Sunday, September 30, 2007

green day

Kadarating lang niya pero pansamantalang tumigil sa masayang pagkukuwento nang makitang pinapanood ko sa Balitang K ang panayam ng programa kay Carlo Pagulayan. She knows the household rule: Pag may pinagkakaabalahan akong tungkol sa komiks, hindi siya dapat mang-istorbo. Natapos ang segment kay Carlo Pagulayan, at tuloy na siya sa pagkukuwento.
Well, finally their college basketball team beat the Ateneo Blue Eagles at pumasok sila sa kampeonato ng kasalukuyang UAAP laban sa UE Warriors. For the DLSU Green Archers, beating Ateneo Blue Eagles this time of the year for the second slot in the finals is like celebrating Christmas and New Year at the same time.
Nagsimba siya noong umaga bago nakipagkita sa kaklase na makakasama niya papuntang Araneta Coliseum para mag-cheer sa kanilang team. Usually ay sinasamahan ko siya sa mga ganitong lakad, pero sabi ng misis ko, it’s about time na matuto nang lumakad mag-isa ang aming anak. She’s in first year college anyway.
Namulatan niya ang culture na sobrang engross ang mga kolehiyo sa kanilang basketball teams. Madalas akong manood ng NBA games pero hindi man lang siya sumusulyap sa TV screen. Nang magkolehiyo siya at maramdaman ang espiritu ng kumpetisyon at pagtatanggol sa pride ng eskuwelahan lalo na sa sports, madalas na siyang manood ng games. Nakikita kong apektado siya at malungkot kapag natatalo ang kanilang team. Napakabata pa niya para ma-absorb ang paliwanag ko na basketball lang iyon, not a failing grade. But I guess bahagi na talaga ito ng pagkokolehiyo ngayon—ang masira ang mood ng estudyante lalo na kung archrival ang nakakatalo—basketball man o academic excellence.
Nanood kami sa TV nang magwagi ang Archers kontra Ateneo at makakuha ng twice-to-beat advantage sa kung sinumang mananalo sa UST-Ateneo game. Sa sudden death, Ateneo ang nanalo, talsik ang UST (hello, Gerry) at tinalo agad ang Archers sa unang laro, na nagbigay ng malaking worry sa aking anak. Sa likod ng isip ko, nagtataka ako kung bakit hirap na hirap talunin ng Archers ang Ateneo.
May kaba ako na baka manalo pa rin ang Ateneo sa natitira pang laro ngayong araw na ito kaya hindi ako nanood sa TV, pero nang mag-text ang anak ko at ang laman ng kanyang mensahe ay ang kanilang college hymn (Hail to thee our alma mater… hail, hail, hail… etc)—she’s a lot creative that her marginal father— alam kong nanalo ang kanilang team. Nag-normal ang aking blood pressure.
Masayang-masaya ang kanyang pagkukuwento lalo na ang pakikipagkantiyawan sa mga Atenista mula sa pagsakay sa dyip (yes, Virginia, sumasakay sa dyip ang mga taga-exclusive schools), pagpasok sa Araneta Coliseum, at maging sa ladies room. Color-coded ang mga supporters kaya madaling ma-identify. Nang tumunog na ang final buzzer, pakiramdam daw niya’y nasa ibabaw siya ng mundo.
Inisip kong gumawa ng cartoons ni Robby (a true-blooded Atenean) na tinamaan ng malaking palaso (arrow), pero marami na siyang banat na natatanggap sa blog ni Randy, and I decided to be easy on him. We Filipinos don’t kick our enemies when they’re already down on the floor.
Bukas (October 1) ay simula na naman ng aking deadline ng The Buzz Magasin sa ABS-CBN Publishing kung saan napakaraming produkto ng dalawang magkabanggang higanteng kolehiyo. Masarap na naman ang kantiyawan. Baka umapaw ang libreng Starbucks coffee mula sa mga kamag-anak ni Robin Hood. Makakatipid na naman ako ng Nescafe instant three-in-one.
It’s green day for the La Sallians, the Ateneans in their usual blue (sad) mode.
But this is just a basketball game. Bahagi ng interaksyon ng mga kolehiyo. Minsan ay may pikunan (lalo na ang mga Archers na madalas masuspindi), nagkakasakitan, (ang ibang Archers ay dapat boxing ang nilalaro at hindi basketball), pero kapag tapos na ang kani-kanilang kurso at ang mga produkto ng iba’t ibang colleges and universities na dating magkakaribal ay nagkakasama-sama sa iisang kumpanya—pribado man o pampubliko—nagtutuwang at nagkakaisa na sila sa iisang goal: ang maging productive individuals na katulong ng kanilang company in achieving its mission and vision.
To La Sallians, congrats and hope you beat the UE Warriors in the finals. Sa mga Atenista, sabi ng anak ko: See you all next UAAP season.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
HAGGARD BUT EUPHORIC: She’s only fourteen years old, folks… let her savor the victory while it lasts.

