Sunday, September 16, 2007
what's the latest buzz?
Si Jose Mari Lee, dating comics writer/artist sa Pilipinas at ngayon ay nakabase na sa Canada ang nagsabi sa akin na bakit walang comics section ang The Buzz Magasin kung saan ako ang associate editor. Nakararating ang The Buzz Magasin sa abroad, maganda ang printing at mataas ang sirkulasyon.
Sa mga nakalipas na panahon ay marami kaming ginawang pagbabago sa The Buzz Magasin at idinagdag na section para mapanatili ang pagiging “Number 1 Showbiz Magazine” para hindi ma-bore ang readers kung puro balitang artista. Sa ngayon, ang section na may pinakamaraming followers at nagpapadala ng mail (as in snail mail) ay ang ‘Pwede’—which means ‘Pwedeng Mag-artista’. Malakas talaga ang kaway ng showbiz.
Mataas ang sirkulasyon ng The Buzz Magasin dahil unang-una na ay matagumpay ang TV program kung saan ito hinango—bagama’t ang majority ng mga nilalamang balita ng magasin ay iba kaysa sa TV show. Nakatulong din ang pagiging matapang at palaban ng magasin sapagkat tinatalakay nito maging ang mga kontrobersyal at sensitibong isyu sa Dos. No sacred cow.
Noong unang linggo ng Agosto ay nagkaroon ng miting ang mga editor-in-chief ng ABS-CBN Publishing sa Tagaytay City. Nang magbalik sila ay sinabi sa akin ng EIC ng The Buzz Magasin na tinalakay nila roon ang strength and weaknesses ng bawat titles. At sabi niya ay may mga plano siyang gawin para sa aming magasin, mag-usap daw kami.
Isa sa mga innovation aniya ay ang paglalagay ng komiks para mahatak ang mga bagets na readers. And since mga bagets na readers ang target market na gustong pataasin, kailangan daw na may pagka-superhero ang comics/graphic story.
Naisip ko: Sana maluwag ang schedule ni Gerry Alanguilan. At sana pumayag siya.
Nang matiyak ko na sure na ang pagpapasok ng comics story ay saka pa lang ako nag-e-mail kay Gerry para humingi ng tulong. At salamat na lang dahil pumayag siya. We badly need him!
Nagulat na lang ako na marami sa mga bata pang employee sa ABS-CBN Publishing (twenty-somethings) ang kilala siya dahil sa mga gawa niya sa abroad at sa “Wasted” nang sabihin ko na magkakaroon na ng comics section ang The Buzz at siya nga ang gagawa. Ang iba sa kanila, kuwento sa akin, ay bumibili pa pala kay Gerry pag may comic book signing or conventions. Nagpiyesta ang kanilang mga mata nang ma-download ko na ang unang installment ng “Timawa” na ipinadala ni Gerry thru e-mail.
Nagpapasalamat ako kay Gerry sa pagbibigay niya ng tulong sa The Buzz Magasin. He is well-known in the comics industry here and abroad; a real circulation booster.
I hope na ma-notice ng mga taga-production ng ABS-CBN ang “Timawa” at magkaroon ng chance na ma-produce bilang fantaserye. Kapag nangyari iyon ay lalong mai-inspire ang Pinoy indie comics community.
Sa ngayon ay muling sumisigla ang komiks industry sa ating bansa. At sa aking pananaw, kinakatawan ni Gerry Alanguilan at ng “Timawa” ang kasalukuyang anyo ng Philippine comics pagdating sa story, art, soul and passion.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
dalaw po kayo dito http://rodelsworldinvasion.blogspot.com/
astig!
bibili na ko ng The Buzzz!!!!!!
Ingkong KC:
Maraming salamat sa additional item sa magazine ninyo. Maganda ito.
Bakit hindi ka maglagay ng love story mo as well? Maraming mga kababaihan ang mai-in-love sa ganyan. Pilipitin mo ang braso ni LAN MEDINA, para dalawang mga ASTIG ang gagawa ng komiks diyan. Huwag ka nang mag-atubili. You can't go wrong with this idea. Lalong dadami ang mga bibili dito sa north America ng The Buzz :)
Post a Comment