Friday, September 14, 2007

proof of the pudding

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Bandang hapon na ngayong araw na ito ako nakabili ng mga kopya ng CJC-Sterling comics sa may Pedro Gil, Taft Avenue, malapit sa sakayan ng dyip papunta sa amin sa Pandacan, Manila. Halos lahat nang newsstand doon ay may nagtitinda. Sa isang lola ako bumili at kinumusta ko ang benta. Maayos daw naman. Personal naman niyang opinion: Maganda raw ang komiks. Sa isang sulok ng kanyang stall ay nagbabasa ang kanyang apong babae na sa tingin ko ay 8 years old. Nakaramdam ako ng adrenaline rush; natutuwa ako kapag nakikitang may mga batang nagbabasa.
Sa bahay ko na binasa ang mga komiks. Hindi ako kritiko ng mga panulat at artworks, ang tiningnan ko ay ang pisikal at teknikal na aspeto ng mga komiks.
Kung sa purpose ng branding, may format ang mga komiks cover wise. May border, o puwede na ring sabihing color-coded ang bawat title. Nasa lower left side ang malaking cover price, ang logo lang ng Sterling ang umiiba ng puwesto. Prominente sa ibabaw ng bawat logo ang Che Guevara-inspired photo ni CJC, at ang kanyang pangalan bilang brand ng komiks. Isang innovation ang pinaka-lock na adhesive paper para huwag mabuklat ng mga gusto lang magbasa at ayaw namang bumili.
Hindi na nilagyan ng UV-coat ang coated cover para ma-enhance ang gloss. Sabagay, ang running ng UV-coat sa ganitong size ay P1 (piso), masyado nang mababa ang cover price na P10 para sa dagdag na gastos.
Kinailangan kong gumamit ng magnifying glass para mabistahan ang inside pages na black and white, newsprint. Maganda ang bagsak ng itim na tinta, may mga imahe nga lang na medyo kumapal o namaga.
Hindi ko nakumpirma pero ang sabi ay gumamit ng hi-tech na plate sa printing ng mga komiks na ito at hindi ang tradisyunal na aluminum na ine-expose sa liwanag (contact machine or plate making machine) para magrehistro ang pigura mula sa film o negative. Hindi pa ako aware sa bagong technology na ito, pero mukhang ito na nga ang ginamit. May mga pahina na makikita na ang rehistro ng image ay parang nagmula sa laser printer. Sa palagay ko ay kinakabisa pa ng machine operator ang paggamit sa bagong plantsa (plate) kaya may mga pahina na medyo lumalakas pa ang bigay ng tinta. Printing is offset—sheet feed o isinusubo ang mga papel na pre-cut na; epektibo ito sa black and white printing.
Iniiwan ko sa mga higit na may comics sense ang obserbasyon sa mga kuwento, dibuho at letra. I’m not a comic’s critic, folks.
Sa teknikal na aspeto, napansin ko lang na hindi naging matalas ang copyreader dahil maraming mali. May mga gamit ng salita na hindi dapat, maraming mali sa paggamit ng bantas (punctuation) dahil may mga pangungusap na hindi na nalagyan ng tuldok o period. Hindi rin dapat pinahintulutan ang paggamit ng salitang “kila” na dapat ay “kina.” Ang “kila” ay wala sa balarila bilang isang pantukoy; salita ito ng isang bulol. Sir/Kuya Andy (Beltran, the editor), ito naman ay aking unsolicited advice lang para sa pananatiling lantay ng ating pambansang wika.
Magpakahaba-haba man ang prusisyon, sa simbahan din ang urong. Nasa merkado na ang komiks na naging bahagi ng maraming talakayan at nagkaroon ng sobrang media hype. Ang kailangan na lang patunayan ng CJC-Sterling comics ay ang kanilang staying power depende sa response ng market na kanilang maki-create.
May iba-iba tayong opinion sa mga komiks na ito, at ngayong nasa harapan na natin, maganda na rin na lahat tayo ay bumili at saka magbitaw ng pansariling obserbasyon. The proof of the pudding is in the eating.

(Note: Sa larawan ay props lang ang ‘300’ comics para makunan nang maayos ang 5 CJC-Sterling comics.)

13 comments:

ARTLINK STUDIOS said...

Wow! That's cool. kasu ,merun pa kaya mga natitirang copies? anu po yung kalakaran ng pag benta ng komiks nila? mananatili ba sa komiksstands hanggang hindi pa ubos? saan pa kaya pwedeng makakita nito? di paku nakakalabas ng pasig e...pero mghahanap din ako. Thanks sa info Sir! It's collecting time!