Friday, September 28, 2007

Heroes

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Fascinated ako sa illustrated stories bata pa lang ako. Lumaki ako sa pamilyang may regular na kopya ng Liwayway kada linggo. At dahil gubat/nayon ang lugar namin sa Batangas, walang kuryente at sa araw-araw na lang na umpukan ng mga matatanda ay tungkol sa nakaraang WWII ang topic, buhay na buhay sa imahinasyon ko ang aksyon sa El Vibora, na nabasa ko mula sa koleksyon ng aking ama. Nakalimutan ko kung sino ang nobelista ng Impossible Dream pero hangang-hanga ako sa drowing ni Nitoy F. Agustin doon. At dahil fantasy, tungkol sa malaking kabute (mushroom) na naging mahiwagang payong na nagbibigay ng kapangyarihan sa bidang lalaki na bukod sa bulag na ay pinagkaitan pa ng karangyaan sa buhay, marami ring malalaking kabute sa paligid ng aming bahay, at iniisip kong ano kaya at maging mahiwagang payong din iyon, mapasaakin at ibigay ang kung anuman na aking hilingin. O kaya ay makita ko na nakaupo sa ibabaw niyon ang mabait na duwende na tumutulong sa mga kapuspalad. Ah, childhood and the insatiable longing for wonders back then.
Itinuring kong isang sign ng pag-unlad sa aming baryo ang pagkakaroon ng kapitbahay na laging maraming komiks. Bukod sa Liwayway ay may iba pang nababasa. Noon ko na rin na-recognize ang iba pang illustrators at ang kanilang magkakaibang style. Pagbuklat ng komiks, alam na agad kung sino ang nagdrowing.
Dahil mahilig akong magdrowing (the feeling is not mutual), naiisip ko noon na masarap kayang maging dibuhista? At bagama’t wala naman akong reklamo sa payak naming kabuhayan at ang aking ama ay mahusay na provider, iniisip ko kung ano kaya at naging illustrator siya? Sa angkan namin ay maraming mahusay magdrowing. Ang kapatid ng aking ama ay naging arkitekto at nagturo sa FEU (IARFA). Maraming pinsan ko ang archi, draftsman, etc. May mga tiyuhin akong mahusay magpinta. Ang isa kong kuya ay naging T-shirt designer bago naging sabungero. Ang kuwarto ng mga pamangkin ko ngayon ay puno ng Manga posters na sila-sila ang gumawa. I guess ‘yung talent sa art na wala sa akin ay napunta sa anak ko—na ayaw namang magdrowing.
Hindi ko inakala o pinlano na magtrabaho sa komiks, kaya gayun na lang ang tuwa ko nang dumating ang panahon na makasama ko ang halos lahat na comics artists na hinahangaan ko. Hindi ko man nakita ang mahiwagang duwende sa ibabaw ng malaking mushroom, ang makita at makausap ang mga hinahangaang dibuhista ay para na ring paglalakbay sa fantasyland.
At kung noon ay isang tanong sa akin kung ano ang pakiramdam ng maging anak ng isang illustrator, nasagot iyon dahil marami sa kanilang anak-anak ay nakilala at naging kaibigan ko.
Recognizable sila kapag dumarating sa Atlas Publishing. All were young and pretty. Ang tinutukoy ko ay ang mga anak na dalaga ng mga illustrators noong nasa Atlas pa ako. Naghahatid ng drowing ng mga tatay nila, at tagasingil na rin ng payment.
I still remember them. Siguro ay dahil naging part na rin sila ng friendship ko sa kani-kanilang ama. At kung sa panahong ito sila nag-bloom, they can give Kris Aquino’s 26-K a run for their money.
Si Tinkerbelle na anak ni Mang Rico Rival ang una kong na-notice noon. Why not, para silang magkakambal ni Donita Rose. Bukod sa paghahatid ni Tinkerbelle ng mga drowing ni Mang Rico, siya na rin ang nagleletra.
Hindi kami nagkakilala ng anak na dalaga ni Mang Pablo Agualada at hindi ko rin nalaman ang pangalan niya. Natatandaan ko na mahaba ang buhok niya, nakasalamin, shy-type, mukhang intelihente. Bihira kasing kumuha ng trabaho sa akin si Mang Pablo, at kung dumating ang anak niya para maghatid ay paalis na ako sa opisina. Siya rin ‘yung tipo na parang mahirap i-approach dahil masyadong tahimik.
Nagsulat naman sa Extra Komiks na hawak ko noon si Xelerina, nicknamed XY (pronounced EX WHY) na anak ni Mhadzie Sangalang. Nasa college si XY noon. Natatandaan ko na kapag nagpupunta sa publication si Mang Mhadzie ay kasama ang buong pamilya sakay ng kanilang owner-type jeepney. Hindi ko alam kung nag-pursue ng kanyang writing career si XY, at ang huling balita ko sa father niya ay sa US na gumagawa ng komiks.
