Nag-drop by kami ng misis ko sa ginaganap na book fair sa World Trade Center along Roxas Boulevard late today (September 2, 2007). ‘Reader-studded’ ang event at napakarami ng nag-participate na publications at bookstores.
Nag-attend din kami sandali ng talakayan sa Read or Die Convention para magbigay ng moral support kay Tito Randy Valiente na isa sa mga panauhing nagsalita, representing the Pinoy komiks community. Naroon din sina Tita Opi, Joe Sabroso (dating Atlas art director ngayon ay empleyado ng Bookman Publishing), at Orvy Jundis.
Hindi ko nakita si Ron Tan sa booth ng Psicom. Naiwan ko ang cellphone ko sa bahay kaya hindi ko nalaman na hinihintay pala ako ni Ner Pedrina sa booth ng Adarna Publishing. Sorry.
My positive observation: Marami pa ring Pinoy ang mahilig magbasa. Sana ganito rin karami ang maging participants and buyers sa darating na Komikon 2007.
Katabi ni Tito Randy ang romance novelist na si Maia Jose, next is Prof. Glady Gimena. I forgot the name of the guy sa kaliwa.
Sa may entrance ito...
Kuha ka muna ng tiket worth P10 para makapasok...
Take note of the "!". Kailangan na nating magbasa...
Booth ng wikifilipinas. Hindi ko makita si Dennis Villegas...
Booth ng Psicom...
Ang lane ng mga booth...
Daming tao...
Some cosplayers...
6 comments:
thanks kuya kc. bigla kayong nawala, hinanap ko kayo. si mario lang nakita ko na gagala-gala dun hahahaha
randy,
medyo marami pang pinuntahan, sunday kasi. hindi nga ako nakabili ng books, andaming tao ang sikip.
marami bang indy na titles nakapaglagay dito? nung sumulat kasi ako sa website nila. deadma hehe.
gilbert,
sa bookfair mukhang wala, puro malalaking publishers. di bale, sa komikon kitakits, indie na rin ako.
hello po,
mr. kc na-email ko na po ang story ni mama n.n thanks!
kryk,
thanks, regards to your mom.
Post a Comment