Matagal ko na ring hindi nakita si Gary Reyes, illustrator. Last year ay nagkaroon kami ng chance na magkausap at nalaman kong sa Bulacan na siya ngayon naninirahan, dati siyang taga-Tondo, Maynila, bagama’t aniya ay hindi naman niya ipinagbili ang property niya roon. Nagkataon lang na dahil wala namang trabaho sa komiks kaya namalagi muna siya sa Bulacan kasama ang pamilya.
Nagkita kaming muli kamakailan lang sa party ni Boy Baarde. Nagpunta na raw siya sa opisina ng
Ang article na susulatin ko para sa librong ilalathala nina Randy at Pareng Fermin ay tatalakay sa naging papel ni Mang Gary sa isinagawang welga ng mga illustrator noong 1992, at ang kanyang saloobin sa naganap na ill-fated strike na kanyang pinamunuan—na aniya, kung pinakinggan lang ng management ang kanilang mga hinaing ay hindi sana nagkaroon ng kanser ang ating comics industry.
Welcome back, Mang Gary!
1 comment:
Ingkong KC:
Ito bang Gary ay dating lettering artist doon sa Atlas? Parang hawig siya doon sa isang nagle-letra.
Post a Comment