Sa tagal ko sa Atlas ay na-witness ko ang pagsisimulang mag-aral sa kolehiyo hanggang sa maka-graduate ng anak na dalaga ni Mang Jess Olivares. Umaga siya kung maghatid ng trabaho ng ama, naka-uniform pa. Sa hapon pagkatapos ng klase ay saka naman sisingil. Sabi ni Mang Jess ay employed na ngayon sa isang bangko ang anak niya, at may pamilya na rin.
Cute at parang baby naman ang anak na dalaga ni Rey Legaspi. Hindi matangkad pero charming, masasaya ang mga mata at medyo kulot ang buhok. Noon ay hindi na rin aktibo si Rey na matagal nagdrowing ng ‘My Very Special Love Series’ sa Extra Special bago pa man ako naging editor. Nag-concentrate si Rey sa kanyang music career.
Madalas ding kasama ni Mang Romy Santos ang kanyang anak na dalaga na halos kasintangkad niya. Nakita namin ni Marboy sa NCCA last September 11 si Mang Romy nang tapos na ang CJC-Sterling event. Nang humina ang komiks ay sa mga tabloid na siya nagdrowing. Puti na ang buhok ni Mang Romy early 90s pa lang, puti pa rin hanggang ngayon. I wonder kung nagmana sa pagiging putiin ng buhok niya ang kanyang anak.
Sa mga anak ng illustrators na babae ay kay Maricel, anak ni Mang Fel Rival ako naging close dahil pareho kaming taga-Batangas. Kung hawig si Tinkerbell kay Donita, kay Bianca Gonzales naman si Maricel. Magaganda ang lahi ng mga Rival na babae. Professional dentist na ngayon si Maricel.
Of late, naging friend ko na rin si Grace na anak ni Mang Jess Jodloman, na napaka-supportive sa kanyang ama .
Sa mga lalaking anak ng illustrators ay naging close ko si Ruel na kapatid ni Maricel, Warren (anak ni Charlie Baldorado), isang anak ni Nes Lucero na kung bakit kahit madalas kaming maglaro sa court ng Atlas noon ay di ko na ma-recall ang pangalan, at Jun Malgapo, anak ni Mang Nestor. Si Jun ay isa sa naging best friend ko, at lagi kong tinutukso noon na kaya gustong siya ang naghahatid ng drowing ng ama ay para makakupit.
Hindi ako na-link romantically sa mga anak na babae (at lalaki!) ng mga dibuhista noon. Kapag editor ka, o kahit katrabaho lang nila, iba ang respetong ibibigay mo sa mga taong hinangaan mo at naging childhood heroes. ‘Ika nga, hindi talo.
Mabubuti silang ama ng tahanan. Mababait na kaibigan. Ang iba ay may ego, mayroon namang low-profile. Pero lahat sila ay may puso sa sining. Kaya nga basta tungkol sa komiks, marami sa kanila ay handang gumuhit muli kahit pa stable na sa buhay—para lang sumigla muli ang industry.
I failed to meet Nitoy F. Agustin dahil sa GASI siya naka-concentrate. Naikuwento sa akin ni Bert Lopez, isa ring illustrator, na kay Nitoy siya nanonood noong nag-aaral pa siyang magdrowing. Suplado raw ito, nakatira sa kubo at ayaw na may kasama. Wala akong mapagtanungan if he’s still alive or not.
Kahit umalis na ako sa komiks, I still keep my friendship with them at kapag may nakukuhang raket, kung sino ang available ay tinatawag ko para maka-partner. Mahirap ipaliwanag kung paano ako natuwa na kahit paano, ngayon ay marami sa mga illustrators ang aktibo na muli dahil sa pagbubukas ng Sterling, at iba pang publications next year.
I am a very passive person pero nasasaktan ako kapag binabatikos ang mga beteranong illustrators ngayon. Kung susuriin ang kasaysayan ng komiks, hindi sila dapat sisihin, solely, kung bakit napag-iwanan ng panahon ang kanilang sining; kung bakit takot sila sa computer, kung bakit kung mag-layout sila ay anim-anim na frame pa rin. Ibinaon sila ng lumang industry sa maling sistema, at hindi natin maaasahan na basta sila hahawak ng mouse, Wacom, etc. Ang tanging mali nila, sa aking pananaw, ay ang kawalan nila noon ng vision sa posibleng mangyari sa comics industry sa hinaharap, at minahal nila ang komiks as if the industry is their only life. Ang iba naman ay nakaka-cope sa bagong teknolohiya, o bago pa man humina ang komiks noon ay naghanap na ng ibang trabaho.
I still care for my childhood heroes—the comics beteranos. The ‘comics geniuses’ out there may be right in saying that, like the marginal me, they’re already has-beens and lost their significance in the present industry. My only consolation: The beteranos have proven their worth and their talents, unlike those trash talkers whose artworks we’ve yet to see—kahit man lang sa balutan ng Boy Bawang.

