Friday, September 28, 2007
Heroes
Fascinated ako sa illustrated stories bata pa lang ako. Lumaki ako sa pamilyang may regular na kopya ng Liwayway kada linggo. At dahil gubat/nayon ang lugar namin sa Batangas, walang kuryente at sa araw-araw na lang na umpukan ng mga matatanda ay tungkol sa nakaraang WWII ang topic, buhay na buhay sa imahinasyon ko ang aksyon sa El Vibora, na nabasa ko mula sa koleksyon ng aking ama. Nakalimutan ko kung sino ang nobelista ng Impossible Dream pero hangang-hanga ako sa drowing ni Nitoy F. Agustin doon. At dahil fantasy, tungkol sa malaking kabute (mushroom) na naging mahiwagang payong na nagbibigay ng kapangyarihan sa bidang lalaki na bukod sa bulag na ay pinagkaitan pa ng karangyaan sa buhay, marami ring malalaking kabute sa paligid ng aming bahay, at iniisip kong ano kaya at maging mahiwagang payong din iyon, mapasaakin at ibigay ang kung anuman na aking hilingin. O kaya ay makita ko na nakaupo sa ibabaw niyon ang mabait na duwende na tumutulong sa mga kapuspalad. Ah, childhood and the insatiable longing for wonders back then.
Itinuring kong isang sign ng pag-unlad sa aming baryo ang pagkakaroon ng kapitbahay na laging maraming komiks. Bukod sa Liwayway ay may iba pang nababasa. Noon ko na rin na-recognize ang iba pang illustrators at ang kanilang magkakaibang style. Pagbuklat ng komiks, alam na agad kung sino ang nagdrowing.
Dahil mahilig akong magdrowing (the feeling is not mutual), naiisip ko noon na masarap kayang maging dibuhista? At bagama’t wala naman akong reklamo sa payak naming kabuhayan at ang aking ama ay mahusay na provider, iniisip ko kung ano kaya at naging illustrator siya? Sa angkan namin ay maraming mahusay magdrowing. Ang kapatid ng aking ama ay naging arkitekto at nagturo sa FEU (IARFA). Maraming pinsan ko ang archi, draftsman, etc. May mga tiyuhin akong mahusay magpinta. Ang isa kong kuya ay naging T-shirt designer bago naging sabungero. Ang kuwarto ng mga pamangkin ko ngayon ay puno ng Manga posters na sila-sila ang gumawa. I guess ‘yung talent sa art na wala sa akin ay napunta sa anak ko—na ayaw namang magdrowing.
Hindi ko inakala o pinlano na magtrabaho sa komiks, kaya gayun na lang ang tuwa ko nang dumating ang panahon na makasama ko ang halos lahat na comics artists na hinahangaan ko. Hindi ko man nakita ang mahiwagang duwende sa ibabaw ng malaking mushroom, ang makita at makausap ang mga hinahangaang dibuhista ay para na ring paglalakbay sa fantasyland.
At kung noon ay isang tanong sa akin kung ano ang pakiramdam ng maging anak ng isang illustrator, nasagot iyon dahil marami sa kanilang anak-anak ay nakilala at naging kaibigan ko.
Recognizable sila kapag dumarating sa Atlas Publishing. All were young and pretty. Ang tinutukoy ko ay ang mga anak na dalaga ng mga illustrators noong nasa Atlas pa ako. Naghahatid ng drowing ng mga tatay nila, at tagasingil na rin ng payment.
I still remember them. Siguro ay dahil naging part na rin sila ng friendship ko sa kani-kanilang ama. At kung sa panahong ito sila nag-bloom, they can give Kris Aquino’s 26-K a run for their money.
Si Tinkerbelle na anak ni Mang Rico Rival ang una kong na-notice noon. Why not, para silang magkakambal ni Donita Rose. Bukod sa paghahatid ni Tinkerbelle ng mga drowing ni Mang Rico, siya na rin ang nagleletra.
Hindi kami nagkakilala ng anak na dalaga ni Mang Pablo Agualada at hindi ko rin nalaman ang pangalan niya. Natatandaan ko na mahaba ang buhok niya, nakasalamin, shy-type, mukhang intelihente. Bihira kasing kumuha ng trabaho sa akin si Mang Pablo, at kung dumating ang anak niya para maghatid ay paalis na ako sa opisina. Siya rin ‘yung tipo na parang mahirap i-approach dahil masyadong tahimik.
Nagsulat naman sa Extra Komiks na hawak ko noon si Xelerina, nicknamed XY (pronounced EX WHY) na anak ni Mhadzie Sangalang. Nasa college si XY noon. Natatandaan ko na kapag nagpupunta sa publication si Mang Mhadzie ay kasama ang buong pamilya sakay ng kanilang owner-type jeepney. Hindi ko alam kung nag-pursue ng kanyang writing career si XY, at ang huling balita ko sa father niya ay sa US na gumagawa ng komiks.
