Wednesday, August 1, 2007

and the winner is...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

You’re not seeing double, folks. Though the similarities are evident, the guy at the right is Danny Marquez; at the left is John Becaro. They are not, in any way, related. Talaga lang may mga taong parang pinagbiyak na artist’s brush.

Si Danny ang huling editor-in-chief ng Atlas Publishing when the once most successful comics publishing folded up in 2005.

Kaibigan ko si Danny, best man nang ikasal ako, ninong ng anak ko. No choice, he’s always around pag may mga importanteng event sa buhay ko.

Drinking buddy ko siya noong magkasama pa kami sa compound ng Atlas. Prior to his ascension as Atlas’ EIC, dati siyang editor sa Mass Media Publishing Company, sister company ng Atlas. He also works in some entertainment mags.

Nauna siyang naging editor kaysa sa akin for about a year, mas nauna nga lang akong yumaman. It may interest you to know that I became Atlas’ editor replacing the more illustrious Fermin Salvador who decided to finish his law proper then. Naging kumpare ko rin si Fermin.

Sa Farmer’s Plaza sa Cubao ang watering hole namin ni Danny. Lagi ko siyang talo sa inuman ng beer. He usually throws up after we down pitchers of draft beer. Ihahatid ko siya sa kanila na di makagulapay, makakauwi pa ako sa boarding house at makapaglalaba. I have an amulet when it comes to beer drinking back then.

I don’t remember any instance na tinalo niya ako sa inuman. Lagi siyang talo sa akin—pagdating sa beer.

Lately, Danny wins real big time. Sa pakontes ni Carlo J. Caparas sa pagsulat ng kuwento sa komiks. I wasn’t aware about the mechanics of the said contest, pero pampainit ito noon sa Comics Caravan. The pot prize: P50,000!

Big time.

Sad to say, he only pocketed around P2,000.

Sabi ng isang nakausap ko na kasali rin sa kontes ay hinati-hati na lang daw ang premyo para sa lahat nang sumali. And since ‘yung kay Danny ang nag-standout, nakapagbulsa siya ng P2,000. Ang ibang lumahok ay P1,500.

I know my friend, hindi siya magrereklamo sa nangyari. Pero ako ang nagka-migraine sa pag-iisip na sana may P50,000 siya pero nawala pa.

This time around, he loses real big time.

Kontes ito. Ang usapang premyo ay dapat napabigay sa declared winner. Pero dahil nagdesisyon ang inampalan, walang nagawa ang mga kalahok.

Hindi naman ito kagaya ng Carlos Palanca Awards na may kontrata/notaryo ang kontes, at malinaw na kailangang sundin ang mechanics dahil may mga nilagdaang papeles. Sa CJC contest, nag-submit lang ang mga kalahok, binasa ng mga hurado, pinili ang winner, and at the last minute ay binago ang ruling sa pagbibigay ng premyo.

Interesting.

Ang punto yata, para raw walang matalo. Para lahat nang sumaling taga-komiks ay masaya.

I’m sure Danny’s real sad with the sudden turn of events. He’s just human to feel like that. Pero hindi na siguro siya nagsalita. Hindi na nagreklamo. He’s a good guy.

May iba pang pakontes sa pagsulat si Carlo, ang iba nga ay nag-perform pa (interpretative reading) at the middle of Sterling-dealers forum which elicited jerks from the bored and rowdy crowd. Hindi ko alam kung nakuha nila ang exact amount ng prize money.

May pakontes uli si Carlo, binanggit ito noong launching ng komiks nila sa NCCA. If Danny’s still joining, I don’t know. Maybe. Unlike me na masyado nang tamad magsulat, Danny’s passion for writing comics is still burning.

Anyway, I am not privy to John Becaro’s activities but I think he’s doing fine with his craft. He’s a dedicated artist, hindi malayong maging big winner din siya sa kanyang proyektong Dugo ng Engkanto. John, just like Danny, has lots of passion about comics.

6 comments:

Anonymous said...

Yung animax ay gumawa rin ng pakulo para lang makahanap ng storya. http://animax-awards.com.

kahit malaki-laki yung premyo, kukunin naman moral rights, pati sa related characters at world ng short story.

sa pagpa-premyong iyon ni Carlo J kaya ay naging parang bayad para sa mga istorya ng mga nakilahok?

kung ginamit nga yung mga istoryang iyon at may pumatok, pwedeng habulin ng original writer si Carlo J para sa rights, unless may na-sign na kontrata.

uh, meron ba?

[sa images mo pala, kung para sa blog yung image, try mo 400 pixels yung width. hehe. kung sa pkmb ok na yung 800 siguro. :) ]

Robby Villabona said...

Hindi yan contest. Con Test -- isang test kung ilan ang ma-co-con ng batikang direktor.

Sinasabi ko sa inyo, huwag na huwag kayo magtitiwala sa taong naka suot ng shades sa gabi.

geneva marcial said...

I didn't join d cjc contest bt ok rin everybody won kc happy lahat. Everybody went home wid something.

Anonymous said...

50,000PHP - 2,000PHP (one winner) =

48,000PHP / 1,500PHP = 32 other entries. Tama ba?

kc cordero said...

joel,
your math must be correct. ganyan karami nga siguro ang sumali.

geneva,
maraming nag-react sa comment mo, nag-text sa akin.

Anonymous said...

oh! can't believe it na heavy drinker ka. nakikita kita noon, nakakausap at wala sa itsura mo. congrats. mahusay kang magdala. and were you serious na mayaman ka na? wow, let's drink to that. suwerte ni misis. tsk tsk... kung alam ko lang na yayaman ka. joke! he he! seriously, nice blog.congrats.