Thursday, September 27, 2007

Free Komiks

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Pagkatapos ng Lupin ay muling nakakuha ng proyektong TV Komiks ang Risingstar Printing Enterprise sa GMA-7, this time ay ang Zhaido, Pulis Pangkalawakan. Its initials suggest ZPP, not ZTE. Uhurm!

Kakaiba sa Lupin, ang Zhaido ay ipamamahagi nang libre, ngunit ipinababahala ng Siyete ang editorial, printing and distribution sa RPE. Isasakay siguro sa mga kopya ng RPE’s bestsellers like Big Hits Song Mag at Pinoy True Ghost Stories. Bukod sa Filipino ay may Cebuano edition; it appears to me that the Rainbow network is now targeting the Visayan market since their ‘mula Apparri hanggang Jolo’ jingle does not hold high water anymore. Wowowee!

I would say it’s a much better deal dahil sigurado ang kita ng RPE, but it’s one venture I heavily disagree. It’s not because I’m an ABS-CBN guy, it’s just that any free Pinoy komiks right now spells trouble for the rejuvenated komiks industry—especially if the title is a takeoff from a TV series and volumes of copies will reach the hands of the readers at no cost at all. Mahirap masanay ang readers sa libre, baka hindi na bumili ng komiks kahit P10 lang.