Sa tagal ko sa Atlas ay na-witness ko ang pagsisimulang mag-aral sa kolehiyo hanggang sa maka-graduate ng anak na dalaga ni Mang Jess Olivares. Umaga siya kung maghatid ng trabaho ng ama, naka-uniform pa. Sa hapon pagkatapos ng klase ay saka naman sisingil. Sabi ni Mang Jess ay employed na ngayon sa isang bangko ang anak niya, at may pamilya na rin.
Cute at parang baby naman ang anak na dalaga ni Rey Legaspi. Hindi matangkad pero charming, masasaya ang mga mata at medyo kulot ang buhok. Noon ay hindi na rin aktibo si Rey na matagal nagdrowing ng ‘My Very Special Love Series’ sa Extra Special bago pa man ako naging editor. Nag-concentrate si Rey sa kanyang music career.
Madalas ding kasama ni Mang Romy Santos ang kanyang anak na dalaga na halos kasintangkad niya. Nakita namin ni Marboy sa NCCA last September 11 si Mang Romy nang tapos na ang CJC-Sterling event. Nang humina ang komiks ay sa mga tabloid na siya nagdrowing. Puti na ang buhok ni Mang Romy early 90s pa lang, puti pa rin hanggang ngayon. I wonder kung nagmana sa pagiging putiin ng buhok niya ang kanyang anak.
Sa mga anak ng illustrators na babae ay kay Maricel, anak ni Mang Fel Rival ako naging close dahil pareho kaming taga-Batangas. Kung hawig si Tinkerbell kay Donita, kay Bianca Gonzales naman si Maricel. Magaganda ang lahi ng mga Rival na babae. Professional dentist na ngayon si Maricel.
Of late, naging friend ko na rin si Grace na anak ni Mang Jess Jodloman, na napaka-supportive sa kanyang ama .
Sa mga lalaking anak ng illustrators ay naging close ko si Ruel na kapatid ni Maricel, Warren (anak ni Charlie Baldorado), isang anak ni Nes Lucero na kung bakit kahit madalas kaming maglaro sa court ng Atlas noon ay di ko na ma-recall ang pangalan, at Jun Malgapo, anak ni Mang Nestor. Si Jun ay isa sa naging best friend ko, at lagi kong tinutukso noon na kaya gustong siya ang naghahatid ng drowing ng ama ay para makakupit.
Hindi ako na-link romantically sa mga anak na babae (at lalaki!) ng mga dibuhista noon. Kapag editor ka, o kahit katrabaho lang nila, iba ang respetong ibibigay mo sa mga taong hinangaan mo at naging childhood heroes. ‘Ika nga, hindi talo.
Mabubuti silang ama ng tahanan. Mababait na kaibigan. Ang iba ay may ego, mayroon namang low-profile. Pero lahat sila ay may puso sa sining. Kaya nga basta tungkol sa komiks, marami sa kanila ay handang gumuhit muli kahit pa stable na sa buhay—para lang sumigla muli ang industry.
I failed to meet Nitoy F. Agustin dahil sa GASI siya naka-concentrate. Naikuwento sa akin ni Bert Lopez, isa ring illustrator, na kay Nitoy siya nanonood noong nag-aaral pa siyang magdrowing. Suplado raw ito, nakatira sa kubo at ayaw na may kasama. Wala akong mapagtanungan if he’s still alive or not.
Kahit umalis na ako sa komiks, I still keep my friendship with them at kapag may nakukuhang raket, kung sino ang available ay tinatawag ko para maka-partner. Mahirap ipaliwanag kung paano ako natuwa na kahit paano, ngayon ay marami sa mga illustrators ang aktibo na muli dahil sa pagbubukas ng Sterling, at iba pang publications next year.
I am a very passive person pero nasasaktan ako kapag binabatikos ang mga beteranong illustrators ngayon. Kung susuriin ang kasaysayan ng komiks, hindi sila dapat sisihin, solely, kung bakit napag-iwanan ng panahon ang kanilang sining; kung bakit takot sila sa computer, kung bakit kung mag-layout sila ay anim-anim na frame pa rin. Ibinaon sila ng lumang industry sa maling sistema, at hindi natin maaasahan na basta sila hahawak ng mouse, Wacom, etc. Ang tanging mali nila, sa aking pananaw, ay ang kawalan nila noon ng vision sa posibleng mangyari sa comics industry sa hinaharap, at minahal nila ang komiks as if the industry is their only life. Ang iba naman ay nakaka-cope sa bagong teknolohiya, o bago pa man humina ang komiks noon ay naghanap na ng ibang trabaho.
