Sunday, July 29, 2007

time to move on, back to my semi-charmed life

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sa wakas ay tapos na ang mga paghihirap para makapagbasa muli ang masa ng murang komiks. Ngayon ay dapat namang pagtuunan ng pansin ang sariling buhay.

Dumating kasi sa point na sa sobrang pag-aaral ko ng mga konsepto ng komiks ay halos nag-amoy-Fullybooked at Power Books ang bahay namin sa dami ng komiks na binibili ko—bago o back issues gaya ng nasa itaas.

At plano kong i-dispose na ang mga iyon. Sabi ng misis ko, “Just save the WITCH graphic novels. ‘Yung iba ipamigay mo na sa mga kaibigan mo.”

Well...

Marami rin akong paperback novels na nakaligtaan ko nang basahin. Balik na rin ako sa palagiang pagbili ng dyaryo araw-araw. May bagong newspaper publisher na gusto akong kunin early next year kung walang magiging hassle. Nami-miss ko na rin nga ang trabaho sa dyaryo. At dahil magastos na ang buhay, kailangan mas maraming trabaho.

May time na ulit para sa weekend malling naming mag-anak. Noon kasi ay palaging Sabado or Sunday ang miting ng mga beterano. At dahil madalas na naman ako sa bahay kapag tapos na ang obligasyon sa ABS-CBN (The Buzz Magasin), sabi nga ng anak ko ay balik na naman ako sa pagbibigay sa kanya ng corny jokes.

Hindi na rin ako mami-miss ng mga kapitbahay kong tomador (hik!).

Siyempre, laging bagong laba at plantsa na ang mga damit naming mag-anak, yeheeey!

Mapapanooran ko na rin ang bago kong home theater! Yeheeey ulit!

And on a serious note, mabibigyang-pansin ko na ang aking cartooning career na hindi naman umuusad, hahaha!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

6 comments:

Robby Villabona said...

Little Big Bro,

Paki lakihan naman yung mga pictures! Thanks!

ARTLINK STUDIOS said...

Naku...bigay mo na sakin ang iba mong comics na itatapon Sir KC..hekehekehekeh..and thank you in advance..bait nyo po..hekehekehekehek

krykie said...

hello po mr. kc =)
ako si kryk, uhm daughter ni cora torrente. palagi po kayo kinukwento sa akin ni mama. fan nyo po ako. tunay. nabasa ko po yung mga mmk story nyo. ganda n.n sana po ma-meet ko kayo one time. good luck po!

kc cordero said...

big bro,
medyo kinakapa ko pa!

john,
sure...

kryk,
ikaw ba 'yung nag-artistang anak ni ate cora?

krykie said...

mr. kc, ahe. hindi po. uhm nag-dakilang extra kami n.n kapatid ko po ang nag workshop =)

Ner P said...

ako rin, dibs sa komiks at trade!