But I’m not a part-owner of RPE; I’m working for them on a retainer’s basis, and things like this are the owners call.

You, guys, can have a free copy, or free copies, once Zhaido is printed if you want para meron na naman tayong maokray (don’t worry, RPE’s cool). Just give me a buzz. Siyete wants the project to be completed on or before October 15. Same team (writer and illustrator) are doing it as of presstime—or should I say—blogtime.

Sunday, September 16, 2007

what's the latest buzz?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Si Jose Mari Lee, dating comics writer/artist sa Pilipinas at ngayon ay nakabase na sa Canada ang nagsabi sa akin na bakit walang comics section ang The Buzz Magasin kung saan ako ang associate editor. Nakararating ang The Buzz Magasin sa abroad, maganda ang printing at mataas ang sirkulasyon.
Sa mga nakalipas na panahon ay marami kaming ginawang pagbabago sa The Buzz Magasin at idinagdag na section para mapanatili ang pagiging “Number 1 Showbiz Magazine” para hindi ma-bore ang readers kung puro balitang artista. Sa ngayon, ang section na may pinakamaraming followers at nagpapadala ng mail (as in snail mail) ay ang ‘Pwede’—which means ‘Pwedeng Mag-artista’. Malakas talaga ang kaway ng showbiz.
Mataas ang sirkulasyon ng The Buzz Magasin dahil unang-una na ay matagumpay ang TV program kung saan ito hinango—bagama’t ang majority ng mga nilalamang balita ng magasin ay iba kaysa sa TV show. Nakatulong din ang pagiging matapang at palaban ng magasin sapagkat tinatalakay nito maging ang mga kontrobersyal at sensitibong isyu sa Dos. No sacred cow.
Noong unang linggo ng Agosto ay nagkaroon ng miting ang mga editor-in-chief ng ABS-CBN Publishing sa Tagaytay City. Nang magbalik sila ay sinabi sa akin ng EIC ng The Buzz Magasin na tinalakay nila roon ang strength and weaknesses ng bawat titles. At sabi niya ay may mga plano siyang gawin para sa aming magasin, mag-usap daw kami.
Isa sa mga innovation aniya ay ang paglalagay ng komiks para mahatak ang mga bagets na readers. And since mga bagets na readers ang target market na gustong pataasin, kailangan daw na may pagka-superhero ang comics/graphic story.
Naisip ko: Sana maluwag ang schedule ni Gerry Alanguilan. At sana pumayag siya.
Nang matiyak ko na sure na ang pagpapasok ng comics story ay saka pa lang ako nag-e-mail kay Gerry para humingi ng tulong. At salamat na lang dahil pumayag siya. We badly need him!
Nagulat na lang ako na marami sa mga bata pang employee sa ABS-CBN Publishing (twenty-somethings) ang kilala siya dahil sa mga gawa niya sa abroad at sa “Wasted” nang sabihin ko na magkakaroon na ng comics section ang The Buzz at siya nga ang gagawa. Ang iba sa kanila, kuwento sa akin, ay bumibili pa pala kay Gerry pag may comic book signing or conventions. Nagpiyesta ang kanilang mga mata nang ma-download ko na ang unang installment ng “Timawa” na ipinadala ni Gerry thru e-mail.
Nagpapasalamat ako kay Gerry sa pagbibigay niya ng tulong sa The Buzz Magasin. He is well-known in the comics industry here and abroad; a real circulation booster.
I hope na ma-notice ng mga taga-production ng ABS-CBN ang “Timawa” at magkaroon ng chance na ma-produce bilang fantaserye. Kapag nangyari iyon ay lalong mai-inspire ang Pinoy indie comics community.
Sa ngayon ay muling sumisigla ang komiks industry sa ating bansa. At sa aking pananaw, kinakatawan ni Gerry Alanguilan at ng “Timawa” ang kasalukuyang anyo ng Philippine comics pagdating sa story, art, soul and passion.