I still care for my childhood heroes—the comics beteranos. The ‘comics geniuses’ out there may be right in saying that, like the marginal me, they’re already has-beens and lost their significance in the present industry. My only consolation: The beteranos have proven their worth and their talents, unlike those trash talkers whose artworks we’ve yet to see—kahit man lang sa balutan ng Boy Bawang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Salamat sa pag-share ng experience mo at opinyon mo tungkol sa mga beterano:)
Mabuti na lang at wala na ako diyan noong naging editor ka.Kung hindi ay baka magkasama tayo sa lasingan at puntahan sa Beer house!Anyway...maraming salamat sa pagmamalasakit mo sa mga beterano.I feel the same too.Kailangan ko na nga palang i-email sa yo yung COVER na inassign mo sa akin.( that's if kung kailangan mo parin)Kung hindi na, igagawa na lang kita ng Cover na kailangan mo...just say when.
I'm with you....
DB
mang dell,
darating din ang time na magkakainuman tayo. si boy (baarde) ay nakatagayan ko na. pag nagbakasyon kayo, tiyak na tiyak 'yon.
silent mode po ako ngayon pagdating sa komiks project pero pag next year ay meron, i'll ask for your help.
sana magtuluy-tuloy ang nobela n'yo sa komiks ng sterling, kokolektahin ko ang mga gawa n'yo.
more power, mang dell. :)
-kc
Mabuhay ang mga haligi ng komiks industry! Kung wala sila, walang komiks.
-JSJ
wahahahaha! horny? or hornier?
kulit!:XD
ayus yung cartooning natin ngayun Sir! Lalong Nagiging pulido habang
tumatagal!
KC, ang ganda ng iyong kasaysayan, diyata at uncle mo ang aking naging teacher si Professor Pedro Cordero sa FEU IARFA. Nag komiks din ako noon sa Atlas kay Mr. Ruben Pesebre ako lagi nakakakuha ng script sayang di kita nakilala noon, di nagtagal ay napasok ako sa animation at iniwan ko na ang una kong pag-ibig ang komiks.
aries,
yes, sir... uncle ko po si don pedro, the chickboy, hehe. his former female studes used to call him richard gomez. my uncle is now at peace with our lord. younger brod siya ng tatay ko. it's nice to meet people who knew my dear uncle. :)
dyanbi,
basta aasarin ko kayong mga kaibigan ko, inaayos ko ang cartooning! :)
World Of Warcraft gold for cheap
wow power leveling,
wow gold,
wow gold,
wow power leveling,
wow power leveling,
world of warcraft power leveling,
wow power leveling,
cheap wow gold,
cheap wow gold,
maternity clothes,
wedding dresses,
jewelry store,
wow gold,
world of warcraft power leveling
World Of Warcraft gold,
ffxi gil,
wow account,
world of warcraft power leveling,
buy wow gold,
wow gold,
Cheap WoW Gold,
wow gold,
Cheap WoW Gold,
wow power leveling
world of warcraft gold,
wow gold,
evening gowns,
wedding gowns,
prom gowns,
bridal gowns,
oil purifier,
wedding dresses,
World Of Warcraft gold
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow power level,
wow power level,
wow power level,
wow power level,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow po,
wow or,
wow po,
world of warcraft gold,
cheap world of warcraft gold,
warcraft gold,
world of warcraft gold,
cheap world of warcraft gold,
warcraft gold,buy cheap World Of Warcraft gold
Maple Story mesos,
MapleStory mesos,
ms mesos,
mesos,
SilkRoad Gold,
SRO Gold,
SilkRoad Online Gold,
eq2 plat,
eq2 gold,
eq2 Platinum,
EverQuest 2 Platinum,
EverQuest 2 gold,
EverQuest 2 plat,
lotro gold,
lotr gold,
Lord of the Rings online Gold,
wow powerleveling,
wow powerleveling,
wow powerleveling,
wow powerleveling,world of warcraft power leveling
ffxi gil,ffxi gil,ffxi gil,ffxi gil,final fantasy xi gil,final fantasy xi gil,final fantasy xi gil,final fantasy xi gil,world of warcraft gold,cheap world of warcraft gold,warcraft gold,world of warcraft gold,cheap world of warcraft gold,warcraft gold,guildwars gold,guildwars gold,guild wars gold,guild wars gold,lotro gold,lotro gold,lotr gold,lotr gold,maplestory mesos,maplestory mesos,maplestory mesos,maplestory mesos, maple story mesos,maple story mesos,maple story mesos,maple story mesos,
i3o6y7ry
World Of Warcraft gold for cheap
wow power leveling,
wow gold,
wow gold,
wow power leveling,
wow power leveling,
world of warcraft power leveling,
world of warcraft power leveling
wow power leveling,
cheap wow gold,
cheap wow gold,
buy wow gold,
wow gold,
Cheap WoW Gold,
wow gold,
Cheap WoW Gold,
world of warcraft gold,
wow gold,
world of warcraft gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold,
wow gold
buy cheap World Of Warcraft gold s3h6f7nn
Post a Comment