Anonymous said...

KC,

Available din ba yan dito sa probinsiya ? hindi pa ako nakaluluwas sa City, para maimbestigahan...


Auggie

Randy P. Valiente said...

almost sold out mga pre. honest, nakausap ko ng personal ang sterling, ipinakita pa sa akin ang tinext ng mga dealers ng mga probi-probinsya.

kc cordero said...

dyanbi (artlink),
pag maganda ang benta ay tiyak na magre-reprint sila. madali ka lang makakabili dahil nasa bangketa. 'yung ibang stalls ay binigyan pa ng posters.

auggie,
pag hanggang next week ay wala pang kopya d'yan sa inyo, e-mail mo ako at padadalhan kita, though usually ay nauuna ang provincial release kaysa sa city/metro release.

randy,
maganda nga raw ang benta. sa binilhan ko, last 2 sets na lang ang inabot ko. ops, may story ka pala sa GWAPO Komiks, ha?

TheCoolCanadian said...

Uncle KC:

Almost 10 years nang walang gumagamit ng neg sa printing. Puro na DIRECT TO PLATE. From the computer, the pdf file is sent directly to the printing plate.

Although nagulat ako kung bakit SHEET FED ang ginamit nila. Kung libug-libog kasi ang kopya, at newsprint pa mandin, the best way is to run it in WEBPRESS. SHEETFED ARE GOOD FOR smaller number of copies and BETTER STOCK. It's even better if they run it in GRAVEUR PRESS. The old Bulaklak used to be rointed this way. But now, dahil siguro sa kamahalan diyan, ang graveur ay ginagamit na lang sa mga plastic para sa packaging. There used to be two graveur press left in RP: CARMELO BAUERMAN and FLEXO.

You may not be a critic, but I'm sure you know how to accept and reject submissions. Now with your arm twisted, CONFESS! Tell us which ones are good and which ones are bad.

Come on, we're waiting...

evEr said...
This comment has been removed by the author.
evEr said...

KC,

Maipagpapatawad siguro ang pagkawindang ng balarila kung ang layon ng manunulat ay ipakita na ang mga tauhan ay mga pangkaraniwang tao na wala o nawalan ng muwang sa wasto at tumpak na pakikipagtalastasan.

What does your thinks?

Randy P. Valiente said...

joe,
yes, web ang gamit nila sa printing. meron silang 6 machines. balak akong akong isama ni martin sa planta nila sa caloocan para makita ko daw ang sistema nila.

kc cordero said...

JM the main man,
pero dito po sa atin ay may gumagamit pa rin ng plantsa sa imprenta, pero 'yung malalaking press like inquirer, philstar, summit, etc... CTP na.
and btw, if you wanna have copies, just lemme know.

randy,
good thing kung web ang gamit nila, pero palagay ko sa cover lang. 'yung napanood ko sa tv patrol na ginamit sa inside pages ay offset. well, pag lumaki ang PO mapipilitan silang mag-web kahit ang inside pages.

kc cordero said...

JM again,
si mang gary reyes ay illustrator (sa tanong mo sa isang blog entry dito). sa mga beterano rito ay siya lang ang nakakakilala sa 'yo. madalas ka raw niyang makita noon, payat ka pa raw pero tisoy na tisoy. :)

Robby Villabona said...

KC,

Palagay ko ay malalim na ang pag-uugat ng "kila" sa Tagalog. Parang iba pang bagong likhang salita gaya ng "tsansa", "tienes-tienes", "chuva-chuva", at "epal".

kc cordero said...

rob,
sa palagay ko nga at medyo mahirap nang gamutin ito, gaya ng 'tas' na ang ibig palang sabihin ay 'tapos'...

pero sana ay maremedyuhan pa.

evEr said...

'Eto isang pet peeve ko: 'Yung kasalukuyang tinatanggap at napaka-popular na pagkapariwara ng pangatnig na "KAYA."

Halimbawa, sisisihin ng isa ang kasama:

A: Hoy, ano ka ba naman? Text ako nang text sa'yo kahapon eh hindi ka naman nagre-reply!

B: Pa'no 'ko re-reply? Wala KAYA akong load?

'Sus me! 'Di ba ang tumpak na sabihin eh: "Pa'no ko re-reply? Hindi KAYA wala akong load?

Ewan, KC, kung meron pang remedyo ("ang ating mga ulo", tanong din ng Juan Dela Cruz band, e-he!).

Ang kalakaran kase, 'yun munang baluktot ang natututunan bago pa man magkaroon ng pagkakataon na mapag-alaman ang tama.