Friday, September 14, 2007

proof of the pudding

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Bandang hapon na ngayong araw na ito ako nakabili ng mga kopya ng CJC-Sterling comics sa may Pedro Gil, Taft Avenue, malapit sa sakayan ng dyip papunta sa amin sa Pandacan, Manila. Halos lahat nang newsstand doon ay may nagtitinda. Sa isang lola ako bumili at kinumusta ko ang benta. Maayos daw naman. Personal naman niyang opinion: Maganda raw ang komiks. Sa isang sulok ng kanyang stall ay nagbabasa ang kanyang apong babae na sa tingin ko ay 8 years old. Nakaramdam ako ng adrenaline rush; natutuwa ako kapag nakikitang may mga batang nagbabasa.
Sa bahay ko na binasa ang mga komiks. Hindi ako kritiko ng mga panulat at artworks, ang tiningnan ko ay ang pisikal at teknikal na aspeto ng mga komiks.
Kung sa purpose ng branding, may format ang mga komiks cover wise. May border, o puwede na ring sabihing color-coded ang bawat title. Nasa lower left side ang malaking cover price, ang logo lang ng Sterling ang umiiba ng puwesto. Prominente sa ibabaw ng bawat logo ang Che Guevara-inspired photo ni CJC, at ang kanyang pangalan bilang brand ng komiks. Isang innovation ang pinaka-lock na adhesive paper para huwag mabuklat ng mga gusto lang magbasa at ayaw namang bumili.
Hindi na nilagyan ng UV-coat ang coated cover para ma-enhance ang gloss. Sabagay, ang running ng UV-coat sa ganitong size ay P1 (piso), masyado nang mababa ang cover price na P10 para sa dagdag na gastos.
Kinailangan kong gumamit ng magnifying glass para mabistahan ang inside pages na black and white, newsprint. Maganda ang bagsak ng itim na tinta, may mga imahe nga lang na medyo kumapal o namaga.
Hindi ko nakumpirma pero ang sabi ay gumamit ng hi-tech na plate sa printing ng mga komiks na ito at hindi ang tradisyunal na aluminum na ine-expose sa liwanag (contact machine or plate making machine) para magrehistro ang pigura mula sa film o negative. Hindi pa ako aware sa bagong technology na ito, pero mukhang ito na nga ang ginamit. May mga pahina na makikita na ang rehistro ng image ay parang nagmula sa laser printer. Sa palagay ko ay kinakabisa pa ng machine operator ang paggamit sa bagong plantsa (plate) kaya may mga pahina na medyo lumalakas pa ang bigay ng tinta. Printing is offset—sheet feed o isinusubo ang mga papel na pre-cut na; epektibo ito sa black and white printing.
Iniiwan ko sa mga higit na may comics sense ang obserbasyon sa mga kuwento, dibuho at letra. I’m not a comic’s critic, folks.
Sa teknikal na aspeto, napansin ko lang na hindi naging matalas ang copyreader dahil maraming mali. May mga gamit ng salita na hindi dapat, maraming mali sa paggamit ng bantas (punctuation) dahil may mga pangungusap na hindi na nalagyan ng tuldok o period. Hindi rin dapat pinahintulutan ang paggamit ng salitang “kila” na dapat ay “kina.” Ang “kila” ay wala sa balarila bilang isang pantukoy; salita ito ng isang bulol. Sir/Kuya Andy (Beltran, the editor), ito naman ay aking unsolicited advice lang para sa pananatiling lantay ng ating pambansang wika.
Magpakahaba-haba man ang prusisyon, sa simbahan din ang urong. Nasa merkado na ang komiks na naging bahagi ng maraming talakayan at nagkaroon ng sobrang media hype. Ang kailangan na lang patunayan ng CJC-Sterling comics ay ang kanilang staying power depende sa response ng market na kanilang maki-create.
May iba-iba tayong opinion sa mga komiks na ito, at ngayong nasa harapan na natin, maganda na rin na lahat tayo ay bumili at saka magbitaw ng pansariling obserbasyon. The proof of the pudding is in the eating.

(Note: Sa larawan ay props lang ang ‘300’ comics para makunan nang maayos ang 5 CJC-Sterling comics.)

