanders from place to place. He has a home of his own, and money from grandmother.
This character is not strange to me. I have nephew named Jose Mari (halos kasing edad ko lang - son of my older cousin) who used to play professional basketball in La Salle. A very good looking kid and very well-off. They live in San Lorenzo Village.
Joemari became an addict. He wasted his life, totally. He quit school, went to rehab for at least 5 times, but always went back to his habit.
Despite this, he is a very loving, caring son. Now, he is still at home, still addicted, but still very kind and gentle.
Joemari is not the only one who is like this. There are many out there. That's why I am hoping that the Philippines would change its laws regarding drug addicts.
These people are not criminals to begin with. They are sick. And sick people had to be cured, not to be thrown in jail to push them deeper into the quagmire.
This is what Canada and Amsterdam are doing. Trying to help addicts recover. We even have in downtown Vancouver, a place where addicts can go to have a clean, safe dosage of the drugs they need while they are being cured of their addiction.
Now going back to the character of Mark. He exists and this is another way of showing another aspect of what an addicted person can be. Hindi sila lahat pakalat-kalat sa kalye doing crimes.
And I hope that this character of Ingkong KC will open more eyes to dispel the STEREOTYPE of what exactly an addict is.
JM, on second reading, indications of the socio-economic background are there -- nag-aaway sa pamana ng lola, alahas, etc. Siguro kailangan lang malinaw din sa drawing yun para ma-emphasize na si Mark na adik is a boy with a hefty allowance. Yung nephew mo taga SanLo, kaya siguro allowance niyan ay malaki pa sa sweldo ng typical manager dito. I believe how one handles himself as an addict is really more a function of economics than personality (even though character also is a factor). Tanggalan mo ng pambili iyan, tignan natin ano mangyayari.
Kahit ako may kaibigang adik... but he's always held good-paying jobs so he's not dependent on anyone else and doesn't cause much trouble (except for one time na nasa height ng kapraningan nung na-over na sa shabu. He pointed a loaded gun to an officemate IN the office accusing him of sabotaging his work. And another time when he almost got busted carrying marijuana on our trip to Boracay by airport police and narrowly escaped. And another time he STAPLED his high school teacher's barong to his teacher's skin... wait... did I say he didn't cause much trouble?)
Rob:
You're right. The drawing has to show what you mentioned and knowing our illustrators, I'm sure whoever will do it will do a good job.
BYW, I can burn you a copy of Wizards if you want. I have downloaded that.
Auggie:
I've got your Glen Ford YUMA. Fitzcarraldo, I've downloaded, but it only copied halfway. Because of this problem, I've ordered a new copy of DVD. Waiting time is 3-4 weeks since it is coming from Germany. I have downloaded THE BURDEN OF DREAM, the docu of the making of Fitzcarraldo.
Make sure, though, to watch the film first before the docu.
I'm sure you will enjoy both. This must be Herzog's masterpiece.
I'll let Heather take care of this and she'll mail them to you and Robby when they're ready.
JM,
Thanks in advance... where are you planning to spend th coming Holidays ?
Auggie
Post a Comment