Wednesday, September 12, 2007

'guilty'

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

“A wise man makes his own decisions; an ignorant man follows the public opinion.”

(Caricature by PHILIP V. CRUZ, SKP)

welcome back, mang gary!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Matagal ko na ring hindi nakita si Gary Reyes, illustrator. Last year ay nagkaroon kami ng chance na magkausap at nalaman kong sa Bulacan na siya ngayon naninirahan, dati siyang taga-Tondo, Maynila, bagama’t aniya ay hindi naman niya ipinagbili ang property niya roon. Nagkataon lang na dahil wala namang trabaho sa komiks kaya namalagi muna siya sa Bulacan kasama ang pamilya.

Nagkita kaming muli kamakailan lang sa party ni Boy Baarde. Nagpunta na raw siya sa opisina ng Sterling at nabigyan naman ng trabaho. Sabi ko, sana magtuluy-tuloy na ang trabaho niya gaya ng ibang illustrator na may mga hawak ng nobela. Sabi niya okey lang na short stories muna, kailangan din daw niyang mag-ensayo muna.

Ang article na susulatin ko para sa librong ilalathala nina Randy at Pareng Fermin ay tatalakay sa naging papel ni Mang Gary sa isinagawang welga ng mga illustrator noong 1992, at ang kanyang saloobin sa naganap na ill-fated strike na kanyang pinamunuan—na aniya, kung pinakinggan lang ng management ang kanilang mga hinaing ay hindi sana nagkaroon ng kanser ang ating comics industry.

Welcome back, Mang Gary!

Sunday, September 2, 2007

tito randy sa rodcon; book fair

Nag-drop by kami ng misis ko sa ginaganap na book fair sa World Trade Center along Roxas Boulevard late today (September 2, 2007). ‘Reader-studded’ ang event at napakarami ng nag-participate na publications at bookstores.
Nag-attend din kami sandali ng talakayan sa Read or Die Convention para magbigay ng moral support kay Tito Randy Valiente na isa sa mga panauhing nagsalita, representing the Pinoy komiks community. Naroon din sina Tita Opi, Joe Sabroso (dating Atlas art director ngayon ay empleyado ng Bookman Publishing), at Orvy Jundis.
Hindi ko nakita si Ron Tan sa booth ng Psicom. Naiwan ko ang cellphone ko sa bahay kaya hindi ko nalaman na hinihintay pala ako ni Ner Pedrina sa booth ng Adarna Publishing. Sorry.
My positive observation: Marami pa ring Pinoy ang mahilig magbasa. Sana ganito rin karami ang maging participants and buyers sa darating na Komikon 2007.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Katabi ni Tito Randy ang romance novelist na si Maia Jose, next is Prof. Glady Gimena. I forgot the name of the guy sa kaliwa.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa may entrance ito...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kuha ka muna ng tiket worth P10 para makapasok...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Take note of the "!". Kailangan na nating magbasa...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Booth ng wikifilipinas. Hindi ko makita si Dennis Villegas...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Booth ng Psicom...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ang lane ng mga booth...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Daming tao...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Some cosplayers...

Saturday, September 1, 2007

christmas is just around the corner; boy baarde's in town

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Namana ko ang tradisyon na ito nang ma-employed ako sa Atlas—kailangang magpatugtog ng Christmas carols sa unang araw pagpasok ng ‘ber months’. Ngayon, kahit saan ako naroon kapag September 1, awtomatikong magpapatugtog ako ng awiting pamasko pagkagising. It kinda set the mood of the coming Yuletide Season for me.

At mukhang masaya nga ang pasok ng ‘ber months’. Party agad ang napuntahan ko after lunch na idinaos sa bahay ni Joemari Mongcal sa Quezon City—dumating kasi ang party animal from Canada (according to JM Lee) na si Lazarino ‘Boy’ Baarde. Hatinggabi na natapos ang kasayahan. Ang paboritong topic—komiks.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pasalubong/Christmas gift from Boy. Salamat!